Stuck Between Two Hearts

By firefox_Angel

594 79 62

A girl name Vanilla Rose A. Xavier. She has a very long time ultimate crush. And a boy name Sage William Vasq... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 17

12 3 0
By firefox_Angel

Vanilla Pov*

Nagising ako bigla nang maramdaman kong may kumakalabit saakin. Gusto ko sanang pahirin ang aking mukha nang maramdaman kong nakagapos ang mga ito. Napamulat ako at napatingin sa taong nasa harapan ko.

"Mmm-mm-mmm!" Sigaw ko kasi pati mga bibig ko ay may nakalagay na masking tape.

Ano bang nangyari? Bakit ang dilim?

Naaninag ko si Jam na kagaya ko ay nakagapos din at may takip sa bibig. Naguguluhan ko siyang tinignan.

Gusto ko siyang tanungin but I can't say anything. I want to cry pero pinigilan ko kasi alam kong walang magagawa kapag iiyak lang ako ngayon.

Nakidnap ba kami? Pero bakit? As far as I know wala naman akong nagagawang masama ah o hindi kaya ay may nakaaway ako. Pero parang wala naman.

Nakatitig saakin si Jam at bigla siyang tumingin sa ibang direksiyon. Nang sinundan ko ito nakita ko si Lili na nakahiga. Dali-dali ko itong nilapitan kahit nahihirapan akong gumalaw.

Niyugyog ko siya hanggang magising siya. Napakurap pa ito upang iadjust ang kaniyang patingin.

Nang nakita niya kami, nanlaki ang kaniyang mga mata. At gaya namin hindi din siya makasigaw.

Sh*t buti na lang!! Naalala ko may nilagay pala akong cellphone sa may ankle ko. Hindi mo ito mapapansin dahil sa liit nito. Sana naman masagot nila Thorn ang kanilang selpon.

Nagtatanong na tumingin saakin sila Jam dahil bigla kong itinapat itong paanan ko sakanila.

"Mmm—mm—mm—mm." Nahihirapang kong sabi at tinuro gamit ang mukha ko ang paanan ko. Ilang segundo rin nila ako tinignan lang. Kaya inulit ko.

Nang naintindihan na nila ang sinasabi ko, Mabilis silang tumalikod saakin at sabay nilang hinawakan ang ankle ng paa ko. Naramdaman kong nahawakan na nila iyong maliit na selpon kaya mabilis nila itong kinuha.

Pagkatapos non ay pinilit kong tumayo gamit ang pader na nasa likuran ko. Nang nakatayo na ako mabilis akong lumapit kay Lili at tinapat ang kamay ko—na nasa likod ko—sa mukha niya para matanggal ang nasa bibig nito.

Mabuti na lang talaga nanonood ako ng mga hacks sa internet na kung paano makaalis sa mga senaryong ganito.

Pagkatapos kong tanggalin ang nakalagay lumapit naman ako kay Jam para tanggalin din ang nakalagay.

"Th-a-anks G-od." Napapaos na sabi ni Jam.

Bumalik naman ako sa pagkaupo upang tanggalin din nila ang nakalagay sa bunganga ko.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi ng dulot ng pagtanggal ni Lili sa masking tape.

"Hays.." napasabi na lang ako nang natanggal ito.

Nakikita ko sa mga mukha nilang natatakot sila sa kalagayan namin ngayon. At ako din naman pero kailangan kong tatagan ang aking loob para makapag-isip ng paraan upang makaalis kami rito.

"Turn around Lili so that I can see who you are calling." I said. Kailangan na naming macontact ang mga boys sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, hindi namin alam kung ano ang mangyayari dito.

Mabilis na hinanap namin ang pangalan nang kung sino man ang kilala namin. At nakita ko ang pangalan ni Dyran.

"Ayan na." Sabi ko. Mabilis naman pinindot ni Lili ang call button.

Napalundag kami sa gulat nang may narinig kaming kaluskos galing sa labas. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang mga mask tape na nakalagay sa mga bibig namin kanina at mabilis kong nilagay sa mga bibig noong dalawa.

Hindi ko pa nalalagay ang saakin nang bigla na lang bumukas ang pintuan sa kwarto kung nasaan kami.

Ang bilis nang tibok ng puso ko nang may pumasok biglang mga lalaki na may malalaking katawan at isang babae.

Lahat sila ay nakamaskara kaya hindi ko alam kung sino ang mga taong nasa harapan namin ngayon. At dahil hindi ko malaman ang mukha nila, tinignan kong mabuti ang maskarang nakasuot sakanila dahil naaninag kong magkakapareha ang mga ito.

Normal naman kung titignan pero nakakabahala rin dahil ang design nito ay puso sa gitna na may nakapalibot na ahas.

"So gising na pala kayo.." sabi bigla. Ang alam ko ay iyong babae ang nagsalita. Hindi ko kasi malaman dahil ang boses nila ay parang robot na animo'y parang nakarecord.

"What do you want?" Matapang na sabi ko. Alam ko kasing may gusto sila saamin eh. Dahil kung hindi bakit nila kami dudukutin?Ano iyon trip-trip lang?

Kahit hindi ko alam ang pakay nila ay nanggigigil na ako. Kung noong una ay natatakot ako, ngayon hindi na. Mga duwag pala sila eh. Hindi sila marunong lumaban ng patas.

"I want you dead.." sagot nito.

"Why?"

"Because you ruin my life!" Sigaw nito sa harapan ko. Napapikit ako dahil sa kaingayam niya. Wala naman akong nagawa para magalit siya ng ganito.

"I don't even know you." Walang emosiyong sabi ko. Kung ang mga karamihan ay natatakot sila dahil nakasalalay ang kanilang mga buhay pwes ako hindi.

Pero parang may bagay na pumasok sa isipan ko. Hindi ko nga pala dapat galitin ang mga ito dahil baka saktan nila sila Lili at Jam. At iyon ang pinaka-kinakatakutan ko.

"I don't care. I just want you dead!" She said angrily. Dahil sa pagkasigaw niya malalaman mo talagang galit na galit siya.

Kung gusto niya ang patayan, edi dapat pagkadukot palang saamin ay pinatay na niya ako. Pero bakit hanggang ngayon buhay pa kami? O kaya ako?

Isip Vanilla isip. Kailangan kong makaisip ng plano para makaalis kami dito. At kahit gusto kong malaman kung sino ang mga taong ito ay hindi ko magawa dahil alam kong armado sila.

Oo pala!! Iyong tawag! Sana naman sinagot nila iyong tawag namin. Pasimple ko itong tinignan at nakita kong sinagot nga nila at alam kong narinig nila kanina lahat ng pinag-usapan namin.

Kailangan kong ilarawan kung asaan kami. So that they know where to find us. Tumingin ako sa paligid. Feeling ko abandonado na itong lugar kung asaan kami dahil kahit madilim kitang kita ko ang mga alikabok na nagkalat sa buong silid.

"Tara na sa labas baka kung ano pa ang magawa ko sakanila." Sabi noong babae at umalis na nga sa kwarto kung nasaan kami. Pagkasarang-pagkasara nila dali dali kong tinanggal ang gapos ko at kinuha ang maliit na telepono.

"Can you hear me?" napapaos kong sabi sa kabilang linya.

"Oh sh*t Vanilla!! Is that you?!?!" Natatarantang sabi ni Sage. Boses niya kasi ang narinig ko.

"Where are you?! Kanina pa namin kayo hinahanap.." Sabi naman ni Thorn. "I'm so damn worried right now Xavier. Anong nangyayari diyan?Bakit ganon ang narinig namin kanina--"

"Guys please ako muna. Mamaya ko na lang ikwekwento lahat. Sa ngayon hanapin niyo muna kung nasaan kami." singit kong sabi. Dumungaw ako sa pader at may nakita akong maliit na bintana pero masyado itong mataas.

"Lili, Jam buhatin niyo ako para makasilip ako sa maliit na bintana." sabi ko sa dalawa.

Dali dali naman nila akong binuhat iyong parang ano sa cheerdance. At nararamdamang kong nanginginig sila pero nilalabanan parin nila ito. Hanga din ako sakanila talagang they are my girls, tatapang nila eh.

" Omy ghad guys! malapit lang kami sa Enchanted Kingdom mga 200 meters lang ang layo namin kung nasaan kami ngayon. Feeling ko abandonado na itong pinag dalhan saamin. Bilisan niyo guys." mabilis kong sabi.

Kita ko sa malayuan ang EK kaya siguro naman kaya nila kaming hanapin. Pwede nila gamitin ang gps ng telepono ko para mahanap nila.

"Sige sige papunta na kami. Huwag mong papatayin ang tawag." sabi ni Dyran.

Ayaw ko man silang idamay pero wala na kaming choice baka kung ano pa ang magawa nila saamin. Mainit pa naman ang dugo noong bruhang iyon saakin.

"Tumawag na din kayo sa pulis. At ihack niyo na kung saan nagmumula itong tawag na ito. At higit sa lahat huwag na huwag kayong papasok sa loob." pahabol ko.

Marunong si Kuya Dyran mag-hack ng kung ano-ano kaya madali nalang siguro nila kami mahahanap. Pero sana bilisan pa rin nila habang hindi pa bumabalik iyong mga tsonggong nandito kanina. Pagkalabas ko rito hahanapin ko at kikilalanin ko kung sino sila. At anong pakay nila saakin.

Pero sa ngayon kailangan ko ng ideya kung paano kami makakalabas nang hindi nila nahahalata. Lalo na't kasama ko pa mga pinsan ko.

I need to think fast before its too late. And with that parang may naisip na ako pwedeng gawin ngunit iba-iba.

Una, paano kaya kung takutin namin sila tapos sabihing may pulis na nakaabang sa labas siguradong ililipat nila kami ng lugar o hindi kaya pag-sinabi namin iyon baka agad-agad nila kaming patayin. Second option ay makipagkasundo ako sa babaeng iyon na palayain sila Lili at Jam at ako na lang ang maiiwan dito upang pahirapan nila. Dahil ang alam ko saakin lang sila may pakay, sa dalawa kong pinsan ay wala siguro pero dahil nga kasama ko sila sa magic sho—..

Wait a minute!! Tama! Nang dahil sa magic show na iyon kaya kami nakidnap. At siguro nang dahil din iyon makakatakas kami dahil siguro may hidden trick dito sa loob ng silid. Malakas ang kutob kong tinakot lang nila ang mga kasama sa magic show kanina at sinabing kailangan nila kaming kidnapin baka kung hindi ay sila siguro ang papatayin nila. Pero hindi pa ako sigurado sa teoryang ito baka nagkakamali ako.

Pero I need to try at gawin ang dapat kong gawin. Sinuri ko ng mabuti itong room kung asaan kami ngayon. Parang ordinaryo lang ito at walang kakaiba. May lamesa, upuan at kabinet sa may gilid. Puro alikabok din lahat.

Mawawalan na sana ang ng pag-asa ngunit nang masinagan ng buwan ang silid may nakita akong kakaiba. Nang-gagaling sa maliit na bintana ang liwanag.

Nakita kong walang alikabok sa may gilid ng kabinet kaya nagtaka ako. Wala naman sigurong magwawalis nang sa gilid lang at makikita mo talagang walang alikabok at ka-shape pa ng kabinet ang itsura ng walang alikabok. Na para bang dati talagang pwesto ng kabinet na ito ay sa walang alikabok kasi lahat ng alikabok ay pumupunta sa taas ng kabinet. Dahil kung dating pwesto na nito noon dapat may alikabok din sa parte na ito.

Saglit parang may mali dito. Kasalukuyan akong nakatayo at naglilibot sa silid. Tinignan ko ng mabuti ang walang alikabok na parte at iyong kabinet.

Pinagmamasdan naman ako nila Jam at Lili pero sa ngayon wala sa kanila ang atensyon ko. Pabalik-balik ang tingin ko ng may narealize ako sa kung ano ang nangyayari.

Feeling ko they move the cabinet so that no one can see what's behind it. Parang may tinatago sila sa likod ng pader. Dahil kung tutuusin kung talagang abandonado itong lugar na ito dapat lahat ng sulok ay may alikabok kaya nakapagtataka dahil may parteng walang alikabok sa tabi pa ng kabinet. It looks like they recently move the cabinet to hide the one behind it.

