Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 29

46 1 0
By kristineeejoo

CHAPTER TWENTY NINE


Tatlong araw ang lumipas simula ng pumunta kami ni Kenrick sa Cloud 9. Ngayon ay araw ng huwebes. Ngayon ang exam namin at wala pa akong review review. Hindi naman pwedeng stock knowledge dahil ni isang lesson wala akong matandaan.

"Kenrick, nasaan ka na?" Tanong ko sa kabilang linya.

Sabay kasi kaming papasok sa school. Simula nung maging kami ni Kenrick, sabay na kami lagi. Sa pag-pasok, recess at uwian. Hindi pa alam ni Eula ang tungkol samin ni Kenrick pero may balak rin naman daw si Kenrick na sabihin 'yon sakaniya. Hindi ko nga lang alam kung kailan. 'Yung tungkol naman kay Jared, naghahanap pa din ako ng magandang tyempo. Minsan kasi kapag kasama ko si Jared, sobrang saya niya. Ang unfair naman kung bigla ko nalang sisirain ang mood niya kaya ayun, di ko nasasabi. Pero hindi ko rin naman patatagalin 'yon. Sasabihin ko rin agad agad. Siguro pagkatapos ng exam namin para makapag-focus muna si Jared.

Ganon narin siguro ang gagawin ni Kenrick kay Eula. Pagkatapos siguro ng exam, tsaka niya kakausapin si Eula at sasabihin ang namamagitan saming dalawa.

"Sandali, papunta na ko diyan."

"Sige. Bilisan mo. Baka ma-late tayo, exam pa naman ngayon." Sabi ko at sinabit ang aking bag sa aking balikat.

"Maaga pa naman."

Napanguso ako, "Eh, magrereview pa nga ako sa library, e."

Tumawa siya, "Ay oo nga pala."

"Dalian mo na, pisti ka."

Mas lalo siyang natawa ng malakas, "Nandito na ako sa labas niyo."

Nanlaki ang mata ko. "Speed!"

Pinatay ko ang tawag at dumiretso sa pinto ng bahay. Nadatnan ko siya doon na nakangiti sakin. Napangiti nalang rin ako at napailing iling sakaniya.

"Ma! Alis na po ako! Kayo na bahala sa bahay!" Sabi ko bago kami lumabas ng bahay ni Kenrick.

"Dapat bumati muna ako sa Mama mo ng good morning," Sabi niya at ngumuso.

"Edi bumalik ka dun." Sabi ko ng makapasok na kami sa loob ng kotse niya. Ngumisi lang siya at kinurot ang tungki ng ilong ko. Napangiwi nalang ako sa ginawa niya at sumandal sa upuan ng kotse.

"Hi, Kuya Roy!" Bati ko ng makita ang driver ni Kenrick. Sa tatlong araw na lagi akong hatid sundo ni Kenrick, medyo nagiging close ko narin si Kuya Roy. Hindi tulad nung una ko siyang makilala, naiilang pa ako nun kapag kasama namin siya ni Kenrick pero ngayon mukhang nasanay na 'ko.

Tipid na ngumiti sakin si Kuya Roy, "Hello."

Napansin ko kay Kuya Roy na tahimik lang siya at kapag pinansin siya or may tinanong sakaniya, doon lang siya magsasalita. Hindi niya rin ugali 'yung mangialam sa ibang tao. Kaya pala kahit anong landian namin ni Kenrick dito sa backseat ay waepek sakaniya. Hahahaha.

Nagsimula ng magmaneho si Kuya Roy at dahil malapit lang naman ang school samin, nakarating kami agad. Nagpaalam kami kay Kuya Roy at pumasok sa loob ng school. Dumiretso muna kami sa library para mag-review.

"Bakit kasi kagabi hindi ka nag-review?" Mahinang tanong sakin ni Kenrick ng makapasok kami sa loob ng library. Dumiretso kami sa isang table at umupo doon.

"Inantok agad ako kagabi. Nakalimutan ko mag-review." Sagot ko at nilapag ang aking bag sa table. Inilabas ko ang notebook ko sa Mapeh, English, Math, Esp.

"Nagpupuyat ka ba lagi?" Kunot noong tanong niya.

"Huh? Hindi naman." Sagot ko at binuklat ang aking English notebook.

"Anong oras ka natutulog?"

"Alas dose." Sagot ko at binaba ang tingin sa aking notebook. Napangiwi ako ng bigla niyang pinitik ang aking noo.

Masakit 'yun, ah!

"Ouch! Para saan naman 'yun, ha?" Mahina ngunit may diin na sambit ko.

Tinitigan niya lang ako ng masama, "Para sa pagpupuyat mo. Tigilan mo na nga kaka-cellphone mo sa gabi."

Napairap ako at hinimas himas ang aking noo. "Hindi naman ako magpupuyat kung hindi kita ka-chat kagabi."

Natigilan siya at napaisip sa sinabi ko. Napangisi nalang ako at napailing iling. Ayaw niya akong nagpupuyat pero siya naman ang dahilan kaya nagpupuyat ako. Muntae lang.

"Pinatulog na kita nun ah." Katwiran niya pa. Napairap ulit ako.

"Pinatulog mo 'ko kung kailan alas dose na. Konyatan kaya kita diyan?"

Napakamot siya sa kaniyang ulo at tumawa ng mahina, "Sorry na. Ako pala ang mali."

Napangisi nalang ako at napailing iling sakaniya. Nagsimula na akong magbasa ng notes ko pero mukhang di pumapasok sa utak ko. Anyare ba sa mga brain cells ko ngayon? Nagsiwalaan na.

"Nahihirapan ka bang intindihin?" Tanong ni Kenrick habang nakapalumbabang nakatitig sakin.

