Chapter 30: Changes

987 61 8
                                    

Chapter 30: Changes

Gulat na gulat kong tiningnan si Troy. Hindi pa rin makapaniwala. Isa na pala akong ganap na bampira?

"P-Paano?" takang tanong ko kay Troy.

Ang sinabi sa akin ni Ginoong Greg noon ay magiging ganap lamang akong bampira pag sapit ng kabilugan ng buwan, ang araw kung kailan namin gagawin ang proseso ng pagsasama.

Napabuntong hininga naman si Troy at nilapitan ako. Bigla niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y malungkot siya.

"Troy?" tawag ko sa pangalan niya sabay haplos ng likuran niya.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap at binigyan ako ng maiinit na halik sa noo. Tila kinuryente ako bigla. Nginitian ko naman siya sabay upo sa higaan na nasa gilid namin. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Nang araw na naganap ang pagsalakay namin sa alegria ang tanging iniisip ko lang ay ang iligtas ka, Sirene." Panimulang wika ni Troy, tahimik lamang akong nakikinig sa kanya.

"Pagdating namin sa alegria ay nagkagulo. Naglaban-laban ang mga mandirigma ng valencia at ang mga kawal at tauhan ni Gilbert sa alegria."

Hinawakan niya naman ang aking mga kamay na para bang ayaw niyang bumitiw rito.

"Nakita ko ang lalaking sinasabi mong napanaginipan mo noon. Alam kong siya iyon dahil ang aroma mo ay nakadikit sa kanya." usal ni Troy na parang nanggagalaiti sa mga naiisip niya.

Napasinghap naman ako nang mapagtanto ko kung sino iyon. Si Kael?

"Pinatay ko siya." asik ni Troy na ikinabigla ko.

"S-Sino? Si Kael?" gulat na tanong ko at tinangoan niya naman ako.

Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko'y napipilitan lang naman si Kael na sundin si Gilbert. Tahimik pa rin akong nakikinig kay Troy.

"Hanggang sa nakita namin si Gilbert. Sinundan ko siya at napadpad ako sa isang silid. Ramdam kong nandoon ka kaya agad akong pumasok ngunit pagpasok ko ay siya ring pagbaril sa iyo ni Gilbert na ikinadilim ng paningin ko." He paused.

"I can't lose you Sirene." sabi niya sa mahinang boses na ikinalungkot ko rin.

Hindi ko kayang isipin na isa sa amin ang mawawala. Parang kinuhanan na rin kami ng buhay niyan.

"Kaya agad kong sinakal si Gilbert hanggang sa... napatay ko siya." asik niya sa mahinang boses na ikinabigla ko.

Ibig sabihin wala ng hari ang alegria? Ano nangyari sa kanila?

"Huwag kang mag-alala Sirene. Maayos na ang lahat. Nakalaya na ang mga sinasakupan ni Gilbert. Malaya na silang nakatira rito sa valencia. At maayos na rin ang kalagayan ni Ginoong Greg at Clark, 'yong lalaking tumulong sa iyo." sabi ni Troy na ikina-anga ko.

Naalala ko si Clark. Tinulongan niya nga ako pero napahamak lamang siya sa ginawa niya. Mabuti naman at maayos na siya.

"Kaya lang nang mga panahong okupado ako sa pagpatay kay Gilbert dahil kinain ako ng galit ay hindi ko man lang naisip na iligtas ka kaagad." sabi ni Troy, nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

"Kung dinala sana kita ng mas maaga rito sa valencia upang ipagamot hindi ka sana mawawalan ng buhay kaya ang ginawa namin binago kita." asik niya na ikinatigil ko.

Kaya ba naging ganap na bampira na ako? Hindi na ako tao?

"Ginawa kitang isang ganap na bampira. Ang dugong nanalaytay sa katawan mo ay ang dugo ko kaya nawawala ka sa wisyo kapag malapit ako. Sa paraang iyon gumaling ang katawan mo ng wala kaming ginagawa. Kusang gumaling ang katawan mo sa natamo mong sugat kaya ka nabubuhay ngayon."

Tiningnan ako ni Troy at nginitian.

"At nagpapasalamat ako na buhay ka at gising na ngayon. Kahit na muntik mo nang maubos ang dugo ko nang una kang nagising pagkatapos kitang baguhin." wika niya sabay tawa.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Muntik ko nang maubos ang dugo niya noong una? Ibig bang sabihin? Napasinghap agad ako nang may naalala ako bigla.

"H-Hindi ko sinasadya." Hindi makapaniwalang asik ko habang naaalala ang huling nangyari.

Wala ako sa tamang katinuan at nagising na lamang ako noon na gustong sunggaban agad si Troy. Kakaiba ang kanyang aroma at ang dugo nito'y napakasarap. Hindi ko na lamang namalayan na sinisipsip ko na pala ang kanyang dugo. Kung hindi ako nawalan ng malay ay paniguradong naubos ko lahat ng dugo ni Troy.

"B-Bakit hindi mo ako pinigilan!" giit ko at tiningnan si Troy.

Naalala ko na lahat. Bakit niya ako hinayaan? Paano kung nagtuloy-tuloy iyon? Kaya pala maingat siya sa kaniyang pag galaw ng makita ako ngayon dahil baka sunggaban ko na naman agad siya.

"Okay lang Sirene. Hindi naman ako napuruhan. Basta... para sa iyo, ay okay lang." wika ni Troy na ikinatigil ng paghinga ko.

Naramdaman ko na lamang ang libo-libong boltahe na pumapaibabaw sa buong katawan ko. Napapitlag naman ako ng hawakan niya ang mga kamay ko. Tila kinuryente ako bigla.

"Ngayon na wala ng manggugulo sa atin malaya na tayong magsasamang dalawa. Wala ng makakapigil sa atin." asik ni Troy na ikinapula ng aking mga pisngi.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Galit ako sa kanya dahil hinayaan niya lang akong inumin ang dugo niya pero may parte rin sa akin na iba ang sinasabi ng damdamin ko.

"S-Sa susunod huwag mo na ulit akong hahayaang gawin iyon sa iyo." sabi ko na lamang sa kanya at iniwas ang tingin dahil pakiramdam ko'y ang pangit pangit ng pagmumukha ko.

Nakatitig siya sa akin at nahihiya ako dahil wala ako sa tamang ayos. Magulo ang aking buhok at mas humaba ito. Napansin ko rin ang mas lalong pagtingkad ng kulay pulang buhay ko. Napasuri rin ako sa aking katawan. Tila ba kuminis at mas lalong pumuti ang aking balat. Mas lumakas din ang aking pakiramdam.

"Tatlong linggo kang tulog Sirene­­—"

Hindi pa nga siya nakakatapos sa pagsasalita ay agad ko na siyang inunahan. Gulat na gulat!

"Tatlong linggo!" bulaslas ko.

Tumango naman siya ng dahan-dahan. Kaya pala nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa likod ko. Ang tagal ko pa lang nakaratay dito sa higaan na ito!

"Pero huwag kang mag-alala ngayon na gising ka na ay hindi ka na muling mawawala sa aking paningin. Maayos na ang lahat at wala ng magiging problema. Magagawa na rin natin ang proseso ng pagsasama." Troy paused.

"At magiging reyna na kita. Kung ako pa rin ang iyong pipiliing maging hari." patuloy nito.

Tinitigan ko naman siya at napaawang ng makita ang napakagwapo nitong pagmumukha. Ngayon ko na lamang ulit siya natitigan ng ganito ka tagal. Naalala ko pa kung gaano ko siya gustong makita nang maalala ko na ang lahat. Agad ko siyang dinamba at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Ofcourse Troy. Ikaw pa rin ang pipiliin ko." sabi ko at ngumiti na lamang ng bahagya.

The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon