JB1: The Cold Hearted Father...

biisool tarafından

4.6M 166K 41.3K

Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong ge... Daha Fazla

Juariz Bachelors 1
NATHANIEL CRAIG JUARIZ
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24.1
Letter of Appreciation
The Governor's Secret
24.2
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45: Epilogue (COMPLETED)
Thank You! & Announcement
Special Chapter
Q&A Special!
Allistain Miguel Juariz
Christian Balbueno-Moore
Austine Villaluz-Juariz
CARRIER EXPLANATION

14

80.1K 3.4K 366
biisool tarafından

Austine Villaluz POV

Dahil sa inis ko kay sir hindi na ako nakatulog. Tuwing ipinipikit ko yong magaganda at nakakahunaling kong mga mata naaalala ko iyong pisteng pagmumukha ni sir. Gwapo sana pero nakakasuka naman ang ugali. Blacklisted na yang si sir sa mga future crush ko.

Paikot-ikot lang ako dito sa kama at pagkatapos kong mapagod at mahilo kakaikot ko dito ay tumigil na ako. Baka mamaya ay sumuka na naman ako at makakita ng pisteng ahas. Napagdesisyonan kong maglibot na lamang dito sa kwarto ko. Mukhang ito na ang magiging kwarto ko simula ngayon kasi nandito ang maleta at backpack ko.

Akala ko ay doon ako makikitulog kasama ng mga kasambahay pero taliwas sa aking naiisip ay ang isang maganda at disenting kwarto. Malapit sa bintana ang higaan ko at may bedside table. May maliit rin akong sofa at tv na nakaharap sa kama ko. Kulay blue at white ang color motif dito sa kwarto. Bet ko sana ang pink pero keri na bes. Aarte pa ba ako eh more than-more than na ito. May laptop pa nga ako sa may study table sa may gilid.

Lumapit ako sa kulay puti kong study table at binuksa ang laptop. Tuwang-tuwa ako ng makitang connected sa wifi itong laptop. Shet! So lucky mga bes! Password na lang siguro ng wifi nila ang hihingin kong pabor kay senyora Nathaniel.

Binuksan ko ang facebook ko at tiningnan ang notifications. Mga shared post lang naman ito ng ate at kuya ko. May nakita akong nag-add sa akin kaya tiningnan ko kong sino ito. Shems! Mga bakla! Si papa Gillian nag-add sa akin. Haba ng hair ng lola niyo! Kabahan kayo Kathryn Bernardo, may tatalo na sa alindog niyo.

Mabilis kong tinanggap ang friend request niya dahil syempre, you know na mga bes, malapit na valentines. Pagod na akong personal na bumili ng rosas at ipadala sa sarili ko. Sagad na sagad na ako sa self love. Jusko po! Lovelife naman please.

Nakita ko ang pag-pop ng chat box. Si Papa Gillian, kinakamusta ako!

Gillian Ramos

4:46 pm

hey! Heard you're in Manila right now. How are you?

Hello rin! Nandito nga ako sa Manila hehe. May nag-offer kasi sa akin ng work. Okay lang ako dito kakarating lang namin. Ikaw?

Wow! Libre ka minsan 'pag nakauwi ka dito hahaha. I'm doing great, actually. Just a little sad that we didn't get to talk more.

Ano ka ba may messenger rin naman pwede magchika dito. Pero nakakalungkot rin talaga at hindi man lang tayo nakapag-usap.

Sayang at hindi na-develop ang relationship sa pagitan natin pero no problem naman ako sa LDR.Gusto ko sanang  idagdag pero masyadong aggresive ang approach mga bes dapat pademure lang tayo.

Hindi na nagreply si Gillian sa huli kong chat kaya naglog-out nalang ako. Feeling ko kasi guys may gusto talaga siyang sabihin sa akin kaso nahihiya siyang isiwalat kaya nag-iisip muna siya. Okay lang naman sa akin. Anonymous of google once quoted,"Patience is a virtue" kaya hayaan na natin mga bes. Oh ha! Ibang klase talaga pag may wifi kayo. #PreviligedOfaWifiPerson

Wala na naman akong ibang ginawa kay inembistigahan ko nalang si Sir Nathan sa google. Sabi kasi nila, know your enemy daw. Kaya ito naghahanap ng mga balita tungkol sa kaniya. Nag-like rin ako sa mga basher niya sa fb. May page kasi itong si sir. Lakas maka artista nitong si sir may pa-fanpage.

Natigil ako sa kakatingin sa google ng may kumatok mula sa pintuan nitong kwarto.

"Hey? Are you awake?" Narinig kong tanong ni sir Nathan mula sa labas kaya mabilis akong lumapit sa kama at nagtalukbong.

Okay, beshys, ayokong makausap siya ngayon at baka sakaling mawalan pa ako ng control sa sarili kong bibig. Masabi ko pa kay sir na isa siyang bipolar at may saltik sa pag-iisip.

Ipinikit ko ang aking oh-so-gorgeous eyes at umakto na parang natutulog. Narinig ko ang tunog ng mga susi at maya-maya'y tumunog ang pintuan. Shit! Bumukas nga ang pintuan.

