Seduction V.7

186 2 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, hindi ko alam kung saan pupunta. Gulong-gulo ang isipan ko at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, kung ano ang dapat kong maramdaman. Namalayan ko nalang na nakarating na ako sa isang di pamilyar na bar. Parang gusto ko lang mapag-isa.

Kanina pa ako rito at nagpapakalunod sa alak. Nasa bar counter ako at mag-isa, although kanina pa may lumalapit sa akin pero wala akong pinapansin. Wala ako sa mood para makipag-landian ngayon.

Dapat magcelebrate ako, diba kasi yun naman talaga yung gusto ko? Making him fall for me was my plan, and it did happened. Wala pa nga akong ginagawa pero inamin niya ng mahal niya ako, pero bakit parang ayaw kong maniwala, hirap akong maniwala.

Siguro kasi natatakot ako, minsan na niya akong niloko at ayaw kong maulit ulit yun. Kasi baka nagsisinungaling na naman siya, na baka niloloko na naman niya ako.

Kailangan kong layuan siya kasi kahit anong pigil kong wag ulit mahulog sa kanya. I always end up falling for him over and over again. And I hate myself for that.

I shake the glass of my drink and drink it. Nakailang baso na ba ako? Lima? Anim? Pero bakit hindi parin ako tinatamaan?

Nakatungo lang ako dun ng may biglang tumawag sakin, "Shane, is that you?"

I look at the guy who just sit beside me. "Excuse me?"

"Ikaw nga. God, ang laki ng pinagbago mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. Sino ba'tong taong to? "Do I know you?"

"It's me, David... David Muntalban. Magclassmate tayo dati." Pakilala nito. Saka ko naalala yung kaklase ko noong highschool. Well sa pagkakatanda ko, hindi kami close dati. Puros lalake kasi yung kasama niya palagi noon eh.

I smile, "David, yeah, now I remember." I said looking into his face down his, you know. David is a good looking man, pero he looks kinda feminine. Hindi normal para sa isang lalake pero I guess may mga lalake talagang tulad niya. Okay narin to, siguro ibabaling ko nalang ang attensyon sa ibang bagay o sa ibang tao.

"How are you? Muntik na kitang di makilala ah." Saad nito ng nakangiti.

I smile seductively, "I'm good." Then batted my eyelashes in a flirty way.

"Yeah, I can see that. I heard nag-abroad ka raw. Kailan ka pa nakabalik dito?" Tanong nito.

I bit my lip as I answer him. Pero napapansin kong parang di naman siya naaakit. He should started touching me now, but he didn't. "Almost a month narin. Ikaw, how were you?" Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pag-iinum. May mga lalake ata talagang rumerespeto parin ng babae, at isa siya dun.

"Ito mejo busy sa business. Alam mo nam---oh shit!"

I frowned and gaze back at him. "What's wro---" but before I could finish what I was about to say, someone spoke in our back.

"Kaya pala ayaw mo sakin kasi may kinalolokohan ka ng ibang babae." Nang lumingon ako, I saw a short-haired woman about my age standing there. Napataas ang kilay ko. Sino naman to?

"Stop it, Claire. I told you from the start na ayaw ko sayo. And besides, may girlfriend na ako." Saad nito sa babae sabay akbay sa akin. Natigilan ako sa narinig. Teka...Ano raw?

Pero bago pa ako makahuma, nagsalita ulit yung hindi naman kagandahang babae na maganda lang ang katawan. "This bitch?" Mataray na sabi nito sabay turo sa akin, at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Aba't ang kapal ng babaeng to ah. Ang ayaw ko sa lahat ay yung dinuduro ako.

The SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon