Seduction V.12

161 1 1
                                    

Reygen's POV

"Ikaw naman, reygen." Tawag ni benj sakin habang ang laki-laki ng ngiti. "Kiss or Tell."

Naglalaro kasi kami ng pinausong laro nitong si mercy. Naiexcite naman akong laruin yun. Mabuti nalang ako yung naturo. "Kiss." Walang pag-aalinlangang sagot ko.

Nga pala, I'm Reygenia De Guzman, 26 years old yet still a virgin. Hindi na ako magbibigay ng maraming details. May gagawin daw kasi na story sakin si magandang author kaya dun niyo nalang alamin. Basta ang masasabi ko lang, I've changed myself to something so that the guy I love would like me, so he would feel the same as I do. He's Slayer Velasco, the love of my life. Pero sobrang hirap makuha ng puso ng aking sinisinta. Hanggang ngayon kasi, hindi niya parin ako magawang magustuhan. But I never loose hope. I still have thousands of wicked ways on making him fall in love with me. So why should I give up, right?

Narinig kong pumalakpak si benj na halatang excited na excited, parang mas excited pa kaysa sakin. Kala naman nitong baklang to siya yung makakahalik. "That's more like It. Okay, the lucky guy you have to kiss is...hmm.." Inilibot niya ang paningin sa paligid para maghanap. Hala ka, sana naman gwapo yung mapili niya. Waaaaah! "Oh, that guy over there. The one whose wearing white v-neck shirt and navy blue coat." Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng bar kung saan itinuro ni benj.

Pinagkatitigan ko ng mabuti yung mukha nung lalake. Parang pamilyar yung mukha ng lalake, para bang nakita ko na siya somewhere pero di ko maalala kung saan. But anyways, may itsura rin naman yung napili ni benj. Pero syempre mas gwapo parin talaga para sakin si slayer ko. Tinignan ko rin yung mukha nung mga kasamahan nito. Juice colored! Bakit kigagwapo ng mga lalakeng yun, hindi ata uso ang pangit sa kanila eh. Ngunit natoon ang buong attensyon ko ng may mapansin akong pamilyar na likod. Alam kong hindi ako nagkakamali. Alam kong si slayer yung lalakeng may kaakbay na babae at nakatalikod sa dereksyon ko. Ito kasi ang may pinaka maganda at malapad na likod na nakita ko.

At nakumpirma nga ang hinala ko ng tumingin ito sa kasamang babae, kaya kitang-kita yung kanang bahagi ng mukha nito. Biglang kumirot ang puso ko sa nasaksihan. Akala ko immune na ako sa mga bagay na gaya nito. Sanay na akong makitang may kasama siyang babae, ngunit hindi ako.

Huminga muna ako ng malalim para mawala yung bikig sa lalamunan ko. Saka napangiti ng pagkalaki-laki. "Challenge accepted!" I said at agad tumayo. Hindi ako magpapadala sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko binago ang sarili para sa wala lang. Hindi ko hahayaang makuha siya ng sino man sakin. At kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya, sisiguruhin kong sakin at sakin siya babagsak.

Nag-umpisa akong maglakad papunta sa pwesto nung mga lalake. Halos mapunit na nga ang mukha ko sa laki ng ngiti ko eh. Habang ang lalakeng yun, busy sa pakikipaglandi sa higad na babaeng katabi nito. Tsk.

Nang tuluyang makalapit sa kanila. Kita ko ang paglingon ng mga tao sa upuang yun. May pagtataka sa mga mukha ng mga ito. Habang yung tatlong kababaehan na naroon rin ay taas ang kilay at hinagod ako ng tingin.

Ganyan nga, maiinggit kayo sa taglay kong kagandahan.

Kinublit ko yung lalakeng ikikiss ko kaya lumingon ito sakin. I smiled at him sweetly. Hindi muna ako gumalaw o nagsalita, hinintay ko munang lumingon si slayer na busy parin sa kahalikan niya. Kita ko ang paghila ng katabi nitong lalake kaya napatigil ito at galit na niliningon ang kasamahan nito. Pero ngumuso lang ito sa kanya sabay turo sa dereksyon ko.

Hinintay ko muna na makita ako ni slayer saka ako yumukod at hinalikan ang lalakeng nasa harap ko. Then after seconds, I felt his lips touch mine. Kulang ang salitang gulat at mangha para idescribe ang mga mukha ng mga taong nakaukupa sa lamesang ito, lalong-lalo na dun sa hinahalikan kong lalake at kay slayer. I close my eyes while kissing this guy, alam niyo na para with feelings. Ilang sandali lang ay naramdaman kong tumugon ito sa bawat halik ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, ang galit na galit na mukha ni slayer agad ang bumungad sakin.

The SeductressWhere stories live. Discover now