Seduction V.14

122 2 1
                                    

Shane's POV

NAKAHIGA NA kami pareho ni marcus, magkatabi sa kama dito sa loob ng inuukupa kong kwarto. Ayaw kasi papigil, gustong dito matulog katabi ko. Kapag humindi daw ako, hindi siya aalis sa harap ng pinto. Napaka-isip bata, hindi ko akalain na may ganito siyang side. Kaya eto, mulat na mulat parin ako at hirap na makatulog dahil sa lalakeng katabi ko.

When he kissed me in the elevator and that realization hits me, I started to feel awkward towards him, tahimik lang ako at hindi siya kinikibo pagkatapos nun. Nahihiya ako sa sarili ko, kung meron mang ganun na pakiramdam, yun ang nararamdaman ko ngayon.

Four years, apat na taon ko siyang sinubukang kalimutan. Akala ko nagtagumpay ako. I've dated a lot of men, I somehow enjoyed every bit of it. Pero wala lahat ng iyon kung ikukumpara sa mga araw na kasama ko si marcus.

I came out from my senses when I heard Marcus' deep sigh. Gising pa pala siya? Napalingon ako sa kanya na may pagtataka. "What was that for?"

He shook his head without looking at me. "Nothing. Bakit gising ka pa?" Tanong niya.

Hindi kasi ako makatulog ng dahil sayo, gusto ko sanang sabihin sa kanya pero nahihiya ako. "I...I don't know. Ikaw, ba't hindi ka pa natutulog?"

"I can't sleep. The thought that you're just inches away is purely torture for me, Shane. It's hard to lay down here close to you, and not kiss you." Seryosong sabi nito na hindi nakatingin sakin.

Natahimik ako sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya. Pesteng puso naman to oh, ang lakas na naman ng tibok. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at binalik ang attensyon sa kisame. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero alam kong kinikilig ako sa bawat salitang sinasabi niya. Kahit ano pa man yun, siguro ganun lang talaga ang epekto ni marcus sakin. He can make my knees tremble and my heart beat irrationally just with his simple words.

Ilang minuto ulit kaming tahimik na dalawa na para bang may kanya-kanyang sariling malalim na iniisip. Pero nabasag iyon nang magsalita siya ulit. "Shane?"

"Hmmm?"

"Pwede bang magtanong sayo?" Nahihimigan ko sa boses nito ang pagdadalawang isip kung itutuloy pa ba nito ang pagtatanong sakin o hindi. Dahil dun mas lalo akong nacurious sa ano man ang gustong itanong nito.

"About what?" I asked frowning.

Huminga muna ito ng malalim saka nagsalita. "About us." As he said those two words my body suddenly froze. Hindi ako nagsalita at naghintay lang namagsalita siya ulit. At hindi naman ako nabigo. "Alam kong may ibang dahilan kung bakit mo ko tinaggap ulit sa buhay mo." Tumagilid ito paharap sa kinahihigaan ko at tinititigan ako ng seryoso. "I know, you still have the pain I've given you four years ago. But can you tell me truthfully what you really feel for me right now?"

"Why?" I gape at him. Nakatagilid na ako at nakaharap sa kanya at ganun din ang ginawa nito.

Madilim ang buong silid pero nakikita ko parin siya ng malinaw dahil sa bintana na bagamat ay nakasirado, nakahawi naman ang kurtina nito. Kita ang ilaw na nagmumula sa buwan na nagbibigay liwanag sa teresa at loob ng silid. Dahil dun napagmamasdan ko ng maigi ang bawat detalye ng mukha ni marcus.

"I just wanna know. " He huskily said.

I breathed deeply before I start talking. "I still have feelings for you, Marc." Pag-amin ko. Kahit kasi anong tago ko sa nararamdam ko, lalabas at labas parin to. Hindi man manggaling sa bibig ko pero alam kong makikita at makikita niya yun sa mga mata ko at lakas ng pintig ng puso ko. At dahil dun parang nabawasan ng tinik ang puso ko sa sinabi ko sa kanya. "And no matter how many times I tell myself that I'm better off without you, that I should just forget you. A part of me just won't let go." I paused. Maliban kasi sa pag-usbong ulit ng damdamin ko para sa kanya, kasabay din nun ang takot, pangamba na baka maulit na naman yun nangyari dati. "But it scares me, Marcus. Because this strong feelings of mine cost me too much pain back in the past. And I don't know if I can bear the pain if you'll hurt me again." Napapikit ako nang maramdaman ang luhang nakatakas mula sa mga mata ko.

The SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon