Game of Love 2: Still in Love...

Από JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... Περισσότερα

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 20 ] Caught in the Act

51.1K 599 59
Από JeraldineTanL

Chapter 20: Caught in the Act

        

Nasa bahay nina Steven ngayon ang magbabarkada bukod kay Gab. Hinihintay nila ang pagdating nito dahil nasa trabaho pa ito. May balak kasi sila na lumabas ngayon. Lahat sila ay nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.

"Teka lang, mag-aayos na muna ako. Sabog na naman ako nito, eh! Hahaha!" pagpapaalam ni Aine.

"Hindi na kailangan, babe. Gorgeous ka naman palagi."

"Hoy, dakilang mushroom, tigil-tigilan mo nga ‘yang pambobola mo sa ‘kin. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit magaling ka magbasketball. Ang galing mo din kasing mambola."

"Magaling ka din naman magbasketball, ah? Sa panaginip nga lang. Hahaha!" pang-aasar nito.

"Ewan ko sa ‘yo!"

Tumayo si Aine at pumunta sa kwarto niya.

"Wait lang, babe! Sama ako!" sigaw ni Steven.

Nagmadaling tumayo si Steven at sumunod kay Aine. Naiwan doon sina Spencer at KL na hanggang ngayon ay awkward pa din sa isa’t isa. Alam ni KL na hanggang hindi siya kumikilos ng normal ay patuloy silang magiging ganun ni Spencer.

"Ang sweet nila, ano?" tanong ni KL.

"Ganyan naman sila palagi. Halos isang buwan ka na dito, hindi ka pa din sanay."

"Madalas din kasi silang wala dito sa bahay. Sa totoo niyan, nahihiya na din ako sa kanila dahil baka naiistorbo ko sila sa lambingan nila. Hahaha!"

"Ngayon ka pa nahiya sa kanila sa tagal mo dito. Ganyan na din naman sila kahit noon pa, wala namang bago. Para namang wala tayong pinagsamahan para mahiya pa sa mga ‘yon."

"Sabi ko nga, eh."

"Naiilang ka ba sa ‘kin?"

"Ha? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. K-kamusta pala kayo ni Jichelle?"

Naalala na naman ni KL ang nakita niya na mga kalokohan ni Jichelle.

"Okay lang kami."

"Talaga? Mabuti naman kung ganun."

Tumahimik na lang si KL. Natatakot siya na kapag nagtuloy tuloy pa ang usapan na ‘yon ay masabi niya na ang sikreto ni Jichelle. Hangga’t maaari ay ayaw niya sanang pakialaman ang mga ‘to. Hindi rin naman nagtagal at dumating na si Gab doon.

"Oh dude, late ka na naman," bati sa kanya ni Spencer.

"May mga inaasikaso pa ‘ko sa office. Hindi rin ako makaalis kaagad. Saan ba ang lakad natin?"

"Kakain daw. Teka, pupuntahan ko na sina Aine," sagot ni KL.

Pinuntahan ni KLsina Aine at Steven. Kumatok siya sa kwarto ni Aine pero dahil walang sumasagot ay pumasok na siya at nakita niya ang dalawa na magkayakap. Nagulat sina Steven at Aine kaya naman naitulak ni Aine si Steven. Hiyang hiya si Aine dahil nakita pa sila ni KL na ganun sa isa’t isa.

"Yakap ka ng yakap diyan!" sigaw ni Aine.

"Ikaw nga ‘tong unang yumakap sakin tapos ako ang papagalitan mo ngayon. Nahiya ka pa kay KL. Sanay na sa ‘tin ‘yan."

"S-sorry, guys. Hindi ko sinasadya na maistorbo kayo. Kumatok ako pero wala kasing sumasagot kaya pumasok na ako. Nandito na kasi si Gab," pagpapaliwanag ni KL.

"Bahala ka diyan, Steven Santos. Naiinis ako sa ‘yo! ‘Wag kang didikit sa ‘kin!" sigaw ni Aine.

Nagmadaling lumapit si Aine kay KL at kumapit siya sa braso nito.

