Love Maze (Completed)

Autorstwa kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... Wi臋cej

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 10

69 0 0
Autorstwa kristineeejoo

CHAPTER TEN


Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Mama. Kahit tinatamad pa ko tumayo, wala akong magawa kundi bumangon. Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago lumabas at dumiretso sa banyo. Ginawa ko na ang morning rituals ko bago dumiretso ng sala. Napangiti si Papa ng makita ako. Linggo pala ngayon at walang pasok si Papa.

"Anak halika, may ibibigay ako sayo." Sabi niya kaya agad akong umupo sa tabi niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang box na nakabalot sa gift wrapper.

"Ano 'yan, Pa?" Tanong ko.

"Buksan mo, 'nak para malaman mo." Nakangiting sabi ni Papa. Sinunod ko naman siya. Sinira ko ang pagkakabalot ng gift wrapper at nanlaki ang mata ko ng makita ang bagong cellphone.

Bigla akong napatili at niyakap si Papa, "Wah! Thank you, Papa!"

Tumawa si Papa, "Huwag ka sakin magpasalamat kundi sa Mama mo. Nung nagkita kami kahapon sa Mall, nakita niya ang cellphone na 'yan at ikaw ang naalala niya. Binili niya 'yan para sayo anak."

Napatulala ako sa sinabi ni Papa. Si Mama? Hindi ko alam pero bigla akong naiyak. Kahit na hindi showy si Mama, alam kong mahal na mahal niya talaga ako. Naalala ko pa nung isang araw sinabi niya na 'wag ako bilhan ni Papa ng cellphone pero siya pala ang bibili nito sakin.

"Nasaan po si Mama?" Tanong ko kay Papa. Tinuro naman ni Papa ang kwarto nila ni Mama kaya nagpaalam akong pupuntahan ko muna si Mama doon. Tumango lang naman si Papa kaya dumiretso na ako sa kwarto nila. Nakita ko si Mama na nagtutupi ng polo ni Papa. Dahan dahan akong pumasok doon at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Nagulat naman si Mama sa ginawa ko pero ngumiti lang ako.

"Nakakagulat ka namang bata ka!" Singhal ni Mama. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. "Bakit naglalambing ka nanaman? May ipapabili ka nanaman 'no? Ano nanaman 'yon ha?"

Ngumiti ako ng malapad, "Hindi 'Ma. Gusto ko lang sabihin na thank you."

Hindi nakapagsalita si Mama sa sinabi ko.

"Mahal na mahal ko kayo ni Papa." Sabi ko bago lumabas ng kwarto nila.

Malapad ang ngiti ko habang nagtitimpla ng kape. Sobrang swerte ko talaga sa mga magulang ko. Hindi ko alam ang gagawin 'pag nawala agad sila sakin.

Habang nag-aalmusal ako, kinalikot ko na agad ang aking bagong cellphone. May sim card at memory card na daw ito sabi ni Papa kaya wala na akong poproblemahin. Nandito narin daw ang mga number nila Mama at Papa incase of emergency.

Habang kumakain ng almusal, nag-selfie muna ako. Syempre kailangan 'to kapag may bago kang cellphone. Hahaha. Nag smile, fierce at wacky ako sa harap ng camera bago ito tinignan sa album. Ang cute ko talaga, pakshet. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang litrato ko bago ko naisip magbukas ng facebook.

Nang mabuksan ko ang fb ko, nagulat ako ng halos sumabog na ang fb ko sa sobrang dami ng notifications, friend request at messages. Ilang buwan ba ako hindi nakapag-online? Alam ko isang buwan lang. Hahahahaha. Minsan kasi sa comshop ako nago-online eh. Pero nung marealize ko na nauubos ang pera ko dun, tinigilan ko na. Wala rin naman akong ka-chat sa fb.

Pinindot ko ang messages at tinignan kung sino ang nag-chat sakin.

Nagulat ako ng makitang nag-chat sakin si Sean, Evan at Jared. Pero tanging Hi lang sinabi nila. Nakita ko ring nag-chat sakin si Xiela at Bernazae. Hi lang din naman ang sinabi ng mga ito. Pero 'yung kay Xiela may kasamang logic. Sagutan ko daw. Napairap nalang ako.

Sunod kong tinignan ang gc na ginawa nila Jared. Motherfucker Squad. Napangiti ako sa pangalan ng gc namin pero nawala rin agad ang ngiti ko ng maalalang ang tatlong kasama sa gc na ito ay may gusto sakin. Si Sean, Evan at Jared. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto sila sakin. I mean, puwede rin naman nila akong magustuhan pero may mas maganda pa sakin tulad nila Alice, Xiela at Bernazae. So, bakit ako? Why me?

Pinilig ko nalang ang ulo ko at pinindot ang notification button.

Kenrick Olivar added 3 photos.

May nagtulak sakin na tignan ito kaya ginawa ko. Nakita kong may pinost si Kenrick na tatlong pictures kasama si Eula. Para nanamang kinurot ang dibdib ko. Ito 'yung nag-overnight kami kahapon. Picture nila itong magkasama habang kumakain ng barbeque. Mukha silang totoong mag-couple rito.

Napapikit ako ng mariin bago pinatay ang data connection ng aking cellphone at tinurn off ito.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan 'yung kaganapan kahapon. Si Eula nga talaga ang gusto ni Kenrick. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa loob ko na hindi sang-ayon sa gusto ni Kenrick. Dapat nga maging masaya ako sa bestfriend ko pero kabaligtaran ang nangyari. Ang bigat sa loob ko malaman na may iba siyang gusto. Ewan ko kung bakit. Naguguluhan ako sa nangyayari sakin.

O baka siguro dahil ayoko lang si Eula para sa bestfriend ko? Iyon siguro ang dahilan? Aish. Ewan. Tae, umagang umaga sinisira ang mood ko dahil sa kakaisip kay Kenrick at Eula. Kainis. Dapat wag ko muna silang isipin. Isipin ko muna na may bago akong cellphone at bigay ito ng mahal na mahal kong mga magulang. Hehe.

"Anak, may bisita ka." Sabi ni Papa. Napataas ang dalawa kong kilay at iniwan ang kinakain ko sa kusina bago pumunta sa sala. Nanlaki ang mata ko ng makita si Sean, Evan at Jared. Bakit nandito silang tatlo? Papasakitin nanaman ba nila ang ulo ko? The heck.

"Ang gaganda nilang lalaki, anak. Kaklase mo ba sila?" Tanong ni Papa. Napangisi naman ang tatlo dahil sa sinabi ni Papa'ng magagandang lalaki. Yuck. Ew. Kadirdir.

"K-Kaklase ko nga po sila, Papa." Sabi ko at napipilitang ngumiti.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Papa sakanila. Napaayos naman sila agad ng upo at diretsong tinignan si Papa.

"Uh, ipapaalam po namin si Katrine. Magsisimba lang po." Sabi ni Evan. Nanlaki ng sobra ang mata ko. What the fuck. Simba? I can't believe this!

"Opo. Magsisimba lang po kami. Pangako po ibabalik namin siya ng maayos rito." Sabi naman ni Jared at labas ngipin na ngumiti sa Papa ko.

"Ganun ba? Ang babait pala nitong mga kaklase mo anak." Sabi ni Papa. Palihim akong napangiwi. Kung alam mo lang Papa. Si Sean lang yata ang mabait sakanilang tatlo! Sa totoo lang talaga!

"Okay sige. Papayagan ko kayong isama ang anak ko pero ingatan niyo siya. Kapag may nangyaring masama sakaniya, lagot kayo sakin." Sabi ni Papa at pinakita pa ang kaniyang nagkukuyom na kamao. Napalunok naman ang tatlo ng makita ang laki ng kamao ni Papa.

"D-Don't worry po. We will take care of her." Nauutal na sabi ni Sean. Napangiti naman si Papa at isa isa silang tinapik sa balikat bago ito lumisan sa harap ng tatlo at dumiretso sa kwarto nila ni Mama. Sabay sabay namang napabuga ng malakas na hangin ang tatlo.

Tinignan ko sila ng masama, "Ano bang ginagawa niyo dito?"

"Aayain ka nga magsimba." Sabi ni Evan na tulala parin dahil siguro kay Papa.

"Ulol. Kay Sean maniniwala pa 'ko pero sainyong dalawa ni Jared, hindi." Asik ko sakanila.

"Totoo nga kasi, magbihis ka na." Sabi ni Jared at napanguso. Napairap nalang ako at nag-cross arms.

"Okay fine." Sabi ko nalang. "Paano niyo naman nalaman ang bahay ko?"

"Kay Kenrick namin nalaman." Sabi ni Sean na titig na titig sakin.

Ilang sandali akong napatitig sakanilang tatlo at napansin kong titig na titig sila sa suot ko. Tsaka ko lang na-realize na nakapantulog pa pala ako. Bwisit. Hindi ko naman kasi alam na susulpot sila dito. Dapat nagsabi muna sila!

"Argh!" Singhal ko sabay takbo papuntang kwarto ko. Padabog kong sinara ang pinto at tumalon sa kama. Binaon ko ang mukha ko sa aking kama tsaka pinagsusuntok ang unan ko. Nakakahiya!

Kalma, Katrine.

Bumangon nalang ulit ako at huminga ng malalim.

Umalis na ako sa kama at dumiretso sa cabinet upang maghanap ng susuotin. Nang makahanap ako, mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong pumunta sa CR. Mabilis akong naligo at nagbihis. Dumiretso ulit ako sa kwarto para mag-ayos ng mukha. Nagsuklay ako ng buhok at naglagay ng konting liptint sa labi. Nang matapos akong mag-ayos lumabas na ako at pinuntahan ang tatlong asungot. Tama. Tatlo na po silang asungot. Kasama na po dun si Sean.

"Tara na." Sabi ko. Tumaas ang kilay ko ng makitang napanganga sila ng makita ang itsura ko. Anong problema ng mga 'to? Ngayon lang ba sila nakakita ng cute? Chos. Hahahahaha.

