Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 36

54 1 0
By kristineeejoo

CHAPTER THIRTY SIX


Dumaan ang ilang linggo matapos naayos ang gulo at problema. Masasabi kong naging maayos na nga ang lahat dahil bumabawi na si Papa sa amin ni Mama. Kung dati ay sweet siya, mas lalo pa siyang naging sweet ngayon. Lagi niya naring pinapaalala na hinding hindi niya na daw uulitin ang pagkakamali niya. Naniniwala naman ako doon dahil pinupursigi niyang ibalik sa dati ang pamilya namin.

Pagkatapos din ng nangyari, hindi na nanggulo pa si tita Catherina. Tita na daw ang itawag ko sakaniya at minsan dumalaw daw ako sakanilang bahay kasama si Catriona para mangamusta. Okay narin kami ni Catriona. Kapag nasa school, maayos narin ang pakikitungo namin sa isa't isa. Sadyang si Eula lang ang paepal dahil ang plastik parin sakin.

Ilang linggo din ang lumipas simula nung malaman nila Mama't Papa ang relasyon namin ni Kenrick. Hindi maiiwasan na napagalitan kami dahil inilihim namin sakanila pero ang sabi nila samin, ayos lang naman daw mag boyfriend-girlfriend basta mas mainam parin kung ang pag-aaral ang tututukan.

Flashback

Nang makauwi na kami galing ospital, pinadiretso ni Papa at Mama si Kenrick sa bahay para makausap. Kinabahan ako dahil masyado silang seryoso. Baka kung anong gawin kay Kenrick. Huhu.

Nang makarating kami sa sala, umupo si Papa sa sofa at hinarap si Kenrick.

"Maghahanda lang ako ng pagkain natin." Sabi ni Mama at umalis ng sala.

Katabi ko si Papa habang si Kenrick naman ay nasa kabilang sofa. Hindi maipinta ang mukha nito, halo halong emosyon ang nakikita sakaniyang mukha. Mukhang takot din siyang malaman kung anong sasabihin ni Papa sakaniya.

"Bakit hindi ka muna maupo?" Taas kilay na sambit ni Papa. Natarantang umupo si Kenrick sa sofa at napatingin sakin. Napangisi lang ako at napailing iling sa reaksyon niya.

"Kailan pa naging kayo ng anak ko?" Seryosong tanong ni Papa.

"Ahm... nung araw po ng pageant nila Katrine." Sagot ni Kenrick.

"Nung nakaraan pa 'yon, ha? Bakit ngayon niyo lang naisipang sabihin samin?"

Tumikhim ako, "Pa, ako po kasi nagdisisyon nun. Sabi ko sakaniya na wag muna naming sabihin dahil baka di kayo pabor sa relasyon naming dalawa. Natatakot lang po kami sa magiging reaksyon niyo."

"Kahit na, Katrine. Hindi sapat 'yon para hindi niyo sabihin ang relasyon niyo." Sagot ni Papa sakin. Natahimik nalang ako.

"I'm sorry for not telling our relationship, tito. I'm going to take my responsibility for it." Matapang na sagot ni Kenrick. Wow. Nag iba ampotek. Hahahaha.

Bumuntong hininga si Papa bago dumating si Mama at may hinandang pagkain sa glass table namin rito sa sala.

"Nako, kayong dalawa, ayoko ng ganyan. Karapatan naming malaman ang relasyon niyo. Hindi kami magiging hadlang sa relasyon niyo pero sana maging tapat kayo samin. Hindi namin kayo pinagbabawalan pero dapat alam niyo parin ang limitasyon niyo. At mas maganda rin kung parehas niyong tututukan ng mabuti ang pag-aaral." Sabi ni Mama at umupo sa tabi ni Papa.

Napangiti si Kenrick kila Mama't Papa bago tumango, "Parehas po kaming makakapagtapos ng pag-aaral ni Katrine. Pangako po 'yan."

Napangiti ako sa sinagot ni Kenrick. Tumingin siya sakin at nginitian ako ng malapad bago ako kinindatan.

End of Flashback.

Ang saya dahil hindi na namin kailangan itago ni Kenrick ang relasyon namin kila Mama't Papa. Hindi na kami kakabahan o maiilang kapag nasa harap namin sila pero syempre hindi namin kakalimutan ang salitang 'limitasyon' kapag nasa harap namin sila.

"Saan ba tayo pupunta, Kenrick?" Biglang tanong ko dahil bigla niya nalang akong pinaalam kila Mama at may pupuntahan daw kami ngayon. Wala namang pasok ngayon dahil magte-take daw ng NCAE ang mga Grade 9 at gagamitin ang room namin so hayahay kami ngayon. Hahaha.

"Sa bahay." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula ng magmaneho si Kuya Roy kaya wala na akong nagawa. Gusto ko sanang umatras eh.

"Kinakabahan ako." Biglang sabi ko. Napatingin siya sakin at tinawanan lang ako ng malakas.

"Bakit ka kinakabahan? Na-meet mo naman na sila Mom and Dad, diba?"

Tumango ako. "Oo. Pero dati kasi magkaibigan palang tayo nun pero ngayon..."

Ngumisi siya, "Ngayon ano?"

"Ngayon... tayo na."

Mas lumapad ang ngisi niya, "Sus. 'Wag kang kabahan. Gustong gusto ka kaya nila Mom and Dad."

Tumaas ang dalawang kilay ko, "Talaga?"

Tumango siya at pinisil ng ilang beses ang kamay ko, "Oo. Diba nung una kang pumunta sa bahay elementary pa tayong dalawa nun? Gustong gusto ka nilang papuntahin lagi sa bahay lalo na si Mom."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Kenrick. Parang nakakatouch naman 'yun. Gusto ako ng mga magulang ng taong mahal ko. Ang saya, putcha.

Napangiti nalang ako ng malapad at sinandal ang ulo ko sa braso ni Kenrick. Hinalikan niya naman ako sa noo bago kami natahimik buong byahe.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Kenrick. Lumabas kami ng kotse at napahinto ako ng makita ang kanilang bahay. Malaki ito noon pero mas malaki na ngayon. Para na itong mansyon sa paningin ko. Napakaganda.

Ilang taon narin yata akong hindi nakakadalaw kila Tita Keniza at Tito Ricko. Elementary pa siguro kami ni Kenrick simula nung ipakilala niya ako sa mga magulang niya. Na-miss ko sila ng sobra.

Hinawakan ni Kenrick ang kamay ko kaya umangat ang tingin ko sakaniya.

"Let's go. Nasa loob sila Mom and Dad." Sabi niya kaya tumango nalang ako at sabay naming tinahak ang daan papasok sa malaking bahay nila. Pagpasok namin, may pamilyar na maid ang bumungad sa aming dalawa.

Bigla itong nagulat ng makita ako, "Katrine hija? Ikaw na ba 'yan?"

Tipid akong ngumiti, "Opo. Ako nga po."

Pilit ko siyang inalala at nanlaki ang mata ko ng maalala na siya. Si manang Elizabeth! Grabe! Ang tagal niya na palang nagtatrabaho rito kila Kenrick? At buti naalala niya pa ako.

"Grabe hija, gumanda ka lalo!" Sabi niya kaya nag init ang pisngi ko.

Magsasalita sana ako kaso sumingit si Kenrick, "Sus! Maganda ba 'yan?"

Tinignan ko siya ng masama at sinuntok sa braso. Humagalpak naman siya ng tawa.

Napangiti lang samin si manang at napailing iling.

"Hindi parin kayo nagbabago, tsk." Sabi ni manang at ngumisi.

"Lah manang may nagbago kaya samin!" Biglang sabi ni Kenrick. Kumunot ang noo ko. Ganun rin si manang.

"Ano naman 'yon hijo?"

