Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 25

56 2 0
By kristineeejoo

CHAPTER TWENTY FIVE


Umuwi kami sa bahay at laking gulat ko ng makita ang mga kaklase ko dito. Sumikip ang espasyo ng bahay dahil sakanila. Medyo maliit lang naman kasi ang bahay namin kaya di talaga magkakasasya lahat ng kaklase ko rito. Pero kahit na ganon, masaya parin ako dahil nandito silang lahat para suportahan ako.

"Katrine!" Tawag sakin ni Mama. Lumapit siya samin ni Kenrick kaya mabilis kong kinalas ang kamay ni Kenrick sa kamay ko. Hindi niya muna pwedeng malaman na kami na ni Kenrick.

Napatingin sakin si Kenrick ng nakakunot ang noo. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at sinenyasan si Mama. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong mangyari kaya tumikhim nalang siya at umayos ng pagkakatayo.

"Saan ba kayo nanggaling? Bigla ka nalang nawala kanina." Sabi ni Mama at tinignan kaming dalawa ni Kenrick.

Tumikhim ako, "Uhm, diyan lang po sa labas, Ma."

Kumunot ang noo ni Mama, "Bakit nagkalat ang make up mo? Teka, umiyak ka ba?"

Nataranta ako bigla at sinulyapan si Kenrick. Nanatili itong kalmado habang nakatingin kay Mama.

"Ano kasi... uhm.. tears of joy! Oo tama! Iyon nga 'yun, Ma." Sabi ko at kunwari pang natawa. Ilang segundo akong tinitigan ni Mama bago siya tumango at nakumbinsi.

"O siya, bibili lang ako ng pagkain para sainyo. Antayin niyo nalang ako dito." Sabi ni Mama at lumabas ng bahay. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan si Kenrick.

Nagkatinginan kami.

"Mag-usap tayo sa kwarto, Kenrick." Sabi ko at nilampasan siya. Kailangan kong sabihin sakaniya na hindi muna namin dapat sabihin sa iba ang namamagitan samin.

"A-Anong gagawin natin sa kwarto?" Nauutal na tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Mag-uusap lang kami.

"Mag-uusap nga!" Sabi ko at hinila na siya. Nadaanan namin ang mga kaklase namin na taka kaming tinitigan. Nginitian ko sila.

"Antayin niyo lang kami diyan ha? Saglit lang." Sabi ko at hinigit na papunta sa aking kwarto si Kenrick. Nang maisara ko 'yon, napahugot ako ng malalim na hininga.

"B-Bakit?" Tanong niya.

Tinitigan ko siya, "Tayo na, diba?"

Tumango siya, "Oo."

"Pwede bang 'wag muna nating ipaalam sa iba?" Nahihiyang sabi ko.

Nagkasalubong ang kilay niya, "Bakit naman?"

"Magagalit si Mama't Papa kapag nalaman niyang may boyfriend ako. Masyado pa akong bata at baka paglayuin nila tayo kapag nalaman nila." Paliwanag ko at hindi makatingin sakaniya.

Naningkit ang mata niya, "Baka naman... ikinakahiya mo 'ko?"

Nanlaki ang mata ko at lumapit sakaniya. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Hindi kita ikinakahiya."

Bumuntong hininga siya at niyakap ako. "Sorry, di ko lang maiwasang mag-isip."

Niyakap ko rin siya pabalik, "Basta 'wag na muna natin sabihin sa ngayon. Saka na natin sabihin sakanila kapag tamang panahon at oras na."

"Pero kailan pa? Ayoko ng patagong relasyon, Katrine."

Ilang sandali akong napatahimik bago sagutin ang sinabi niya, "B-Basta mag antay lang tayo ng tamang oras para sabihin sakanila."

Narinig ko ang buntong hininga niya at kumalas sa yakap. Hinarap niya ako at ninakawan ako ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Nakakailan na ang mokong na 'to ah?

"Nakakailan ka na, ha!" Sabi ko at hinampas siya sa dibdib. Napatawa lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Thank you for letting me in to your heart. Pinapangako ko na hinding hindi kita sasaktan, Katrine." Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Damn it. Parang ayoko ng matapos ang araw na 'to. Sana ganito nalang lagi ang mangyari.

"Sige na, lalabas muna ako. Mag-ayos kana tapos burahin mo na ang make up mo." Sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

"Okay." Nang masabi ko 'yon, lumakad na siya palabas ng kwarto ko. Sinulyapan niya muna ulit ako bago tuluyang umalis sa pinto ng aking kwarto. Hindi ko mapigilang mapadapa sa aking kama at sumipa sipa. Kinikilig ako!

Akala ko talaga, wala ng pag-asa. Akala ko si Eula talaga ang gusto niya pero nagkamali pala ako. Napakasaya ko ngayon. Bukod sa pagkapanalo ko sa pageant, nanalo rin ako sa puso ni Kenrick. Omg. Sobrang saya talaga!

Bumangon na ulit ako sa kama at nagpalit ng damit. Sinampay ko ang gown na sinuot ko sa pageant pagkatapos nun ay nagtanggal ako ng make up sa mukha dahil feeling ko sobrang kalat na nito sa mukha ko. Sobra kasi ang iyak ko kanina kaya siguro naging ganto. Tss.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa mga kaklase kong kumakain na ng dala ni Mama na chicken joy. Wow! May pa chicken si Mama! Hahahaha!

"Katrine! Congratulations!" Sabi bigla ni Bernazae ng makita ako. Ngumiti ako sakaniya.

"Thank you! Kain lang kayo, ha? 'Wag kayo mahiya. Ako lang 'to!" Sabi ko at tumawa ng malakas.

"Wala naman talaga kaming hiya, Katrine." Sabi ni Martin na ikinatawa ko.

"Katrine, dito ka." Napatingin ako kay Kenrick na nag-lahad ng mauupuan ko. Umupo ako doon at katabi ko pala siya. Tinitigan kami ng mga kaklase ko at sabay sabay silang tumikhim.

"Oh teka, may nagseselos!" Sabi ni Rodell. Naghiyawan naman ang lahat at inaasar si Jared. Napairap lang ito at napatitig sakin. Hindi ko alam kung bakit napaiwas ako ng tingin. Hindi ko pala naisip si Jared. Alam kong may gusto siya sakin at kapag nalaman niyang kami na ni Kenrick, siguradong masasaktan ito.

"Oh!" Binigyan ako ni Kenrick ng plato at nilagyan ng kanin at ulam. "Paniguradong napagod ka kaya kumain ka."

Narinig ko na naman ang tikhim ng iba kong kaklase. Naiilang na tinignan ko sila. Damn it.

"Uhm, salamat..." Sabi ko nalang at sinimulan ng kumain. Tinignan ko ulit ang mga kaklase ko at nakita kong nakatitig sila saming dalawa ni Kenrick.

Umubo ako, "I-Ilan ba kayong nandito?" Pagbubukas ko ng usapin tsaka uminom ng tubig.

"Sampu yata? O kinse? Ewan ko basta nagsisama sila eh." Sabi ni ate Hanwie. "Si Eula at Cartriona, umuwi na. Bawal daw kasi silang gabihin."

Napatahimik nalang ako at tumango. Mabuti naman at umalis na ang mga 'yon. Baka masira pa ang mood ko kapag nakita ko sila rito sa bahay.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan tungkol sa nangyari kanina. Sinabi nila na ang galing ko daw lalo na sa sagutan. Hindi daw sila makapaniwala na nakasagot ako. Hahaha. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala 'yon, e.

Naikwento rin ni Martin na type niya daw si Sheena. Bukod daw kasi sa maganda, matalino pa.

"Strict yata ang parents nun," Sabi ko dahil ayon ang narinig ko kay Mama nung nakaraan lang.

"Weh? Paano 'yan? Paano ko siya mapopormahan niyan?" Malungkot na sabi ni Martin.

"Kay Sir. Forez ka nalang kasi. Hindi strict parents nun." Sabi ni Rodell dahilan para tumawa kaming lahat na nandito sa sala ng bahay namin.

Binigyan lang siya ni Martin ng dirty finger at pinagpatuloy ang pagkain.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan sa iba't ibang bagay hanggang sa unti unti na silang nagpaalam.

"Katrine, una na kami ni Xiela. Hahatid ko na siya sakanila. Masyado ng gabi." Sabi ni Evan at sabay silang tumayo ni Xiela.

"O sige. Ingat kayo!" Sabi ko sabay ngisi sakanilang dalawa.

"Salamat sa pagkain, congrats ulit Katrine." Sabi ni Xiela. Tumango nalang ako at ngumiti. Nagpaalam pa sila kay Mama hanggang sa makaalis na sila.

Sunod na nagpaalam sila Hanwie, Bernazae, Martin, Rodell at ang iba pa naming kaklase.

