Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 15

59 0 0
By kristineeejoo

CHAPTER FIFTEEN


Time ni Sir. Forez ngayon at puro siya daldal sa harap. Kanina pa ako nakatitig kay Sir pero kahit isa wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Iniisip ko parin kasi 'yung nagpag-usapan namin ni Sean kanina.

Kailangan ko siyang pigilan sa gagawin niya. Hindi tama 'yung maglalayas siya. Masyado pa siyang bata para sa ganon. Pano kung may mangyaring masama sakaniya? Pano kung sa paglalayas niya magpariwara nalang siya sa sarili niya?

Hindi ko kukuntinsihin ang gagawin ni Sean ngayon. Oo, alam kong wala akong alam sa dahilan niya pero masama parin 'yung maglayas hindi ba? Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kung mag-isa nalang si Sean sa buhay.

"Goodbyeee Sir. Forez. Thank you for teaching us!" Napabalik ako sa reyalidad ng magsitayuan na ang mga kaklase ko at naglipatan na ng upuan. Tapos na pala ang time ni Sir. Forez? Hindi ko napansin. Hahaha. Hindi kasi ako nakikinig.

Inilapag ko ang bag ko sa susunod kong silya at napatingin ako bigla sa katabi ko. Bumuntong hininga ako ng makitang nakaupo na si Sean sa silya niya pero nakatulala na naman at mukhang malalim ang iniisip.

"Sean.." Tawag ko. Tulala parin siya at mukhang hindi na naman ako narinig. Sa totoo lang, kahit hindi ko pa alam ang totoong problema ni Sean, naaawa na agad ako sakaniya. Parang ang laki ng epekto ng problema na 'yon sakaniya.

"Sean!" Hinawakan ko ang balikat niya at doon siya napalingon sakin.

"B-Bakit?"

"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Hindi mo ako naririnig."

"Sorry.."

Ngumiti ako, "Okay lang. Gusto ko lang naman sabihin na sabay tayo mag-recess mamaya. Wala kasi akong kasabay."

Tama, wala nga akong kasabay dahil alam kong di naman sasabay sakin si Kenrick.

Tanging tango lang ang tinugon niya sakin. Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang teacher namin sa TLE. Wala na akong ibang nagawa kundi makinig sa disscussion niya kahit tinatamad akong makinig.

Isang oras ang tinagal bago matapos ang time ng TLE. Nagsitayuan na ang lahat at nag-recess. Tumayo narin kami ni Sean at inaya ko na siyang lumabas ng room pero may lumapit sakin na hindi ko inaasahan.

"Katrine, sabay na tayo mag-recess." Sabi ni Kenrick. Tumaas bigla ang dalawang kilay ko ng makitang nakakapit si Eula sa braso niya habang nakangiti sakin ng plastik.

Sigurado ba si Kenrick na tutulungan ko siyang mapasagot si Eula? Parang hindi na kasi kailangan eh. Mukhang sila na oh. Halata na sa kinikilos ni Eula.

Tinignan ko si Sean na nakatingin rin ng diretso kay Kenrick. Kung dati hindi siya makatingin ng diretso kay Kenrick, ngayon kaya na niyang gawin 'yon. Parang tumatapang na ang Sean na nakilala ko.

"Sorry, gusto namin ni Sean na masolo ang isa't isa." Sabi ko nalang at hinila na si Sean palabas ng room. Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi kami sinundan nung kupal. Buti naman dahil baka ma-stress na naman ako. Bakit ba kasi nag-aaya pa siyang makisabay samin? Pwede namang sila lang dalawa nung Eula na 'yon.

Inangat ko ang tingin kay Sean at nakita kong nakatitig pala siya sakin habang naglalakad kami. Kumunot ang noo ko sakaniya.

"Bakit?" Tanong ko.

Lumunok muna siya bago nagsalita, "G-Gusto mo akong masolo?"

Napaawang ang bibig ko. So, naniwala siya sinabi ko? Sinabi ko lang naman 'yun para tigilan na ako ni Kenrick eh.

"Ewan." Iyon nalang ang nasabi ko tsaka tumawa. "Tara na nga! Baka madami ng studyante sa canteen. Iba't ibang amoy na naman ang maaamoy natin niyan, sige ka."

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya papuntang canteen. Mabilis kaming nakabili ng pagkain namin bago umupo sa table.

Tahimik kaming kumakain pero nakatitig ako sa mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang katahimikan kaya tumikhim ako.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Sean?" Diretsong tanong ko. Napatigil siya sa pagkain at napatitig sakin.

"Oo." Maikling sagot niya.

Bumuntong hininga ako, "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Ang bata mo pa para maglayas, Sean."

"Sigurado na 'ko." Sabi niya at iniwas ang tingin sakin.

"Sean," Matigas na sambit ko. "Hindi kasi tama 'yang gagawin mo. Paano kapag may nangyaring masama sayo? Atsaka ikaw nalang mag isa sa buhay kapag naglayas ka. Mag isip ka munang maigi."

