Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 8 : The man with the plan

89.1K 2.5K 1.4K
By Serialsleeper

8. 

The Man with the plan

Robbie

Nagpunta ako sa dvd shop para mag-rent ng dvds. Nakakatamad maghintay ng pagda-download kaya mabuti pang mag-rent nalang ako tutal palapit lang naman yun dito.

Napakahilig kong magpunta sa horror sections kaso after nung mga nangyari, hindi na ako nanood pa ng mga nakakatakot na pelikula.

"So ano? Titigan mo lang ang DVD racks? Hindi ka magre-rent ng DVD?" Biglang nagsalita ang nagbabantay ng shop. Ang ganda niya tapos magka-edad lang ata kami. Teka parati ako dito ah pero bakit ngayon ko lang siya nakita dito? 

"Bago ka lang dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yup! Sinusubukan kong magkaroon ng part-time job for experience! Sophie at your service!" She smiled and extended her hand. Sa sobrang ganda niya sino ang tangang hindi makikipag-kamay sa kanya. Nyeta sinuswerte ata ako ngayon.

"Robbie, my friends call me hot" Biro ko sa kanya.

"Dont you mean windy kasi masyado kang mahangin?" Biro rin niya pabalik. "Hey you look familiar, I think nakita na kita noon?" dagdag pa niya kayat napangisi na lamang ako.

"Talaga? Baka soulmate tayo sa past life" Kaagad niya akong sinamaan ng tingin kayat agad akong nag-pogi pose. Wala eh, trip kong mantrip ng tao ngayon.

“Let me guess, horror movies ang hinahanap mo no?” Lumingon ako at nakita kong sinundan pala ako ng babae. Tiningnan ko ang nametag niya—Sophie.

“Nasaan ang mga classic niyo?” Tanong ko at agad siyang napangiwi.

“Unfortunately, boss thinks classic horror movies are cheesy and laos kaya ipinatago niya ang mga ‘to sa bodega. The only ones you can find in here are horror movies of the 20th century. Sucks right? Kung ako ang tatanungin, classic horror movies are the best. I mean come on, where else can you find a badass villain like Jason Voorhees and Michael Myers? Tipong naglalakad lang eh nahahabol parin ang target na horny teenagers.” She ranted as if she was talking to a friend. I cant help but to smile. Minsan nalang akong makahanap ng Horror Movie enthusiast na gaya ko at magandang babae pa.

“Sophie! Mamaya ka na nga dumaldal diyan! Itapon mo muna to! Maya-maya darating na ang mga basurero!” Biglang may matandang babaeng sumigaw. Siguro ito ang boss niya.

“Annoying pig.” Mahinang sambit ni Sophie habang nakangiwi. “Yes po boss!” Buong lakas na sigaw ni Sophie habang pinipilit na lamang ang sariling ngumiti.

Tatlong malalaking plastic bag ang ipinapatapon sa kanya kaya tinulungan ko na lamang siya. Hindi lang naman kasi ako pogi eh, gentleman pa.

“Dude thanks so much for helping!” Nakangiting sambit ni Sophie habang naglalakad papunta sa malaking trashbin na naka-pwesto hindi kalayuan mula sa shop. “Naamoy mo yun? Ba’t parang may—“ Nakunot ang noo ko nang biglang natigil sa pagsasalita si Sophie. Nanatili lamang siyang nakatitig sa trashbin nang akmang itatapon na niya sana ang plastic bag dito. Para siyang gulat na gulat sa nakita sa loob..

“Sophie okay ka lang?” Tanong ko at lumapit na lamang sa kanya. Tiningnan ko kung anong laman ng trashbin at nagulantang ako nang mapagtanto ko kung bakit siya gulat na gulat.

Sa loob ng trashbin ay isang mangitim-ngitim na bagay. Sa unang tingin, aakalain mong isa lamang itong piraso ng karne dahil sa laki nito at nilalangaw pa pero nang tingnan ko ito nang malapitan, naging malinaw sa akin kung ano ito—Isang puso ng tao. Sigurado ako dahil kalakip nito ang isang putol na kamay.

Sa isang iglap, tuluyang umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Sophie.

ERIN'S POV

Whenver I’m sad or depressed, all I do is sleep. Sleeping has always been my escape route but right now, I cant even sleep. Just thinking about Melody and Jason’s voice gives me fright that I have never even felt before.

“Erin…” Narinig kong kinatok ni Ria ang pinto kaya napaupo na lamang ako mula sa pagkakahiga at sinapo ang ulo ko.