"Bye Katrine! Congrats! Tita alis na po kami. Salamat po sa pagkain!" Sabi ni ate Hanwie at hinanap si Mama.

Lumabas si Mama ng kusina, "Salamat din sa pagsuporta sa anak ko. Ingat kayo."

Nang makaalis sila, tsaka ko palang napagtanto na si Jared at Kenrick nalang ang nandito sa bahay. Napatingin ako kay Jared at hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko kapag nagkakatitigan kami.

Ngumiti siya sakin, "Congrats Katrine. Ang galing mo kanina."

Nahihirapan akong ngumiti, "S-Salamat."

Tumayo na siya kaya napatayo narin kami ni Kenrick.

"Alis na ako, Katrine. Hindi ko na kayang magtagal kasi sobrang dilim na sa daan." Sabi niya habang inaayos ang dulo ng damit.

"Ganun ba? Sige... ingat ka." Sabi ko nalang. Tinignan niya si Kenrick at ngumiti siya rito pero may halong lungkot.

"Alis na ko, pre. Ingatan mo si Katrine." Sabi niya. Napakunot bigla ang noo ko.

"I will." Sagot ni Kenrick. Tumango nalang si Jared at nagpaalam narin kay Mama bago siya lumabas ng bahay. Kami nalang ni Kenrick ang natira sa sala.

Bumuntong hininga ako, "N-Nagi-guilty ako, Kenrick."

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi kayang suklian 'yung nararamdaman ni Jared para sakin. Alam kong gusto niya ako..."

"Ganun talaga, Katrine. Hindi mo pwedeng ipilit ang sarili mo sa taong hindi mo gusto. Sometimes, you need to hurt people not because you want them to be miserable but to tell them that they'll meet a person that  will destined for them someday."

Grabe, nagdugo ilong ko!

"Hindi ko gets." Sabi ko nalang. Tumawa siya at kinurot ang ilong ko.

"Abnoy!" Aniya.

"Tss."

"Pero Katrine, tingin ko, kailangan mo ng sabihin kay Jared na tayo na para di na siya umasa. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag hindi mo sinabi sakaniya ang totoo." Tugon ni Kenrick.

Napalunok ako, "K-Kakausapin ko siya sa lunes tungkol don."

"Good." Sabi niya at ngumiti.

Nagkwentuhan pa kami ni Kenrick ng kung ano ano at nanuod ng TV ng magpaalam na si Kenrick. Masyado narin kasing gabi at baka mapano siya sa daan.

"Tita alis na po ako," Paalam ni Kenrick kay Mama.

"Ha? O sige. Ingat ka, hijo. Salamat sa pagsuporta sa anak ko!"

"Walang anuman po." Sagot ni Kenrick.

"Ma, hatid ko lang po sa labas." Paalam ko kay Mama. Tumango lang ito sakin. Sinamahan ko si Kenrick palabas ng bahay at ng makarating kami sa pinto huminto siya at hinarap ako.

"Dito mo nalang ako ihatid. Pumasok ka na sa loob." Sabi niya.

"Sigurado ka?"

Tumango siya.

"Okay sige. Ingat ka ha?"

"Mmm." Sabi niya sabay tango ulit. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago ako kumunot ng noo at nagtaas ng kilay sakaniya.

"Bakit?"

Napakamot siya ng sintido, "Wala bang goodbye kiss?"

"G-Goodbye kiss?" Tanong ko. Ngumisi siya at tumango. Lumakas ang tibok ng puso ko at parang may kumikiliti sa tiyan ko. "Nakakarami ka na!"

"Last na, please?"

"B-Baka may makakita satin!"

"Wala namang tao." Sabi niya at lumapit sakin. Bago pa ako makaatras, ninakawan niya na ako ng halik. Sandali lang 'yon pero ang sarap sa pakiramdam. Sheeet.

Ngumisi siya, "Ang tamis ng labi mo."

Nag-init ang pisngi ko. Damn!

"U-Umuwi ka na nga!"

Humalakhak siya. "Opo. Bye. Goodnight. Titext kita kapag nakauwi na 'ko."

"S-Sige. Ingat." Sagot ko.

"Sige. Congrats, I love you!"

Continue Reading

You'll Also Like

125K 3K 78
Terenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang...
173K 7.1K 78
Sa mga taong nakapaligid kay Mina at Thomas, ang alam ng lahat ay wala silang kahit anong koneksyon noon pa man. Matapos ang ilang taon, nagkita muli...
102K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...