The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 10: Sirendepity

1.1K 167 53
By imperial_gem

Chapter 10: Sirendepity

"Sirendepity.."

Nasaan ako?

Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang isang batang babaeng dala-dala ang kanyang maliit na laruan.

"Troy!" masayang wika ng batang babae kaya tiningnan ko naman ang gawi kung asan siya nakatingin.

Pormado ang batang lalaking naglalakad papalapit sa batang babae. Teka!

Lumapit ako sa gawi nila at napasinghap. Kahawig ng batang lalaki si Troy. Teka! Ibig sabihin nito, si Troy ito nong sya'y bata pa!

Ba't ko ba 'to nakikita?

"Halika, may ipapakita ako sa'yo." sabi ng batang si Troy at kinuha ang kamay ng batang babae.

Lumakad sila at bigla namang nag-iba ang buong lugar. Nasaan ako?

"Rain! Ang sama mo talaga! Ba't ba ayaw mong sabihin kung nasaan si Troy!" nakabusangot na tanong ng batang babae sa isang batang lalaki na panigurado akong kahawig ni Rain.

Nilapitan ko sila at ramdam kong hindi nila ako nakikita.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko habang tinitingnan pa rin silang dalawa na nag-uusap.

Nagbago na naman ang buong lugar. Ngayon nandito kami sa gitna ng isang viilage.

Teka ito ata 'yong plaza ng Valencia ah. Ba't ako nandito?

"Aaaaah bitawan mo ako! Bitawan mo 'ko!" malakas na sigaw ng batang babae.

Anong ginagawa niya?

Tiningnan ko ang isang matandang lalaking marahan na hinihila ang batang babae. Saan niya ito dadalhin?

Lumapit ako upang hawakan ang lalaki ngunit parang hangin lamang sila sa aking harapan.

"Kung hindi tayo aalis sasaktan ka nila Sirendepity!" sabi ng matandang lalaki sa babae.

"Pero si Troy! Masasaktan siya!" maiyak iyak naman na sabi ng batang babae.

"Huwag kang mag-alala magkikita pa rin kayo, pero sa ngayon kailangan na muna nating magpakalayo layo rito. Hindi ka pwedeng masaktan. Dahil kung mangyayari iyon. Hindi na maipapatuloy ang henerasyon ng mga bampira." sabi ng matanda na ikina kunot noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng batang babae habang nagmamadali pa rin silang umaalis.

"Ikaw ang magiging kaagapay ng susunod na hari ng buong Valencia. Ikaw at wala ng iba."

Nag-iba na naman ang paligid at ngayon eh nandito na ako sa labas ng Valencia. Ito 'yong gubat kung saan ako napadpad nong nagtago ako kay Troy.

Lalakad na sana ako ng biglang may sumigaw.

"Noooooooooo! Saan mo ako dadalhin? Nooooooooooo!" sigaw ng batang babae at ngayon eh ibang tao na ang nakahawak sakanya.

Napalinga linga ako hanggang sa nakita ko ang matandang lalaking nakahalandusay sa lupa.

"No." bulong ko.

Ramdam ko ang paghihirap niya. Napahawak naman ako sa aking dibdib na tila nasasaktan ako kahit hindi ko siya kilala.

Napasinghap naman ako ng tingnan ako ng matanda sa mga mata. Nakikita niya ba ako?

Tumingin ako sa likuran ko ngunit wala akong ibang nakikita. Tiningnan kong muli ang matanda at naawa sa kalagayan niya.

"Tu-makbo ka." mahirap na wika niya na parang ako 'yong sinasabihan niyang tumakbo.

"Siren-de-pity," tawag ng matandang lalaki hanggang sa binawian na siya ng buhay

Napatingin naman ako sa taong karga karga ang batang babae. Hindi ko maaniag ang kanyan mukha dahil naka cloak siya.

Tiningnan ko ang mga mata ng batang babae. Nakikita kong nasasaktan siya.

Aaaaaah ano ba 'tong nakikita ko? Napahawak naman ako sa pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Napayuko ako habang hawak hawak ang ulo ko. Ang gulo gulo!

"Please, a-yoko na! Ta-ma na! Nagu-gulohan na ta-laga ako!" hikbi ko.

Hindi ko alam kung ba't nakikita ko ang mga pangyayaring iyon. Hindi ko alam!

Ba't nakita ko si Troy? Rain? Pati ang batang babae na si Sirendepity? Sino ba siya? Ang matanda? Ang taong naka cloak? Sino sila?

I sob. "A-yo-ko na, Ayoko na!"

Napadaing naman ako ng maramdaman ulit ang sakit ng ulo ko. Na para bang binibiak ang ulo ko. Ang sakit! Sobra sobra!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko.

Ang sakit! Aaaah!

Napapikit ako at pilit na kinakaya ang sakit ng ulo ko. Pero hindi talaga!

"Aaaaaaah!" sigaw kong muli.

"Nasa-saktan ako. Tigil na. Hin-de ko na ka-ya." pilit na wika ko hanggang sa dahan-dahan na akong nawalan ng ulirat.

"Gisingan mo 'yan!" rinig kong utos ng isang maskuladong tinig 'di kalayuan sa pwesto ko.

Nasaan ako?

Totoo na ba ito?

Ramdam ko ring hindi na gaanong masakit ang ulo ko. Ano ba 'yong mga nakita ko kanina?

"Hoy! Gising!" malakas na tapik ng isang babae sa balikat ko kaya dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at nasilaw agad sa malakas na ilaw.

"Sino ka-yo? Nasan a-ko?" unang tanong ko sakanila hanggang sa nakita ko na ang mga pagmumukha nila.

Inilibot ko agad ang paningin ko at nakita ang isang malaking espasyo.

Napadaing naman ako ng maramdaman ang malakas na kadena sa buong katawan ko. Teka! What the!

"Alisin niyo 'to! Ano ba!" malakas na sigaw ko at pilit na umaalis sa upoan kung san ako nakagapos ngunit mas nasasaktan ako pag nagpupumilit akong umalis.

"Sirene! Sirene! Sirene!" tawag ng isang matandang lalaki sa akin at nginitian ako.

"Or shall I say sirendepity?" wika niya na ikina gulo ng aking isipan.

"Ano?" malakas na tanong ko.

Anong pinagsasabi niya?

Napatingin naman ako sa babaeng nasa tabi niya. Ka edad ko lang yata ang baabeng 'to. At ang matandang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking nagpanggap na Dastan ang pangalan.

"Alam mo. Nakakaawa ka. Dahil hindi mo kilala ang sarili mo." mapanuksong wika ng matanda sa akin ngunit inirapan ko lang siya.

Ano? Papaikutin niya na naman ako? Tsk.

Napatingin naman ako sa kanya ng makita ang matutulis nitong ngipin. Bampira rin siya?

Naalala ko naman bigla ang sinabi ni Troy na Tito niya ang matandang 'to. Tsk. Kamag anak niya pero ito ang ginagawa.

"Sirendepity." tawag ng matanda sa akin ngunit pinandilatan ko naman agad siya.

"Ba't mo ba ako tinatawag na sirendepity? Sino ba 'yan? At sirene ang pangalan ko! Sirene!" bulyaw ko at nagpupumiglas muli ngunit nasasaktan lamang ako sa ginagawa ko.

"Hinding hindi ka makaka alis sa kadenang 'yan sirendepity." tawa ng matanda.

"Walang bampirang nakaka alis sa kadenang 'yan!" wika ng matanda na ikinagulat ko.

"What! Eh tanga hindi ako bampira kaya makakalaya rin ako rito!" sigaw ko.

Nabigla naman ang babaeng katabi ng matanda sa sinabi ko.

"See? Hindi mo kilala ang sarili mo." ani ng matanda na ikinatahimik ko.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"Kilala mo ba kung sino ang tunay mong mga magulang? Alam mo ba ang iyong mga nakaraan? Kilala mob a ang iyong sarili, Sirene?" tusong tanong ng matanda sa akin ngunit hindi ko na lamang siya sinagot.

Napabuntong hininga ako. Tama nga siya. Hindi ko alam kung sino nga talaga ako. Dahil ang naalala ko. Isa akong batang orphan. At anim na taon lamang ako ng iniwan ako sa orphanage. Ni hindi ko nga alam kung sino ang nag-iwan sa akin doon eh.

"Marami ka pang hindi nalalaman Sirene." ani ng matanda.

"Kaya nga lang hindi mo na malalaman ang iyong nakaraan dahil maya maya lang ay papatayin kana namin." patuloy nito na ikinagalit ko.

"Walang hiya ka! Ano bang kailangan mo! Ni hindi nga kita kilala eh!" nangagalaiti kong wika sakanya.

"Rash tawagin mo na silang lahat. Sisimulan na natin ang ritwal." ani ng matanda sa babae at tumango naman ang babae sa aknya.

Ritwal? Anong gagawin nila?

Mangiyak ngiyak na ako dahil sa sobrang sakit ng kadenang nakagapos sa katawan ko ngunit pinapakita ko pa rin sa matandang 'to na matapang ako. Na kaya ko.

"Huwag kang mag-alala sirene. Madali lamang ito. Atsaka sinigurado na naming hindi ka na nila maililigtas dahil hindi pa nga sila nakakatapak sa lugar na 'to eh patay na sila." wika ng matanda dahilan upang mabahala ako.

Ano? Patay? Sino ang papatayin nila?

Si Troy? No no!

Pero ililigtas niya ba ako?

I sob. Paniguradong walang magliligtas sa akin. Dahil wala naman akong ibang kakilala. At lumayas na nga ako sa puder ni Inay. At si Troy.

Ba't niya naman ako ililigtas diba?

Napayuko ako at kinagat ang labi ko upang mapigilan ko ang sarili kong humikbi.

"Ayo-ko na.."  Hirap na hirap na wika ko sa aking isipan.

***

Fact:

Sirene is pronounced as See-reen. Not Sai-reen. Not sai-ree-nee nor See-ree-nee.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?