Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 21 ] The Result

50.4K 643 118
By JeraldineTanL

Chapter 21: The Result

Hindi mapigilan ni Mika ang ngumiti lalo na at hawak niya na ang results ng DNA test na ginawa para malaman kung si Shane at Jin ay iisa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakuha na rin niya ang resulta.

‘Tama nga kaya ang hinala namin na siya si Jin? Posible nga na siya ‘yon pero posible din na kaya niya lang kamukha si Jin ay dahil sa cosmetic surgery. Kahit na sobrang panget mo, makakaya mo na ngayon na maging maganda. We don't know what happened a few years ago.’

Nasa bahay siya ngayon ni Gab. Wala doon si Gab pero nakapasok siya dahil may spare key siya para sa bahay nito. Gusto niya kasing sorpresahin si Gab. Dahil bored na siya doon ay naisipan niya na tawagan na si Gab.

“Bakit ka napatawag?”

"Where are you?"

“Office.”

"Can you go home a bit early today? Company mo na rin naman ‘yan since you are the succesor. Let's have a little party or a simple dinner tonight. Wala ka namang pasok bukas, hindi ba? What do you think?"

“Ano na namang binabalak mo, Mika?”

"Ang sakit, ah? Bawat kilos ko ba, lagi na lang akong may binabalak? It doesn't mean na kapag nagyaya ako ng party, may masama ako agad na binabalak. I just want you to relax since you're very busy these past few days. That's so stressful and you need to losen up. Come on, Gab! Just go home early. I'll take care of everything."

“May susi ka naman, diba? Ikaw na ang bahala diyan. 6 pa ako makakaalis dito.”

"Gab naman! Hanggang 5:30 lang ang working hours!"

“Busy ako, Mika. ‘Wag mo ng dagdagan pa ang mga iniisip ko.”

"I'll just go there."

“‘Wag na.”

"Fine! I'll invite your friends over, okay?"

“Sige.”

Pagkatapos nilang mag-usap ni Gab ay nagsimula na siyang mag-ayos. Tinawagan niya ang mga kaibigan ni Gab, nagligpit siya ng gamit at umorder ng pagkain. She wants everything to be set according to her likes. Gusto niya na sabay sabay nilang makita ang DNA results kaya kahit na nasa kanya na ‘yon ay hindi niya tinignan ang laman. Nakaupo siya sa sofa at pagod na pagod nang dumating si Gab.

"Good evening, babe," nakangiting pagbati ni Mika.

"Good evening din."

"You miss me?"

"Pano kita mamimiss kung palagi kitang kasama?"

"Sana man lang sinabe mo na namiss mo ako kahit konti man lang. Ang sama mo talaga. Hindi mo man lang ako binola para sumaya ako kahit sandali lang."

"Sasabihin ko din ‘yan sa ‘yo. Subukan mong ‘wag magpakita sa ‘kin ng isang linggo."

"Gab naman!"

"Sandali lang, magbibihis lang ako."

"Go on."

Minsan ay hindi na din nagugustuhan ni Mika ang pagsusungit ni Gab pero hinahayaan niya na lang ito dahil likas na talaga kay Gab ang pagiging masungit. Saktong pagpunta ni Gab sa kwarto ay tumunog ang door bell kaya lumabas siya para pagbuksan kung sino man ang dumating. Hindi niya man inaasahan pero sina Terrence at Shane ang unang dumating doon. Sa totoo nyan ay si Shane lang ang inimbita niya at gusto niyang papuntahin doon pero mas gusto niya na nandoon din si Terrence.

"So the two of you came together, huh? Akala ko busy si Terrence kaya hindi siya makakasama. Thank you for bringing him here with you, Shane."

"It’s really nothing. Here, I brought some wine," sagot ni Shane.

Iniabot ni Shane kay Mika ang wine at tinignan lang muna ‘yon ni Mika.

"Oh, what should I do? I also brought some wine. I guess we will be drinking a lot tonight. Let's go inside."

Sa huli ay kinuha din ni Mika ang wine at pumasok na sila sa loob.

"Do you want anything?" tanong ni Mika.

"No, thanks. We’re good," sagot ni Terrence.

"Okay, I’ll be back. Pupuntahan ko lang si Gab."

Pinuntahan ni Mika si Gab sa kwarto nito at dahil bukas ang pinto ay diretso siyang pumasok sa kwarto nito. Nakita niya si Gab na hindi pa nakabihis at nakadapa sa kama. Parang pagod na pagod ito at gustong matulog dahil nakapikit ito.

"Babe, c’mon! Get up! Shane and Terrence are here."

"Mamaya na," sagot ni Gab habang nakapikit.

"I know youre tired but please? Babe?"

