Kathryn’s POV
*BOOOOOOOGSSSSSSSH*
Nadapa kami. Pero bakit ganun? Hindi masakit? Ang galing nga parang unan pero medyo hindi malambot!
Napansin ko na nasalo ako si Daniel. Kaya pala medyo slow nga pala ako ngayon parang nakahithit lang ng rugby eh. Nagslow motion yung paligid kanina para sakin eh! Hala.
“Awwww…” sabi nito. Nako! Mabigat ba ako? Huling timbang ko eh... secret grabe nakakahiya!
“Ayyyy!” agad akong tumayo. Itatayo ko n asana siya pero bakas sa mukha niya ang sakit Mukhasim pa nga eh parang nakainom naman siya ng isang boteng suka, huy joke lang tinulungan na nga niya ako kung ano ano pa ang iniisip ko.
Ang dami ko ng utang na loob sakaniya! Hindi ko alam kung pano ako magpapasalamat sakaniya! Nakakaiyak naman!
“Awww. Awww…” sabi pa nito ulit. Nakahawak siya sa bewang niya. Hala di naman kaya napilayan 'to? OA naman di ako ganun kabigat ha. Baka acting nanaman!
“Nakoooo. Sorry Daniel. Ahm, ano ba ang gagawin ko?!” natataranta na ako. Sino ba naman ang hindi. Napilayan nga yata siya at ako.. ako ang kasalanan huhuhu help me
“Ahhh…” Iniupo ko siya sa malapit na silya. Ganun ba talaga ako kabigat? Aishhh.. Kakaconscious makapagtimbang nga ulit pagkauwi ko sa bahay. Kumuha ako ng yelo at nilagay sa kamay niya.
“Eto, para hindi na masakit.” Sabi ko. Namumula na ito. Tsk. Kathryn! Kaclumpsyhan! >____<… Dapat pinabuhat ko na yung bag ko baka isipin pa nito na pabebe ako at maarte
“Aray, dahan dahan naman!” sabi nito, napapikit pa.
“Sorry.” Sabi ko. Tapos a moment of silence ang nangyare. Walang imikan. Titigan lang.
Sa sobrang pagtitig ko kay Daniel parang nahumaling ako sakaniya. Ano ‘to? Nakakasing yung feeling!
Badump
Badump
Badump
Badump
Yung buhok niya na nakataas, yung matangos niyang ilong, yung kumikintab na mata niya… Yung labi niya sa super pula… Hmmmm.. Nabubuo ko na ang salitang PERFECT! Parang greek god galing Mt. Olympus? Alam mo yun?
Ay! Ano ba naman iyan! Parang ang manyak manyak ko na -_____-
“Uhhh..” biglang nagsalita si Daniel
“Hmmm? Ano yun? San pa masakit?” tanong ko. Feel na feel ko ang pagiging nurse. Speaking of nurse bakit laging missing in action si Ate? Hmmm.
“Hindi.. I mean.. Wag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako niyan” tapos nagsmirk siya. ANG HANGIN! ANG KAPAL! Lahat ng pagpapantasya ko sakaniya nawala.
HINAGIN!
Hinampas ko siya ng unan, pero hindi naman ganun kalakas
“Kabad mo! Pinag-alala mo ako!” tapos hampas nanaman. Hmm tsansing! Hahaha joke lang
Tumawa ito. “Hahahaha! Hindi naman ako mamamatay noh! Hahahahaha!” hawak na niya ang tiyan niya sa katatawa. Sabi na acting nanaman 'to eh. Bakit di nalang siya mag-apply sa Star Magic noh.
“Anong nakakatawa?” tanong ko. Tinigilan ko na din yung paghampas sakaniya baka lalo pang lumaki ang kasalanan ko sa mokong na ito.
“Wala! Kung makatitig ee, crush mo ako noh?” tanong niya habang tawa pa din ng tawa
Napatigil ako dun aa. CRUSH KO BA SIYA? Ano ba ang crush? Nakakain ba iyon? Ha? Naguguluhan ako
“Crush?” hindi ko alam ang isasagot, never pa nga kasi ako nagkacrush. Panget ako, panget. Tsaka di ba studies muna? Wala akong time sa mga ganiyan!
Pero… yung badump badump.. crush na ba ang definition nun? Pakidefine naman yung crush oh? Isulat sa manila paper font size 8, back to back.
“Wala, nevermind nalang..” sabi ni Daniel tapos tumayo na siya.
Tumayo na din ako syempre para alalayan siya. Baka mafall 'to at walang sumalo.
“Wag na.. Kaya ko na ito… Aray” Ang kulit kasi!
“Kaya? Tsk. Tignan mo nga ang sarili mo?” sabi ko at muli tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.
“Napano ako?” tanong nito. May pagtataka sa mga mata
Gwapo ka. Sarap isagot nun neh? Pero di naman ganun kakapal ang mukha ko.
“Wala. Ihahatid na kita, ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan ee.” Sabi ko
“Wag na! Kaya ko na nga, Kath naman ee!” para siyang bata!
Hindi na ako nagsalita pa, hinawakan ko yung okay na kamay niya tapos ay hinila ko siya palabas. Nag-abang ako ng taxi at nung meron na sinakay ko na siya. Hindi anamn siya nagreklamo at nagpahila na din.
“What now?” tanong nito.
“Address mo?”
“Ha?”
At dahil nabingi siya kinuha ko yung i.d. niya.. Pero may weird na doodle sa i.d. niya
BLUE BEAR
Ha? Ano ito? Siguro, imposible naman na siya si Blue Bear. No no no no waaaaay. Inialis ko na yun sa utak ko. IMPOSIBLE kasi parang ewan na nasa harap ko na pala yung katext ko hindi ko pa alam? Tsk. Sa wattpad lang may ganun! . Binasa ko nalang yung address niya.
“Ma’am san po tayo?” tanong ni kuya driver
“143 I love you street po.” Sabi ko at umalis na kami
Naihatid ko si Daniel at nagpasalamat ito. Ako naman ang umuwi.
Dumiretcho ako sa bed ko, hindi na muna ako nagbihis.
Pinikit ko ang mga mata ko… Naalala ko nanaman ang mukha ni Daniel
Aish. Erase erase.. Nako! Ikaw nerd ka!
Aba bakit? Gwapo naman talaga?
Hala… Kinakusap ko na ang sarili ko.. Hmmmm..
Teka, nilabas ko yung phone ko. Wala naman nagtext. Hayyy.
Pinikit ko ang mata ko at nakatulog na ako.