Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1

3.2K 22 19
By master_anoch

Chapter 1:

 

 

TONI’s POV

 

 

*BEEEEEEEP*

 

*BEEEEEEEP*

“ANOO BA?? SASAMA BA TALAGA KAYO??” Antagal naman ng mga yon. Halos maputol na ang litid ko kakasigaw. Namumuti na mata ko dito kakahintay :/

“Eto na. Highbloood ka naman kagad. Kaya ka pumapanget eh.” Biglang bumukas ang saradong gate. Iniluwa nito ang isang lalaking, feeling babae :/

“HOOOY ANTONIO!! PUMANGET MAN AKO, MAS MAGANDA PA RIN AKO SAYO NOH?!”

“Dapat talaga nakasigaw?? Galit galit?? At tama bang ipagsigawan sa buong barangay na mas maganda ka? And FYI lang Anna Maritoni, it’s Mikki not Antonio. Yuucck ha!” pakendeng-kendeng syang lumapit saken. Nakatikwas pa ang mga daliri. Ang kulay ng kuko nya, nagmumurang BLOODY RED :/

“At kelan pa naging Mikki ang Mark Anthony ha?? Paki-inform nga ako.”

“Since the day I was born my darling.”

“Ang pagkakaalam ko, nong pinanganak ka ng nanay mo, lalaki ang lumabas, may lawit. At ang nakasulat sa birth certificate mo ay MARK ANTHONY GUEVARRA. Ngayon,asan don ang sinasabi mong MIKKI?? HA?? HA??”

Baka pansit yon. Mikki daw eh :l

“Alam mo ikaw na babae ka, kahit kelan napaka-nega mo. Hindi mo man lang ako suportahan. Hmmmp.”

“Atleast ako babae. At nagsasabi lang naman ako ng totoo noh. Asan na ba si Karen?? Kahit kelan talaga, kayong dalawa napaka bagal nyong kumilos.”

 

“Bakit ba ang sungit sungit mo?? May regla ka ba?? Ha?? Ha??”

“Ang tagal nyo ba naman kase. Pano kung nakalabas na yon si Jaypee??”

“Alas-singko pa po ang labas non. Anong oras pa lang te, alas kwatro pa lang po.Excited excited??  Palibhasa kase wala kang relo.”

“Bubulong-bulong ka pa dyan. Kala mo hindi ko narinig.”

Magdadalawang taon na kaming magkakilala ng nilalang na nasa harapan ko, saka yong isa na hanggang ngayon, magpapasko na, hindi pa rin lumalabas. Ganon katagal na rin kaming magkakaibigan.

Ganyan lang talaga kami mag-usap. Normal na sa amin ang ganon, although sa ibang tao hindi normal yon :l

“Ano ba kayong dalawa. Abot hanggang don sa tindahan ni Aling Nena ang bulungan nyo.” Sa wakas lumabas na rin ang mahal na prinsesa, after ten thousand years.

Teka?!?

“At ano naman yang suot mo? Aangkas ka sa motor ko ng naka-ganyan??” Tama bang magsuot ng bestida, hindi pa nga umabot ng tuhod, ternohan pa ng heels sa paa na 5 inches pa ata.

“Bakit? Anong mali sa suot ko? Ang sexy ko nga eh. For sure kapag nakita ako ni Cutiepie, maiinlove na sya saken.” Naglakad pa sya sa harapan ko na tila kasali sa America’s Next Top Model ni Tyra Banks.

“Ang sabihin mo Antonia, wala ka lang talagang kahilig-hilig sa fashion. Tingnan mo nga yang suot mo, para ka ng si Mask Rider Black. Huhulaan ko pati underwear mo, kulay black no??” At talagang dinuro duro pa ang maganda kong face??

“Hindi ah. Pink kaya.” Eh sya pink naman talaga ang undies ko eh.

Joke lang yon, kulay blue ata ang suot ko ngayon. Ahh, ewan hindi ko na maalala. Hindi ko naman tinatandaan kung ano ang kulay ng undies na suot ko. Nadadala lang ako sa baklitang to.

“Pink daw. Maniwala ako sayo.”

“Baka naman black na may stripe na pink. Hahaha.” Pang-aasar pa ni Karen.

“Tara na nga.”

“Ghad Toni!! Dyan mo talaga ako papasakayin??” tila nandidiri pang turo ni Karen sa motor kong Harleydavidson. “Babae ako neng. Babae. Alam mo ba yon??”

“Me too!” -Mikki

“So ako pala hindi babae?? Ganon ba yon??”

“Ahh. Yan naman ang hindi ko sinabi.” Tumalikod saken si Mikki. Sumakay na ko sa motor.

“TARA NA!” aya ko.

Mga wala pa atang balak umalis tong mga to :/

“Gamitin mo na lang kase yong car ko. Maawa ka naman saken Anton.” Reklamo na naman ni Karenina. Pumadyak padyak pa syang parang bata.

Siguro nalilito na kayo sa mga pangalan namen noh?? Ganyan talaga kami. Kung ano anong mga pangalan ang naiimbento.

“Eh di gamitin mo yong kotse mo kung yon ang gusto mo.” –Ako

 “As if naman pwede akong magdrive noh.”

“Yon naman pala eh. Sakay na. Matagal pa ang pasko, huwag mo ng intayin.” Nakangusong umangkas saken si Karen.

