The Seductress

By Yhalane

3.5K 54 4

"Never think of falling in love with me, coz it'll just surely make you crazy." - Shane Haines The Seductres... More

Prologue
Seduction V.1
Seduction V.2
Seductive V.3
Seductive V.4
Seduction V.5
Seduction V.6
Seduction V.7
Seduction V.8
Seduction V.9
Seduction V.10
Seduction V.11.2
Seduction V.12
Seduction V.13
Seduction V.14
Seduction V.15

Seduction V.11.1

202 1 0
By Yhalane


"We're going to the beeeeach!!" paulit-ulit na kanta ni benj na siyang nagdadrive ng sinasakyan naming kotse ngayon. Hindi halatang excited.

Katabi nito si mercy na walang pakialam kahit maglupasay pa sa kakasigaw ang katabi. May nakapansak kasi sa mga tenga nito habang nakapikit ang mata. Habang ako, si junlyn and reygen naman magkakatabi sa likod nila.

Papunta na kami ngayon sa resort na sinasabi ni reygen. Three days kami doon at kaming lima lang ang magkakasama. We decided kasi na bawal magdala ng mga boyfriends, just us.

Well, that's fine with me. Single narin naman ako eh, I think? After that incident happened five days ago, hindi na siya nagparamdam sakin. No text nor call. I should be happy, right? Tama! Masaya ako, period.

Naalala ko pa rin kung anong nangyari ng araw na yun.

Flasback.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalakeng nakatayo sa harapan ni david. I even blink couple of times just to make sure he's real.

How did he find me here? Kaya nga dito ako pumunta kasi alam kong hindi niya ako matutunton dito. But I'm wrong, kasi nandito mismo siya sa harap namin. Nakatayo, madilim ang anyo at mukhang galit na galit.

Mahinang tumikhim si david na tama lang para marinig naming dalawa. Pero di ko siya pinansin at nakatitig parin ako kay marcus, ganun rin ito.

Ilang sandali ay bumaba ang tingin nito sa katawan ko na ang tanging suot lang ay ang white t-shirt ni david. Kitang-kita ko ang pagtiim bagang nito.

I know he's thinking that something happened between me and david. Sino bang hindi? Kaming dalawa lang ang nandito and I'm wearing david's shirt. Kahit sino ganun din ang iisipin.

But I wouldn't waste my time explaining to marcus that nothing really happened. This was my plan in the first place remember? So why bother?

Nagulat ako ng magsalita ito. His voice was low yet very cold. "Get your things, Shane. I'm taking you home." He said.

But I didn't move a single bit. Kaya ito na mismo ang gumalaw at kumuha sa gamit ko na nasa couch. When he got my things, he then grab my right wrist and pull me.

Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko. "Let me go, Marc, nasasaktan ako."

"No. You're coming with me." Giit nito habang hila-hila parin ako.

Papalabas na sana kami ng pinto ng may biglang humila sa kaliwa kong kamay. When I turn around, it was david.

Seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay marcus. "You're hurting her, man." Saad nito.

"Mind you're fuck*ng business!" Sigaw ni marcus dito.

He smirk, "Well, she's my business. So I--" Alam kong away lang patutunguhan nito kaya nagsalita na ako.

"It's okay, David. I'm coming with him." I said.

"You sure, baby?" Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Marcus sa kamay ko kaya ngumiti nalang ako kay david at tumango.

Nang makarating na kami sa sasakyang dala ni marcus, agad niya itong pinaandar. Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin, hindi muna ako lumabas. We just sat there silently.

"This is your way of revenge, right?" He asked without looking at me. "Of what I did to you years ago."

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Hinayaan ko lang siyang magsalita. "Ganito pala kasakit ang naiparamdam ko sayo dati." He paused and smile bitterly. "This is fuck*ng hurt, Shane. But the funny thing is, the one I've hurted before was also the one who hurted me now. My sweet karma."

I took a deep breath, feeling ko kasi lalabas na sa ribcage ko ang puso sa sobrang bilis. "Now you know, Marc. Now you know how painful it feels when you broke my heart before. When you torn it into pieces and thrown like a trash."

"Yeah, I definitely know now." Sagot niya. Lumingon siya sakin at seryosong tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Pero kahit ilang beses mo pa akong saktan, tatanggapin ko. Hanggang sa magsawa ka gawin mo. Pero pagkatapos nito, I'll make sure you can't escape from me anymore. Akin ka lang, and no one can own you but me." Mahabang litanya niya.

I was speechless, it took me minutes before I find my own voice. "I-It's getting late, I should go inside." Paalam ko at hindi na hinitay ang sagot nito saka dali-daling lumabas ng kotse at pumasok na sa gate. Ilang sandali ay narinig ko ang ingay ng papalayong sasakyan niya hudyat na nakaalis na siya.

"We're here!" Nagising ako sa malakas na tili ni reygen at benj. Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaisip kay marcus.

Yeah, I keep on thinking of him. I just simply can't get him out of my mind. I tried but I just always fail.

"Let's go, girls." Benj said excitedly. I'm sure hindi yan excited sa lugar, mas excited yan sa mga katawang nakalantad. "Bilisan niyo, marami akong nakikitang nakahaing masasarap na putahe." Dagdag nito.

Natatawa nalang akong napailing kay benj. Gawin ba namang ulam ang mga katawan ng lalake?

"Ang ingay mo, bakla." Suway ni mercy.

"Oo, sakit sa tenga boses mo." Sangayon naman ni junlyn.

Tinakip naman ni reygen ang dalawang tenga. "Maga na eardrums ko!"

I laughed, mga baliw talaga. "No comment!" I said still laughing.

He pout, "Ang bad niyo."

Matapos naming mailabas ang mga dala naming gamit sa sasakyan. Dumeretso kami sa reception area para kunin ang susi ng magiging kwarto namin. Nakapagpareserve na kasi si reygen a week ago para di na kami mahirapan.

Isa-isa kami ng kwarto pero sa iisang floor lang para malapit parin kami sa isa't-isa.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko napahiga ako sa malambot na kama. Alas dos palang ng hapon pero plano parin naming maligo sa beach. Hindi naman masyadong mainit ang panahon sa labas kaya okay lang.

Habang nagbibihis ako ng susuotin kong two piece ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko kung sino yun, it's marcus.

Nakatitig lang ako doon habang hawak-hawak iyon. Hindi ko alam kung pababayaan ko lang ba yun o sasagutin ko. But I chose the latter.

"H-Hello?" Nauutal kong bungad sa kabilang linya. Bakit ba ako kinakabahan? Tss.

("Where are you?") Bungad naman nito sakin. Seryoso ang boses nito at mukhang galit na galit. Wala man lang ni 'hi' ni 'hello', kahit nga kumusta ka na, wala! A good for nothing jerk!

I rolled my eyes, "I'm fine, Marc, thanks for asking anyways." Sarkastiko kong sagot.

"I don't need your smart mouth now, Shane. I'm asking where on earth are you?!" Mahihimigan ang inis sa boses nito pero hinding-hindi ako matatablan niyan.

"Syempre sa lugar na wala ka." I said.

"I'm fuck*ng serious, Shane!" Saad niya.

I rolled my eyes, "News flash, the hell I care!"

Pero ang inis sa boses niya ay biglang nawala at napalitan ng kalokohan. I can sense his smirk from the other line. "I'm going to find you, Mahal. You know I always do. Kaya humanda ka pagnakita kita." Banta nito.

Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa sinabi nito. Oh hell! Kaya bago pa ito makapagsalita ulit, agad ko ng binaba ang phone. Ramdam na ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko.

No, he doesn't know where I am. Kaya imposibleng makita niya ako. I told to myself.

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto. Sapo ko ang dibdib at napapailing. Nagiging magugulatin na ata ako.

Natatawang lumapit ako sa harap ng pintuan at binuksan yun. Bumungad sakin ang apat kong kaibigan.

"What took you so long?" Kunot noo'ng tanong ni mercy na nakasuot ng leopard print na bikini.