"Dati kasi magkaibigan lang kami pero ngayon girlfriend ko na siya. Oh diba ang laki ng pagbabago?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kenrick. Potangena ka, Kenrick. Bakit masyado kang direkta sumagot? Kingena naman.

Nanlaki ang mata ni manang at napatingin sa kamay namin ni Kenrick na magkahawak. Aalisin ko sana 'yon kaso hinigpitan ni Kenrick ang paghawak sakin. Naiilang na ngumiti nalang ako.

Ngumisi si manang, "Oo nga hijo. Ang laki nga ng pagbabagong 'yon. Akala ko hindi sayo papatol si Katrine, e."

Dahil sa sinabi ni manang biglang nawala ang pagkailang ko at napatawa ako ng mahina. Bigla namang nagkasalubong ang kilay ni Kenrick at napanguso.

"Manang naman, e!" Usal nito.

"Biro lang hijo." Sabi ni manang at tumawa na ng malakas. "O sya, nasa dining area ang mama't papa mo, hijo. Puntahan niyo nalang sila doon dahil may tatapusin pa akong gawain."

"Sige po, manang." Sabi ko. Nakanguso parin si Kenrick kaya siniko ko siya. Napatingin siya sakin at inirapan lang ako. Aba! Nananaray ang lokong 'to, ah! Napakapikunin talaga.

Sabay kaming dumiretso ni Kenrick sa dining area nila at nakita namin doon sina Tita at Tito. Medyo tumanda sila pero ganon parin ang itsura. Napakaganda't gwapo parin. Hindi na ako magtataka kung bakit napakagwapo rin ni Kenrick.

Napatingin sila samin at nanlaki ang mata nila ng makita ako.

"Katrine?" Usal ni Tita Keniza.

Ngumiti ako. "Hello po, magandang hapon po, Tito and Tita."

"Woah, ang laki mo na hija! At mas lalo pang gumanda." Sabi sakin ni Tita Keniza. Nag init ang pisngi ko at ngumiti nalang.

"Ang tagal narin simula nung bumisita ka rito, hija." Sabi ni Tito.

"Oo nga po, e. Busy po kasi sa pag-aaral." Sabi ko. Pinaupo nila kami ni Kenrick bago kami hinandaan ng mga maid nila ng pagkain.

"Nako, na-miss ka namin hija. Dalagang dalaga kana ngayon." Sabi ni Tita.

"Na-miss ko rin po kayo, hehe." Sagot ko at malapad na ngumiti.

"Mom, pakainin muna natin si Katrine. Mamaya na kayo mag-usap." Sabi ni Kenrick at ngumuso sa kaniyang ina.

"Pwede namang mag-usap habang kumakain, son." Sagot ni Tita sakaniya bago ulit ako tinignan.

Ngumiti ng napakalapad sakin si Tita Keniza. "May boyfriend kana ba hija?"

Napasinghap ako sa tanong ni Tita. Sinulyapan ko si Kenrick at nakita kong nakatitig narin siya sakin.

Tae, anong isasagot ko? Kinakabahan ako! Bakit ganito? Huhu.

"Uhm... ano po.. meron po." Sagot ko.

Nanlaki ang mata ni Tita at natuwa sa sinabi ko. "Talaga? Naku, sino naman kaya 'yang maswerteng lalaki na 'yan?"

Nagulat ako ng hinawakan ni Kenrick sa ilalim ng table ang kamay ko. Mahigpit ito at mukhang ayaw na niya itong bitawan.

"Si ano po..." Napapikit ako sa kaba. Dumilat ako at sinulyapan ulit si Kenrick na mukhang inaantay narin ang isasagot ko.

"Anong pangalan hija?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago pinakita sakanila ang magkahawak kamay namin Kenrick.

"Si Kenrick Olivar po ang boyfriend ko."

Continue Reading

You'll Also Like

864 80 8
I'm Xiafer Cabrera a basketball MVP and an handsome guy. I have an fan-cheerleader to be exact, her name was Annika San Juan. Nerd siya kaya hindi ko...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
80.1K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...