Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 17

62 0 0
By kristineeejoo

CHAPTER SEVENTEEN


Last subject na at kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Iniisip ko kasi kung paano matutulungan si Sean sa paglalayas niya at paano ko hindi maisasabay sa pag-uwi si Kenrick.

Kanina pa daldal ng daldal ang adviser namin pero hindi ko magawang makinig sa mga sinasabi niya. Kahit isang salita walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay 'yung tungkol sa problema ni Sean.

Napatingin ako bigla sa gawi ni Sean. Nakita ko siyang tulala sa mukha ng adviser namin pero alam kong malalim parin ang iniisip niya. Sana maging maayos lang ang lahat. Sana makatulong sakaniya ang disisyong gagawin niya.

"Open your book on page 203 to 204. Answer the activity 1 and 2 on one whole sheet of paper." Sabi ni Ma'am kaya mabilis na nagsigalaw ang mga kaklase ko. Nagsihingi rin sila ng papel, at syempre, nakihingi narin ako dahil wala akong papel.

Tanging pangalan at section ko palang naisusulat ko sa papel. Hindi makapagsimulang magsagot ng activity dahil hindi ko alam ang gagawin. Napatingin ako sa katabi ko. Nakita kong nagsasagot na si Rodell at Bernazae.

"Uy, anong gagawin?" Tanong ko kay Rodell.

"Tutunganga." Sagot niya at binalik ulit ang tingin sa libro. Napanguso nalang ako at pasimpleng tumingin sa papel niya. Mangongopya nalang ako sakaniya. Bahala siya diyan. Hmp!

"Hoy kopyahera!" Sabi ni Rodell at tinakpan ang papel niya.

"Ang damot mo naman! Pakopya lang eh!"  Nakangusong sabi ko. Bakit kaya ang da-damot ng mga kaklase ko? Parang walang pinagsamahan amputek.

"Ito oh," Nagulat ako ng iabot sakin ni Bernazae ang papel niya. Napangiti ako do'n. Buti pa 'to si Bernazae, ang bait.

"Thanks!" Sabi ko pag-tapos kopyahin ang papel niya. Nag-check na kami ng activity at may sinabi pa si ma'am na kung ano anong reminder. Hanggang sa mag-dissmissal na. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Pinasok ko sa loob ng bag ang lahat ng gamit ko at dumiretso kila Sean at Jared.

"Tara na?" Tanong ko.

"Teka ano muna ang plano?" Tanong ni Jared at tinignan kami ni Sean.

"Anong plano ang sinasabi niyo?" Napatingin kami sa biglang dumating. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sasabay at sasabay talaga sakin itong si Kenrick. Napakakulit naman!

Nataranta si Sean at hindi alam kung anong sasabihin kay Kenrick. Napasapo nalang ako sa aking noo.

"Bakit ka nandito, pre?" Tanong ni Jared kay Kenrick.

"Kasabay ko si Katrine. Bakit, bawal ba?" Taas kilay na sagot ni Kenrick.

Tinignan ako ni Sean at Jared na may halong pagtataka.

"Oo.. kasabay natin siya.." Mahinang sabi ko. Nakita ko naman ang biglang pagngisi ni Kenrick. Buang talaga.

"So, tara na? Ano pang hinihintay niyo?" Tanong ni Kenrick. Wala siyang alam sa gagawin ni Sean. Paano namin sasabihin sakaniya? Tsaka hindi niya pwedeng malaman. Kapag sinabi kong tutulungan namin si Sean na maglayas, paniguradong makakarating 'to kay Mama at papagalitan ako ni Mama ng wala sa oras. Ayaw ni Mama na nakikisawsaw ako sa problema ng iba. Paniguradong GG si Mama pag nalaman niya ito. Kaya mas mabuti kung di niya malalaman!

"Tara na.." Nag-aalangang sabi ni Sean. Hindi na kami nakapagsalita ni Jared at tahimik nalang na lumabas ng room. Nakita kong naglabas ng cellphone si Jared at nagtipa doon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Asungot na Jared:

Sabihin nalang natin sakaniya para matulungan niya rin si Sean.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Mabilis akong nag-type.

Ako:

Hindi puwede!

Tinignan ko si Jared at nagtama ang paningin namin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero mukhang di niya nakukuha ang punto ko. Kinabahan ako ng magsimula ng magsalita si Jared.

