Seduction V.5

187 3 0
                                    

Mercy's POV

Kanina pa kami dito sa isang sikat na bar na pagmamay-ari ng kalandian ni benj. Grabe talaga yung baklang yun oh, pero infairness magaling siya mamili.

Maganda kasi yung bar kung nasaan kami ngayon. Marami ring tao ang nandito, halatang mayayaman yung mga customers at mamahalin ang lugar. At dahil magaganda kami at kilala ni benj ang may-ari, syempre libre lang kami rito.

Nasa private table pa nga kami naka pwesto, ang kasama ko lang nakaupo rito ay si Reygen at Junlyn. Si Benj kasi ayun lumalandi na naman.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Shane sa dance floor na may kasayawan na isang lalake. Medyo malaswa nga yung pagkakasayaw nila eh. Lasing narin kasi yang babaeng yan, ayaw kasi magpapigil, kanina pa yan eh. Kahit di man niya sabihin, alam na alam kong may problema siya kahit anong tago pa niya.

Honestly, nung umuwi siya ulit dito. Hindi maitatangging mas lalo siyang gumanda ngayon. Especially nung kinulayan niya yung buhok niya ng blonde. Mas naging lutang yung pagiging dugong amerikana niya. Nung pagpasok nga namin dito kanina halos lahat ng mata nakatingin sa kanya. Hindi ko sila masisisi, Shane really is one hell of a gorgeous woman. Mula nung bumalik siya, if you look at her physically, masasabi mong malaki yung pinagbago niya. But I know her better, kahit itanggi pa niya. I know deep inside her, she's still the same sweet girl I've known. She had never change, even how she hide it. I can still see it through her.

Malas nga lang kasi maling lalake yung unang minahal niya. Sa maling lalake siya napunta. Marcus was her first. First boyfriend, first kiss and first love. Kaya alam kong sobra siyang nasaktan ng lokohin lang siya ng lalakeng yun.

Kung hindi lang siguro siya sinaktan ng tao nayun, baka hindi siya magkakaganito. She won't pretend something she's not infront of many people. Pretending she's strong even though she's not.

If only I could do something for her.  To bring back the Shane we used to know. Our sweet, charming and innocent girl bestfriend. Yung mga panahong hindi pa siya natatakot magmahal, na naniniwala pa siya sa salitang pag-ibig.

Alam ko, kahit may dumating pang tamang lalake sa buhay niya. Mahihirapan siyang tanggapin yun ng buong-buo. As what they say, deep wounds is hard to heal, sometimes it will leave a mark.

Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng bigla akong hilahin ni Reygen. "Hala, Mars, diba si ano yun." Sigaw nito. Medyo hindi kasi kami magkarinigan dahil sa lakas ng music.

"Sino?" Irita kong tanong sa kanya. Grabe naman kasi kung makahila, kala mo kung sino ang nakita. Nagmomoment pa ako rito eh, ngayon pa nga lang ako nagka-pov. *pout*

Hinila na naman niya ako sabay turo sa isang bahagi ng bar. "Ayun oh!"

"Saan banda ba kasi?" Nilingon ko naman kung saan yung tinuturo niya pero mga di ko naman kilala yung mga nandoon.

Turo parin nito sa banda dun. "Doon nga kasi."

Pinakatitigan ko ulit ng mabuti yung tinuturo niya at may nakita akong isang pamilyar na pigura. Napatakip ako ng bibig ng makilala ko kung sino yun.

Oh my God!! Siya nga, patay!

______________________

Shane's POV

Patuloy lang ako sa pagsasayaw kasabay ang lalakeng dito ko lang nakilala sa bar kung asan kami ngayon. Kanina pa ako rito sa dance floor. Mejo tinatamaan narin ako ng alak, marami-rami rin kasi yung nainum ko.

Gusto ko lang makalimut, kung sana kaya lang ng alak ibura yun ng permanente. Pero siguro bukas wala nato, mawawala rin tong sakit na nararamdaman ko. Tama. Mawawala rin agad to.

The SeductressWhere stories live. Discover now