"Pretty." Bulong ni Sean pero narinig ko naman. Palihim akong napangisi. Ah, nagandahan pala sila sakin kaya napanganga sila. Hahaha. Ewan ko pero bigla akong kinilig. Ay! Ang landi ko ba? Sorry naman. Hahahaha. Ang haba kasi ng hair ko. Charot.

"Uy! Ano? Aalis pa ba tayo o nganganga nalang kayo diyan?" Taas kilay kong tanong. Bigla naman silang napabalik sa reyalidad dahil sa sinabi ko.

"T-Tara.." Sabi nila. Nauna na akong maglakad at dumiretso muna sa kwarto nila Mama at Papa. Tatangkain ko sanang buksan ang pinto ng kwarto nila kaso naka-lock. Napangisi naman ako sa naisip. Hihi. Alam na this.

Naglakad nalang ako papunta sa pinto ng bahay namin at sumigaw.

"Mama, Papa, alis na kami. Kayo na bahala sa bahay!" Sabi ko bago tuluyang lumabas. Tinignan ko naman ang tatlong lalaki na nasa likod ko. Tulala parin sila sakin. Hindi ko mapigilang mapairap.

"Bakit ba tulala kayo? Wala ba kayong tulog?" Tanong ko.

"Ah, uhm, hindi naman.. natulala lang kami sa ganda mo." Sabi ni Jared.

"Wala akong barya eh. Pero thank you." Sabi ko at tumawa ng malakas. Mas lalo silang napatulala sakin.

"Okay, sabi ko nga hindi nakakatuwa." Sabi ko tsaka naglakad na ulit.

"Sasakay ba tayo?" Tanong ko at hinarap sila. Tumango naman silang tatlo. "Wala akong pamasahe. Hindi ako nakahingi kay Papa kanina."

"Ako na bahala sa pamasahe mo!" Nagulat ako ng sabay sabay nilang sabihin 'yon. Pero napangisi nalang rin ako.

"Sige, kayong tatlo mag-ambagan ng pamasahe ko. Mababait naman kayo eh. Pero ngayon lang." Sabi ko at biglang tumawa. Naglakad na ulit kami at nag-abang ng jeep na masasakyan. Nang may huminto sa harap namin agad kaming sumakay. Silang tatlo ang magkakatabi sa left side ng upuan habang ako umupo sa right side. Kita ko pa ang inis sa mukha nila dahil di nila ako nakatabi. Napangisi nalang ako. Hahaha. Ang cu-cute.

Pero lumakas ang kabog ng puso ko sa kaba ng maramdaman ang kamay ng lalaking katabi ko na humahawak sa hita ko. Pakshet. Manyak pa yata ang nakatabi ko. Tinignan ko ang tatlong lalaking kasama ko at sinenyasan sila. Nakuha naman agad nila ang gusto kong iparating at nanlaki ang mata nila ng makita ang kamay ng lalaki sa hita ko.

"Manong, bababa na kami. Itigil mo 'to!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Sean. Lahat ng pasahero dito napatingin sakaniya. Pero mas lalo akong nagulat ng biglang suntukin ni Jared at Evan ang lalaking katabi ko. Napatili ang ilang pasahero sa loob ng jeep.

"Tangina mong manyak ka!" Sigaw ni Jared habang sinusuntok paulit ulit ang lalaki. Kasing edad lang yata namin ang lalaki kaya siguradong kaya ito nila Jared at Evan.

Tumigil ang sasakyan at mabilis akong hinila ni Sean palabas ng sasakyan na 'yon. Pagkatapos bugbugin ni Evan at Jared ang lalaking manyak, lumabas narin sila ng jeep.

"Takbo!" Sabi nila samin kaya mabilis akong hinila ni Sean para patakbuhin dahil nakita naming bumaba ng sasakyan ang driver. Hahabulin pa sana kami kaso naalala niyang may pasahero pa siya kaya nababanas na nakatingin lang ito samin habang kami hinihingal na tumatakbo palayo sa jeep na 'yon.

Huminto kami ng makalayo na kami ng tuluyan sa sasakyan. Pumasok pa kami sa sa restaurant malapit sa pinaghintuan namin para hindi kami mahanap nung driver ng jeep.

Hinihingal pero natatawa kong hinarap ang tatlong lalaking nagligtas sakin.

"Ang galing niyo." Sabi ko at nag-thumbs up pa. Napangiti lang sila sa ginawa ko.

"Nakakagutom naman dito." Sabi ni Evan. Pati kami natakam sa amoy ng pagkain rito sa restau.

"Kain muna tayo, libre ko." Sabi ni Sean. Ngiting tagumpay naman kami nila Evan at Jared. Naghanap na kami ng mauupuan namin pero napatigil kami ng makita ang dalawang pamilyar na itsura.

Si Kenrick at Eula magkasamang kumakain habang nagtatawanan.

Czytaj Dalej

To Te偶 Polubisz

364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
617K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya A帽asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
14.8K 2.3K 44
Chattiana Gabriella Romualdez, she's the true to life princess. The Romualdez' heiress. Beautiful, charismatic, kind and take note, a well known vars...
11K 386 101
"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang s...