Somewhere In My past(GAY ROMA...

By Tekki1492

29.9K 175 57

E.E Cummings once wrote “We do not believe in ourselves until someone reveals that deep inside us something i... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
THE END

CHAPTER 16

684 6 8
By Tekki1492

CHAPTER 16

Hanggang kailan ka matatakot?

Ang buhay laro iyan at kung hindi ka makikipaglaro, hindi mo mararanasang manalo o kaya naman sa kasamaang palad,hindi mo mararanasang matalo.

Minsan sa aking pagiisa bigla akong may napagtanto.Kung may bagay na sumisira sa atin ito ay ang takot.Takot na baka hindi tayo maintindihan sa oras na inilahad natin ang tunay nating sarili.Takot na baka iwanan tayo ng mga taong nasa paligid natin.Takot na baka hindi mo kayanin.Takot sa mapanuring mata ng publiko.

Naalala ko tuloy ang minsang nakausap ko.

Tinanong niya ako.

Paano mo malalaman na hindi mo kaya kung hindi mo susubukan?

Kailangan iyang takot sa dibdib mo ay isantabi mo muna.Kasi ang takot para yang traffic light pag may takot ka sa puso,iyan ang magsisilbing red light mo at magsasabing OOPPPSS huminto ka,hanggang diyan ka na lang muna.

Ilang pangarap na ba ang lumubog?Ilang pagmamahalan na ba ang naudlot?Ilang buhay na ang nasira?Ilang tao na ang umiyak?Ilang tao na ang tuluyang nilimot ang tunay na pagkatao dala ng takot?

Ang sagot hindi ko alam,pero ang mahalaga dapat hindi natin hinahayaang lamunin tayo nito.

Kinabukasan,paglabas ko ng bahay habang papunta ako sa opisina.Laking gulat ko nang may bumungad sa aking paper bag.Pamilyar ang itsura ng paper bag na ito na nakalagay sa labas ng aming gate.

Kaya agad ko itong nilapitan para buklatin kung ano ang nasa loob nito.

Sa kasagsagan ng aking paghahalungkat bumungad sa akin ang mga gamit na minsang itinapon ko na.Mga alaala sa akin ni Rick.Hindi ko napigilang hindi maluha nang oras na ito.

Agad akong tumingin sa paligid para tignan kung sino ang nagiwan nito ngunit wala naman akong nakita ni isang tao sa labas ng bahay.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandito uli ang mga ito na minsang ipinamigay ko na sa batang humingi sa akin.

Papasok na ako ng loob ng bahay para dalhin ang paper bag na kasalukuyang bitbit ko, nang biglang may humawak sa aking kamay.Nilingon ko ito para tignan at mas lalo akong nagulat nang makita ko si Rick.

Nanlaki ang mata ko at kasabay nito at biglaang paglunok ko sa aking laway.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tila ba nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ito. Kasabay nito ang pamumuo ng luha sa aking mga mata na pilit ko namang nilalabanan.

Humawak ito sa aking kamay at kasabay nito ang dahan dahan na bukas ng kanyang mga labi.

"Andito ako para ibalik saiyo ang mga ito.Tekki I'm sorry."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at tumingin ako sa kanyang mga mata na kasalukuyang lumuluha.Ramdam ko sa puntong ito ang pagtaas ng aking emosyon pero sa kabila noon ay pinilit ko pa ring magsalita ng maayos.

"May pasok pa ko.Umalis ka na"

"Tekki please kausapin mo ko."

Yumakap ito ng bigla sa akin na para bang batang nagmamakaawa para sa isang pirasong kendi.At dito nag tuloy tuloy na ang pagbuhos ng aking emosyon.

"Do you honestly expect me to talk to you,after 5 years na wala mang ni 'hi o 'ni ho"

"Kaya nga andito ako.Kasi handa na ako."

"Tangina Rick! "

Napaisip ako sa sinabi niyang handa na siya,na minsan ay may nakapagsabi na rin sa akin.Dito pumasok sa aking isipan yung unknown number na minsang nagsabing magpapakilala siya pag handa na ito.

