His HEART

By skycharm24

47.4K 1.6K 559

Troy Adrian is a responsible and ideal son. Mabait na kapatid, mapagmahal na Uncle sa mga pamangkin. He's sma... More

His Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 4

2.5K 109 16
By skycharm24

Troy Adrian

Hindi ako masyadong busy lately, bukod kasi kay Mr. Gomez ay wala naman ng kinakaharap na problema ang company. Gustuhin ko mang singilin ang pamangkin niya, I don't have the heart to that, paano mo sisingilin ang isang taong walang wala, kahit yong lumang kotse ng Tiyuhin niya hindi maibenta benta sa kalumaan.

I talked to Diane about her progress on the job at mabilis daw itong matuto, maayos at masipag magtrabaho. Hindi naman ako nagkamali na bigyan ito ng trabaho lalo na sa sitwasyon nilang mag-ina. Alam ko na labag sa loob niya ang pagtanggap sa mga tulong ko, nakikita ko yon sa mga mata niya. She's really something. She reminds me of Isha. Stubborn as hell.

I'm on my way to the lobby ng matanaw si Trina isa sa mga staff ng Daycare na nagpapanic.

" Tumawag kayo ng ambulansiya, hindi makahinga yong isang Bata sa Daycare." dinig kong sigaw nito. I run to her.

" Who is it? " bigla kong naalala si Nate. At ganon nalang ang kaba ko ng maabutan si Nate na habol habol ang hininga.

Kinarga ko siya at dinala sa clinic, agad siyang inasikaso ng Company Nurse. Mabuti nalang Dad see to it na may sariling clinic ang lahat ng Resort at Hotel namin.

" Kamusta siya Nurse?" hindi maganda ang kulay ni Nate, parang putlang putla ito.

" Sir, tingin ko po dapat na natin siyang dalhin sa Hospital, he's not looking good. Yong lips niya po kasi nagiging blue na at kahit yong mga kuko niya. " lalo akong kinabahan sa sinabi ng Nurse.

" Pwede ka bang sumama sa amin? Just to make sure na maayos siyang makakarating sa Hospital. The ambulance is on it's way. Tatawagin ko lang yong ina niya." I quickly dialled Diane's number, alam kong magkasama sila ni Claire.

" Diane?, papuntahin mo si Claire dito sa lobby, may nangyari Kay Nate, sa anak niya. Please hurry." hindi naman nagtagal ay humahangos na dumating ito. Sinalubong ko ito sa lobby. Si Nate naman ay naisakay na sa ambulansiya at pinauna ko na kasama ang Nurse ng Hotel.

Hawak sa siko ay hinila ko na siya palabas ng Hotel. " I know madami kang tanong but we better hurry."

Agad ko siyang pinasakay sa kotse ko at sinundan ang kakaalis palang na ambulansiya.

" Kamusta si Nate, Sir?" halata sa mukha nito ang sobrang pagaalala.

" He's not okay, nahihirapan siyang huminga and he's turning blue, may sakit ba siya?" kahit mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse ay sinisigurado kong ligtas kaming makakahabol sa ambulansiya.

" Congenital heart disease, ang sakit ng kapatid ko." napasinghap ako sa narinig ko.

" Heart disease? At teka, kapatid? " pareho akong nagulat sa dalawang  bagay.

" Bunsong kapatid ko si  Nate, malaki lang talaga ang agwat namin." kaya pala parang ang bata niya pa para maging ina.

" May sakit sa puso ang kapatid mo? " I can't believe it, he's what 4 or 5? Parang matanda lang dito si Maui ng kaunti.

" Oo, naubusan kasi siya ng gamot kaya siguro nangyari na naman ito. " her voice crack. Nangyari na naman? Meaning hindi lang ito ang unang beses na nangyari ito?

Pagdating namin ng Hospital ay agad na inasikaso si Nate. Si Claire ang sumagot sa tanong about her brother's medical history. Matiyaga kaming naghintay para sa results ng mga napakaraming test na ginawa kay Nate. At sa advice narin ng Doctor, mananatili muna si Nate sa Hospital.

Napaupo si Claire sa tabi ng natutulog na kapatid. At kahit pilit nitong ikinukubli, alam kong umiiyak ito.

" Maayos na daw ang lagay ni Nate sa ngayon, hindi ba?, wag kanang masyadong mag-alala." pinatong ko sa balikat niya ang isang kamay ko to comfort her.

" Wala kaming pambayad dito sa Hospital' Sir. Private ang Hospital na ito, sigurado akong malaki ang babayaran dito." luhaang nakatingin ito sa akin.

" I'm here to help Claire, wag mo na munang isipin ang pera. Isa pa may medical assistance ang kompanya, titignan ko ang magagawa ko. Pero sa ngayon, huwag mo na munang isipin ang mga bagay na yon." nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Napakavulnerable nito ngayon.

" Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng itinulong mo sa amin Sir at kahit impossible pa sa ngayon, babayaran ko kayo." tinignan niya ako ng deretso sa mata.

The Doctor came around five in the afternoon at lalong nagpalumo kay Claire ang dala nitong balita.