"Wait.." Sabi niya kaya napahinto kami sa paglalakad. "Alam mo ba ang gagawin namin ngayon, pre?"

Putangena ka, Jared.

Kumunot ang noo ni Kenrick na syang nakapagpataranta kay Sean.

"Hindi.. ano bang gagawin niyo?" Tanong ni Kenrick.

"Tutulungan namin si Sean na maglayas sakanila." Diretsong sabi ni Jared. Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Tanginang Jared 'to! Hindi man lang dinahan dahan. Potek na 'yan!

Nanlaki ang mata ni Kenrick. "Ano?!"

"Tutulungan namin si—"

"Totoo ba 'yun, Sean?" Pigil ni Kenrick sa pagsasalita ni Jared at tinignan si Sean. Diretso lang na nakatitig si Sean sa mukha ni Kenrick at tumango. Narinig ko ang singhap ni Kenrick.

"Tapos isasali niyo si Katrine sa kalokohan niyo? Hindi puwede!" Giit ni Kenrick. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Pagbabawalan talaga ako ng mokong na 'to!

"Kenrick.." Tawag ko sakaniya. Tumingin siya sakin ng nakasalubong ang kilay. "Tulungan na natin si Sean. Feeling ko may mabigat siyang dahilan kaya niya gagawin 'yun. Tulungan nalang natin siya. Ipapaliwanag niya naman satin kung bakit niya gagawin 'yun eh."

Hindi nakapagsalita si Kenrick. Dumako ang tingin niya kay Sean. Bigla siyang nakaramdam ng awa rito. Kahit hindi sabihin sakin ni Kenrick ang nararamdaman niya, alam ko kung ano ito. Matagal ko ng kaibigan si Kenrick. At pati paghinga niya kilala ko. Hahahaha.

Bumuntong hininga siya, "Oo na! Pero siguraduhin niyo lang na hindi mapapahamak si Katrine sa kalokohang 'to ah! Malalagot talaga kayo sakin!"

Ngumisi si Jared, "Yehey!"

Natawa ako sa reaksyon ni Jared. Parang bata talaga 'tong si Jared. Tss.

"So anong plano?" Tanong ko at tinignan si Sean. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"So ganito ang gagawin natin.." Ipinaliwanag niya samin ang gagawin namin. Tumango lang kaming tatlo sakaniya.

"Okay!" Sabay sabay naming sabi. Pupunta daw muna kami sa bahay nila Sean at magpapakilala sa mga magulang niya kunyari. Tapos isasama ako ni Sean sakaniyang kwarto para makuha ang mga gamit niya na nakahanda na. Pagkatapos nun, ihuhulog daw namin ang mga gamit niya sa bintana ng kwarto niya at doon rin kami dadaan para makatakas. Habang ang dalawa naman naming kasama na nasa dining table kasama ang mga magulang ni Sean, ay magpapaalam agad sa mga magulang ni Sean at magpapanggap na may emergency. At kapag nakalabas na sila, doon kami magkikita kita sa gate nila Sean.

At iyon ang plano namin! Hahahaha! Naiisip ko palang ang plano namin, natatawa na 'ko! Feeling ko kasi nasa isang pelikula kami. Hahahaha.

"Nandito na tayo guys," Sabi ni Sean. Napanganga kami sa bahay nila este sa mansion nila! Grabe! Sobrang laki. Para kaming nasa isang malakaing palasyo!

"Sigurado ka bang maglalayas ka, Sean? Ayaw mo ba sa ganitong mansion?" Biglang tanong ni Kenrick na nakanganga narin sa laki ng bahay nila Sean.

"Sumunod kayo sakin." Iyon nalang ang nasabi ni Sean at naglakad papasok sa malaking gate. Nang makarating kami sa harap ng gate, kusa itong itong bumukas kahit wala naman kaming pinipindot o ano. Basta kusa nalang bumukas!

"Woah! Ang yaman niyo pala, Sean! Pero bakit sa public school ka nag-aaral?" Sabi ni Jared. Bigla rin akong nagtaka. Oo nga. Bakit sa public school?

"Gusto ko lang." Maikling sagot ni Sean habang naglalakad kami. Napansin kong may fountain sa nilalakaran namin. Napanganga ako sa disenyo nito.

"Sean, sigurado ka ba talaga na maglalayas ka? Bigla kasing nahiya 'yung bahay namin sa mansion niyo eh." Natatawang sabi ni Jared.

Sumimangot si Sean, "Sigurado na nga ako. Kung gusto mo, dito ka nalang tumira."

"Sige ba!" Masayang sabi ni Jared.

Ngumisi naman si Sean, "Tignan lang natin kung masabi mo pa 'yan kapag nakilala mo na ang magulang ko."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Pati si Jared at Kenrick ay napalunok sa sinabi ni Sean.

Di na kami pinansin ni Sean at lumakad na siya papunta sa pinto ng kanilang mansion. Sumunod kami sakaniya at pagpasok namin sa loob ay napanganga kami sa laki at ganda ng loob nito.

"Good evening, master." Napatingin kami sa sabay sabay na nagsalita. Magkakahilerang maid ang nasa harap namin at bahagyang nakayuko kaharap si Sean.

"Wow master! Astig!" Natatawang bulong ni Jared sa gilid. Tinignan ko lang siya ng masama at pinatikom ang bibig. Ngumisi lang siya sakin.

Hindi pinansin ni Sean ang mga maid at lumakad lang. Sinundan naman namin siya hanggang sa makarating kami sa dining table nila. May mahaba itong lamesa at sa pinakadulo nito, nakaupo ang isang lalaking medyo may katandaan na ngunit makikita mo parin ang tindig at ma-otoridad sakaniyang itsura.

Nanlaki ang mata namin ng makitang hinahaplos nito ang isang baril. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Naramdaman kong biglang hinawakan ni Kenrick ang kamay ko. Napatingin ako sakaniya at nagtama ang paningin namin. Gamit ang mata niya, sinabihan niya ako na 'wag akong matakot dahil kasama ko siya. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan lalo na't may baril itong hawak.

"Dad.." Ramdam ko narin ang kaba ni Sean dahil sakaniyang ama. Napaangat ang tingin ng matanda sa amin. Napangisi siya ng makita ang kaniyang anak.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakangising sabi nito pero ramdam ko parin ang tensyon sakaniyang pagsasalita.

"Sinasadya mo bang magpahuli ng pag-uwi para hindi mo maabutan ang mama mo?" Kalmadong tanong nito habang nakatitig sakaniyang baril.

Umigting ang panga ni Sean. "Hindi ko siya mama. At kahit kailan hinding hindi mangyayari 'yon."

Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi ni Sean. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon.

Napatili ako ng umalingawngaw ang putok ng baril sa kung saan. May nabasag na flower base malayo samin. Nanginig ako bigla ng malamang pinaputukan 'yon ng baril ng ama ni Sean. Humigpit ang hawak sakin ni Kenrick. Si Jared naman ay naestatwa sa kinatatayuan at natatakot narin dahil sa natuklasan.

"May kasama ka pala.." Para akong binuhusan ng isang katerbang yelo ng isa isa kaming titigan ng tatay ni Sean. Nakakapanindig balahibo.

Ngumisi ito at pinatong ang hawak na baril sa gilid ng kaniyang plato.

"Bakit hindi mo sila ipakilala sakin, anak?" Nakangising sambit nito habang nakatingin kay Sean. Nakita kong nag-igting ang panga ni Sean dahil sa narinig.

"Hindi mo na kailangan makilala ang mga kaibigan ko." Matigas na sambit ni Sean at parang pinipigilan matakot.

"So rude. Iyan ba ang natututunan mo sa pagbabarkada sakanila?" Sabay sabay kaming napasinghap sa sinabi nito samin. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng matandang 'to! Kagigil.

"Sa kwarto lang kami." Walang ganang sabi ni Sean at tinalikuran ang ama. Sinundan namin si Sean ngunit napahinto kami at nanigas ang buong katawan ko ng umalingawngaw na naman ang putok ng baril sa kung saan.

"Hindi pa kita tapos kausapin! 'Wag mo akong pahiyain!" Nagitla kami sa lakas ng boses ng ama ni Sean.

Parang halimaw, tangina!

"Ano pa bang pag-uusapan?" Diretsong tanong ni Sean sakaniyang ama.

"Pag-uusapan lang natin kung bakit ka lalayas ng mansion."

Continue Reading

You'll Also Like

616K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
111K 2.3K 40
Raejen Louisse has no boyfriend in her 19 years of existence. Not that she's ugly or something. She's waiting the right guy who will change her relat...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...