Nilalambing ni Mika si Gab dahil baka makuha niya ito sa charm niya.

"Oo na, babangon na ako."

Humiga ng maayos si Gab. Hinihila siya ni Mika para mapaupo pero siya ang nahila ni Gab papahiga. Nang mapahiga si Mika sa kama ay saka umupo si Gab. Tinulungan siya ni Gab na makaupo at diretso niyang niyakap si Gab.

"Gab?"

"Oh?"

"I know it’s hard for you but please-- at least for me, try to hide everything. Don't show them your weaknesses. I know you miss her but--"

"Ssh. Alam ko na ang gagawin ko. I know what you want, babe."

"Thanks, babe. Dress up and let’s go down together. I'll wait for you here."

"Sige."

Hinintay niya na matapos magbihis si Gab at sabay silang pumunta sa sala. Hindi rin nagtagal at dumating na doon sina KL, Aine, Steven at Spencer. Ang saya ni Mika dahil lahat ng inimbita niya ay nakapunta. Hindi niya na din naisipan pang imbitahin si Risa at si Vince dahil makakagulo lang sila.

"We’re all here. Let's eat!" pagyayaya ni Mika.

Pumunta sila sa hapag-kainan. Hindi maiwasan ng lahat na tignan at titigan si Shane. Hindi sila makapaniwala na kamukha nito si Jin. Pilit na pinagmamasdan lalo na nina Steven at Spencer si Shane dahil curious din sila tungkol dito lalo na ngayon at nakita nila ito.

"Why don’t you introduce her to them? They don't know her yet," sabi ni Mika kay Terrence.

"Well, yes. Steven, Spencer, Aine, I’d like you to meet my girlfriend, Shane. Shane, this is Spencer, Steven and Aine. They're Gab's friends," pagpapakilala ni Terrence.

"It’s nice to meet you," expressionless na sinabi ni Shane.

"Kaboses mo din si Jin. Hindi nga kaya ikaw si Jin at nagpapanggap ka lang?" tanong ni Steven.

"Steven, please don’t make a scene," pagmamakaawa ni Aine.

Alam ni Aine na tatadtarin ng tanong ni Steven si Shane. Ang akala lang kasi nila noon ay may hawig lang ito kay Jin pero kamukhang kamukha niya pala talaga si Jin.

"I’m not Jin. How many times do I have to tell you that? Could you please stop? I came here because of Mika's request and not for this," naiinis na sinabi ni Shane.

"Awat na, Steven. She's not Jin," sabi ni Mika sa kanilang lahat.

Tahimik silang kumain at pagkatapos noon ay pumwesto silang lahat sa sala at doon sila uminom ng wine habang nagkekwentuhan.

"Can I talk to Terrence for a while?" pagpapaalam ni Mika kay Shane.

"Sure. Go on," sagot ni Shane.

Tumayo na si Terrence kaya naman naglakad si Mika palayo sa kanila kung saan walang makakarinig sa magiging pag-uusap nila. Agad namang sumunod sa kanya si Terrence.

"What do you want?" tanong ni Terrence.

"As you can see, I have an envelope here. Do you know what inside this?"

"I can’t understand you, Mika. I don’t know what you’re saying."

"Pina-DNA test ko si Shane para malaman kung siya nga si Jin. This envelope has the DNA result in it. I think I should let you know before I reveal it to them."

"Ano bang binabalak mo?"

"I want to know who she really is. Baka naman kasi siya si Jin na nagtatago lang sa ibang pangalan o talagang hindi siya si Jin at kamukha niya lang. I'm giving you a chance, Terrence. Tell me the truth and if she's really Jin, I wont reveal this to them."

"Hindi siya si Jin, Mika," confident na sagot ni Terrence.

Nagtataka si Mika kung bakit hindi man lang natatakot si Terrence sa mga sinabi niya. Ni hindi man lang ito nagulat nang mabanggit niya ang tungkol sa DNA testing.

"Oh really? Should I show them the results tonight? Hindi ko pa naman kasi ‘to natitignan."

"Give it to me, Mika. Sinabi ko na sa ‘yo ‘yong totoo."

"You know what, Terrence? I'm expecting you to admit that she's really Jin. I’m even expecting you to ask me to hide this secret to them. I was wrong. Hindi ‘yon ang ginawa mo kaya tignan na lang natin ngayon."

"Mika, anong sinasabi mo? Tignan ang alin?" nagtatakang tanong ni Gab.

Hindi napansin ni Mika ang pagdating doon ni Gab. Walang narinig si Gab kung hindi ang huling sinabe\i ni Mika kaya wala siyang idea sa kung ano ang pinag-usapan ng dalawa.