" Kailangang maoperahan ang Bata sa lalong madaling panahon before it's to late." ang sabi nito, muling napaiyak si Claire sa narinig, lalo na nang itanong nito ang magagastos na halaga para doon.

Hinatid ko ang Doctor sa labas at kinausap ito, nagpakilala narin ako na kaibigan ni Claire.

" Kailangan maisara natin yong butas sa puso ng bata agad' Mr. Rosales. This hole allows blood from the left ventricle to go back into the right ventricle instead of out of the heart through the aorta. When this happens, too much blood can enter the lungs and may cause problems over time. Aware dito si Miss Gomez. " ang gamot pala na iniinom ni Nate ay nagbibigay lang dito ng pansamantang lunas pero surgery talaga ang kailangan para tuluyan itong gumaling.

" Kindly schedule the surgery Doc, I'll handle the expenses basta po mangako kayo na magiging ligtas ang Bata. " kinamayan ako ng Doctor matapos namin makapag usap. Muli akong bumalik sa kwarto ni Nate.

" It's settled Claire, operahan nila si Nate the soonest time available." napatayo ito mula sa kinauupuan sa sinabi ko sabay takip sa bibig.

" Saang kamay ng lupa ko naman kukunin ang 1.5 million Sir? Kahit Ten thousand nga ay wala ako." namumutlang sagot niya.

" Ako na muna ang bahala sa pera, ang mahalaga ang buhay ni Nate sa ngayon. " umiling ito.

" Paano naman kita babayaran pagkatapos? Hindi biro ang halagang pinag uusapan natin dito. " nagpapanic na naman ang itsura nito at panay ang tulo ng luha.

" Uulitin ko, saka mo na isipin yon Claire. Hindi naman kita pipiliting bayaran ako agad agad." wala sa sariling pinahid ko ang mga luha niya. Namumula na ang ilong nito at maga narin ang mga mata sa kakaiyak. Para namang napahiya ito at umatras ng konti sa ginawa ko. 

" Uuwi na muna ako. Babalik nalang ako mamaya." sabay kamot sa batok ko. Hindi ko din alam kung bakit affected ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

" Babalik ka pa?" kalmado pero tila may pagdududa sa tanong nito.

" I'll just change, nakapang opisina pa kasi ako and.." sasabihin ko sanang ikukuha ko sila ng gamit kaso mahaba habang paliwanagan na naman panigurado at alam kong tatangi na naman ito. Tinignan ko si Nate bago naglakad palabas ng pinto.

" Maraming salamat ulit Sir." tila maiiyak na naman ito.

" Babalik ako Claire.." umalis na ako bago pa magbago ang isip ko. Para itong si Maui kapag gustong sumama at ayaw magpaiwan. Natawa ako ng maalala ang pamangkin ko.

Namili muna ako ng mga kakailanganin nila sa Hospital pati narin ng gamit para kay Claire. Dinaanan ko narin ang ibang gamit nila tulad ng damit sa condo bago umuwi.

Isang sorpresa naman ang gumulat sakin pagdating sa bahay.

" Ginagabi yata ang gwapo kong apo, nakipag date kaba Ian? " si Lola Sandra.

" Lola.., Hi, you're here.." niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit.

" Yes, namimiss na kasi namin kayo ng  mga kapatid mo, kaya we decided to stay here for a while, kami ng Lolo mo. So, saan ka nga galing apo, nakipagdate ka ba?" mabuti nalang Mom came to the rescue. Nakahanda na daw ang dinner at kakain na.

Akala ko ay nakaligtas na ako sa interrogation, hindi pa pala.

" Ian' apo, yaman din lang na wala ka pang girlfriend, nagkausap kami ng Lola ni Hannah.., nagbago na siya apo at mas lalo pang gumanda, bakit hindi kayo magsimula ulit.." nagpanting ang tenga ko, of all people, si Hannah pa talaga?

Magkaibigan nga pala ang Lola nito at si Grandma. No way.

" Hindi kana bumabata Ian, yong kakambal mo nga may anak na, baka maunahan kapa ni Xhandrei.." naubo naman si Xhan sa narinig, napainom tuloy ito ng tubig.

" Tigilan mo nga yang apo mo Sandra, ikaw talaga." saway dito ni Lolo Alex.

I look at Dad to seek help pero nagkibit balikat lang ito sabay tawa.

" La, imposible po na magsimula ulit kami ni Hannah.."

" Bakit naman apo?"

" May girlfriend na po ako."

Bigla silang napatingin sakin lahat, na tila ba may malaking " Weeh?" sa mukha.

" Meron na po, after dinner nga po pupuntahan ko siya, nasa ospital po kasi ang kapatid niya. " hindi talaga ako madalas magsinungaling pero parang kailangan ko gawin ngayon.

" What happend anak? Napano ang kapatid niya?" si Mommy. Hindi niya paman ito kilala, nagaalala na ito.