Walang nagawa ang pagrereklamo nya. Bawal na kase syang magdrive simula nong naaksidente sya. Pinagbawalan sya ng mommy at daddy nya.

Magpinsan silang dalawa ni Mikki. Nasa ibang bansa ang parents ni Karen kaya nakatira lang sya kina Mikki. Sa ibang bansa na talaga sila nakatira, si Karen lang ang may ayaw don. Mas gusto daw nya sa Pinas.

Eto na, papunta na kami sa pinagtatrabahuhan ni Jaypee :l Ang birthday boy :l

Bale tatlo kami sa motor. Si Karen ang nasa gitna. Ang pinaka-maarteng bata sa balat ng lupa. Biro lang.

 “Anong sabi ko sayo? Di ba maaga pa. Ayan tuloy. Maghihintay tayo ngayon dito.” Kumuha si Mikki ng salamin sa bag nya at sinipat ang sarili nya.

Ano? May nagbago  ba?

Nakatayo sya sa harapan ko, habang ako naman nakasandal sa motor ko. Medyo napaaga nga kami. Mga thirty minutes pa kaming maghihintay. Pero okey na rin yon, kesa naman malate kami di ba?

Si Karen pagkababa pa lang, restroom kagad ang hinanap. Parang nilipad daw ang utak nya. Palusot pa sya, gusto nya lang magretouch.

“Kumusta ka nga pala se new school mo ngayon??”

“Super okey! Daming fafable don. Saka maganda yong school.” Lumipat sya sa kabilang side.

“Isusumbong kita sa Mama mo. Puro lalaki ang laman ng utak mo.”

“Uy hindi nama—AYYYYYYY!!”

May dumaan na pulang kotse sa gilid ni Mikki. Muntik ng masagasaan tong malanding baklang to.

Napakayabang naman ng driver na to. Akala mo kanya yong kalsada. Hindi ba sya marunong tumingin kung may tao o wala. Napakakaskasero. Nuknukan ng yabang.

Huminto sa may di kalayuan yong kotse. Hindi na ko nagdalawang isip pang lapitan. Kung sino ka mang driver ka, humanda ka saken. Sumunod saken si Mikki. Always ready kami sa gyera.

Kinatok ko ng pagkalakas yong salamin ng kotse.

“HOY MAMANG ANO!! BUKSAN MO TO!! FEELING MO SAYO TONG KALSADA!! BAKIT?? MAY PANGALAN KA BA DITO? KUNG MAKAPAG-DRIVE KA PARANG WALA NG BUKAS AH!!”

“GO TONI!!”

Nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga nagdadaanan pero nagpatuloy pa rin ako.

“HOY BUMABA KA!! PANO KUNG NASAGASAAN MO TONG TAONG BATO DITO?? MAY PAMALIT KA BA DITO?? HAA?? ”

“GO GIRL!! DITO LANG AKO!! HINDI KITA IIWAN!! KAPIT-BISIG!!”

 

“HOOOYY!! BUKSAN MO TO!!!” hindi ako tumigil sa pagbayo sa salamin ng kotse hanggat hindi nabukas. Makikita mo ang hinahanap mo kung sino ka man. Hari ng yabang.

Medyo napalayo ako sa kotse nong bumukas yong pinto at lumabas ang isang lalaking parang kapre. Hindi kami nagpantay kaya napatingala ako sa kanya. Kinusot ko ang mata ko, dahil nasilaw ako sa araw.

Nawala yong nagsesecond voice saken. Nagkaron ng katahimikan.

“Yes Miss?? What is your problem??” May accent yong boses pero hindi ko maaninaw kung sino yong nagsalita.

“WAAW!! BIWAY!!” –Mikki

“SINETCH??” -Ako

“Itetchiwang otoko sa harapchi mo te. Plangak!!”  -Mikki

“Surelaluh ka? Mas effect pa ba kay aneck, Channing Tatum??” –Ako

“Keribels. Kalevey.” –Mikki

“Ano justahan tayis, ‘yong balabels ng ps3 mo kembot sa bagae kung Gello Gitty??” –Ako

“GO!!” –Mikki

ABA!! Malakas ang loob.. Yong balang matagal kong dinasalan sa kanya, na hindi ko makuha-kuha, willing syang ibigay ngayon. Hmmmm.

“HEYY!! YOU TWO, ARE YOU  NORMAL OR WHAT??”

Muling napataas ang tingin ko sa kapreng nasa harap ko. Nawala yong sinag ng araw kaya nakita ko rin ang hitsura nya  O.O

->_->    - Ako

<-_<-  - Mikki    

Muntik ng tumulo ang laway ko :l

Choz :/

Translation:

 

Mikki: Gwapo

 Ako: Sino?

 Mikki: Yang kaharap mo te. Panalo!

 Ako: Sigurado ka? Mas gwapo pa kay Channing Tatum?

 Mikki: Pwede. Kalevel.

 Ako: Pustahan tayo. Yong bala ng ps3 mo laban sa bag kong hello kitty?

 Mikki: Laban.

 Author’s Note:

 Tawa ako ng tawa habang tinatype ko to. Sumasabay ang trip ko sa bagyo. Bwahahahaha! Wala lang. Gusto ko lang @____@ Baka ako lang ang natawa sa sarili ko. LOL

 Sana matripan nyo din. Vote and comment po!

Continue Reading