Destined (Montenegro Series #...

By ynknpaper

364K 6.7K 814

Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind... More

Destined
SIMULA
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
WAKAS
Playlist
Author's Note

07

8.8K 210 44
By ynknpaper

Halos mapagod ako sa dami ng pinuntahan naming table. Tinawag na kami ng event organizer dahil gagawin namin yung engagement rites or something. Tinawag na kami sa stage. Nagulat ako ng biglang lumuhod sa harapan ko si Salem. Halos lahat ng tao ay nasiyahan sa nakita. If only they all knew.

"Savannah Quizon, unti lang ang panahon na pinagsamahan natin pero those days were worth it and worth reliving for. I want to formally ask you to spend the rest of my life with. Will you be Mrs. Montenegro?" he asks and I sighed. Again, I wanted to say no. Gustong gusto kong humindi pero sino ba ako?

"Yes." sabi ko. "Yes." ulit ko at ngumiti naman siya ng peke sakin at isinuot ang engagement ring namin. Niyakap niya ako na ikinagulat ko. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit pabalik.

Nakaupo ako ngayon sa table ng mga kaibigan ko. The other guests are gone now at puro kasing edad na lang namin ang narito. May after party palang nirequest ang magpipinsan. I am staring at my hand where the ring is located. Hindi ako makapaniwala na engage na ako. Engage na ako sa crush ko. I should be happy pero hindi ko magawang matuwa.

"You should be partying, Sav." saad sa akin ni Corrine ng makapunta siya sa kinauupuan ko. Nakita ko si Salem na halos magsaya na kasama ng mga kaibigan niya. "Sorry, if some of my cousins ay snob ah. Like I don't get it. Hindi lang naman si Salem ang nahihirapan sa sitwasyon na ito." sabi niya ata napangiti naman ako.

"I'm fine, Corrine. Don't worry about me." she shook her head at hinila na ako patayo.

"You should be partying bago ka matali sa pinsan ko at maging ganap na Montenegro." sabi niya at lumapit kami sa mga kaibigan nila. She handed me a glass and urged me to drink. Nag-comply na lang ako at chineer niya naman ako. Hindi ko na nabilang kung ilan ang nainom ko pero ayos pa naman ako.

"Dude, your fiance is wasted now. Iuwi mo na yan." narinig kong sambit ng isa sa mga kaibigan ni Salem. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko at bumulong sa tenga ko. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid pero kinakabahan ako. Lasing na si Salem dahil kanina pa siya umiinom.

"Stop drinking. Let's go na." bulong niya at tumango lang ako. Hinawakan niya ang braso ko at naglakad na kami palayo.

"Don't forget to use protection, bro." I heard Kian shouted at nagsitawanan naman silang lahat. Hindi ko alam kung kaya niya pa ba mag-drive. I can't drive.

"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ko medyo tipsy na ako. Tumango lang siya at hindi ako pinansin. Sumakay na ako sa sasakyan niya at nakita ko siyang bumuntong hininga.

"Are you sure? I can call Kuya naman." saad ko at tumango lang siya ulit. He start the engine of his car and drove away from the venue.

Nakarating kami sa bahay ng safe. Akala ko lasing siya pero baka tipsy lang din siya katulad ko. My Mom offered na mag-stay siya sa bahay ngunit tumanggi siya. Hindi ko na sila pinansin at hindi na ako nakapagpaalam dahil pumasok na ako at umakyat papuntang kwarto ko.

.

Kinabukasan ay nagising ako ng masakit ang ulo. Nainis ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit at nakakahilamos. Napagpasiyahan ko na lang na maligo para pati katawan ko ay malinisan na rin. Nakarinig ako ng mga ingay sa baba namin siguro ay nagliligpit ang mga kasambahay namin.

"Tita, ang sarap po nito." narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakunot ang noo ko at dali-daling pumunta sa kusina.

Nagulat ako ng kumpleto ang buong magpipinsang Montenegro sa kusina namin. Tumikhim ako at lahat sila ay napalingon sa akin. Hindi pa naman maayos yung suot ko ngayon. Nakat-shirt lang ako at maikling short na itim.

"Good morning, Sav!" bati ni Kian na siyang bumasag ng katahimikan sa kusina. Napatingin ako kay Mama at ngumiti lang siya sa akin. Inakbayan ako ni Kian.

"Musta tulog natin?" tanong niya at inirapan ko lang siya at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Pati ba naman fiance ni Salem lalandiin mo?" pangangasar ni Gio at tumawa naman si Johan ng malakas. Kian secretly put up his middle finger at his brother.

"Aalis daw kayo." sabi ni Mama sa akin ng makalapit ako sa kanya para batiin siya. Napakunot naman ang noo ko.

"Aalis?" tanong ko.

"We have this tradition na every after exams ay nag-ououting kami." sabat ni Salem at tumango lang ako sa kanya.

"Ano oras alis natin?" tanong ko habang kumukuha ako ng sandwich na ginawa ni Mama.

"Tita, oh. Si Kian." narinig kong sumbong ni Corrine kay Mommy.

Napailing na lang si Mommy at lumapit na sa magpipinsan para bigyan pa ng pagkain. Kumuha ako ng bowl habang kumakain ng sandwich at kumuha ng cereals at fresh milk.

"You eat that in that the morning?" tanong niya habang pinagmamasdan ang pagkain ko.

"Yes." tiningnan ko siya at umiling lang siya.

Ang gwapo ng suot niya ngayon. Nakasando lang siya at beach shorts. Litaw na litaw ang moreno niyang kulay sa suot niya at syempre yung laki din ng katawan niya. Nakangiti akong nagsalin ng cereal sa bowl ko.

"Tawagan ko sina Brielle?" tanong ni Johan sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"May hangover ka ba?" tanong niya at kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Ayoko lang magsalita ngayon." 

"Abno." asar niya at pinakyuhan ko lang siya ng patago.

"Kainin niyo lang yan. Sav, pagtapos niyan ay maghanda ka na ng gamit mo." utos ni Mommy.

"Papayagan mo ko?" Hindi ako makapaniwala. Mommy is not strict about this pero when it comes to outing mahigpit siya. 

"Yes," she said while preparing another batch of sandwiches for them.

"Why?" tanong ko.

"Anong why? Nandyan naman ang fiance mo. I'm sure he won't let anything happen to you." sabi ni Mom at napailing na lang ako. If only she knew that me and Salem are not in good terms like she thought we were.

Umakyat ako sa kwarto ko. Kasama ko si Isla at Corrine dahil tutulungan daw nila akong mag-impake.

"I'm so excited, Ate. This is the first time na may kasama tayong iba sa outing na to." saad niya at napalingon naman ako sa kanilang dalawa.

"Hindi kayo nagsasama ng iba?" I asks and they both nodded. "Why?"

"Masyadong maarte sina Kian. Kahit ganon yon at maraming kakilala, gusto niyo kapag family. Strictly family lang." tumango naman ako sa nalaman na impormasyon galing kay Corrine.

"Bring two piece, ate. A lot of them." sabi ni Isla. Kinuha ko ang isang back pack ko at kumuha ng mga kailangan ko. Nagbaon ako ng tatlong swim suit dahil sabi ni Isla.

"I'm really happy na Kuya Salem is going to marry you. I mean, I know it is an arranged marriage pero kahit na." she told me and I just smiled at her.

"Feel free to talk to us, Sav. After all, tatlong babae lang naman tayo sa era ngayon ng Montenegro." natawa naman ako sa sinabi niya.

.

May white van na nakaparada sa labas ng bahay namin paglabas ko. Mukhang planado talaga nila ito at halatang napasama lang ako dito. Sinundo namin sina Irish sa kabilang street ng village namin. Tumigil kami sa isang coffee shop at kinabahan ako ng makita ko si Imee kasama ang ilang kaibigan niya.

"Ate Imee." masayang sabi ni Isla at yumakap sa bagong dating.

"Namiss din kita." malumanay na sambit ni Imee.

"Glad that you can join us." Ajeer said. Napaiwas lang ako ng tingin ng magkatabing umupo si Imee at Salem.

"Te, hindi ko naman alam na may kasama palang iba ang fiance mo." bulong ni Irish sa akin.

"Manahimik ka na lang." sambit ko at tinawanan naman niya ako. Alam niya kasing badtrip ako.

.

Nakarating na kami sa beach resort na paliliguan namin. It was a long trip. Mga tatlong oras ata ang inabot ng byahe dahil sa traffic. Kanya kanya kaming labas ng van. Mukhang sanay na sa ganitong set up ang mga kaibigan ni Imee. Perhaps, kasama na sila noon pa sa mga ganito ang magpipinsan.

"Irish ko, tabi tayo sa kwarto." rinig kong request ni Kian. Napadaing ito dahil siniko ni Irish.

"Manahimik kang malandi ka. Tara na, Sav." saad nito. Siya lang kasi ang nakasama sa amin. Brielle is in Tokyo, Japan right now at si Carson naman ay grounded.

May beach house dito sa resort ang pamilya nila Salem so I think we will stay there. Malaki ito at halatang pinasadya talaga ito. Pumasok na kami ni Irish sa isang kwarto at humiga naman ako.

"Ano te? Walang pag-galaw? Tara na, ligo na tayo." yaya niya sa akin habang naghahalungkat siya sa bag niya.

"Inaantok pa ako." sabi ko sabay takip sa mata ko. Itatry ko sanang matulog kaso hinampas ako ng mahina ni Irish sa braso.