Kaya naman nang mapagtanto ko iyon ay agad kong tinanong si Rick kung siya rin ba ang nasa likod ng mga text messages na iyon.

Bahagya naman itong yumuko na tila ba nagalangan pang sumagot.At dahan dahan ay sumagot ito.

OO

Huminga ako ng malalim,habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang mga mata.Para bang pinipiraso ako sa sobrang sakit at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Kalahati ng katawan ko ay parang gustong yakapin si Rick ngunit kalahati rin naman nito ay gusto itong itulak palayo sa akin.

"Rick 5 years of my life halos ginugol ko iyon sa paglimot sayo.Masyado mo akong nasaktan,worst part is you left me without leaving me any explanation."

"Kaya nga andito ako ngayon para itama iyong mga pagkakamali kong nagawa sayo.Please give me one more chance to make things right this time."

"Hindi lahat ay worthy ng second chances Rick and unfortunately isa ka sa mga taong hindi deserving doon."

Bahagyang tumaas naman ang boses ni Rick matapos ko iyong sabihin.Dahilan para magulat ako at magalit.

Tekki please!!!

"Oh sige Tangina! I'm giving you 5 minutes para magsalita."

Humawak sa aking kamay si Rick at dahan dahang nagpaliwanag habang nakatitig ito sa aking mga mata.

"Tekki know that kahit magkahiwalay tayo,lagi kitang iniisiip.Nang makarating ako dito sa pinas halos araw-araw sinusundan kita.At sa mga sulok ng mga pader tahimik kitang pinagmamasdan.Alam mo yung mas nakakatuwa doon?Iyon yung pagnakikita kong may mga ngiti sa iyong labi.Ang saya-saya ko sa tuwing nakikita kitang masaya pero kasabay noon iyong sakit na nararamdaman ko.Alam mo yung pakiramdam na gusto mong maging parte ng mga ngiting iyon pero hindi mo magawa.

Ilang beses akong nagtangkang lapitan ka pero nilamon ako ng takot ko.I'm sorry."

Nang masabi iyan ni Rick ay naramdaman kong mas humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

"Now you might be wondering why I left you.I left you because I wanted to make you happy even if it killed me deep inside to be away from you.Alam ko kasing hindi mo maiintindihan kung bakit ko nagawa lahat ng nagawa ko sayo dati.Alam ko rin na mas masasaktan ka pag nagpaliwanag ako kaya minabuti ko na lang na hindi na magpakita saiyo.Pero ngayon I'm taking all the chances para magpaliwanag.

Back then,I'm upset because I don't know what I am. It's a battle within me i have to settle by myself.Natakot ako, I've lost everything including you.I thought that fear will last forever.You know I was raised that the concept of life is to get a job after graduation,look for a good wife and build a FAMILY that will take care of each other.Natakot ako dahil mahal kita.Nataakot ako na iba ako kaya pilit kong ikinulong ang sarili ko sa mga takot na iyon but years passed by I begun craving for freedom but again my fear served as the biggest red light that says I can't.

You know that feeling you get from that,it feels like you died even before you existed.

Natakot ako na pareho tayong lalaki pero kung may nalaman ako at natutunan ito iyong love knows no gender and there's nothing wrong with two people who found love with the same kind of sex.

But I'm here now getting back the life I've lost once. Ready,tougher,wiser and braver.No more holding back because I don't want the fear that comes with distancing.No more giving up of my own demands and what my heart desires.No need to protect myself from fear that comes with depriving oneself from experiencing complete joy.

No more confusion...

Because I know what I am now...

I'm no longer a lost soul...

I'm Rick,I'm proud and out...

Hihintayin ko Tekki iyong panahong sabay tayong tatawa uli.Just try to remember the happy days we've shared.The moment I kissed you 5 years ago,that was the first time I allowed myself to truly show what I felt inside.That kiss was true."

Napahinto si Rick sa pagsasalita at bigla na lang napaluhod sa semento at dito nagsimulang mas tumindi ang pagiyak niya.Sa oras na ito bahagyang naawa ako nang makita ko ito sakanyang kalagayaan."

Kasabay nito ang aking tila ba biglaang pagkatameme.

