Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 7 : The call of death

80.7K 2.6K 1K
By Serialsleeper

7.

The call of Death

Erin

“You don’t have to do this Curt.” Giit ko ngunit ngumiti lang siya sakin at tumango-tango.

“I want to. Ayaw mo pa ‘nun? May hatid-sundo ka? Tsaka si Winston, alalahanin mo, hindi pa siya nahuhuli.” Tumatawa niyang sambit kaya nagpasalamat na lamang ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng radio station upang gawin ang gabi-gabi kong radio broadcast.

Dahil sa mga nangyari, nawala na sa isipan ko si Winston. Ilang linggo na niya akong hindi ginugulo, siguro naman tapos na ang problema ko sa kanya.

It’s been weeks since Melody’s death at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik dito. Actually wala naman ako dito para mag-trabaho ulit. Nandito lang naman ako para magpaaalam. Sa dami ng absences ko, milagro nalang talaga kung ifa-fire lang ako. Knowing how evil our Radio Supervisor, Ma’am Lily is, for sure ibabagsak niya rin ako sa subjects kung saan siya ang teacher ko. Well, there’s no defeating that old succubus now. Rest in Peace Erin Hope Eusebio.

Papasok na sana ako sa office niya nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog at kasunod nito ay ang pagsalubong saakin ng nagliliparang confetti. Napatili ako sa gulat pero agad namang nawala ang takot ko nang makita ang nakangiti nilang mga mukha.

“Surprise!” Sigaw ni Avery at agad na kinunan ng litrato ang gulat ko pang mukha.

Naguguluhan parin ako sa nangyayari kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita kong lahat ng tao sa loob, kabilang na si Ma’am Lily ay abot tenga ang ngiti. Dalawang tao lang yata ang mukhang hindi masaya—Si Sabrina at ang kapwa niya kapatid kay Satanas na si Kitty.

“Congratulations Erin?” Nakunot ang noo ko nang mabasa ko ang banner na nakasabit sa dingding.

“You deserve the appreciation Erin. Because of you dumami ang listeners ng station natin, even outside the campus community, nakikinig narin satin. You are hereby promoted and back at your usual schedule.” Sabi pa ni Ma’am Lily at nakipag-kamay sakin. Imbes na masagot ang tanong ko eh mas lalo pa itong nadagdagan.

“Promoted? I was absent for two weeks?” Napatingin ako kay Avery.

“Apparently your absence made the people want you even more. Congrats Erin, sikat ka na!” Nakangiting sambit ni Avery.

“Your conversation with Melody before she died went viral. After the people learned about her death and your close friendship, both of you became an instant celebrity gaining the recognition of the whole city. Its not too long before the whole country knows about your heart-wrenching conversation.” Paliwanag pa ni Ma’am Lily kaya otomatikong nawala ang ngiti sa mukha ko. After what happened to Melody, I stayed away from the internet and television. I never had a clue that this was happening. One thing’s for sure, I really don’t like whats happening.

“Erin are you okay? Diba dapat masaya ka?” Bulong sakin ni Avery na halatang nag-aalala kaya pinilit ko nalang ulit ngumiti bago lumabas ng opisina para mapag-isa.

Makailang-ulit akong huminga ng malalim at napadungaw na lamang sa bintana upang damhin ang malamig na hingin ng gabi. I really need to breathe fresh right now.

“My my, one girl’s brutal murder, is another girl’s fame.”

Napalingon ako at nakita ko si Sabrina na nakataas na ang kilay habang nakangisi. Hindi siya nag-iisa, kasama niya si Kitty na handang guluhin na naman ang tahimik kong buhay. Why do they have to be such mean girls? What did I ever do to them?

“Ano kayang nararamdaman ngayon ni Melody knowing ang babaeng itinuring niyang best friend ay ginagamit pa ang kamatayan niya para sumikat?” Sabi pa ni Kitty habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Itinago ko na lamang ang galit ko sa pamamagitan ng pagkuyom ng kamao. Natatakot ako sa maaring mangyari. Natatakot ako sa maari kong magawa sa kanila. At masakit mang sabihin, natatakot akong maaring tama sila. Imbes na lumaban ay dali-dali na lamang akong naglakad palayo.

*****

ROBBIE'S POINT OF VIEW

“Dude what the hell are you thinking about? Kanina ka pa nakatulala? Porn ba ‘yan?” Bulalas ni James kahit pa hindi pa niya nalulunok ang kinakain niya.

“Bakit pinagsalita ng killer si Melody sa radio broadcast?” Napasandal ako sa kinauupuan ko’t napatingin sa kawalan.

