Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 1 : Battle scars

137K 3.5K 2.6K
By Serialsleeper

1.

Battle Scars

Robbie's Point of View

Nagising akong mag-isa nalang sa auditorium. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang sa stage ang gumagabay sakin.  Napatingin ako sa mga upuang katabi ko lang ngunit wala nang katao-tao dito. Nyeta nagsi-uwian na ata silang lahat, di man lang ako ginising.

Kinuha ko ang mga gamit ko at agad na lumabas mula sa auditorium. Makailang-ulit kong pinindot ang elevator button ngunit walang umiilaw. Nyeta sira pa ata, magha-hagdan nalang ako. Biglang nag-ring ang cellphone ko kayat dali-dali ko itong sinagot --Isang unknown number...

"Sino to?" tanong ko habang humahakbang pababa ng hagdan ngunit wala akong naririnig na sagot sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko. Nakakilabot.

"Nyeta baho ng hininga mo, sino ka ba?!" Napasigaw na lamang ako. Nakakainis tong mga prank callers, di ba nila alam na may trauma pa ako sa takutan.

"Long time no see Robbie"

Shit...Yung boses na yun...

Napako ako sa kinatatayuan ko't hindi ko naiwasang makaramdam ng matinding takot lalong-lalo na nang makilala ko ang boses nito. Nakaramdam ako ng matinding takot gaya nang naramdaman ko dalawang taon na ang nakakaraan sa Provident High...

Ngunit mas natakot ako sa katotohanang hindi nanggagaling ang boses sa telepono. Nanggagaling ito sa mismong likuran ko!

"Dixon" mahinang bulong ko at agad na napalingon sa kanya. Nakakatakot ang tingin niya, parang isang demonyo. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakangisi. Wala akong ibang nakikita kundi poot at kasamaan...

"H-hindi...Patay ka na... Pinatay ka na namin" Yun na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Takot na takot ako, gusto kong tumakbo ngunit di ko magawa.

Bigla akong tinulak ni Dixon kaya nagpagulong-gulong ako sa hagdan...

Duguan akong bumulagta sa sahig habang hilong-hilo. Sigaw ako ng sigaw, humihingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa akin. Sinubukan kong gumapang ngunit di ko magawa dahil nakalabas na ang buto sa siko ko. Nyeta ayoko pang mamatay!

"Hindi ka makakaligtas Robbie. Sama-sama tayo sa impyerno" Tumawa si Dixon at agad na inilabas ang isang maskara mula sa bulsa ng suot niyang jacket... Maskara ng demonyo...

Napapikit na lamang ako at napasigaw sa abot ng makakaya sa pag-asang may makakarinig at tutulong sa akin.


Biglang natahimik ang paligid kayat dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"And he's awake! Palakpakan!" Nagulat ako nang biglang bumungad sa akin ang teacher kong kamukha ni Dracula. Nyeta for the first time masaya akong makita ang mukha niya. 

Hingal na hingal ako at pawis na pawis pero malaki ang pasasalamat ko dahil panaginip lang ang lahat. Walang round 2 sa hagdanan at wala ang tangnang si Dixon. 

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin ang lahat ng mga classmate ko, yung iba nagtatawanan at yung iba halatang nawe-weirduhan sa akin.

"Rob okay ka lang?" Tanong sa akin ng kaklase kong si Curtis kayat tumango na lamang ako kahit napakabigat parin ng hininga ko.

"Robbie Lloyd Chen ang classroom ay classroom, kung gusto mong matulog you can get out of my class" Sermon sa akin ni Sir kayat tumayo na lamang ako at agad na lumabas ng classroom. Sanay na akong mapagalitan, ano pa bang bago?

Dumiretso na ako sa locker ko at agad na ininom ang mga gamot kong pampawala ng stress. Nang maisara ko ang locker ko ay bigla na lamang sumulpot si Ria sa tabi ko kayat halos mapasigaw ako sa gulat.

"Dude are you okay? Youre sweating like shit!" Reklamo niya at agad na pinunas sa akin ang panyo niya. Nyeta ano bang akala niya sa akin? Nazareno?