"Gab, you’re here. Tutal nandito ka na din naman, sasabihin ko na din sa ‘yo. I have here the result of the DNA test. Let's go, babe. Sigurado ako na gusto na din nilang malaman ‘yong totoo."

Aalis na sana doon sina Mika at Gab pero hinawakan ni Terrence yung braso ni Mika para pigilan ito.

"That's enough, Terrence. I gave you a chance, right? You can't stop me now."

Wala ng nagawa si Terrence. Sabay sabay silang bumalik doon.

"Babe?"

"Oh?"

"Ano man ang mangyari ngayon, tandaan mo na hindi ako papayag na makipag-break ka sa ‘kin. I wouldn't let that happen. Never!"

"Mika, alam mo sa simula pa lang na siya na. Na si Jin pa din hanggang ngayon."

"Yes, I know that. I can make you fall for me, too. We’ve been together for so long. Hindi ka lang nagkakagusto sa ‘kin dahil siya lang ang nasa puso mo."

"I’m sorry, Mika."

Nauna nang maglakad si Gab at iniwan niya dun si Mika.

‘I like Gab, I really do. Maybe not to the extent that I love him but I really want him. I’ll never let anyone get in my way. Kung kailangan kong manakit ulit, gagawin ko para makuha siya.’

Hinabol niya si Gab at tumayo sa harap nila. Nilapitan naman siya kaagad ni Shane.

"Mika, we have to go," pagpapaalam ni Shane.

"No. Not yet, Shane. I have something to say, right Terrence? Hayaan mo muna akong masabi ang gusto ko at pwede na kayong umalis pagkatapos nun."

"Terrence, let's stay here for a few more minutes."

"Let's go, Shane!" sigaw ni Terrence.

"Come on, Terrence. Bakit ba atat na atat ka na umalis dito?! This will only take a minute. Saglit lang na oras ang hinihingi ko!" sigaw ni Mika.

"May tinatago ka ba kaya gusto mong umalis na?" tanong ni Gab.

Nag-iba ang expression ni Terrence. Kung kanina ay kalmado lang ito, ngayon ay seryoso na siya at tila ba nagmamadali.

"Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niyo! Pwede bang diretsahin niyo na? Naghihintay kaming lahat," naguguluhang sinabi ni KL.

Wala ng nagawa si Terrence dahil sa sinabi ni Gab. Hindi sila kaagad umalis doon at tumayo lang sila ni Shane.

"Shall I start?" tanong ni Mika.

Itinaas niya ang envelope na hawak niya.

"I have here the result of the DNA testing of Shane and Jin's Dad."

Nagulat si Shane sa narinig at nainis.

"How could you do that without my permission?! Is that why you're trying to be friends with me?! Let's go, Terrence! I don't want to waste my time here!" naiinis na sinabi ni Shane.

Aalis na sana ang dalawa pero madaling kinuha ni Mika ang laman ng envelope at tinignan ‘yon kaagad. Nagulat siya sa result na nakita. Inaasahan niya na ang posibleng laman nun pero hindi niya alam na iba pa din ang magiging epekto sa kanya ngayong nakita niya na.

"It’s positive. Shane and Jin are nothing but the same person," diretsong sinabi ni Mika.

Gulat na gulat ang lahat sa narinig. Natigilan lang doon sina Shane at Terrence.

"I knew it! Sabi ko na nga ba at siya si Bessy! Malakas talaga ‘yong kutob ko!" sigaw ni KL.

"T-that's not true. I’m sure na d-dinaya niyo ‘yan! I’m not Jin. It’s really i-impossible! Stop making me the person I'm not. Let’s go, Terrence!" pagyayaya ni Shane.

Nagmadaling umalis doon si Shane at Terrence na hinayaan na lang din naman nila. Gulat na gulat si Shane sa nalaman. Lahat sila ay naguguluhan kung umaarte lang ba ito o wala talaga siyang alam sa mga nangyayari. Iniisip kasi nila na nagpapanggap lang ito na hindi niya kilala ang mga tao sa paligid niya. 

"Kailan mo pa ‘to alam, Mika?! Why didn't you tell me?!" naiinis na tanong ni KL.

Hawak ni KL sa magkabilang balikat si Mika at niyuyugyog siya nito kaya nainis siya at tinulak niya si KL. Buti na lang at nasalo siya ni Spencer. Ayaw kasi ni Mika na hinaharass siya.

"Bakit mo ako tinulak?! Gusto mo ba talaga ng gulo?"

"KL, tama na," pag-aawat ni Spencer.

