Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

544K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 26

8K 396 44
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

"Saan ka pupunta?" sabi ni Ralf mula sa likod ko.

Napalingon naman ako sa kanya saka ko binitawan ang mga damit na ipinapasok ko sa bag ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" angil ko sa kanya. "Bakit ba mula pa noon at hanggang sa ngayon ay basta-basta ka na lamang pumapasok sa silid ko!"

"Sagutin mo ang tanong ko, Ivan." idinidiin ng tinig niya na sumagot ako bagaman hindi naman niya ako sinisigawan.

Dumako ang mga mata niya sa mga gamit na ipinapasok ko sa overnight bag ko.

"Uuwi ako ng Maynila. Kailangang ayusin ko ang mga naiwan kong trabaho doon at ipagbilin sa assistant ko bago ko iwan." walang emosyon na sagot ko saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Lumambot naman ang kanina ay seryosong anyo niya habang tinatanong ako.

"Kung ganun ay sasamahan kita at kasama mo rin akong pabalik dito." aniya.

Mula sa pagkakayuko ko sa kama ay tumuwid ako ng tayo saka ko siya binalingan.

"Hindi ko kailangan ng bodyguard, Ralf. Marami kang gawain dito sa hacienda. Isa pa ay sasamahan naman ako ni Jako."

"Don't count on it," madiin na sagot niya. "Kung pinagkaabalahan mong basahin ang ibang clause sa testamento ay nakalagay doon na mula nung araw na nawala si Ma-"

Napailing siya nang mahinto sa sinasabi niya. "Mula nang mawala ang Mama mo ay nasa ilalim ka na ng aking pangangalaga hanggang sa umabot ang takdang taning na ibinigay sa atin."

Hindi ako sumagot. Nadaanan nga ng mga mata ko ang tungkol sa bagay na iyon na lalo kong ikinainis.

"May tatlong buwan pa ako para gawin iyon. Darling!" nakangiting sambit niya.

"Damn you!" inis na sigaw ko sa kanya. "Sa loob ng limang taon ay mag-isa akong namumuhay kasama ni Lola. Hindi ko ngayon kailangan ang pangangalaga mo dahil kaya kong alagaan ang sarili ko!"

"Isa pa ay wala namang nabanggit noon sa akin si Papa tungkol sa bagay na iyan kaya iisipin ko na wala namang kwenta ang clause na iyon." patuloy ko.

"Tama ka," mahinahong wika niya. "Dahil buhay pa noon ang Papa mo ay hindi ko binibigyan ng halaga ang clause sa testamento ni Tita Aurelia. Pero ngayong wala na si Tito Lyndon ay titiyakin ko na masusunod ultimong tuldok sa testamento."

Mabalasik ko siyang nilapitan saka ko siya sinuntok ngunit hindi iyon nakaabot sa mukha niya dahil kaagad niya nahawakan ang kamay ko.

Dahil sa inis ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya na sinasangga naman niya ngunit nakakatama pa rin naman ako kahit papano.

"Damn you! Damn you!" halos maiyak ko nang mura sa kanya.

Mahigpit na hinawakan ni Ralf ang dalawang kamay ko saka niya ako tinitigan sa mga mata.

"At wala ka sa sariling katinuan para pangalagaan ang sarili mo, Ivan. You are upset."

Naglagablab na tila apoy ang mga ko nang tingnan ko siya.

"Hindi ko alam kung saan ka nanggaling! Basta ka na lamang dumating sa buhay namin pagkatapos ay nagulo na ang lahat!"

Huminga ng malalim si Ralf at banayad niya akong inihakbang patungo sa kama at iniupo niya ako doon.

"Ikaw ang nagpapagulo sa lahat, Ivan. Sinasabi sa akin ni Lola Corazon na malaki na ang ipinagbago mo sa Maynila. Independent and matured,"

Umiling siya. "No. You haven't changed at all. Ikaw pa rin ang dating Ivan na nakilala ko. Spoiled and selfish!"

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na pati si Lola Corazon ay nagiging topic ako. At ang kaisipang ikinukwento niya ako kay Rafael ay hindi ko matanggap.

Hindi na niya dapat ginagawa iyon. Hindi niya dapat ako ikinukwento sa isang ampon lang na tulad ni Ralf.

"Maghihintay ako sa ibaba." sabi niya sa awtorisadong tinig nang hindi ko na siya kibuin at tahimik lang akong nakatulala sa may pintuan.

"At kung ako sayo ay tawagan mo na si Jako at sabihin mo sa kanya na ako ang maghahatid sayo sa Maynila. He's welcome though to travel with us."

Hindi na niya ako hinintay na makasagot pa. Naglakad na siya patungo sa pinto saka niya iyon banayad na isinara.

******

Author's Note

Hindi po ito putol. Sadya lang po talaga na maiksi ang chapter na ito dahil trip ko lang. Hahaha! Bale sa history ng pagsusulat ko sa wattpad heto na ang pinakashort chapter na nagawa ko. Para lang siyang teaser.

Happy New Year sa lahat at sisikapin ko na magpahabol pa ng isang Regular Chapter mamayang gabi bago matapos ang taon.

Nickolai214

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
84.8K 4.9K 50
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...
159K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
155K 6.6K 36
Si Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga...