Chapter 33: Moments

863 41 2
                                    

Chapter 33: Moments 

Nandito kami ngayon sa loob ng dining hall ng palasyo. Tanging mahahalagang bisita lamang ang pinapaupo rito at masaya akong kasama ko lahat ng taong naging malapit na sa akin ngayon. Naghanda sila ng salu-salo para raw sa aking pagbabalik. Hindi ko alam pero lahat ng nakalatag na pagkain sa mesa ay kakaiba sa aking paningin. Ang ilang putahe rin ay nakita ko na noon sa kainan na nasa alegria. 'Yong mga panahong nag-usap kami ni Ginoong Greg.

Napatingin naman ako kay Troy ng bigla siyang kumuha ng pagkain sa mangkok at inilagay ito sa pinggan ko.

"Ano 'yan Troy?" Mahina kong tanong sa kaniya at napangiti naman siya roon ng bahagya.

"Taste it. Masarap 'yan." Pangungumbinsi niya sa akin pero parang hindi yata ako naniniwala.

Nababalutan ng pulang sabaw ang pagkain. Mayroong karne at iba pang ingredients na hindi ko alam kung ano. Naiisip ko na baka saan na naman nanggaling ang pagkaing 'to.

"Don't worry. It's safe, Sirene. Hindi 'yan galing sa tao o ano. Just taste it." aniya kaya wala na rin akong nagawa kundi tikman na lamang ang pagkain.

At hindi nga nagkakamali si Troy. Masarap nga ito at ang karne ay malambot. The extra ingredients compliments the taste very well.

"Troy, nakapaghanda na ba kayo ni Sirene?"out of the blue na tanong ni tita Emma.

Napatingin naman ako sa babaeng may dala-dalang tray na siyang kumuha ng mga bowl na wala ng laman. Isa ito sa mga helper na pinagkakatiwalaan ni tita Emma.

"Nakapaghandaa saan?" takang tanong ni Troy.

Napatingin naman kaming lahat kay tita Emma at hinihintay ang sagot niya.

"The thing, Troy." wika nito na mas ikinagulo na rin ng isipan ko.

What thing? Takang tanong ko sa aking isipan.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga ni tita Emma. "The mating Troy." sagot nito na ikinatahimik ng lahat.

Hindi ko na lang namalayan na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Hindi ako komportable sa bawat tingin nila. Tiningnan ko si Troy na para bang na estatwa. Nakita ko rin ang pagpula ng kanyang mga tenga.

"Ano po ba gagawin sa mating process, tita Emma?" takang tanong ko dahilan upang mabasag ang katahimikan.

Nabigla na lamang ako ng napasinghap si Gail. Nakita ko rin ang pagkunot noo ni Rain at Clark. Even Miggy is staring at me!

"Hindi ko ba naipaliwanag sa iyo kung ano ang gagawin sa proseso ng pagsasama, Sirene?" takang tanong ni Ginoong Greg kaya napalingo naman ako.

"Hindi po." sagot ko. Napataas naman ang isa kong kilay ng marinig ang pag-ubo ni Troy.

"Son, I thought­­—"

Hindi pa nakakatapos sa pagsasalita si tita Emma ay pinigilan na siya ni Troy.

"I know Mom! Sasabihin ko rin naman sa kaniya. Naghahanap lang ako ng tiyempo. Pareho kaming hindi handa, alam niyo 'yun." wika ni Troy, pero hindi ko na narinig ng maayos ang huling sinabi niya kasi bigla na lamang kumulog ng malakas sa labas.

"Okay, Okay!" tita Emma said in defeat. Ayaw na nitong makipag debate kay Troy. Nakita ko naman ang pagtawa ni Rain kaya tinaasan ko kaagad siya ng kilay.

Ngayon naalala ko na lahat, naalala ko rin kung paano naging bully 'yan sa akin si Rain noon. Nagtataka rin ako kasi parehong-pareho ang reaksyon na ipinukol ni tita Emma at Haring Ignacio sa akin ng marinig ang tanong ko tungkol sa proseso ng pagsasama.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now