Umiling siya ng nasa malayo ang tingin, "Kahit naman kasama ko sila, nararamdaman ko parin na mag-isa ako sa buhay."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Bumuntong hininga nalang ulit ako. Mukhang hindi ko na talaga mapipigilan si Sean. Disidido na siya sa gagawin niya. Naaawa ako kay Sean. Ang bata niya pa para danasin ang ganitong sitwasyon.

"Tutulungan kitang makahanap ng matutulugan pero sa isang kondisyon.." Napabaling ang tingin niya sakin ng sabihin niya 'yon.

"Anong kondisyon?"

"Ipaliwanag mo sakin kung bakit maglalayas ka."

Napakunok siya sa narinig, "O-Okay."

Tumango nalang ako at tipid na ngumiti, "Ipagpatuloy mo na 'yang kinakain mo."

"S-Salamat. Sana maintindihan mo 'ko."

"Magkaibigan tayo, Sean. Kailangan kitang intindihin kahit alam kong mali ka." Sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pag kain. Habang tahimik kaming kumakain ni Sean, may umupo sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko para makita kung sino 'yon. Ang asungot na Jared pala itu.

"Hi, motherfuckers." Nakangising bati niya at nilapag sa table ang lahat ng pagkain niya. Potek na 'to. Sobrang daming pagkain. Di man lang mamigay! Apakadamot.

"Penge naman!" Sabi ko.

"Ayoko! Meron ka na eh!" Sabi niya at niyakap pa ang mga pagkaing nasa harap niya. Umirap nalang ako. Damot talaga ng asungot na 'to.

"Sayo na lang 'tong akin, Katrine.." Sabi ni Sean sa harap ko at inabot sakin ang dalawang snacks.

"De 'wag na. Niloloko ko lang si Jared." Sabi ko sabay tawa.

"Ano? Niloloko mo lang ako?! Paano mo nagawa sakin 'to, Katrine?!" Tumaas ang boses ni Jared kaya napatingin ang ilang studyante samin. Mabilis ko siyang hinampas. Kabanas 'to!

"Manahimik ka jan!"

Tumawa lang ang loko at pinagpatuloy ang pagkain. Maya maya'y tinignan niya si Sean.

"Hoy anghel, itutuloy mo na ba talaga 'yung paglalayas mo?" Nagulat ako sa sinabi ni Jared. Paano niya nalaman?

"P-Paano mo nalaman 'yun?" Gulat din na tanong ni Sean sakaniya.

Ngumisi lang si Jared, "Di ko sinasadyang marinig 'yung pinag-uusapan niyong dalawa ni Katrine sa corridor kanina."

Nagtama ang paningin namin ni Sean at napasapo nalang ako sa aking noo.

"Pasensya na p're, concern lang ako. Mali kasi 'yang gagawin mo. Mahirap ang walang pamilya." Dagdag pa ni Jared. Narinig ko ang buntong hininga ni Sean at nag iwas ng tingin.

"Buo na ang desisyon ko."

"Kailan ka lalayas sainyo?" Tanong ni Jared.
"Bukas siguro kaso wala pa akong ibang matitirhan." Sagot naman ni Sean at sumulyap sakin.

Nanlaki ang mata ko. "Bukas agad?"

"Oo." Sagot ni Sean.

"Kung gusto mo, samin ka muna makitira." Sabay kaming napatingin ni Sean kay Jared at nagulat. Seryoso ba siya?

"Seryoso ka ba? Baka nagbibiro ka lang!" Sabi ko.

Umiling si Jared, "Seryoso ako."

"T-Talaga? Pwede ba ako sainyo?"

Tumingin si Jared kay Sean, "Pwedeng pwede p're. Basta kaibigan ko, pwede sa bahay namin."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Jared. Parang dati lang binubully niya pa si Sean pero ngayon kaibigan niya na. Nakakatuwa naman.

"K-Kaibigan?" Tanong ni Sean.

"Oo p're. Kaibigan." Sagot ni Jared. Mas lalong hinaplos ang puso ko. Para akong maiiyak sa kasweet-an nilang dalawa. Hahahaha.

"S-Salamat." Nauutal na sagot ni Sean. Tipid na tango lang ang tinugon ni Jared. "Pangako, hindi ako magiging pabigat sainyo. Atsaka maghahanap rin ako ng part time job para hindi ako umasa sainyo ng pagkain ko."

"Tss. Bahala ka. Maraming pagkain sa bahay. Nasa sayo nalang 'yon kung magtatrabaho ka pa eh libre na nga pagkain samin." Sabi ni Jared at sumubo ng chichirya.

"Basta, ayokong maging pabigat." Sabi nalang ni Sean.

"Teka, paano ka pala lalayas sainyo? Baka mahuli ka ng magulang mo.." Biglang sabat ko dahil kating kati na akong itanong 'yon.

