The Half Blood Prince [COMPLE...

By HappyJuanie

1.2K 78 32

Date Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palagin... More

•~•
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven

Chapter Nineteen

24 2 0
By HappyJuanie

LAYCA's POV

"Ipaliwanag mo sa'kin ang lahat, Maui" sabi ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naglakad siya patungo sa bintana na ipinagtaka ko naman ngunit natigilan ako nang iharang niya ang kulay pulang kurtina sa naturang bintana at lumingon sa'kin.

"Gusto kong magpaliwanag pero natatakot ako" sabi niya sa malungkot na tono, "Alam kong magugulat ka at matatakot. I don't want you to stay away from me"

"Hindi kita lalayuan basta, ipaliwanag mo sa'kin ang kailangan kong malaman"

"Saan mo ako gustong magsimula?" tanong nito sa'kin habang pumipili ng iinuming wine mula sa isang estante na punung-puno ng mamahaling mga wine.

"Kung sino ka talaga" sabi ko sa kaniya, "Ikaw ba talaga si Maui?"

"Ako 'yung kaibigan mo, ako 'yung karamay mo sa tuwing may problema ka, ako 'yung nilalapitan mo kapag may mga gusto kang sabihin sa ibang tao pero hindi mo masabi dahil natatakot ka" sabi niya at naramdaman ko naman na parang hinaplos ang puso ko habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nagsasalin ng alak sa baso, "Oo, ako 'to. Si Mauricius Dela Cruz na naging si Mauricius Tierro dahil sa isang napakalaking katotohanan"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Ikinumpas nito ang kaniyang kanang kamay sa baso at saka niya ito hinawakan at uminom.

"Eh 'yung sa demonyong umatake sa'kin n'ung ma-late ako ng uwi? Ano 'yun?" tanong ko naman sa kaniya.

Napakarami kong tanong na gusto kong sagutin niya ngayong gabi at wala akong paki-alam kung magmukha man akong desperada sa paningin niya. Siya naman ang dahilan kung bakit desperada akong malaman ang buong katotohanan tungkol sa kaniya. Napabuntong-hininga ako dahil sa na-isip at muli kong ibinaling sa kaniya ang aking paningin.

"Ako 'yung nagligtas sa'yo. Sinundan kita n'ung gabing 'yun para masiguro kong ligtas kang makaka-uwi dahil malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama sa'yo" sagot niya saka siya tumayo mula sa mahabang kulay itim na sofa na inu-upuan niya at naglakad papunta sa'kin.

"Kaya alam mo kung saan ako nakatira kasi ikaw at si Mauricius ay iisa?" tanong kong muli sa kaniya.

Tumangu-tango siya bilang sagot saka siya na-upo sa gilid ng kama at inilapag ang baso na may lamang alak sa bedside table nitong kama na hindi ko alam kung sino ang natutulog.

"Pero bakit hindi mo sinabi?" tanong ko sa kaniya. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya. Agad ko 'yung pinunasan, "Pinagmukha mo akong tanga"

"I'm so sorry about what you are feeling right now" sabi niya at malungkot na malungkot ang tono ng kaniyang pananalita habang nakayuko at hindi makatingin sa'kin, "I didn't mean it. Ang akin lang naman, I want you to realize na hindi lahat ng umaalis ay bumabalik"

"Pero sana, sinabi mo pa rin"

"Kapag sinabi ko, ano ba ang magiging reaksyon mo?" tanong nito sa'kin na ikinatigil ko naman. Hindi ako nakasagot at napalunok pa nang dahil sa tanong niyang 'yun. Bumuntong-hininga siya, "May gustong pumatay sa'kin at kaya ka nila gustong patayin ay para mamatay ako"

"Bakit ka naman nila papatayin?" tanong ko sa kaniya.

"Because I'm the only one who can save the whole humanity in this generation, Layca" sabi niya, "Kailangan kong ipakita na wala akong kinatatakutan para hindi nila ako mapatay basta-basta"

"Ano ka ba talaga? Ano'ng pinagsasabi mong ikaw ang magliligtas sa sangkatauhan? Diyos ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung nakatulong ba talaga para sa'kin ang pagiging desperada na malaman ang buong katotohanan mula sa kaniya o baka mas lalo ko lang ginugulo ang isip ko kung saan magigising na lang ako at malalamang panaginip lang pala ang lahat ng ito at bunga lang ng mga napanood kong fantasy movies.

Napabuntong-hininga ako dahil hindi siya nakasagot agad. Ni isang salita ay walang lumabas mula sa bibig niya. Nagsisimula na rin nga akong magduda kung totoo ba talaga ang mga nangyari o scripted lang 'yun at hindi ko alam na may camera pala sa paligid at palihim na nakatago habang bini-video-han kaming dalawa para sa isang pelikulang hinahangad ng isang baguhang direktor na maging sikat at bumenta sa takilya.

"'Yung nangyaring pagkakasaksak sa'yo. 'Yung pagkamatay ni Jake" sabi ko at sinubukan siyang tingnan sa kaniyang mga mata, "Totoo ba 'yun o tinatarantado mo lang ako?"

"Why would I do that?"

