Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 27

58 1 0
By kristineeejoo

CHAPTER TWENTY SEVEN


Nakarating kami sa church na sinasabi ni Kenrick. Mas malaki pala ito kumpara sa pinuntahan naming simbahan nila Jared, Evan at Sean dati. Mukhang luma na ang simbahan pero maganda parin ang pagkakadisenyo.

"Tara, pasok tayo sa loob." Sabi ni Kenrick na syang ginawa namin. Marami naring tao dahil siguro dito sila kadalasang nagsisimba tuwing linggo.

Umupo kami ni Kenrick sa upuan na natatapatan ng electric fan. Ilang sandali pa naming inantay ang misa hanggang sa magsimula ito. Tahimik lang kami ni Kenrick habang nakikinig sa pari hanggang sa magsalita siya.

"Ayan si lolo," Sabi niya. Napasulyap ako sakaniya bago binalingan ng tingin ang pari. "Pero hindi ko talaga siya totoong lolo. Kaibigan kasi siya ni Grandpa at napalapit narin ako sakaniya kaya ayon, tinatawag ko narin siyang lolo ko."

"Woah. Mukha pa siyang malakas kahit may katandaan na." Sabi ko.

Ngumiti si Kenrick, "Oo nga, e. Ang sabi niya kasi sakin, hangga't di pa daw ako naikakasal, hindi pa daw siya pwedeng mawala."

"Aw, ang sweet naman nun." Manghang sambit ko habang nakatitig sa lolo niyang nagsasalita sa harap ng simbahan.

"Sana nga di pa siya mawala agad dahil siya ang magkakasal satin dito mismo sa simbahan na 'to." Natigilan ako sa sinabi ni Kenrick at napabaling sakaniya.

Napasinghap ako, "A-Ang bata pa natin para sa kasal, Kenrick."

Tipid siyang ngumiti at pinisil ang kamay ko nakahawak sa kamay niya, "Alam ko. Nagiging advance lang."

Tinitigan ko siya, napangisi nalang ako at napailing iling. Nakinig na ulit kami sa misa ng lolo ni Kenrick hanggang sa matapos ang misa. Lumapit kami ni Kenrick sa harap para harapin ang lolo ni Kenrick.

"Lolo!" Masayang sambit ni Kenrick ng makarating kami sa harap. Medyo nangonti na ang tao dito sa loob ng simbahan dahil nagsisialisan na.

Napatingin ang lolo ni Kenrick sakaniya, "Apo! Kamusta?"

Ngumisi si Kenrick, "Ayos naman po. Ikaw nga itong inaalala ko, hindi ko na kayo nabibisita."

Bahagyang natawa ang matanda, "Maayos lang ako rito, apo. Kamusta pala ang mga magulang mo? Nabalitaan ko, umaangat na ulit ang kumpanya niyo?"

"Ah, opo. Si Dad na po ulit ngayon ang nagpapatakbo nito. Nung mga araw kasi na papabagsak na 'yon, si Grandpa muna ang sumalo tutal magaling naman siya sa negosyo." Paliwanag ni Kenrick.

"Mabuti naman kung ganon, ay teka, kamusta na pala si Kensio?"

"Uhm, maayos naman po si Grandpa. Minsan po sasabihin ko na bisitahin kayo dito." Sagot ni Kenrick.

"Naku, baka busy ang isang 'yon!"

"Kapag free po siya, Lo." Sabi ni Kenrick at bahagyang tumawa.

Tumawa narin ang matanda at napatingin sakin. Nahihiya akong ngumiti. Ngumiti narin siya sakin at napatingin kay Kenrick. Napakunot ang noo ni Kenrick sa matanda at napasulyap sakin.

"Ah... 'Lo, ito nga pala si Katrine. Girlfriend ko po." Napasinghap ako sa sinabi ni Kenrick. Bakit masyadong direkta magsalita ang isang 'to?

"Talaga?" Tanong ng matanda at napatingin ulit sakin.

Nahihiya akong ngumiti, "Hello po. Magandang umaga."

"Totoo ba 'yun hija? Girlfriend ka nitong si Kenrick?" Tanong niya ulit.

Wala sa sariling napatango nalang ako.

"Woah, kung ganon ikaw ang first girlfriend nitong si Kenrick."

Nag-init ang pisngi ko, "O-Opo. Ako rin po. First boyfriend ko siya."

Namangha ang matanda, "Masaya ako sainyong relasyon. Sana magtagal kayo. Kapag may problema, pag-usapan niyo para di na lumaki. At 'wag muna kayong gagawa ng kung ano ano, okay? Mga bata pa kayo at marami pa kayong pangarap sa buhay."

"Opo, Lo." Sabi ni Kenrick.

"May lakad pa ba kayo?"

"Uhm, meron po pero gusto ko pa po kayong makausap." Sabi ni Kenrick.

Ngumisi ang matanda, "Hay naku! Nandito lang naman ako palagi sa simbahan. Kung gusto mo akong makausap, bumisita ka lang dito. Ang unahin mo muna ngayon ay ang girlfriend mo."

Nag-init ang pisngi ko.

Ngumisi si Kenrick, "O sige po, Lo. Sa susunod nalang po. Alis na po kami."

"Sige, mag-ingat kayo. 'Wag papagabi."

"Opo." Huling sabi ni Kenrick at naglakad na kami palabas ng simbahan. Magkasiklop parin aming nga kamay. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko at kapag bibitawan niya naman ito, sandali lang tapos ibabalik niya ulit.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Biglang tanong ko.

"Hm? Gusto kong pumunta tayo sa Cloud 9," Sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Saan naman 'yun? Hindi pa ako nakakapunta dun."

"Sa Antipolo."

"Eh?" Napataas ang kilay ko, "Mahaba pa ang ibabyahe natin papunta dun."

"Isang oras lang naman." Ngumuso siya. "Halika na. Doon tayo pumunta. Paniguradong magugustuhan mo dun."

Ilang sandali pa akong napatitig sa mukha niya bago pumayag, "Sige na nga."

"Great!" Natutuwang sabi niya. Dumiretso kami sa loob ng kotse niya at sinabi niya sakaniyang driver kung saan ang sunod naming pupuntahan.

"What time is it, Kuya Roy?" Biglang tanong ni Kenrick sakaniyang driver.

"Alas dose y media." Sagot nito.

"Ang bilis naman ng oras." Sabi ni Kenrick at ngumuso. Napangisi nalang ako sa naging ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Eh kasi kabilin bilinan ng Papa mo na ibabalik kita sakanila bago kumagat ang dilim. Tapos ang bilis pa ng oras!" Sagot ni Kenrick sakin.

Tumaas ang dalawang kilay ko, "Oh? Ano naman?"

"Anong ano naman? Syempre kapag mabilis 'yung oras, hindi kita makakasama ng matagal. Hindi naman pwedeng ibalik kita ng gabi sainyo, hindi ako makakapuntos sa mga magulang mo." Sabi niya.

Kahit nag-iinit ang pisngi ko, hindi ko mapigilang matawa.

"Ayun lang pala 'yung nasa isip mo, akala ko naman kung ano na."

"Tss." Singhal niya.

"Masyado ka lang OA. Makakasama mo naman ako sa school bukas or sa mga susunod pang araw. Hindi lang naman ngayon ang araw, 'no!"

Ngumuso siya, "I know. Pero kapag nasa school tayo, daming distractions sating dalawa. Gusto ko tayo lang talaga magkasama. 'Yung walang manggugulo."

Napairap nalang ako kahit gusto ko ng tumili sa sinabi niya. Ewan, kahit iyon lang ang sinabi niya, kinikilig parin ako. Nakakainis huh.

"Ewan ko sayo, Kenrick.." Iyon nalang ang nasabi ko dahil hindi na ako makahanap ng sasabihin sakaniya.

"Matagal pa ang byahe, Katrine. Nagugutom ka na ba? Hindi ka pa yata kumakain ng tanghalian." Maya maya'y sambit niya.

"Hindi pa, pero hindi pa ako gutom—" Napahinto ako ng marinig ang pagkalam ng sikmura ko. Tae! Ngayon pa talaga hindi nakisama ang tiyan ko!

Ngumisi si Kenrick, "Magkaiba kayo ng sinasabi ng tiyan mo."

Hindi nalang ako nakapagsalita.

"Kuya Roy, magdrive thru tayo. Nagugutom na kami ni Katrine, e." Biglang sabi ni Kenrick sa driver niya.

"Okay." Tugon naman nito at ng may nag-u turn para makalapit sa mcdo. Ang dami nilang binili. Mga halimaw yata ang mga kasama ko, e. Gutom na gutom lang?

"Ang dami naman niyan," Kumento ko.

"Ayaw kitang magutom, e." Sagot ni Kenrick at sinubuan ako ng fries. Kinain ko naman 'yon at kinuha sa kamay niya ang karton ng fries na hawak niya. Ayokong nagpapasubo. Di naman ako bata nuh.