"Babe naman! Galit ka na naman!"

"Ewan ko sa ‘yo. Tara na, KL," pagyayaya ni Aine.

"Sorry, Aine. Nag-away pa kayo dahil sa ‘kin."

"Hindi, ah! Wala kang kasalanan."

Hinila ni Aine si KL palabas ng kwarto at pinuntahan sina Gab. Sumunod na lang din naman si Steven at agad na inakbayan si Gab.

"Pre, balita ko may look-alike si, Jin ah? Nasaan na? Bakit hindi mo sinama?" tanong ni Steven.

"Paano ko isasama kung hindi nga kami close. Pahirapan pa para lang makausap ko ‘yon. Teka, saan ba ang punta natin?"

"Sa bar. Hahaha!" sagot ni Steven.

"Akala ko ba kakain lang tayo? Kaya naman pala nakaporma kayong lahat. Nakapang-office pa ako, oh. Hindi niyo man lang ako sinabihan."

"Okay lang yan, dude. Gwapo ka pa din naman. Tara na," pagyayaya ni Spencer.

"Sa sasakyan na lang ako ni Gab sasakay," sabi ni KL sa mga kaibigan.

"KL, sa amin ka na sumabay!" pagyayaya ni Aine.

Sinadya ni Aine na yayain si KL na sumabay sa kanila dahil kapag sila lang ni Steven ay hindi niya ito maiiwasan.

"Sa akin na sasabay si KL dahil may kailangan pa kaming pag-usapan," sabi ni Gab sa kanila.

Natuwa si KL dahil alam niya na makakapag-usap sina Aine at Steven kapag kasama niya si Gab. Pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya kung bakit nag-away ang dalawa. Nagsialisan na sila doon at tahimik lang na nagdadrive si Gab.

"Bakit ang tahimik mo? Akala ko ba may sasabihin ka sa ‘kin?"

"Wala akong sasabihin sayo. Sinabi ko lang ‘yon para sa akin ka sumabay dahil mukhang may problema na naman ‘yong dalawa."

"Wow! Nahalata mo ‘yon? Ang galing mo naman!"

"Meron nga pala talaga. Syempre, ako pa."

"Ang yabang nito. Oo nga pala, balita ko, exclusively dating na kayo ni Mika, ah? Is that true?"

"Oo"

"Paano nangyari ‘yon?"

"Basta."

"Kung kailan naman nandyan si Shane tsaka kayo nagdate ng totohanan. Ayaw ko man pero hindi na kita papakialaman. Oo nga pala, ano na ang nangyayari sa inyo ni Shane? Siguro naman may masasabi ka na ngayon, hindi ba?"

"Siya na ‘yong naghahabol sa ‘kin."

"Weh? Sigurado ka dyan? Hindi ba baliktad?"

"Hindi. Nakita mo naman nung nakaraan, eh."

"Kung siya yung naghahabol sa ‘yo, baka naman magsawa siya. Ikaw ang lalaki, dapat ikaw ang naghahabol lalo na at ikaw ang may gustong mapalapit sa kanya."

"Tama lang ‘yan na maranasan niya din ‘yong pinaranas niya sa ‘kin."

"I’m sure na titigil din siya. Knowing her attitude, she will stop following you."

"Hindi siya titigil dahil may kailangan siya sa ‘kin."

"Talaga lang, ah? Let’s see."

"Ganun din naman ‘yong ginawa ko kay Jin nung una."

"But the case is different now. Shane is not Jin. Ang maldita naman ni Shane kumpara kay Jin kaya ‘wag mong isipin na parehas lang sila."

"Ayoko na siyang pag-usapan."

“‘Yon lang ang nangyayari?"

"Oo."

Nadidismaya si KL dahil parang napipilitan lang si Gab na magkwento sa kanya at nakukulangan siya sa kwento nito.

"Ang tipid mo naman magkwento."

"Alam ko."

Nabibitin si KL sa kwento ni Gab. Sa tuwing trip lang kasi nito magkwento, doon lang ito nagsasalita. Curious talaga siya sa kung ano ang nangyayari sa kanila ni Shane. Pumunta sila sa isang bar na lagi nilang pinupuntahan. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagkakaayos sina Aine at Steven. Nakaupo lang silang lahat at umiinom.

"Babe, ‘wag ka ng magalit sa ‘kin. Sige ka, mangchichicks ako," pananakot ni Steven.

"Edi maghanap ka ng chicks! At kapag naghanap ka, pakidamihan, ah? Para naman may chicks din ‘tong mga kaibigan mo tutal sa ganun kayo masaya," pang-iinis ni Aine.

"Joke lang ‘yon, Aine. Ayoko naman talagang maghanap ng chicks. Alam mo na nagbago na ako at ikaw lang naman talaga, eh."

“‘Wag mo nga akong pinagloloko, Steven. Sawa na ako sa mga pambobola mo."

"Maawa ka na dyan, Aine. Kawawa naman ang kaibigan naming," hiling ni Spencer.

"Oo nga naman," pagsang-ayon ni Gab.

"Aine, babe, gorgeous, sorry na, oh. Hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit mo, eh."

"Bakit ba kasi binubuking mo pa ako kay KL?!" naiinis na tanong ni Aine.

Nagtampo lang naman talaga si Aine kay Steven dahil binuking niya ito kay KL. Nahihiya kasi siya na ganun. Para kasi sa kanya, pwede naman ‘yon akuin ni Steven pero tinuro pa siya nito.

"Sorry na, hindi na po."

Niyakap ni Steven si Aine.

"Magbabati na ‘yan!" pangungulit ni KL.

"Sige na nga! May magagawa pa ba ako?"

"I love you, babe."

"I love you, too, babe."

"Ang cheesy niyo, pare! Hindi bagay sa ‘yo," pang-aasar ni Spencer.

"Lul! Palibhasa kasi wala dito ang girlfriend mo. Inggit ka lang."

Nagpatuloy sa asaran sina Steven at Spencer na lagi nilang ginagawa. Habang nag-aasaran ang dalawa ay may napansin na kakaiba si KL. Nakita niya na naman si Jichelle. Tumayo siya para tingnan iyon at hinila niya si Aine para may kasama siya sa pagsunod kay Jichelle.

"Jichelle!" sigaw ni KL.      

Lumingon si Jichelle at kasama nito ang lalaki na nakita din ni KL na kasama nito sa restaurant noon. Nanlaki ang mata ni Jichelle nang makita si KL.

"Aine, siya yung sinasabi ko sa ‘yo."

Nang mapalingon si KL sa kasama ay nanlaki ang mata niya at bigla siyang kinabahan.

"S-Spencer?!" nagtatakang tanong ni KL.

Hindi inaasahan ni KL na imbis kamay ni Aine ang nahawakan niya ay kamay ni Spencer pala. Hinila niya lang ito ng hindi lumilingon kaya wala siyang kaalam-alam na si Spencer ang kasama niya. Nakatingin lang si Spencer kay Jichelle at nakatingin si KL kay Spencer. Kitang kita sa mga mata ni Spencer ang galit.

"Ito ba ‘yong busy sa school?" tanong ni Spencer kay Jichelle.

Pilit na kinokontrol ni Spencer ang galit niya. Hangga’t maaari ay gusto niyang maging mahinahon.

"Kylie, right? Hon, sino siya?" tanong ng lalaking kasama ni Jichelle.

"H-he is.. my friend! Yes, he's my friend. Hon, can you go first? Susunod na lang ako sa sasakyan. Saglit lang ‘to," sabi ni Jichelle sa kasama.

Nginitian ng lalaking kasama ni Jichelle si KL at saka ito umalis. Naguguluhan na si Spencer sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay niloko siya ni KL at ni Jichelle. Ni wala man lang siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Sinusundan mo ba ako, KL? Ganyan ka ba ka-desperada na makuha sakin si Spencer?! You even brought him here with you?! Fine, if you want him then take him! Sa ‘yo na siya dahil hindi ko siya kailangan!" naiinis na sinabi ni Jichelle.

Tinalikuran sila ni Jichelle pero hinawakan kaagad siya ni Spencer at pinaharap sa kanila.

"Awch! Ang sakit nun, ah?! What's wrong with you?!"

“‘Wag mo ako talikuran dahil mag-uusap pa tayo."

"Ayoko nga! Who are you to tell me what to do?!"

"Maiwan ko na kayo," pagpapaalam ni KL.

Aalis na sana doon si KL pero hinawakan ni Spencer ang kamay niya.

"Hindi ka aalis dito, KL. Makikinig ka sa pag-uusapan naming," utos ni Spencer.

"Wala tayong kailangan pang pag-usapan, Spencer. We're done. Break na tayo!" sigaw ni Jichelle.

Lalong nainis si Spencer kay Jichelle.

"Natatakot ka ba na ako ang unang magsabi sa ‘yo niyan kaya mo ako inuunahan? Nasasaktan ba yung pride mo?" pang-iinis ni Spencer.

"How dare you?!"

Sasampalin sana ni Jichelle si Spencer pero pinigilan siya ni KL at hinawakan ni KL ang braso ni Jichelle bago niya masampal si Spencer.

"Hindi ba dapat ikaw ang nasasampal ngayon? Ang lakas ng loob mo na sampalin si Spencer pagkatapos ng ginawa mo sa kanya. Matuto ka namang mahiya sa mga pinaggagawa mo!"

Hindi na napigilan ni KL ang magsalita dahil naiinis na din siya kay Jichelle. Matagal na siyang nagtitimpi dito.

"Ikaw yata dapat ang sinampal ko, eh. Masyado kang mapapel!" naiinis na sinabi ni Jichelle.

"Maghiwalay na tayo, Jichelle. ‘Wag na ‘wag ka na ding magpapakita pa sa ‘kin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan pa kita," seryosong sinabi ni Spencer.

"This is all your fault, KL! Hindi pa tayo tapos!"

Pagkasabi nun ni Jichelle ay madali siyang umalis doon. Hanggang ngayon ay hindi pa din binibitawan ni Spencer ang kamay ni KL pero nang iwan na sila nito ay bumitaw na siya.

"I'm disappointed with you, KL," dismayadong sinabi ni Spencer.

Napailing na lang si Spencer na hindi makapaniwalang magagawa sa kanya ‘yon ni KL. Umalis siya doon pero agad siyang hinabol ni KL.

"Ano?" kalmadong tanong ni Spencer.

"Bakit ka ba nagagalit sakin? Hindi ko lang naman sinabi dahil--"

"Matagal mo ng alam ang ginagawa niya pero hindi mo man lang sinabi sa ‘kin. Kung hindi ka pa nagkamali sa paghila mo sa ‘kin, hindi ko pa malalaman ‘to! Fvck, KL! Pinagmukha niyo akong tanga! Kung hindi ko pa nalaman ngayon, hanggang kailan mo pa ba ako planong pagmukhaing tanga?! Kailan mo sasabihin sa ‘kin ang totoo?!"

Hindi alam ni KL kung paano niya ipapaliwanag ang sarili niya kay Spencer. Alam niya kasi na hindi ito maniniwala sa kanya kung sakaling sinabi niya ito kaagad. May plano naman talaga siyang sabihin pero hindi pa sa ngayon.

"I’m sorry, Spence."

"Sorry?! KL, sorry na naman? Ganun na lang ba kadali ‘yon? Akala ko ba kaibigan kita? Akala ko ba may nararamdaman ka pa sa ‘kin? You should've told me! Naghiwalay na kami ngayon! Sana masaya ka na. Siguro sa loob loob mo, pinagtatawanan mo ako dahil pinili ko siya kaysa sa ‘yo tapos niloloko niya lang pala ako."