"Kasi ang lahat ng 'yun, hindi kapani-paniwala!" sagot ko sa tanong niya, "Hindi ko alam kung nagsasabi ba talaga ng totoo sila Arthur at Daniel tungkol sa nangyari n'ung Linggo o nakipag-sabwatan ka lang sa kanila para paniwalain ako sa mga sinasabi at mga sasabihin mo pa"

"Hindi kita niloloko at hindi kita kayang lokohin" sagot niya sa'kin, "'Yung pagkakasaksak sa'kin, totoo 'yun. Halos mamatay ako dahil sa pagka-ubos ng dugo pero tinulungan at ginamot ako ni Rex"

"Ano naman ang kinalaman ni Rex dito? Huwag mong sabihin sa'kin na pati siya, kasama sa kalokohan mo'ng 'to?" tanong ko sa kaniya at hindi siya nakasagot.

Bumangon ako at akmang maglalakad palabas ng kwarto ngunit nagulat ako nang mabilis at malakas na sumarado ang pintuan. Napatingin ako kay Mauricius na ngayon ay nakalutang sa ere.

Iba na ang hitsura nito at bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa nakikita ko ngayon. Kalahati ng katawan nito ay sa isang anghel ngunit ang kalahati ay sa demonyo.

Tumingin siya sa'kin at kitang-kita ko ang pagkaka-iba ng mga kulay ng kaniyang mata. Pula at puti na talagang nakakamangha ngunit may kasamang nakakatakot na feeling.

"Ito ang gusto kong ipakita sa'yo ngunit hindi ko magawa kasi alam kong sa simula't sapul, matatakot ka lang" sabi niya at ang boses niya ay mala-demonyo at nakakatakot lalo pa't umi-echo ang boses nito sa bawat sulok nitong kwarto.

"Huwag kang lalapit sa'kin" agad kong itinutok sa kaniya ang krus na pendant ng kwintas ko na gawa sa bakal.

Ngunit tiningnan niya lang ako at sa isang kurap ko lang ay nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang pendant ng krus na hawak ko. Aminado akong sa kaniya nanggaling 'to dahil isang relihiyosa ang kaniyang ina.

"Hindi ako tinatablan ng kahit na ano'ng pangontra, Layca" sabi niya at saka niya hinawakan ang magkabilang bewang ko at siniil ng halik habang ako naman, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tinugunan 'yun.

Naramdaman kong bumalik na sa dati ang kaniyang anyo at ngayong alam ko na kung ano ang tunay niyang pagkatao ay hindi ko na kailangang mangamba pa dahil alam kong magiging safe ako basta't kasama ko siya.

Bumitaw siya mula sa paghahalikan namin at tiningnan ako sa aking mga mata. Gan'un din naman ang ginawa ko, "I love you, Layca"

"I love you too, Maui" tugon ko at saka ko siya hinalikan.

Tumagal kami sa gan'ong posisyon sa loob ng ilang segundo at maya-maya pa ay sabay kaming bumitaw at kapwa naghahabol ng aming mga hininga. Bigla kaming naglaho sa kinatatayuan namin at naramdaman ko na lang na inihiga niya ako sa kama.

"I'm sorry" humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Wala kang dapat na ihingi ng sorry" sabi ko sa kaniya, "Nai-intindihan ko na ngayon"

"Sana maintindihan mo pa ako sa susunod" sagot niya na ipinagtaka ko naman.

Naramdaman ko pang dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay ko pero hindi na rin ako nagtakang magtanong pa dahil tila nawalan ako ng boses. Niyakap ko rin siya at naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan habang ang kaniyang mga malalaki at napaka-macho'ng mga braso ay nakayakap sa akin.

Habang nakayakap sa kaniya ay naramdaman kong bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng antok habang nasa gan'un pa rin kaming posisyon.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit at makalipas ang ilang sandali ay kumalas ito. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang napakaliwanag ng paligid.

Tiningnan ko ang paligid at nakitang nasa kwarto ako at parang walang nangyaring kahindik-hindik na pangyayari kagabi. Nakita ko si Arthur na natutulog sa kaniyang kama at nang kapain ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng unan ko para tingnan ang oras ay gan'un na lang ang gulat ko nang malamang alas-siyete na pala ng umaga.

Agad akong bumangon at inayos ang aking sarili. Late na ako.

"Ma, alis na po ako" mabilis na paalam ko kay Mama, matapos kong isuot ang sapatos ko.

Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtungo sa highway para pumara ng masasakyang jeep. Nagmamadali ang mga tao at isa ako sa kanila kaya sa madaling salita, nagmamadali kaming lahat.

Mabuti na lang at nakasakay ako agad bago pa man ako maiwan ng pang-apat na jeep na pinara ko. May nagtangka pang itulak ako pero dahil madiskarte ako ay mas na-una akong sumakay samantalang siya naman ay na-iwan at inis akong tiningnan.

Nang makarating sa kompaniya ay agad na bumungad sa'kin si Rex na may hawak na bouquet ng Red Roses.

•~•

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
1M 17.9K 68
Everyone would envy me... dahil ang pinapangarap ng lahat ng babae is my Husband... The CEO of Bosen Company isa sa pinakamalaki at sikat na company...
156 86 15
"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfr...
48.5K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...