“Bakit?” Tanong ko bago buksan ang pinto.

“Erin may naghahanap sayo sa baba.” Aniya kaya nagbihis na lamang ako bago lumabas.

*****

“I don’t know! Hindi ba kayo nakikinig?! Wala nga akong alam!” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapasigaw sa pulis na nasa harapan ko.

Just like what happened to Melody. What Jason told me last night came true. Today they found a human’s heart in a trashbin along with a severed hand which they believed to be Jason’s.

“Ms. Eusebio, hindi ka namin pinagbibintangan. Gusto lang naming malaman bakit ikaw ang parating tinatawagan sa tuwing may pinapatay sa ganitong paraan.” Kalmadong sambit ng pulis kaya nasapo ko na lamang ang buhok ko at napakagat ulit sa kuko ko.

“Malay ko! Gusto ko rin yang itanong sa hayop na gumagawa nito! Look I really don’t know anything! I don’t even know who Jason Gomez is! All I know is that isa siyang education student na naging kaklase ko sa isang subject. Nothing more, nothing less!” Giit ko para matapos na ang lahat at maipagpatuloy ko na ang buhay kong pansamantalang nagulo dahil sa mga nangyayari.

“Naniniwala kami.” Wika ng pulis sabay sulat sa maliit niyang notebook, “Ngayon gusto naming magtanong sa iyo tungkol kay Miss Lily. Kung hindi kami nagkakamali, boss mo siya sa Radio Station diba?” Dagdag pa nito kaya muling nakunot ang noo ko.

“Wait, what does this have to do with her?” Tanong ko.

 “Ayon narin nga sa inyo ng iba pang naroroon sa radio station. Cellphone ni Ms. Lily ang ginamit ni Jason nang tumawag siya. Pinuntahan namin siya sa bahay niya upang tanungin pero wala siya doon at hindi pa raw umuuwi. Kagabi pa namin siya hinahanap.”

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa narinig. Hindi maari… Kitang-kita naming lahat na umuwi si Ms. Lily. Parang napakasaya pa nga niya lalong-lalo na’t mataas ang ratings ng station namin.

“Ms. Eusebio kailan mo huling nakita ang boss mo?” Tanong ulit ng pulis kaya sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko sa pag-asang makakatulong ito.

*****

“Erin skipping meals wont help you solve your problems.” Narinig kong sambit ni Ria na siyang nakaupo sa tabi ko habang nandito kami sa cafeteria.

“But it will solve mine. Bulate pakabusog kayo.” Humahagikgik na sambit ni James at dali-daling kinuha ang pagkain mula sa plato ko. Spell patay-gutom? J-A-M-E-S.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan, “After that’s happened, magq-quit nalang muna ako sa Radio Station.”

“Good idea. Para naman makapag-relax ka.” Sabi pa ni Curt habang naka-thumbs up.

“Hehehe, edi ibig sabihin nito, makakasali ka na sa Film fest?” Nakangising sambit ni James kaya tumango-tango na lamang ako habang nakangiwi.

“Yey! Sasali na si Erin!” Masiglang sambit ni Ria na kulang nalang ay pumalakpak.

“Ikaw Curt, sasali ka ba?” Tanong ko.

“Oo naman!” Taas-noo at walang paligoyligoy niyang sambit.

“Huh? Diba sabi mo hindi ka sasali?” Kunot-noong tanong ni Robbie na bigla na lamang sumulpot sa tabi nito.

“’Wag mo ng itanong.” Mahinang sambit ni James at saglit silang nagpalitan ni Robbie ng nakakalokong ngiti na agad ikinainis ni Curt. Anong meron? May secret language ba sila? Weird.

“Hi guys!” Lumapit sa table namin ang isang matangkad na lalaking may kakaibang piercing sa kaliwang tenga. Ang cool tingnan kasi parang isang butones na itim. Kilala ko siya, classmates kami sa ibang subjects pero hindi ko lang matandaan ang pangalan niya but I’m pretty sure it had something to do with a milk…

Pang pitong tao ang mesang inuukupa namin dito sa cafeteria kaya agad siyang tumabi kay Curt.

“Oy Milo!” Bati ni Curt atsaka sila nag-fistbump.

“Milo?” Kunot-noong tanong ni Robbie kaya napatingin sa kanya si Milo.

“Mahilig pumapak ng Milo ang nanay ko noong pinagbubuntis niya ako. ‘Walang basagan ng trip.” Pabiro nitong sambit sabay fistbump kay Robbie.