Actually, lahat kami nakasuot ng two piece bikini, of course aside kay benj. Ang sagwa kaya, I can't even imagine benj wearing these piece of clothes. Nakakatawa kahit isipin ko pa lang. Ang gwapo-gwapo pa naman ng baklang to. Kaya di na ko magtataka kung pati siya pagtitinginan mamaya. He's wearing floral blue Shorts at white sando with matching shades pa. Diba, lakas makalalake ni bakla. Kaya for sure pagtitinginan na naman kami mamaya.

"Hey, you're spacing out again." Pukaw ni junlyn.

I just smile at them four, "Wala. Tumawag lang si daddy. So shall we go now?"

Tumango lang sila. Nang makababa kami, hindi nga ako nagkamali. All eyes are on us, mapababae man o lalake. Well, I can't blame them. Magaganda at gwapo naman kasi ang mga kaibigan ko. Kahit sino mapapalingon.

Pagkarating namin sa may dagat, agad kaming lumapit sa isang available na table dun at saka umupo. Wala pang isang segundo ay agad may lumapit na waiter sa amin at kinuha ang mga order namin.

Nang maka alis na ito, napalingon kami ng magsalita si benj. "Buti at pinayagan kayo ng mga boyfriend niyo na pumunta dito." Anito.

"Tss. As if may boyfriend ako." Komento ni mercy na nakatingin sa malayo. Mukhang problemado ito. Kanina ko pa kasi napapansin na sobrang tahimik niya at parang may malalim na iniisip.

"Pumayag naman si Roland. Alam naman kasi niyang kayo ang kasama ko." Saad naman ni junlyn.

"Buti pa kayo, Mars, getting strong. Nakakainggit." Komento ni benj sabay nguso pa.

"Then go find yours." Ako

"Maghahanap talaga ako. Ang dami ko ngang choices dito oh." Anito sabay libot ng tingin sa paligid.

Nagulat kami ng malakas na tumawa si reygen. "Hala! Nabaliw ka na, Mars?" Tanong ni benj.

"May naalala kasi akong nakakatawa." She said still laughing.

"What is it?" I curiously asked.

Kinuwento naman niya iyon. May ginawa na naman kasi itong kapilyahan sa lalakeng kinababaliwan nito. We haven't met the guy yet, but we know his name. Nabigla nga kami ng biglang baguhin nito ang itsura. Mula sa pananamit hanggang sa kilos nito, ibang-iba sa dating siya.

Junlyn laughed, "Siguradong pinaghahahanap ka na nun ngayon."

But reygen grin and shrugged telling us that she doesn't care at all.

Nagtaka ako ng bigla silang tumahimik. Nakayuko kasi ako at nakatingin sa phone ko na kanina pa tumutunog, tumatawag kasi si marcus. Napaangat ako ng tingin para malaman kung bakit sila natahimik. Then I saw the four of them looking at me.

I frown, "Why are you staring at me like that?" Taas kilay kong tanong.

"Nothing. We just wanted to ask about you and Marcus. Talaga bang nagkabalikan na kayo?" Mercy asked with a serious face.

Tumango lang ako bilang sagot sabay iwas ng tingin. Ayaw ko munang pag-usapan si marcus. Siguradong marami silang tanong, at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I don't want to lie at them kaya much better kung hindi nalang namin siya pag-usapan.

May itatanong pa sana sila ng saktong bumalik ang waiter dala ang inorder namin. Oh, God! Buti nalang.
"Hindi pa kayo maliligo?" Tanong ko sabay tayo. Parang tinatawag na kasi ako ng dagat, matagal-tagal narin nung huli akong makapunta sa mga lugar na ganito.

Tumayo si benj at reygen para sumabay sakin maligo at nagpaiwan si mercy na hanggang ngayon tahimik parin at si junlyn na busy sa pagkain. May kakaiba din dito eh, pansin kong kain lang ng kain.

Pinagsawalang bahala ko nalang yun at nagpahila ng bigla akong kinaladkad ng dalawa papuntang dagat.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...