Tulog ka, sis. Mahimbing kang natutulog. Ikaw si Sleeping Beauty. Si sir ang Prince Charming mo. Jokeness!  Blacklisted pa pala siya sa crush list ko.

"Look, he's asleep. You can play with him after he wakes up, okay? Come on play with your grandpapa first." Narinig kong sabi ni Sir. Nandito pala si Noah, pero sorry beh, pagbigyan mo na ang maganda mong mommy ngayon puyat at bad trip lang talaga ako.

"He will eat dinner with me right?" Narinig kong tanong ng bata.

"Yes. If you behave, you can ask him to sleep with you tonight."

"I'm behave po, daddy ko." Yes, baby! Ewan ko nga kong saan ka nagmana eh wala namang modo iyang tatay mo.

"Good, come on. We might disturb him." Pag-aaya ni sir sa bata.

Ang buong akala ko ay lumabas na sila hanggang sa may maliliit na yabag akong narinig papunta sa akin. Tumigil ito sa aking harapan at sinundan iyon ng pagdampi sa aking noo ng isang maliit na labi. Hay, Noah. Ano bang ginawa kong maganda sa mundo para ibigay ka nila sa akin? Gustong -gusto ko sanang ngumiti pero baka mabuking ako ni sir at mapahiya na naman.

"What are you doing?" Tanong ni sir sa bata. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Oh hormones, kalma. Isa kang dalagang pilipina, yeah!

"I think mommy is having a nightmare again. Sometimes I wake up when mommy is having a nightmare. I kiss him po para mawala nightmare niya."

Nightmare? Kiss? Kaya pala hindi na ako gaanong binabangungot noong nakaraan at nakakatulog ng maayos.  Saviour ko talaga itong baby ko!

"Daddy ko, kiss him po, please. Look at him po oh! I think mommy's nightmare hasn't stop yet."

Mahabagin! Anong pinagsasabi nitong batang ito? Lord, sabihin niyo nagbibiro lang itong si Noah. Ayoko pang mamatay ng maaga, kelangan ko pera lord huhuhu. Baka sabihin nitong Nathaniel na'to tinuturuan ko ng anu-ano si Noah napaka judgemental pa naman nito.

"Stop saying nonsense, Noah Craig. Do you want me to get mad at you?"

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran hanggang sa marinig ko nalang ang mahinang paghikbi ni Noah. Gigising na ba ako? Baka kung saan pa mapunta itong kalokohan nilang dalawa. Tumagilid ako lalo para mas marinig ko ang pag-uusap nila.

Nasa ganoon akong posisyon ng marinig ko si Sir Nathan na nagsalita,"Okay, fine. Stop crying."

T-teka anong FINE?! Anong ibig sabihin ng FINE?!

Naramdaman ko nalang ang dumadamping mainit na hangin sa pisngi ko. Palapit ito ng palapit hanggang sa nalapat na nga sa aking pisnge ang mainit na labi. Sandali lamang iyon pero parang milyon-milyong bultahe ang kumalat sa katawan ko. Ang bilis rin ng tambol ng puso ko.

Shet ka sir! Ang bilis mo. Pwedeng isa pa? CHAROT!!

"Happy? Come on. Let's go." Maawtoridad niyang sabi sa anak.

Mas pinili ko na lamang na hindi buksan ang aking oh-so-beautiful eyes hanggang sa makalabas sila sa silid. Paglabas nila dali-dali akong umupo mula sa pagkakahiga. Naalala ko na naman 'yong nangyari kanina kaya yunuko ako at ibinaon ang aking ulo sa unan at doon sumigaw.

Bakit 'yon ginawa ng bipolar na 'yon? Normal ba 'yon? Okay lang ba 'yon? Wala naman sigurong malisya 'yon dahil first of all STRAIGHT siya.  Baka nga sa utak ni sir sinasabi na niya ang mga katagang, "#NoHomo." Millenial na millenial ang papa niyo mga beh. Ginagawa lang niya ang sinabi ni Noah.

Nahiga lang ako sa kama at tumingin sa kisame ng matapos na ako sa kilig session ko. Masisi niyo ba ako mga bes? Virgin at NBSB ang lola niyo syempre ang hormones tumataas ng over-over mga bes. Yes naman, ganun ako ka tigang. Charness!

Nakatulog ako sa pagod kakaisip sa araw na ito. Napakadami ba namang nangyari hindi pa nga natatapos ang bente-kwatro oras.

Kinaumagahan, nagising ako ng may maramdaman akong naglalakad dito sa loob ng kwarto. Nakita ko ang isang ginang na naglalakad dito sa paligid. Una ay binuksan niya ang bintana kaya napapikit ako. Ng medyo okay na ay bumalik ako sa pagtingin sa matanda. Medyo tabain si nanay at may kaputian. Kulot naman ang kanyang buhok at medyo may kataasan. Nakasuot siya ng isang dark blue na dress na pang kasambahay. Iyong mga katulad sa mga pelikula. Nakangiti lang ito habang naglilinis at nagbubukas ng bintana.