" May sakit po kasi sa puso si Nate, kailangan po maoperahan agad. He's only 5. " napag alaman ko din na 5 years old na pala si Nate, medyo maliit ito sa edad niya dahil sa sakit at mahina din ang growth nito compared sa ibang Bata.

" Kawawang Bata." bulalas ni Lola.

" Do you need help, anak? Sabihing mo lang if they need something. " si Dad.

" Inaayos na po ang schedule ng operasyon ng bata, Dad. Medyo risky po pero nangako naman ang Doctor na gagawin nila ang lahat para kay Nate." this way, hindi ko na kailangan mag explain kung magpabalikbalik man ako sa Hospital.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para bumalik sa Hospital. Kakatapos ko lang magbihis when Mom came to my room.

" Tawagan mo kami kung may kailangan kayo ha, ano na nga ba ang pangalan ng girlfriend mo, anak?" I hate lying to Mom, just because she's the kindest. Wala na yatang babait pa sa Mommy ko.

" Her name is Claire, Mom.."

" Saang hospital ba naroon ang kapatid niya? Bukas na ang uwi ng Ate Chloe mo, baka makadalaw ako." kinabahan ako sa sinabi ni Mommy.

" I'll call you about the details Mom. I'll go ahead. " hinagkan ko siya sa noo saka lumabas.

" Anak, may pagkain akong hinanda sa kitchen, kunin mo nalang ha. Baka hindi pa kumakain si Claire. Mag ingat ka." sino ba naman ang hindi makokonsensiyang pagsinungalingan siya.

Nagulat si Claire na bumalik nga ako at mas nagulat ito sa dami ng dala ko pagbalik ng Hospital. Tinulungan niya akong ayusin ang mga yon.

" Dumaan ka pala ng condo mo, Sir? Salamat sa mga gamit. Hindi ko naman kasi maiwan si Nate. Salamat din sa mga pinamili mo. Palaki ng palaki ang u....

" Kumain na ba kayo?, may pinadalang food si Mommy."  putol ko sa takbo ng gusto niya sabihin.

" Kumain na kami ni Nate, yong rasyon ng Hospital.." seryoso  ba siya? Pang isang tao lang yon.

" Kumain ka ulit, sayang naman yong pinadala ni Mom." tumango ito.

" Kumain ka na ba, Sir?" tila nahihiya itong sumubo.

" Tapos na ako, kumain kana. Kailangan ka ni Nate kaya magpalakas ka. Huwag mong pabayaan ang sarili mo." hindi ko malaman kung papaano ko sasabihin dito na bigla bigla ay pinakilala ko na itong kasintahan sa pamilya ko.

Hinayaan ko nalang muna itong kumain baka hindi pa siya matunawan sa sasabihin ko. Naligo at nagpalit nadin ito ng damit pagkatapos kumain, uniform pa kasi ng Hotel ang suot nito mula kanina.

" Claire, I need to talk to you.." huminga ako ng malalim.

" Na-nagbago naba ang isip mo sa pagtulong sa amin Sir? Maiintindihan ko..."

" No, hindi tungkol don ang gusto ko sabihin sayo. It's about something else.."

" Okay po. Ano po yon? "

" Sinabi ko sa Pamilya ko na girlfriend kita, kaya ako nandito." nanlaki ang mata nito pagkatapos ay nagsalubong ang kilay.

" Anong ibig mong sabihin?"

" I'm sorry Claire, ang alam ng Pamilya ko girlfriend kita. Baka din dumalaw si Mommy dito bukas." biglang tumalim ang tingin niya sakin.

" Tama ako, walang mayamang tulad mo ang mag - aalok ng tulong ng walang kapalit. Lahat ng ito may dahilan. Kaya mo ba kami tinulungan para maging Instant girlfriend mo ako? " malamig na sabi nito.

" Claire listen to me, hindi ganon yon.."

" Pero huwag kang magalala Sir, gagawin ko yang gusto mo, alang alang sa kapatid ko." galit ito.

Nilapitan ko siya at hinarap.." Hindi ko alam kung bakit ganyan ang iniisip mo pero hindi ko sinasadya ang lahat ng ito Claire, paguwi ko kanina sa bahay, nandoon ang Lola at Lolo ko, gusto ni Lola na makipagmabutihan ulit ako kay Hannah, she's my ex. Nagkataong magkaibigan ang mga Lola namin and knowing my Grandmother, set up ito. Kaya out of the blue naisip kita at nasabi ko na pupuntahan kita dito sa Hospital. Isipin mo na ang gusto mo isipin pero labas dito ang kagustuhan kong tulungan si Nate." lumapit ako kay Nate saglit bago lumabas ng kwarto.

Iniisip ko tuloy kung babawiin ko nalang na sinabi kong girlfriend ko siya.



Itutuloy.....



Salamat sa pagaantay sa update. Keepsafe po sa ating lahat. Ipagdasal natin ang kaligtasan nating lahat.

Skycharm24
Ate Cha

Continue Reading

You'll Also Like

53.8K 1.5K 19
Elizabeth Ramos Williams has a normal life growing up but everything changed when her beloved mother died. Napilitan siyang sumama sa ama dahil walan...
8M 481K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...