Muli ay nagsalita si Rick na halatang pinipilit ang sarili na makapagsalita ng maayos kahit na humahagulgol ito.

"Now,kung bakit ko ginawa iyon.I'm sorry.Sobrang tanga ko lang para gawin iyon sa taong in a way who taught me how to love.I never thought I was capable of that kind of love until I met you Tekki.Akala ko imposibleng magmahalan ang dalawang lalaki.Mali man sa paningin nang iba pero I'll always remeber that kiss at least with that kiss,I can say that once upon a time nakaramdam ako ng tama.

Alam ko sa loob ng five years na iyon,maraming pagkakataon na inisip mo kung bakit ko hinayaang ma set-up ka.I know I owe you an explanation.Ginawa ko lahat ng iyon kasi natakot ako kay Jeff.That time gusto kang sirain ni Jeff."

Napahinto uli si Rick,kasabay noon para bang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi niya.Napaisip ako kung bakit ako gusto akong sirain ni Jeff na dati naming kaklase.

"Bakit?"

Muli ay nagsalita si Rick at unti-unti itong tumayo at pinagmasdan ang mga mata ko.

"KAPATID MO SIYA!"

Tila ba nanlaki at nagpantig ang aking mga tainga sa aking narinig at dito nasampal ko si Rick sa sobrang pagkabigla ko.Sinubukan kong magsalita para pabulaanan ang mga sinabi niya.

"Tangina ka Rick!Ano pang mga kasinungalingan ang dapat kong marinig saiyo?"

Sinubukan kong takpan ang tainga ko habang nagsasalita si Rick at mistulang nag bingibingihan habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa aking mga pisngi.

"Tekki,lahat ng sinasabi ko totoo.Kapatid mo siya sa ama at gusto ka niyang sirain kasi nagseselos siya sa atensyong ibinibigay saiyo ng tatay niyo.Nagpagamit ako sa kanya kasi nagbanta siya na ikakalat niyang silahis ako,bagay na ikinatakot ko ng todo.Minsan kasi ng malasing kami ay nabanggit ko sakanya na may iba akong nararamdaman sa sarili at ito iyong pagiging silahis.Takot na takot ako noon Tekki,hindi ko alam iyong gagawin ko kaya pumayag nalang ako sa gusto niya.I'm sorry.Tekki makinig ka naman please.Andito ako ngayon kasi gusto ko ng itama iyong mga pagkakamali ko dati, habang may oras pa.Mahal kita Tekki!"

Tumingin ako sa relo kong suot nang matapos sabihin iyon ni Rick at muli ay nagsalita.

"Tapos na ang 5 minutes mo,pwede ka ng umalis"

Tumalikod ako at kasabay nito ang dahan dahan kong pagsara ko ng gate.Sinubukan akong piligan ni Rick sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking kamay na bagay na agad kong tinanggal.

"Tekki,TEKK-IIIIIIIIII!!!!"

T-eKKK-IIIII I LOVE YOU!!!

Pilit akong tinatawag ni Rick at pinababalik.Napahinto ako ng saglit nang bitawan niyang mahal niya ako pero naging matigas pa rin ako at diretsong pumasok ng bahay ng hindi man lang ito nilingon.

Nang makarating ako sa bahay ay bumungad naman si Will sa may pinto at agad nagtanong.

"Insan ano na naman iyang nangyari sayo?"

Hindi ko alam kung bakit pero nang pagkatanong sa akin ni Will na iyon ay bigla na lang akong bumigay,naupo ako sa sahig at dito nagiiyak.

Hinawakan ako ni Will sa aking kamay at pilit akong pinakalma.

Nang kalmado na ako ay sinimulan kong ikuwento ang lahat,sinimulan ko ito kung kung bakit ako iniwan ni Rick,kung bakit niya ako nagawang gaguhin dati,kung paano niya sabihing mahal niya ako at maski ang binanggit niyang kapatid ko si Jeff.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.7K 68 7
Old Clothes and Stale Coffee - an FTTB side story . Old clothes and stale coffee. That was my first impression of him. That was what he smelled of...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...