"Hindi pwedeng antukin. Atsaka nandon yung fiance mo, may kasamang iba." sabi niya at napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo siya. Wala naman kaming pake sa isa't isa." sabi ko at ipinikit ulit ang mata ko.

"Atleast, do this for me? Let's just have fun." tinanggal niya ang takip ko sa mata at tiningnan sa mata na nagmamakaawa.

"Fine." napatili siya sa sagot ko. Kumuha na ako ng blue two piece na baon ko. Sinuot ko ulit ang suot ko papunta dito at lumabas na. Halos nagkakasiyahan na sila sa shore ng lumabas kami.

"Dapat hindi ka na nagsuot ng ganiyan. Tara na." sabi ni Irish sa akin.

"Susunod na lang ako. Inaantok talaga ako." sabi ko at tumango naman siya. Umupo ako sa buhanginan at pinagmasdan silang lahat. Napadako ang tingin ko sa nag-eenjoy na Imee at Salem. I can't help but to smile. Ang saya nila tingnan. Imagine if hindi kami umepal edi dapat mas masaya pa sila ngayon.

"Bawal KJ dito." napalingon ako sa dumalo sa akin sa buhanginan.

"Hindi ako KJ. Inaantok lang ako." sagot ko kay Johan na basang basa na ang buong katawan. Minsan tinatanong ko sarili ko bakit hindi si Johan naging crush ko. I mean, gwapo naman siya pero hindi ko lang talaga siya type.

"Ano ba namang tingin yan? Pafall." sabi niya at natawa naman ako ng sinabi niya yung linya ni Kathryn sa She's Dating the Gangster.

"Gago."

"Hindi ka talaga maliligo? Malamig yung tubig." pang-uudyok niya.

"Tinawag ako dito ni Irish para kumbinsihin ka kasi hindi ka daw niya mapilit. Gusto mo yung crush mo mamilit sayo?" sabi niya at inirapan ko lang siya.

"Salem!"

"Gago ka." bulyaw ko ng takpan ko ang bunganga niya. Lumingon sa kanya si Salen at nag-gesture si Johan ng wala.

"Tara na kasi." sabi niya habang tinatawanan ako. Napabuntong hininga ako at tumayo na. Hinubad ko ang suot ko at tiningnan si Johan.

"Tara na." saad ko sabay lahad ng kamay ko.

"Tangina ka, para akong nakanood ng porn." saad niya at natawa naman ako.

"Mahalay lang utak mo."

Lumapit na ako kay Irish at nag laro naman kaming dalawa. Inabot na kami ng hapon kakaligo sa beach.

"Punta tayo dun sa talon." yaya ni Dale at nauna ng maglakad sa amin. Sinuot ko ang shorts ko at binitbit ang pantaas ko. Medyo nahuli ako kaya nagulat ako ng pag-angat ko ng tingin ay hinihintay ako ni Salem.

"Nag-text ka na ba sa Mom mo?" tanong niya.

"Huh?"

"I'm asking if you already texted your Mom. She's been texting me nonstop simula nung umalis tayo." sabi niya. Napailing naman ako. I made a mental note na gagawin ko ito pag pasok ko sa kwarto mamaya.
Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at umiba ng daan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Cliff diving." he simply answered.

"Pwede?" naeexcite na tanong ko and he nodded while he is guiding me paakyat.

"Yes."

"Excited na ako. First time ko 'to. I always wanted to cliff jump pero natatakot ako." sabi ko. Tinulungan niya ako makaakyat sa isang bato and I think we are on top na.

"Let's have a deal." he said and I look at him. I smiled nung naisip kong lagi ko siyang pinagmamasdan. I wonder when will it change. Maybe never.

"What deal?" I replied. He look straight into my eyes like he's searching for something.

"Kapag ako ang unang umahon to catch a breath, I'll stop seeing Imee for your sake." he started at kinabahan naman ako sa kondisyon niya.

"And if I did? Kung ako ang nauna?" tanong ko.

"You will allow me to meet Imee hangga't hindi pa tayo kasal." he firmly said and I sighed. Bakit ngayon pa lang alam ko nang talo ako? Pero syempre ako si tanga eh.

"Okay."

"Okay. On count of three. he said and held my hands.

'Kung yun 'yung magpapasaya sa kaniya kahit kunti lang edi ibibigay ko sa kanya. After all kami, ng pamilya ko ang namerwisyo.'

1....

2....

"3!" he shouted. I felt the air beneath me. The gravity is pulling me down ng sobra. Until, the water welcomed us. Nakita ko siyang pinigilan ang hininga niya.

'You don't need to do that.'

Umahon ako ilang minuto at hinihingal na naghahabol ng hininga. He came after and I smiled at him as a sign that I accept my defeat and he can do whatever he pleases.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 84 20
Our Business Play: The Games of Love Series #1 Will their partnership turns to love or will the fight of their minds can turn them more than an enem...
67.6K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
452K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...