"Stop concluding things kung wala ka talagang alam! Stop acting like you’re a really good best friend! Kung mabuti kang kaibigan, ikaw na sana ang gumawa nito at hindi ako. For your information, sabay sabay lang natin ‘tong nalaman kaya ‘wag mo akong sisihin!"

"Tama na ‘yan. Mag-uusap muna kaming dalawa ni Mika. Umuwi na muna siguro kayo ngayon. Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap," sabi ni Gab sa kanila.

Pinauna ni Gab si Mika sa kwarto nila at siya naman ay hinatid na muna ang mga kaibigan niya. Pagpasok ni Gab sa kwarto nito ay nakita niya si Mika na nakatingin sa labas ng bintana.

"Mika."

Pagkarinig niya sa boses ni Gab ay agad siyang lumingon.

"Ano na ngayon? Maghihiwalay na tayo porke’t alam mo na siya nga talaga si Jin?!"

"Sorry."

"Okay. Let's end this relationship. Ito ang tandaan mo, sisiguraduhin ko na hindi matatahimik ang buhay niyong dalawa!"

‘Wag mo na siyang idamay dito, wala siyang ginagawa sa ‘yo. Ano bang gusto mong mangyari?"

"Gab, can't you see that I like you? You know how much I hate her! Hindi ko hahayaan na maging masaya siya hangga’t hindi ako masaya."

Nilapitan ni Gab si Mika at hinawakan sa balikat. Pinipilit ni Gab na maging kalmado dahil alam niya na kapag mainit na ang ulo ni Mika at sinabayan niya pa ay mag-aaway lang sila.

"Mika, kaibigan kita kaya sana ‘wag kang maging ganito. Hayaan mo na kaming dalawa. Sa nakikita ko, mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari at wala talaga siyang natatandaan."

"What will I get in return if I do that? Nawala na nga ‘yong thrill sa buhay ko, nawala ka pa. Bakit ba lahat na lang ng meron ako inaagaw niya? Masaya na tayo noon nung wala pa siya!"

"Kung ayaw mong mawala ‘yong pagkakaibigan natin, itigil mo na ‘to. Let’s just be friends. Alam mo na hanggang doon lang ang kaya kong ibigay kahit noon pa na wala pa siya."

"Let’s just be friends?! Okay, fine! Since we’re close, I'll let you do it your way. Ito lang ang tatandaan mo, kapag sinaktan ka niya, hindi ko papalagpasin ‘yon. I'll definitely do something. Hindi ko hahayaan na makita kang nasasaktan ng dahil na naman sa kanya. Sige, aalis na ako."

Aalis na sana doon si Mika pero natigilan siya nang yakapin siya ni Gab galing sa likuran. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na gagawin ‘yon ni Gab sa kanya.

"Thank you for everything, Mika. You’re a good friend and a good person, too. Maganda ka, mabait, sweet at mayaman ka din. Nasa’yo na ang lahat ng gugustuhin ng isang lalaki. You deserve someone better. ‘Yong lalaking magpapasaya sa ‘yo at mamahalin ka kung sino ka man."

"Do you really think so?"

"Yes."

Humarap si Mika kay Gab.

"I am not a good person, Gab. You'll see it once I get mad. Galingan mo na lang. Ibalik mo siya sa ‘yo at ipakilala mo ako sa kanya. Ipapakita ko sa kanya ‘yong ugali ng Mikaela Valdez na kilala mo ngayon. Bye, Gab."

Pinilit ni Mika na ngitian si Gab bago siya umalis doon. Nang nasa sasakyan na ay nakahinga na siya ng maluwag.

‘Why am I being so kind to him?! Hindi ako ganito. Hindi ganito ang ugali ng Mika na kilala ko. Maswerte talaga siya dahil kaibigan ko siya at may gusto ako sa kanya kaya ganito ako sa kanya. Kung hindi ganun, hindi ko hahayaan na masunod ang gusto niya. Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna sila ni Shane o Jin. Let's see how things will turn out this time.’

Continue Reading

You'll Also Like

118K 5K 54
" Alam ko namang idol ka at fangirl mo lang ako. Ang tanga ko nga siguro para pumasok sa relasyon na to "- Aila Jane Lucas 【Being Mrs. Jeon's side...
312K 5.6K 48
Ranked #39 in Romance Hahaha kaya ba ayaw mong mag seryoso? Kasi natatakot kang maiwan? Nakangating sambit niya pero alam mong seryoso siya. Mali na...
4.7M 112K 56
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Ang kwento ng matalinong-pilosopo na si Miller! Kung gusto nyong malaman ang kwento ng l...
15.6K 691 16
Handa ka bang masaktan ng paulit-ulit para sa taong mahal mo? Mamahalin mo pa rin ba siya kahit alam mong sa huli ay iiwan ka rin naman niya?