"Im okay, stop acting like mom" agad kong inilayo sa kanya ang mukha ko. Si Ria ang nakababata kong kapatid. Tumigil ako ng isang school year kaya ngayon magkapareho na kami ng kapatid kong nasa first year college.

"You cant blame me for worrying. Look at you kuya, para kang naliligo sa pawis tapos ang putla-putla mo pa. Nainom mo na ba ang gamot mo?" Tanong sa akin ni Ria kayat hindi ko maiwasang mainis. 

"Look thank you sa concern pero wala akong sakit. Magaling na ako, I dont need anyone's fcking help! Im alive and thats what matters!" Giit ko. Hindi ko namalayang napalakas ko pala ang boses ko kaya nagtinginan sa akin ang mga tao sa paligid. Dali-dali akong naglakad palayo ngunit sinundan parin ako ni Ria.

"For one year you did nothing but magkulong lang sa kwarto mo kuya, you keep on saying na okay ka lang pero yung totoo okay ka lang ba talaga? Oo alam kong magaling ka na, magaling na ang mga sugat mo pero yang sugat diyan sa kalooban mo magaling na ba?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Ria.

"Magaling na ako, Its almost two years. Wala nga akong peklat eh" I assured her. Napabuntong hininga na lamang ako at agad na isinilid ang mga kamay sa bulsa ko.

"Thats right, you dont have scars on your skin but how about on the inside? The scars inside us are the worst. Nakakainis! I just want my brother back! I want Robbie the idiotic Chen back! " Dagdag pa niya at nahalata ko sa boses niyang naiiyak na siya kayat napakamot na lamang ako sa ulo ko at dali-dali siyang inakbayan.

Eversince my brush with death, Ria changed. Hindi lang kaming mga biktima ng massacre ang apektado, ganun narin ang mga pamilya namin.

"You never lost me Ria. You never will kaya pwede ba wag kang magdrama? Ang korni mo para tuloy tayong yung mga nasa teleserye na kinaiinisan natin" Pag-iiba ko ng usapan. "Tara sa canteen may mga tindang siopao daw dun. Ibebenta kita"

"Kuya naman eh!" Sigaw niya at agad akong hinampas.

- - - - - - - - - -

Habang namimili kami sa cafeteria ay bigla kong narinig ang breaking news sa TV.

"ISANG BUWAN NALANG BAGO ANG PANGALAWANG ANIBERSARYO NG MALAGIM NA MASSACRE NA NAGANAP SA PROVIDENT INTERNATIONAL BOARDINGSCHOOL O MAS KILALA NA NGAYON SA BANSAG NA SLAUGHTER HIGH. MATATANDAANG UMABOT SA HALOS DALAWAMPU ANG MGA BUHAY NA NASAYANG NANG DAHIL SA KRIMEN NG BINATILYONG SI DIXON SANTINO. NGAYON AY NAGHAHANDA NA ANG MGA PAMILYA NG MGA BIKTIMA PARA SA TAUNANG VIGIL PARA GUNITAIN ANG ALA-ALA NG MGA YUMAO." Ulat nung babaeng reporter.

"Ale pakipatay nga ng TV!" Sigaw ni Ria na halos batuhin na ang tv kayat pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti.

Magda-dalawang taon na. Kamusta na kaya sina Kevin, Carly at  Dominic? Matagal narin kaming di nagkikita o nagkakausap. Sa pagkakaalam ko kabila't-kanan ang appearance at interview ni Kevin sa mga tv station nang dahil sa mga nangyari. Naging instant celebrity ata ang loko. Sina Carly at Dominic naman nasa New York ata.

Sa New York rin sana ako mag-aaral kaso hindi nagbago ang isip ko't dumito nalang ako sa Pilipinas. Kahit papaano'y 

"Kuya yung phone mo umiilaw" Siniko ako ni Ria.

Nyeta sino na naman kaya to.

Tiningnan ko ang cellphone ko. May text message na dumating gailing sa isang unknown number. Bigla akong kinilabutan nang mabasa ko ang mensahe....

From : +639**********

Malapit na ang reunion. See you soon Provident High Class 2012.

Nyeta anong reunion?

END OF CHAPTER ONE

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 76K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
3.8K 289 12
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
203K 12.9K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"