"Magandang umaga po." Bati ko dito.

"Gising ka na pala, ijo. Magandang umaga din sa iyo. Maayos ba ang tulog mo?" nakangiti niya pa ring tanong.

"Opo." Sagot ko dito pabalik.

"Bisita ka ba nila, sir, ijo? Ngayon lang kasi kitang nakitang bumisita rito." Nagtataka nitong tanong. Mabilis ko namang itinanggi iyon.

"Ay nako, hindi po. Magta-trabaho rin po ako dito bilang yaya ni Noah." Paliwanag ko dito.

"Ganoon ba, magkakasama pala tayo dito sa bahay. Ikinagagalak kong makilala ka,ijo. Siya nga pala, hindi ko pa napapakilala ang sarili ko, ako si Gina. Nay Gina nalang itawag mo sa akin." Pakilala niya sa sarili. Naalala ko tuloy ang labanderang chismosa sa baranggay namin. Palagi nalang nagkakalat ng issue tungkol sa amin.

Napatigil kami sa aming chikahan dahil may pumasok na isang babae. Naka uniform ito katulad ng ka nay Gina.

"Aling Gina, pinapababa po si sir. Mag aalmusal na daw po." ani nito. Tumango lang si nay Gina at humarap ulit sa akin.

"Tinawag ka na raw, ijo. Sige na at mag handa ka na. Marami pa tayong oras para makapag-usap." Saad nito.

"Sige po." Tumayo na ako at pumunta sa cr. Habang naliligo ako naghilod talaga ako ng mabuti para hindi gaanong nakakahiya sa mga gwapong kapatid noong si sir Nathan. Alam niyo na baka mabenta. Char! Parang pokpok lang eh.

Pagkababa ko, iginaya ako ng isang kasambahay papunta sa dining hall nitong bahay. Sumalubong sa akin ang napaka bangong amoy ng ulam. Kumalam ang tiyan ko sa na-amoy ko. Ikaw ba naman ang walang haponan. Idagdag pa na lugaw lang ipinakain ng tupaking tatay ni Noah. I'm so angry na ha mga beshywaffs. Hindi magandang ginagalit ang baklang gutom, nangangain kami ng gwapo. Rawr!

"Goodmorning po, senyora at Don Allistain. " Bati ko sa dalawang matatanda na nag-uusap.

"Austine, you're here na! Come on sit down. Good morning to you too." Masayang sabi ni Senyora. Ay senyora, hindi po. Kaluluwang gala ko ito. Minumulto ko kayo kasi may saltik ang anak ninyo.

"Good morning, ijo." Bati pabalik ni Don allistain.

Umupo ako katabi ni Noah na tahimik lang. Alam kong nagtatampo ito, hindi kasi ako nakagising para sa hapunan.

"Good morning, baby ko." Malambing kong bati dito. Walang sabi-sabing niyakap ako nito.

"Oh?Anong problema, beh?" Takang tanong ko.

"You didn't wake up and have dinner with me po." Clingy na clingy talaga ito sa akin. Ang cute lang like me.

"Sorry beh, na tired kasi si mommy. Mamaya sabay tayo magdi-dinner okay?" Suyo ko dito.

"Okay po. Good morning and I love you po!" Aysus ki aga-aga ang sweet. Ang mga langgam sagad na sagad na.

"How about me, little man?" Shet. Ang yawa andito na. Napatigil ako nang makalapit ito sa amin.

"Good morning, dad. I love you rin po."

Isang munting ngiti ang sumilay sa mga labi niya na ikinitigil ng paghinga ko. Huta! Ang gwapo talaga! Kainis.

"G-good morning po, sir." Labag sa loob kong bati dito. Plastikan na kong plastikan mga beh. Wala tayong makukuha sa pagiging pabebe. Walang pera sa pagiging pabebe. Pakapalan na to,besh.

"Morning. By the way, I'm going to personally tour you around the house later and we'll talk about your work." Bati pabalik nito sa akin ng walanh tingin-tingin.

At ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Personally? Lord naman, ke aga-aga nababadtrip ako. Wala na bang mas sisira sa araw ko ngayon? Eh kong mukha kaya niya ang sirain ko? Char! Ikalma ang lawit beh, buhay natin kapalit.

-----------------------------------------------------------
Hey guys, I just made the longest chapter I have ever written for this story. It was mind-breaking and a sucker for ideas. But I want to consider this as a thank you chapter for those people who believed in me, who keeps on supporting this shit of a story, and who gave time to read this. Maraming salamat po. Ciao!

This chapter is dedicated to:

walangforevermar
alraedomincel
1234khenn
LeocarPasco
Laustickho
kaieex
Vinarejuso
nicholealgones
randolf-kun
gabbyjypretty
Alphnine5465
bhadtz
@jovicelledayao28

Thank you po sa inyong lahat. Hindi po aabot ito aabot hanggang chapter 14 kong hindi dahil sa inyo.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

922K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
94.4K 8K 39
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
182K 6.8K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
472 87 11
Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB A bisexual and gay man. Neither share any similarities. They couldn't have been more dissimilar; he is op...