"Hindi ko alam.. bahala na.."

"Tutulungan ka namin ni Katrine tumakas sainyo." Sabi ni Jared na ikinagulat ko na naman.

"Ano?" Di makapaniwalang tugon ko.

"Tulungan natin siya, kawawa naman." Mahinang sabi ni Jared sakin. Napatingin ako kay Sean at kita ko narin ngayon ang nakakawa niyang itsura. Kaya wala na akong nagawa kundi tumango.

"Oo.. tutulungan ka namin." Sabi ko.

Biglang ngumiti si Sean, "Salamat sainyo! Di ko alam kung paano ko kayo mababayaran!"

Ngumiti narin ako, "Hindi mo na kami kailangan bayaran. Ipaliwanag mo lang samin lahat, ayos na."

Tumango si Jared sa sinabi ko. "Oo nga p're. Explanation lang."

"Oo.. ipapaliwanag ko sainyo.." Iyon nalang ang huling sinabi ni Sean bago namin naisipang bumalik na sa room.

Pag pasok sa room nakita agad ng mata ko si Xiela at Evan. Magkatabi sila ng upuan at mukhang nilalandi na naman ni Evan si Xiela. Malandi talaga.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa upuan ko.

"Guys! Listen!" Napatingin kaming lahat sa president namin ng bigla siyang magsalita. Pumunta siya sa harap para makita kaming lahat. "Announcement lang, guys! Periodical test na next week, thursday and friday 'yon. Mag-review kayo! 'Yun lang, thank you!"

Pagkatapos sabihin 'yon ni Hanwie, lumakas ang daldalan ng mga kaklase ko tungkol sa exam. Mukhang lahat daw sila babagsak. Syempre ako rin! Paniguradong babagsak rin ako. Hahahaha.

Binuksan ko nalang ang bag ko at kinuha ang aking tumbler, uminom ako ng tubig pero bigla akong nasamid ng makita kung anong ginawa ni Evan kay Xiela. Hinalikan niya ito sa pisngi. Ay pota!

"Kadiri ka naman, Katrine!" Napatingin ako sa nagreklamo. Nagulat ako ng makita si Rodell na basang basa ang uniform dahil sakaniya ko nasaboy ang tubig na galing sa bibig ko. Watdapak.

"Sorry! Di ko sinasadya!" Sabi ko at mabilis siyang binigyan ng panyo. Umiling nalang siya at sinabing ayos lang.

"Papatuyuin ko nalang 'to." Sabi niya. Nahihiya akong ngumiti at nag-sorry ulit. Umalis na siya sa harap ko kaya tinignan ko ulit si Evan at Xiela. Nakaakbay si Evan kay Xiela kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, linapitan ko na sila.

Hinila ko si Xiela at napatayo ito sa kinauupuan niya dahil sa ginawa ko.

"Tigilan mo na si Xiela." Seryosong sabi ko kay Evan.

Ngumisi si Evan, "Bakit? Selos ka?"

Napapikit ako sa inis, "Hinde! Ayoko lang na inuuto mo si Xiela! Sasaktan mo lang siya!"

"Siya ang may gusto nito hindi ako." Mahinahong sabi ni Evan habang nakangising nakatingin sakin.

"Kahit na! Hindi mo dapat sinasamantala ang kahinaan niya!"

"Katrine.. hayaan mo na.." Napatingin ako kay Xiela. Seryoso ba talaga siya? Hayaan? Tangina naman 'yon.

"Niloloko ka lang nito, Xiela. 'Wag kang magpapauto sa asungot na 'to!" Sabi ko. Narinig yata 'yon ng mga kaklase ko kaya nagsitinginan sila sa samin.

"Hayaan mo nalang kami, Katrine. Bakit ka ba nangingialam?" Natigilan ako sa sinabi ni Xiela. Seryoso ba siya jan? Alam na niyang niloloko siya ni Evan tapos hinahayaan niya lang?

"OooooowwwWwww!"

"Bakit kasi nangingialam ghorl?"

Tinignan ko kung sino ang mga bwisit na gumagatong sa usapan namin ni Xiela. Napairap nalang ako ng hindi ko mahanap kung sino 'yon.

"Hindi ako nangingialam, Xiela. Concern lang ako sayo." Madiing sabi ko.

"Hindi ko kailangan ng concern mo. Hayaan mo nalang kami Evan. Masaya na ako sakaniya." Huling sambit ni Xiela bago hinila si Evan at lumipat sila ng ibang silya.

Napanganga nalang ako at hindi na nakapagsalita dahil sa nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

630K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
17.8K 996 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
16.7K 2K 31
LOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To...
2.6K 328 64
Mayaman ka, mahirap siya. Royal Family ka, poor family siya. Exclusive Village ka, squatter siya. Mataas ka, napakababa niya. Langit ka, lupa siya. M...