Ibang-iba talaga ang mga lalake sa mga babae. Ang mga lalake kasi, kakakilala lang pero komportable na agad sa isa’t-isa, walang kaarte-arte. Hindi kagaya ng mga babae na may ilangan, chismis-chismis at feeling-close paranoia pa.

“Teka kilala kita ah?” Kunot-noong sambit ni Milo habang nakatingin kay Robbie.

“Oo, oo, alam ko.” Tumango-tango na lamang si Robbie na parang alam na ang ibig sabihin ni Milo.

“Nga pala  Curt, kelan ka lilipat?” Tanong ni Milo kaya napatingin kaming lahat kay Curt.

“Lilipat? Saan ka pupunta?” Tanong ko kaya bahagyang napakamot si Curt sa ulo niya at ngumiti.

“Nakalimutan ko palang sabihin, lilipat nga pala ako ng bahay. Wala na kasing roommate ‘tong si Milo tas tutal tatlo naman kami—“

“Taksil! Tampalasan! Salawahan!” Sunod-sunod na sigaw ni James kaya agad siyang binatukan ni Robbie.

“Milo pwede bang si James nalang ang gawin mong Roomate? Iniisip ko palang na magiging roommate ko ang patay-gutom nato, sumasakit na ang ulo ko!” Reklamo pa ni Robbie kaya agad na napangiwi si James. Sa kabila ng lahat ng takot at pag-aalala ko, hindi ko napigilang matawa. Kahit kailan, nakakawala talaga ng problema kung ang mga lokong to ang kasama.

“Nga pala anong nangyari pala sa roommate mo?” Tanong naman ni Ria.

Ngumiti si Milo ng tipid, “Si Jason Gomez ang roommate ko, siguro naman alam niyo na ang nangyari sa kanya.”

Muntikan akong nasamid sa kinakain ko dahil sa narinig. Lechugas naman oh, kinakalimutan ko na sana ang nangyari.

“Hot girl spotted!” Biglang anunsyo ni James habang kagat-kagat ang labi niya, “At mukhang type pa yata ako...” Nakangisi niyang sambit at pa-cool na kumaway.

We were all curious kaya sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng kinakawayan niya.

As expected, James is right. I’m a girl and I have to admit, hot nga tingnan ng babaeng kumakaway sa direksyon namin. She’s tall at sa lagay na ‘yan, hindi pa siya nakasuot ng heels. With her simple jeans and cropped black top, halatang-halata ang mala coca-cola body figure niya, we can even see her belly button. Nakakadagdag pa lalo na sexy vibe niya ang long curly hair niya and to top it all of, her hair is color red. Nakakababa ng self esteem ang kagandahan niya, pero mas lalong nakakabanas kasi kilala ko kung sino siya—Si Kitty.

“James ‘wag ka ng mag-aksaya ng oras. Akin ‘yan.” Sabi pa ni Milo habang nakangisi at siya naman ang kumaway sa babae.

“Kittybabes!” Sigaw ni Milo kaya agad na lumapit at nakiupo sa amin ang impaktitang si Kitty na parang kilig na kilig pa.

“Babes?” Nanlulumong sambit ni James at nagpatuloy na lamang sa pagsubo ng kutsara habang nakatingin sa kawalan.

“Girlfriend ko si Kitty.” Taas-noong pagmamalaki ni Milo kaya hindi ko naiwasang masamid at mapaubo.

 “Erin okay ka lang?” Agad akong inabutan ni Curt nang tubig ng sunod-sunod akong napaubo.

Tumang-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Oh, Hi Erin!” Kitty greeted with a smirk on his face.

When I looked at her eyes, all I can see was nothing but sarcasm. Nakakainis! Kasama ko na ang mga kaibigan ko pero nagagawa parin niya akong bwisitin!

“Hi Kitty!” Bati ko na lamang pabalik sabay ngisi kahit na sa kaloob-looban ay gustong-gusto ko na siyang paghahampasin ng kutsara sa mukha.

“Plastic mo James!” Biglang sigaw ni Ria kaya agad na nahintong kumain ang walang kamalay-malay na si James.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Dala ang kanyang laptop at projector sabik na sabik si Sir Guzman na ibahagi ang kanyang proposal sa dean na siyang namamahala sa darating nilang film festival.

"Mr. Guzman you need to be quick with this. Madami pa akong kailangang asikasuhin dahil sa pagkamatay ng dalawang estudyante at pagkawala ng isang guro." Sinapo ng matanda ang kanyang ulo at napasandal na lamang sa kanyang swivel chair dahil sa matinding tensyon na nararamdaman.