"Kumain ka narin," Sabi ko. Tumango lang siya at ngumanga sakin. Pft, siya naman ang nagpapasubo. Wala ba siyang kamay? Parang bata amputek.

Napairap nalang ako at sinubuan siya ng fries. Ngumisi siya bago ngumuya.

"Si Kuya Roy? Mukhang di pa siya kumakain." Sabi ko habang patuloy paring sinusubuan si Kenrick pagkatapos ay ako naman ang kakain.

"Kuya Roy, dapat bumili ka narin ng iyo." Sabi ni Kenrick sa driver niya. Nagsisimula na ulit itong magmaneho at napasulyap samin sa salamin sa harap.

"Okay lang ako, tapos na akong kumain kanina." Sabi nito at bahagya kaming nginitian. Napatango nalang kami ni Kenrick at nagpatuloy sa pagkain.

Dumaan ang halos isang oras at nakarating na kami sa lugar na sinasabi ni Kenrick. Pumunta kami sa taas at natawa ako ng makakita ng unggoy na nasa loob ng kulungan.

"Kenrick, kapatid mo." Sabi ko sabay turo sa unggoy. Napangiwi naman si Kenrick at kinurot ang ilong ko.

"Mas mukha ka pang unggoy sakaniya," Asar niya pabalik. Tinignan ko lang siya ng masama at nginisian niya lang ako.

Inakbayan niya ako at may pinasukan kami. May mga stalls rito at resraurant kung saan medyo marami ang tao. Hinila ako ni Kenrick sa kung saan at nagulat ako sa nakita. Sobrang ganda!

"Ang ganda ng view!" Manghang sambit ko at tumakbo papunta sa hand railings. Iginala ko ang paningin ko at sobra akong namangha sa ganda ng tanawin. Nakakarelax!

"Dito ang overlooking nila." Nakangiting sabi ni Kenrick at tinabihan ako. Nakita kong naglabas siya ng cellphone at mabilis na tinapat sakin ang cellphone. Bago pa ako makaangal, na-click na niya ang camera button. Napasimangot nalang ako.

"Huy! Ang pangit ko diyan!" Sabi ko at tinignan siya ng masama.

Ngumisi lang siya, "Ayos lang 'yan atleast mahal kita."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Putek na 'to! Alam niya talaga kung paano papatikumin ang bibig ko.

"Picture tayo," Sabi niya at tinaas ang cellphone. Nakita doon ang mukha naming dalawa kaya hindi na ako umangal at ngumiti nalang sa camera. Ilang pose ang ginawa namin at madami kaming nakuhang litrato na magkasama.

"Cute natin." Sabi niya habang tinititigan ang pictures naming dalawa.

"Ako lang cute, ikaw hindi." Sagot ko.

"Tss, edi ikaw na. Pasalamat ka talaga mahal kita." Sabi niya at ngumisi ulit. Potangena ka, Kenrick!

"P-Picturan mo 'ko!" Iyon nalang ang nasabi ko. "Magpapalit ako profile pic, hehe."

"Tss! Ginawa pa akong photographer!" Reklamo niya at wala ng nagawa. Tinapat niya sakin ang camera at ngumiti naman ako don. Ilang pose at click ang ginawa namin.

"Ayan, ang dami ko ng picture sa cellphone mo." Sabi ko habang tumatawa.

"Ako naman picturan mo." Utos niya rin sakin. Di ko maiwasang mapairap. Tss! "Gamit naman cellphone mo para may mukha din ako diyan."

"Kingina." Mura ko nalang at nilabas ang cellphone ko na nasa bulsa. Pinicturan ko siya ng ilang beses hanggang sa magsawa siya. Hindi ko maiwasang mapangisi ng pagmasdan ang litrato niya. Gwapo naman ng boyfriend ko! Mapapa-sana all talaga kayo kapag nakita niyo!

"Picture naman ulit tayong magkasama," Sabi niya at kinuha sa kamay ko ang aking cellphone. Inakbayan niya ako at nag-picture kaming magkasama sa harap ng camera.

Ilang click at pose ang ginawa namin doon hanggang sa magsalita ako.

"Tama na, Kenrick. Ang dami na nating picture!" Sabi ko.

"Last na," Sabi niya at ngumisi. Napairap nalang ako at humarap ulit sa camera.

"Katrine!" Tawag niya kaya bigla ko siyang nilingon. Nagulat ako ng paglapitin niya ang labi naming dalawa kasabay nun ang pag-click niya sa camera button.

My goodness!

Continue Reading

You'll Also Like

24.9K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
366K 24.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...