“Malay ko? Bakit ako ba ang killer? Ba’t mo ako tinatanong?!” Wika pa ni James habang nakakunot ang noo.

“Kuya! Kuya—Whoa! Natapos ka na agad kumain?!” Nagulat kami nang bigla na lamang sumulpot si Ria na kagagaling lang sa klase niya.

Napatigin ako sa plato at laking gulat ko nang makitang simot na ito at wala ng laman. Kani-kanina lang eh mayroon itong taco at siopao, asan na ‘yun?!

Napatingin ako kay James na siyang nakaupo sa tapat ko at saktong nilalamon na niya ang natitirang siopao sa kamay niya. Nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay agad siyang ngumiti na para bang inosenteng bata. Nyeta.

“Patay-gutom.” Tipid kong sambit at ibinalik na lamang ulit ang tingin ko sa kapatid ko.

Napansin kong aligaga siya na para bang may gusto siyang ibalita sa akin pero bago pa man ako makapagtanong ay nalaman ko na ang kasagutan.

“Lord of the toyo! Long time no see!”

Dumating ang isang lalaking kasingtangkad ko lang. Di gaya noon, kulay-itim na ang buhok niya at wala na ang dating piercings sa tenga niya na siyang nagiging dahilan kung bakit siya suki ng principal’s office.

Kumaway siya sa akin habang abot-tenga ang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Kung tutuusin, Si Kevin ang pinakamalapit kong kaibigan noong highschool pa ako. Lahat yata ng kalokohan, sabay at pareho naming ginagawa. Minsan hindi kami nagkakasundo pero para parin kaming magkapatid. Pero matapos ng mga nangyari…

“Bro! Ano ka ba?! Ako to si Kevin! Ang pogi ko na no?!” Aniya sabay pabirong sinuntok ang braso ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Hindi ko na nagawang maitago pa ang gulat ko.

“Hoy nag-text ako sayo! Sabi ko ‘See you soon’!” Aniya habang tumatawa.

Saglit akong napatingin kay Ria at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para sa ikapapanatag ng kalooban ng kapatid ko ay pinilit ko na lamang ang sariling ngumiti.

“Kaya pala umihip ang napakalakas na hangin! Ungas ang pangit mo parin!” Binati ko na lamang si Kevin gaya ng nakagawian kong pagbati sa kanya noong highschool pa kami.

“Kamusta ka na?! Antagal na nating di nagkita ah? Lets go drink! My treat!” Inakbayan ako ni Kevin at hinila patayo. Ayoko sanang sumama pero nakita ko ang saya sa mukha ni Ria nang makitang nakikihalubilo na ulit ako sa mga dating kaibigan ko.

Wala akong ibang nagawa kundi sumama na lamang kay Kevin.

*****

Matapos kong nilagok ang isang shot ng alak ay agad akong napasandal sa kinauupuan ko’t napatingala sa kisame.

“Man, what the hell happened to you?! Ikaw ba talaga si Robbie na kaklase ko noon?” Tumatawang sambit ni Kevin na patuloy parin sa pag-inom.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nilagyan muli ng panibagong alak ang maliit na basong hawak ko. Bago ko ito inumin ay muling bumaha ng mga katanungan sa isipan ko.

Dinukot at pinugutan ng ulo si Melody ilang linggo na ang nakakaraan. Sinasabi ng lahat na maaring napagtripan lang ng adik si Melody o di kaya’y pinatay siya ng isang taong may galit at pagnanasa sa kanya. Kung ako ang tatanungin, isa itong malaking kagaguhan. Tanga lamang ang mag-aakalang isang simpleng pagpatay ang nangyari.

Planado ang pagpatay kay Melody, sigurado ako… At pakiramdam ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat, simula pa lang ito.

ERIN’S POV

“Three, two, one.”

Matapos ang bilang ni Avery ay napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Hey there earthlings! Guess who’s back?!” Masigla kong sigaw sa mikropono habang hawak-hawak ang mga headphones na nakakabit sa ulo ko.

Sa di malamang dahilan, napatingin ako sa direksyon ng pinto at labis akong natuwa nang makita ko si Curt na kumakaway sakin. I cant help but to smile lalong-lalo na’t may dala siyang mga take-out foods.

After putting on three songs for the crowd to hear, agad akong lumabas sa glassed room at pinuntahan si Curt.

“Hindi ka na dapat nag-abala.” I insisted with a smile as the three of us were eating.