Kaya napagdesisyonan kong itulak iyong kabinet papunta sa pwesto ng walang alikabok. Maingat ko itong tinutulak upang hindi nila marinig sa labas na may ginagawa kami. Nang nakita nila Jam at Lili ang ginagawa ko ay mabilis silang tumayo kahit nahihirapan dahil sa gapos nila, sinikap parin nilang tumayo para lumapit at tulungan ako.

Kung titignan ay hindi naman gaano kabigat ang kabinet dahil maliit lang ito pero kailangan naming magmadali upang hindi nila kami maabutan. At nagpapasalamat ako dahil may gulong ang kabinet. Biruin mo may gulong talaga ito sa magkabilang gilid nito.

At nang sa wakas ay nalipat na namin bumangad saamin ang maliit na pinto. Nanlaki ang mga mata namin dahil parang daan ito palabas ng bahay o kung ano pa man ang tinutuluyan namin. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay namin itong binuksan ng dahan-dahan. At totoo nga ang hula ko daan nga ito palabas parang secret door kumbaga.

Mabilis ko silang tinulak para makapasok na sila sa loob at para walang oras na masayang at pagkapasok nila, pumasok na rin ako pero bago iyon mabilis kong hinila pabalik iyong kabinet at nilagay ito sa dati nitong pwesto. Buti nalang talaga dahil may gulong ito, hindi na ako nahirapang hilain ito pabalik.

Pagkatapos kong hinila ay mabilis kong sinara ang pinto na maliit at dali-dali na rin akong sumunod sa dalawa.

Thanks God dahil makakalabas na kami. I think the one who made this building is genius. At feeling ko iyong magician na iyon ay may gawa. Feeling ko lang ah siya ang nag suggest na doon kami itago at feeling ko rin alam niyang makakatakas kami dahil sa maliit na pintuan na iyon. Pero iyon lang ang hula ko, para saakin I need some evidences to prove my claim.

Sa ngayon ay gumagapang kami at iyong telepono ko lang ang nagbibigay liwanag sa daan namin. Sana naman nasa hindi kalayuan sila Sage para mabilis kaming makaalis.

Alam kong pagod na din itong mga pinsan ko. Nadadamay ko na sila sa gulo ng buhay ko sh*t . I need to find ways para maiwasan iyon.

Si Lili ang nasa unahan at may hawak ng selpon. At namatay din ang tawag kanina kasi palowbat na iyon. "Lili, tawagan mo sila na iready ang sasakyan para makaalis."Sabi ko at sa pagkakataon na iyon narinig ko iyong tunog ng sasakyan ng mga pulis.

Biglang may kaluskos sa harapan at nang tinignan ko ay may pinto sa harapan namin. Makakalabas na ata kami.

At sa wakas nakalabas na nga kami. Dali-daling kaming tumakbo sa sasakyan namin. Mabuti nalang nahanap nila kung asaan kami.

Nakita ko din ang mga pulis nakaabang. Hinihintay lang siguro nila kaming lumabas bago pasukin ang loob.

Mabilis na bumaba itong mga boys at sinalubong kami. Niyakap ni Lili si Kuya Dyran habang si Jax naman kay Jam. Iwan ko pero parang umiiyak ata sila dahil umaalog iyong mga balikat nila.

Unang una kong nakita si Thorn kaya mabilis ko siyang niyakap. Sh*t namiss ko agad sila kahit ilang oras lang naman hindi kami nagkita.

I don't know why pero I just started crying inside his embrace. Hinahagod naman niya ang likod ko to calm me down. "Shhh....Its fine now my princess. You are now safe with me. Stop crying.." bulong saakin ni Thorn habang pinapakalma ako.

Tumango naman ako pero hindi ko parin maiwasan na hindi umiyak. "I will not let anything happen to you again." He added. I just stayed like that for 5 minutes at humiwalay na ako sa yakap niya. Pinakawalan naman niya ako at kitang-kita ko sa mga mata niya na nag-alala siya nag sobra saamin.

"I'm sorry.." paumanhin ko tapos yumuko. Hinalikan naman niya ang buhok ko pagkayuko ko. Kung hindi ko sana sila pinunta sa Enchanted Kingdom edi sana hindi nangyari ang lahat ng ito. Pero nakakapagtaka lang bakit parang alam ng mga kidnapper kung asaan kami? Wala naman nakakaalam niyon kundi kami lang diba? Baka siguro pinapasundan talaga kami.