Hindi na napigilan ni KL ang sarili niya na sampalin si Spencer. Nasaktan siya sa mga sinabi nito. Sa tingin kasi ni Spencer ay ginawa talaga ‘yon ni KL para maghiwalay sila ni Jichelle. Hindi niya alam na nasasaktan din si KL at naiipit sa sitwasyon niya. Hindi na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Ang sakit mong magsalita! Sa tingin mo, gusto kong makita na niloloko ka niya? Hindi Spencer, hindi! Matagal ko ng gustong sabihin sa ‘yo ang mga nakita ko noon pero natatakot ako sa isasagot mo. Ayoko na magmukhang desperada lalo na’t alam mo na mahal pa din kita. Alam ko din na hindi ka maniniwala sa ‘kin dahil mahal mo siya! Hinihintay ko lang ‘yong tamang panahon na may sapat na patunay na ako bago ko sabihin sa ‘yo ang lahat. Ikaw lang naman ang iniisip ko, ah? Ngayon, ako pa ang nagmukhang masama sa ‘yo? Kasalanan ko ba na minahal kita at ayoko lang na masaktan ka?! Ewan ko sayo, Spencer!"

Aalis na sana doon si KL pero bigla siyang hinila ni Spencer at niyakap.

"S-sorry, KL. Mainit lang ang ulo ko at sa ’yo ko nailabas lahat ng galit ko. I'm very sorry."

Pinilit ni KL na intindihin na lang si Spencer dahil alam niya na naguguluhan lang ito. Pinakalma niya muna ang sarili bago siya nagsalita ulit.

"Okay lang, tara na."

Ginagawa ni KL ang lahat para tulungan si Spencer. Naiintindihan niya naman na nadadala lang ito ng emosyon niya kaya siya nagkakaganun. Kapag galit kasi ang tao, hindi na niya napipigilan o nakokontrol ang mga sinasabi niya. Kahit sino naman kasi ay magagalit talaga sa nakita at narinig. Sino ba naman kasi ang may gusto na lokohin ng girlfriend o boyfriend, hindi ba?

~

Madaling araw na ng maisipan nilang magkakaibigan na umuwi. Lahat sila ay nakainom pwera na lang kay KL. Si Spencer naman ay lasing. Nagkanya-kanya sila ng uwi. Naunang umuwi na si Gab dahil wala naman itong kasabay sa pag-uwi.

"Babe, mauna na kayo sa bahay ni KL. Ako na lang ang maghahatid sa lokong ‘to. Nagpakalasing pa kasi."

"Sige, babe. Mag-ingat kayo, ha? Nakainom ka pa naman," sagot ni Aine.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya, Steven. Mauna na kayong umuwi para makapagpahinga na din kayo tutal hindi naman ako nakainom," pagpepresinta ni KL.

"Ako na lang, KL. Mahihirapan ka sa pag-uwi dahil babae ka. Delikado."

"Steven, may point si KL. Mauna na lang siguro tayong umuwi. Marami ka ding nainom kaya delikado na magdrive pa at umuwi. ‘Wag kang mag-alala, KL. May mga katulong naman sila na tutulong sa ‘yo doon."

"Makikitulog na lang siguro ako kina Spencer para hindi ko na din kayo maistorbo."

"Sige, KL. Mag-ingat ka, ah?"

"Sige, kayo din."

Umuwi na sina Aine at Steven. Pagkapasok ni KL sa sasakyan, napansin niya na nagigising na si Spencer. Nang umalis kasi sila sa bar ay bagsak na ito sa sobrang kalasingan at inalalayan lang siya nina Gab at Steven papunta sa sasakyan.

"KL."

"Hm?"

"Ang tanga tanga ko talaga. Dapat pala ikaw ‘yong pinili ko. Naloko pa tuloy ako."

"Ganyan talaga, Spencer. Nasa huli ang pagsisisi. Life is full of trials. We wouldn’t learn unless we experience it."

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

118K 5K 54
" Alam ko namang idol ka at fangirl mo lang ako. Ang tanga ko nga siguro para pumasok sa relasyon na to "- Aila Jane Lucas 【Being Mrs. Jeon's side...
My Gangsta Boy Από tiffanism

Εφηβική Φαντασία

429K 7.7K 30
SUZY is in a relationship with the hottest gangster in their school named KISEOP!! This is my second fanfic for them. ^o^
Jersey Number Nine Από em

Ρομαντική

114K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.