Ngumuso ako at tumango, "Hindi pumapasok sa utak ko 'yung mga binabasa ko, e."

Bumuntong hininga siya at kinuha ang notebook ko. Binasa niya ang unang lesson sa harap ko at pinaliwanag ng tagalog. Napatango ako ng maintindihan ito. Dali palang intindihin kapag si Kenrick ang nag-explain? Astig.

Ilang oras kaming tumagal sa library. Lahat siguro ng hindi ko maintindihan, pinaliwanag niya. Bukod sa gwapo siya, matalino rin. Swerte ko talaga sa boyfriend ko. Mapapa-sana all talaga kayong lahat. Hahahahaha.

"Mag focus ka mamaya sa exam, kailangan nating pumasa okay?" Sabi niya ng matapos na kaming mag-review.

Tumango ako at ngumiti, "Yes zer."

Kinurot niya ang ilong ko, "Puro ka yes zer diyan. Kapag bumagsak ka, lagot ka sakin."

Ngumuso ako, "Anong gagawin mo?"

"Pupuspusin kita ng pagmamahal ko." Nakangising sabi niya.

Nag-init ang pisngi ko ngunit napailing iling nalang sa ka-corny-han niya. Kahit kailan talaga may banat ang isang 'to!

"Ewan ko sayo. Tara na nga! Baka ma-late pa tayo." Sabi ko at hinila na siya palabas ng library. Dumiretso kami ng room at nakita naming iba ang ayos ng silya. Medyo malayo ang distansya ng bawat silya para masigurong walang kopyahan. Umupo kami ni Kenrick sa likod, nagtabi kaming dalawa pero medyo malayo parin ang distansya.

"Katrine!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Ngumiti ako ng makita ko si Jared. Nasa unahan ko pala siya.

"Nag-review ka?" Tanong niya.

Ngumisi ako, "Oo naman!"

"Weh? Di halata." Sabi niya at tumawa. Tinignan ko lang siya ng masama at ngumuso.

"Oo nga. Tinulungan ako ni Kenrick mag-review!" Sagot ko at napasulyap pa kay Kenrick na diretso ang tingin sakin. Nginisian niya ako at kinindatan. Nag-init ang pisngi ko at napatingin bigla kay Jared. Kumunot ang noo ni Jared habang nakatitig kay Kenrick.

"Pangit mo pre! Kindat kindat ka pa diyan!" Sabi ni Jared kay Kenrick at binalik ang tingin sakin. "Pakopya ah?"

"Utut mo! Ang hirap kaya mag-review!" Sabi ko nalang at inirapan siya. Tinignan ko ulit si Kenrick at nakita kong nakatitig parin siya sakin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero di niya ako pinansin. Tumingin ulit ako kay Jared at nakita kong binalik na nito ang tingin sa board.

Pumasok na ang adviser namin sa room at binigyan kami ng questionare. Tumahimik naman ang lahat at nag-focus sakanilang pagsusulit. Nagsimula na akong magbasa ng tanong at magsagot. Ang unang subject na tini-take namin ngayon ay English. Napakagat labi nalang ako habang binabasa ang mga tanong sa test paper. Halos dumugo ang ilong ko sa kakabasa. Shete. Buti nalang ipinaliwanag ni Kenrick sakin kanina ang ibang lesson sa English kaya naging familiar sakin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagsasagot, may naglilingunan na at naghahanap ng maisasagot. May palihim na rin na nag-aabutan ng papel. Shete 'tong mga kaklase ko. Kapag sila nahuli jan ni ma'am, bahala sila.

"Pst..." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita kong si Kenrick iyon at tinatawag ako. Napatingin muna ako kay ma'am bago binaling ang tingin sakaniya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit?" Pabulong kong tanong.

"Nakakasagot ka ba?" Pabulong niya rin na tanong. Tumango lang ako sakaniya. Ilang sandali siyang napatitig sakin bago tinignan si ma'am. Nang makita niyang hindi ito nakatingin, bumaling ulit siya sakin at mabilis na inabot sakin ang papel niya. Hindi ko 'yon inabot at napakunot lang ang noo ko.

"Anong gagawin ko diyan?" Pabulong kong tanong.

"Kunin mo na tas kopyahin mo, dalian mo." Sabi niya at hinagis na sakin ang papel niya bago lumingon sa gawi namin si ma'am. Tumikhim ako at nagkunwaring nagsasagot sa aking papel. Inangat ko ulit ang aking ulo kay ma'am at ng makitang hindi ito nakatingin samin, nilagay ko ang papel ni Kenrick sa aking desk at kinopya ang ibang sagot niya na hindi ko pa nasasagutan.

Tinignan ko si Kenrick at tinawag, "Pst!"

Tumingin ito sakin, sinenyasan ko siya na kunin na ang kaniyang papel dahil tapos na ako.

"Akin na..." Mahinang sabi niya. Iaabot ko na sana sakaniya ang kaniyang papel kaso biglang lumingon si ma'am samin. Mabilis kong binalik sa desk ko ang papel ni Kenrick.

Pota. Hahahaha, hirap mangopya!

Nang hindi na ulit nakatingin si ma'am samin, inabot ko kay Kenrick ang papel niya pero nanlaki ang mata ko ng magsalita si Eula na nasa likod pala ni Kenrick.

"Ma'am, Katrine is cheating."

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 478 31
•COMPLETED• Young Love Series 13: Forget Me, Not Love can risk everything and anything. The mind forgets but not the heart that once learned to lov...
943K 29.8K 32
"Mommy, where is my milk? ", he asked. "I said I am not your mommy, d'you understand?" He's just looking at me innocently. Oh my, kahit gaano pa siya...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
25.1K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...