“Curt ‘wag kang makinig dito kay Erin, Walang problema kahit araw-araw kang pumunta dito bastat may dala kang foods.” Sabi pa ni Avery na halatang takam na takam sa kinakain. Wow, its like siya ang girl version ni James. Hindi nga lang siya addict sa porn di gaya ni James.

“Teka papatapos na yata ang mga kantang pinapatugtog mo.” Paalala ni Curt kaya dali-dali akong bumalik sa harapan ng mikropo at control panel.

Nakakainis naman, gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanila kaso kailangan ko na ulit magsalita and this time, kailangan na akong tumanggap ng callers. The last caller I talked to was weeks ago, and it was Melody. I just hope na hinding-hindi na mauulit ang nangyari noon lalong-lalo na’t hindi pa nahuhuli ang pumatay kay Melody at isang misteryo parin para sa aming lahat ang nangyari.

“Ave have you screened the callers?” Tanong ko kasi natuto na ako. Gusto kong makilatis muna namin ang callers, alam mo na, para ‘wag ng mauit ang nangyari noon.

Lumapit sa akin si Avery at ipinakita sa akin ang tab niya kung saan nakalista ang mga callers na kakausapin namin on-air. Sa dami ng tumatawag, we had to randomly select inorder to make things fair.

The program went on roughly. Oo nga’t kinikilatis muna nila Curt at Avery ang bawat callers bago ko sila kausapin on-air pero wala parin kaming control sa bawat sasabihin at itatanong nila. At ano ang bukambibig ng lahat ng mga callers? Walang iba kundi ang tungkol sa nangyari kay Melody at sa pagkakaibigan namin. Melody was such a great friend but talking about her death is very painful to me. Apparently, hindi lang pala ako ang nahihirapan kasi may callers din ako na kaibigan ni Melody. They shared their pain and happy memories with Melody. At some point muntik pa nga akong maiyak.

“This next song is dedicated to our dear Melody,” Napabuntong hininga na lamang ako at napatingala upang mapigilan ang sarili kong maluha, “Heaven has gained another angel. I just hope that wherever she is, she’s happy… At sana, sana makonsensya ang taong gumawa nito sa kanya at mabigyan ng hustisya ang kaibigan ko.”

When the song played I immediately took off my headphone and stared at the glass wall.

“Oh my God! Erin may isa pang caller!” Pabulong na sigaw ni Avery at dali-daling ipinakita sa akin ang pangalan na nasa tab—Si Miss Lily, yung bruhang radio supervisor namin.

Napangiwi na lamang ako. Papatapos na ang program ko, wala na kaming oras para-iscreen ang tawag at isa pa,si Miss Lily na ‘to kaya dali-dali ko na itong sinagot.

“I believe we have a very special caller right now. Say hello to the woman who made this all possible, Miss Lily!” Masigla kong anunsyo kahit pa inis na inis ako kasi makakausap ko siya.

“Good Evening Miss Lily, do you have anything to share with us?” Tanong ko pero nagtaka ako kasi walang nagsasalita sa kabilang linya. All I can hear is heavy breathing…

Napatingin ako kay Avery habang nakakunot ng noo pero maging siya, nalilito narin sa nangyayari.

Ewan ko ba pero bigla akong tinamaan ng kaba. At gaya ng ginagawa ko sa tuwing kinakabahan ako, agad akong napahawak sa dogtag na suot ko.

 “Uhm, I guess we are having a technical glitch so lets just get back to—“ Puputulin ko na sana ang tawag nang tuluyang may magsalita sa kabilang linya.

“H-hello?” Nauutal na sambit ng isang lalaki sa kabilang linya.

Lalo kaming naguluhan. Bakit lalaki ang naririnig namin? Hindi ba’t si Miss Lily ang tumatawag?

“H-ey there!” Bati ko na lamang pabalik kahit pa muling bumabalik sa isipan ko ang nangyari kay Melody.

“A-ako si Jason Gomez,” Saglit itong natahimik na para bang lumunok. Hindi ko alam kung napa-praning ba talaga ako pero may nararamdaman akong takot sa boses niya, “Bukas, matatagpuan ninyo ang puso ko sa  isang basurahan. Ang ulo ko sa isang laboratoryo—‘Wag! Parang awa mo na! ‘Wala akong ginawang masama sayo!” Umiiyak nitong sambit at sa isang iglap ay bigla na lamang naputol ang tawag.

Naiwan akong nakanganga at hindi makapagsalita. Nanginginig ang mga kamay ko at namalayan ko na lamang na nagsisimula na namang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Naulit na naman ba?

 END OF CHAPTER 7

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
205K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
3.8M 76K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3