"Actually Dean Sevilla, In light with happened to those kid, I came up with that Idea. May naisip po akong idea para sa darating nating film fest. Simula noon parati nalamang romance o melodrama ang pinapasa nating entry tapos ganun parin naman, hindi tayo nananalo. How about we do something unconventional?"

Nagtataka ang Dean, minsan lang niya makita ang ganitong persistance kay Sir Guzman.

"What exactly are you talking about Mr. Guzman?" Tanong ni Dean Sevilla.

Pinaandar ni Sir Guzman ang kanyang projector att isa-isang pinakita sa slideshow ang napakaraming crime scene photos na kuha sa nangyaring malagim na massacre sa Provident High.

Kasama din sa slideshow ang litrato nila Parker at ng iba pang sangkot sa nangyari.

"Im talking about horror. Not just any horror film, but a film based on a true story. We'll call it Slaughter High just like what Dixon Santino wanted his massacre to be called. This is a very great timing dahil malapit na ang anniversary ng massacre. Last 2012, a student in a demon's costume began murdering his classmates this will --------" Hindi na natapos pa ni Sir Guzman ang kanyang pagpapaliwanag dahil itinaas na ni Dean ang kanyang kamay.

"Sir Guzman saan mo naman nakuha ang ideyang yan? Its a great idea but we cant do that. Madami ang aalma, we cant create fortune over one's demise! At isa pa dadagsain lang tayo ng kontrobersya, meron na nga tayong problemang kinakaharap dahil hindi pa natatagpuan sino ang pumatay kay Melody at Jason!" Giit ng matanda na mistulang buo na ang pasya.

"A student suggested it to me. Dean a controversy is good! Its for publicity! Look we even have a student who survived from the massacre, Robbie Chen from the engineering department. This film will be a success!" Pilit na pangungumbinsi ni Sir Guzman ngunit napailing lamang ang matanda.Sadyang buo na talaga ang kanyang pasya kaya umalis na lamang si Sir Guzman na dismayado at mainit ang ulo.

*****

Dinadagsa parin ng media at pati narin ng mga nag-aalalang magulang ang unibersidad nang dahil sa nangyaring pagpatay kamakailan lang sa mga estudyante kaya hatinggabi na nang matapos si Dean Sevilla sa kanyang trabaho.

Napakatahimik ng paligid dahil karamihan sa mga nagtatrabaho ditoy nagsisiuwian na. Bilang isang dean ay sanay na siyang mag-isa sa building ngunit sa araw natoy kakaiba dahil may naririnig siyang mumunting kalabog sa labas ng kanyang opisina.

"S-sinong nandiyan?" Tanong ni Dean sa pagbabakasakaling gwardya lamang ito o janitor.

Walang sumasagot ngunit patuloy parin ang mga kalabog na naririnig niya. Nagsimulang maalarma ang matanda nang makitang may anino sa labas ng kanyang pintuan mula sa isang siwang sa sahig.

"Sino yan! Magsalita ka!" Muling sigaw nito.

Akmang lalapitan ng matanda ang pinto upang mai-lock ito ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang itong bumukas at tumambad sa harapan niya ang isang taong nakamaskara ng demonyo at may hawak itong isang nailgun.

Takot na takot ang matanda. Gusto nitong magsalita o sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil nahihirapan siyang huminga. Napahawak ng mahigpit ang matanda sa kanyang dibdib, nahihirapan itong huminga!

Napangiti na lamang ang salarin nang makitang dahan-dahang bumagsak sa sahig ang matanda na putlang-putla at halos hindi na makahinga. Mistula itong isang isdang iniahon mula sa tubig.

"Wow salamat tatang, pinadali mo lang ang trabaho ko." Nakangiting saad ng salarin. Hindi na gumalaw ang matanda kayat pinulsohan ito ng salarin. Tuluyan na nga itong nalagutan ng hininga.

Pasipol-sipol lamang ang salarin habang kinakaladkad ang katawan ni Dean Sevilla. Masaya ito dahil sa pagkamatay ng matanda ay wala nang magiging sagabal sa plano nila...

END OF CHAPTER 8.

THANKS FOR READING! 

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
QED University By akosiibarra

Mystery / Thriller

6M 178K 34
The new semester opens with a bang that shocks the four Houses of QED University, an exclusive school for promising students of the science of deduct...
2.8K 200 25
[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok...
745K 44.5K 10
A kingdom A crown The royals And a thief You are hereby welcomed to the Kingdom of Nightcrest. Dress in your finest suits and gowns. Embellish yourse...