"It's not your fault baby shhh... Huwag kang magsorry.."sabi niya habang inaangat ang ulo ko para magtama ang mga mata namin.

I weakly smiled at him and he also smiled back. "Ang baho mo na.." pagbibiro niya saakin at tumawa pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. At inamoy ko ang sarili ko.

"Hindi naman ah bwesit ka."sabi ko naman nang maamoy ko ang sarili ko. Long lasting talaga iyong pabango ko thank you WETS. Siguro sinabi niya lang iyon to cheer me up at salamat naman kahit papaano gumaan ang loob ko noong tumawa siya.

Tumalikod na ako sakaniya at hinarap si Sage na nasa likuran ko kanina.

He widely open his arm at ako naman ay lumapit sakaniya para yakapin siya. Nakita ko sa gilid na pumunta si Thorn sa mga pulis na kasalukuyang kausap ni Troy.

"I was so worried, Nilla." He whispered. Ramdam ko na totoo iyon dahil sa mahigpit niyang yakap saakin. Hindi ko din alam pero naiiyak ulit ako. Ang iyakin ko naman, Vanilla umayos ka.

"I'm sorry.." saad ko naman. At mas lalo kong siniksik ang mukha ko sa dibdib niya.

"Don't apologize... I should be the one doing that dahil hindi ko kayo naprotektahan." Sabi niya at mahahalata mo sa boses niya ang galit and at the same time iyong disappointment niya sa sarili niya.

"Huwag mo rin sabihin iyan. Hindi natin alam na ganon mangyayari.." sabi ko in between my tears. Hinahagod naman niya iyong likod ko.

"Hayss kung alam ko lang. Ayaw ko na maulit pa iyon. Kung mangyayari man iyong hindi ako magdadalawang isip na hanapin ka agad. I will risk my life just to find you Nilla.." sabi niya at mas niyakap pa ako pero sakto lang para makahinga pa naman ako.

"But—"

"Shhh but for now, let us just stay like this.." Sabi niya at pinatong iyong ulo niya sa ulo ko.

Pinikit ko naman ang mga mata ko para ramdamin din ang mga yakap niya. Potek kahit may nangyari kanina, kinikilig pa rin ako kasi alam niyo namang crush ko itong niyayakap ko ngayon enebe. Peg begyen neye ne eke. Kahit ngayon lang heheeheh.

Kahit umiiyak ako hindi ko parin maiwasang ngumiti. Patay na patay talaga ako sayo Sage kung alam mo lang.

We stayed like that for a couple of minutes tapos humiwalay na din ako. Hinawakan niya ang mga mukha ko and I can't help but to blush really hard.

Pota ka Sage sana hindi mo mahalata geeezzz....

Pinunasan niya ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. Natutuwa dahil teh Ultimate Crush ko nasa harapan ko tapos nakayakap ko pa kanina tapos nag-alala pa saakin. At marami pang emosiyon naeexcite na iwan.

"Don't cry Nilla. Hindi mo bagay." Pabiro niyang sabi. Natawa naman ako dahil natatawa ako sa mukha niya. Mas lalo akong nahuhulog sakaniya eh anubayan.

"Thank you.." I sincerely said and smiled at him. Kumunot naman ang mga noo niya. "For what? Wala naman akong ginawa." Sabi naman niya.

"Sa lahat.." sabi ko at binigyan siya ng makahulugang ngiti. Ngumiti naman siya saakin na para bang alam na niya ang ibig kong sabihin. "Welcome Nilla." He said and suddenly he kissed my hair too. I was stunned kaya hindi ako nakagalaw agad.

O em G dayy!!! He just kissed me. Pero kiniss naman ako kanina ni Thorn ah pero hindi na ako masiyadong naapektuhan ng kay Sage siguro dahil nasanay ako ni Thorn na lagi niya akong hinahalikan pero sa noo at buhok lang siya. May respeto pa rin naman si Thorn kahit papaano. Kinuha nga lang niya iyong first kissed ko sa buhok, noo tapos holding hands pero counted ba iyon? Kasi hindi naman kami eh. Ah ewan bahala na nga.

At tsaka bakit ko nanaman kinukumpara si Sage kay Thorn? Ano ba ang mayroon?

Ah baka kasi magkakambal sila tama oo yon magkakambal sila.

"Van!" May biglang tumawag saakin kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong tumatakbo papalapit saakin si Troy. Mabilis naman akong ngumiti sakaniya.

Naalala ko nanaman na nililigawan pala nila ako. Bakit ko ba iyon nakakalimutan? Vanilla compose yourself. Magmukha ka namang presentable sa mga manliligaw mo.

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik. Miss ko din ang isang ito eh naalala ko iyong moment naming dalawa noong asa rest house kami tapos bigla biglang susulpot si Anita bitch tapos iyong si May ata iyon. Maganda talagang kasama si Troy eh may pagkakalog din minsan pero most of the time napakacaring niyang tao.

"Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo? Anong ginawa nila sainyo? Mabubugbog ko talaga ang mga iyon kapag nahanap s—" Oh diba sabi sainyo eh napakacaring.

"Easy Troy ayos lang ako.." sabi ko at hinawakan ang mukha niya dahil hindi na siya natapos magsalita. At sa paghawak kong iyon ay namula naman iyong mukha niya. May sakit ba siya? Bakit siya namumula agad?

"At bakit ka numumula? May sakit ka ba na hindi mo sinasabi saamin?" Nag-aalalang sabi ko.

Iniwas naman niya ang mukha niya saakin.

"Sh*t bat ako kinikilig" bulong niya pero hindi ko naman narinig dahil mahina lang ang pagkasabi nito.

"Ano?" Tanong ko.

"Wala wala. I'm just glad that you are now safe." Sabi niya at niyakap ako. Pero nakita kong pumikit pa siya kaya naguguluhan ako. Tinatago ba niya ang mukha niya kaya hindi niya ako matignan?

At wait sabi niya kanina kapag nahanap so it means hindi nila nakita iyong mga dumukot saamin kanina?

"Hindi naabutan ng mga pulis?" Tanong ko pero nakayakap parin sakaniya.

"Oo Van, pero kinausap ko na sila na hanapin nila ang mga ugok na iyon. Dahil hindi ako makakapayag na ganon-ganon na lang hindi man lang sila napuruhan." Gigil niyang sabi. Ah kaya pala kausap niya kanina iyong mga pulis. Nakipag-usap din ata si Thorn kanina eh.

"Its okay. Ang mahalaga ngayon ay nakaligtas kami." Sabi ko at mas niyakap siya.

Wala naman sigurong magagalit na niyakap ko silang dalawa ni Sage diba? At tsaka sabi nga nila eh may the best man win. Pero I know my limitation parin. Hanggang hug lang sila saakin. Except nalang kung kiss pero para sakin pwede pa sa ulo nga lang.

Hindi ko alam pero nanghihina ako bigla. Bumibigat ang mga mata ko nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan. At ilang saglit ay nanghihina na rin mga tuhod ko.

"Van...Vann...Vannillaa?!" Natatarantang sabi ni Troy ay mas hinigpitan ang hawak saakin dahil alam niya sigurong babagsak na ako.

"Jam!?!?"

"Lili!!?"

Nakita kong natumba sila Jam at Lili habang hawak sila nila Kuya Dyran, Jax at Sage. Pati sila?

Ano ba ang nangyayari saamin?

"Anong nangyayari?!!?" Sigaw ng mga kasamahan namin pero wala na pumikit na ang mga mata ko at naramdaman ko nalang na nawalan na ako ng malay habang yakap-yakap ako ni Troy.

———————————
A/N:
Anong masasabi niyo sa nangyari kila Vanilla?
At sino ang kumidnap sakanila?

Sino ang kinilig sa chapter na ito?
Sino pinaka bet niyo para kay Vanilla?

Comment niyo po. Huwag mahihiya hehehe. I will appreciate it. At pwede din po kayong magcomment sa mismong scene kung may masasabi po kayo. Pero no foul words pleaseee..

Sorry po ulit sa napakatagal kong hindi pagu-update. Sana po maunawaan niyo. I will try my best na mag-update ulit. At sana matapos na itong paghihirap natin sa COVID-19. Let us just PRAY.

Lovelotssss.....
-firefox_Angel

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
79.9K 3.8K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...