Chapter 9: Abducted

1K 168 49
                                    

Chapter 9: Abducted

Nakayukom ang kanyang mga kamay na tila nanggagalaiti siya. Tiningnan ko ang kanyang mga mata at tanging galit na emosyon lang ang aking nakikita.

Anong nangyayari sa'yo Troy?

"Sht." I cursed.

Bigla na lamang naging pula ang mga mata niya. At tumutulis na naman ang kanyang mga ngipin.

Agad akong umatras sa kinatatayuan ko. Binabalot na rin ng malamig na hangin ang buong lugar.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi sila mabubuting tao. Kaya nilang pumatay. Kaya nila kaming kainin ng buhay. Dahil bampira sila.

"Umalis ka dyan Sirene." Malamig na pagkakasabi ni Troy sa akin.

Tiningnan ko kung ano ang nasa likuran ko at nakita si Dastan na nakatayo na. Nakayukom din ang kanyang mga kamay.

Ano bang nangyayari?

"Tabi sabi!" bulyaw ni Troy dahilan upang mabigla ako.

Anong gagawin niya? Papatayin niya si Dastan?

Umiling ako. Hindi niya pwedeng patayin si Dastan! Hindi porke tao kami eh kaya niya nalamang kaming kitilan ng buhay ng ganon ganon na lang.

"Ayoko." Matigas na pagkakasabi ko sakanya.

Napakunot noo naman siya at tinitigan ako. I gulp.

"Hindi mo siya kilala." sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"At hindi rin kita kilala. Kilala kita sa pangalan mo pero hindi kita kilala ng lubusan. Malay ko ba kung nag babait-baitan ka lang pala sa harapan ko para mahulog ang loob ko sa'yo at saktan ako!" ani ko at umatras pa hanggang sa katabi ko na si Dastan.

Bampira laban sa dalawang tao!

"Lumayo ka sakanya Sirene! Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng lalaking 'yan sayo!" ani Troy na binabalewala lang ang sinabi ko sakanya.

Ba't ba pilit niya akong pinapalayo kay Dastan?

"Huwag kang makinig sa kanya Sirene. Tandaan mo, bampira si Troy." ani Dastan dahilan upang mapatingin ako sakanya.

Oo! Tama nga siya. Bampira si Troy at hindi ko siya mapagkakatiwalaan.

Sana umalis na lamang ako nong una ko siyang nakita. Dahil muntik na nga niya akong mapatay eh. Kung hindi lang sana ako nakatakas.

"Please, Sirene lumayo ka sa lalaking 'yan." sabi ni Troy at napakunot noo ako ng kausapin niya ako sa aking isipan.

Napalingo ako. "Ikaw!" turo ko sakanya.

"Ikaw ang lumayo sa akin. Muntik mo na akong mapatay nong una. Ngayon, hindi na kita hahayaang patayin ako sa ikalawang pagkakataon." diin kong sabi sakanya at tila ba nakitaan ko siya ng emosyon sa kanyang mga mata.

Na tila ba nasaktan siya sa sinabi ko.

Tsk. 'Wag kang magpadala Sirene. 'Wag! Bampira sila. Kaya ka nilang paikutin.

"Ikaw ang lumayo sa amin Troy! Ikaw ang masama! Mamamatay tao kayo!" galit na galit na sigaw ni Dastan kay Troy.

Bumalik naman ang malamig na ekspresyon ni Troy ng magsalita si Dastan.

"Ang galing mo talagang magpaikot ng mga tao." ani Troy at binigyan ng nakakamatay na ngiti si Dastan.

"Ngunit hindi mo parin talaga naiisip na mas malakas ako kaysa sa'yo. Diba tito?" sabi ni Troy dahilan upang mapatakip ako sa aking bibig.

Ano? Anong sinasabi niya? Tito?

Tiningnan ko si Dastan at nabigla ng dahan-dahang nagbago ang pagmumukha niya. Tumanda siya. Na tila ba eh ka edad niya lang ang Inay ko.

"Imposible!" mahinang bulong ko at napa atras papalayo sa kanya.

Totoo nga ang sinasabi ni Troy. Hindi ko kilala ang lalaking ito.

Sinulyapan ko si Troy at ramdam ko na nararamdaman niyang natatakot ako. Takot na takot.

Punong puno na ako. Ayoko ng makakita pa ng kababalaghan. Ayoko na!

"Iho, hindi ka pa rin talaga nagbabago." patawa tawang sabi ng lalaki na kanina lang ay si Dastan pa.

"Tsk!" iling ng lalaki at tiningnan ako.

"Kaya nga lang. Huli kana." sabi nito at agad na kinuha ang mga kamay ko in just a span of time.

"Aaah!" pagpupumiglas ko sakanya ngunit ang lakas lakas niya.

"Bitawan mo si-" hindi pa nakakatapos sa pagsasalita si Troy eh bigla na lamang kaming hinigop ng malakas na hangin.

Napapikit ako at hinawakan ng mabilis ang dibdib ko. Natatakot ako.

I sniff. Diyos ko po. Ba't po ba 'to nangyayari sa akin? Puro na lamang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko.

Nararamdaman ko na ang maiinit na butil ng tubig na umaagos sa mga mata ko. Kung sana eh hindi na lamang ako umalis sa puder ni Inay edi sana hindi ko 'to nararanasan ngayon.

"Huwag kang mag-alala, alam kong sasagipin ka nila." tusong ani ng lalaki kaya dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at naestatwa ng makita ang madilim na paligid.

Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong nakikita. Ang dilim.

"Tuloooooooong!" malakas na sigaw ko ngunit echo ko lang ang naririnig ko.

Walang tao. Kundi ako lang.

Naglalakad lakad pa ako ngunit wala parin talaga. Nasaan ba ako?

Hinawakan ko naman ang ulo ko ng bigla akong makaramdam ng sakit.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko hanggang hindi ko na lamang namalayang dahan-dahan ko na palang naipikit ang mga mata ko't nakahalandusay sa kadiliman.

The Vampire King's Beloved Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin