Monasterio Series #2: After A...

By Warranj

4.3M 122K 16.5K

Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her... More

Disclaimer
After All
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
After All
Physical Book

Kabanata 34

58.6K 1.8K 162
By Warranj

Kabanata 34

Nanginginig ang mga kamay ni Adrianna habang inaalalayan ko siyang makaupo sa pangdalawahang couch sa living room namin. I glanced at Christian who's standing just meters away from us. The moment he met my eyes, his finger pointed our room upstair and I just nodded. Ang ibig sabihin lang no'n ay iiwan niya muna kami para magkaroon kami ng privacy ng kapatid ko.

"I can't understand them, ate. Bakit pati naman buhay ko ay papakielamam nila? Hindi pa ba sila nakuntento na minanipula ka nila?" garalgal ang boses na sambit ni Rian.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Kasabay noon ay pag akbay ko sa kanya at hinila siya palapit sa akin. Her sobs only became more hysterical. Huminga ako ng malalim at marahang hinaplos ang likuran niya.

"How did you know about it? Sinabi nila sa'yo ng harapan?"

"Yes! Kaninang umaga habang nagaalmusal kami ay walang pakundangan na binanggit iyon ni Daddy. Sinabi nila iyon sa akin na para bang ang simple-simple lang no'n!" hinanakit niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.

My heart clenched everytime I hear the crack in my sister's voice. This is one of the few times I saw her breaking down. Madalang umiiyak ang kapatid ko. Sa aming dalawa ay siya ang mas matapang at kayang panindigan ang bawat desisyon. She knows how to fight for her decision mostly if she knew that she's heading in the right way.

"Do you want me to talk to them, bunso? Susubukan ko silang pakiusapan-"

"Hindi sila makikinig sa'yo, ate. You know how stubborn they are when it comes to us! Sarili lang nila ang iniitindi nila!" Umahon siya mula sa pagkakayakap ako at namumula ang mga matang hinarap ako. "May naalala ka bang panahon na nakinig sila sa atin? Wala, ate. All we can remember is how controlling and strict they were when it comes to us!"

She's right. Ni minsan ay wala akong maalala na pagkakataon na pinakinggan nila kami sa mga hinaing namin. Noong sinabi nilang ipapakasal nila ako kay Christian, hindi ako nagsalita o tumanggi pero alam kong ramdam nila sa akin ang disgusto pagdating sa desisyon nilang iyon. They still continued doing the pragmatic marriage and thought that it's successful since Christian and I never fight or even got a problem.

Ngayon nga ay inaakala pa nilang magkakaanak na ako sa kanya. Little did they know that what Christian and I have between us is plain friendship. Nagpapasalamat na lang talaga ako na kaibigan ko ang lalaking napili nila para sa akin.

"What's your plan?" I asked as soon as I'm done with my thoughts. "Kilala mo ba ang ipapakasal nila sa'yo?"

She wiped the tears away from her cheeks and shook her head. Kakapunas lang pero hayun at may panibago na namang luha ang umalpas mula sa mga mata niya.

"Hindi ko kilala at hindi ako interesado kilalanin pa siya, ate. I can't let our parents manipulate my life!"

"Ano ngang plano mo kung ganoon?"

Tinitigan niya ako sa mga mata, tumagal ng ilang segundo bago niya ibinukang muli ang kanyang labi.

"Susuportahan mo ba ako?"

Tipid akong ngumiti. "Kailan ba kita hindi sinuportahan, Rian? Kahit anong maging desisyon mo, palagi mong iisipin na nasa likod mo lang ako."

Another set of fresh fat tears cascaded down her pinkish cheek. She threw her hands around my neck and embraced me. Along with it are her hysterical sobs that made me shed some tears.

"Thank you, ate. Thank you so much." she whispered.

All throughout my life, I've never wish anything for myself. Ang sabi ko noon, ang nararamdaman at kapakanan lang ng kapatid ko ang importante sa akin. Ayos na ang buhay ko na lang ang kinontrol ng mga magulanv ko, huwag na lang sana ang pati ang sa kapatid ko. Pero heto at nangyari pa rin. Hindi pa rin sila nakuntento.

The sad part is... they're doing it for the sake of our business. They're depriving us the freedom and happiness in exchange of money and power.

"Are you sure you can both do this, Ches?"

Napalingon ako sa gawi ni Christian. He's a bit leaning against the driver's seat while looking at me. Concern was etched on his handsome face.

I sighed. "I hope so. May tiwala ako kay Rian. Alam kong malulusutan niya ito."

Tumango siya. "Update me as soon as you can. I'm sorry I can't be with you for days."

"I understand. You have businesses to take care of. Magtawagan na lang tayo."

"Yeah, sure." He slouched a bit and tugged me closer to him. Pinatakan niya ako ng halik sa aking noo at tinitigan ako sa mga mata. "Send my regards to your sister. Mag ingat kamo siya."

Tumango ako. Isang beses ko pang sinulyapan si Christian bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. He'll be leaving for Dumaguete for three days regarding business. Sa tingin ko ay tiyempo lang ang pag alis niya dahil magkakaroon ako ng pagkakataon na manatili rito sa bahay namin at maisagawa ng maayos ang gusto ni Adrianna.

Bumusina si Christian tanda ng pagpapaalam niya. As soon as I nodded and let out a smile, his black Lexus owned the road and drove out like a mad lion.

Sinundan ko pa iyon ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala. Huminga ako ng malalim at humarap sa aming bahay. My eyes darted at Adrianna's room. The door of her veranda is open. I can see the plain white curtains there being blown by the cool afternoon wind.

Hindi nagtagal at pumasok na ako sa gate. Huminga ako ng malalim nang makita ang ilan sa mga tauhan ni Daddy na nakapalibot sa buong kabahayan.

Our parents are currently out of the house. Siguradong nasa opisina ang dalawang iyon. The only people the moment I went inside are the housemaids.

"Magandang hapon po, Ma'am Cheska." bati ni Eli, isa sa batang kasambahay namin.

Ngumiti ako. "Good afternoon. Ang kapatid ko?"

"Nasa kwarto po niya..."

Tumango ako at dumiretso na paakyat sa hagdan. Hinaplos ko ang tiyan ko dahil medyo may kabigatan na rin ito. Sa tuwing dadapo ang mga kamay ko rito, hindi ko maiwasan ang hindi isipin si Daniel. Alot of things were rolling across my mind but I guess it will never be right for me to think of them anymore.

Dalawang katok ang pinakawalan ko bago walang pasabing pinihit ang door knob pabukas. Naabutan ko si Rian na nakaupo sa dulo ng kama, abala sa pagaayos ng damit sa loob ng bag pack niya.

She lifted her head and met my gaze. Tipid siyang ngumiti.

"Ate..."

"Hey," I sashayed my way towards her. Nang makalapit ay pinatakan ko siya ng halik sa ibabaw ng ulo niya. "Is everything good?"

"Okay na, ate."

Bumaba muli ang paningin ko sa maliit na bag niya. "Iyan lang ang dadalhin mo?"

"Yes. Ayos na ito. I'll just buy things when I get there."

Huminga ako ng malalim. "I've already called Calix. He'll be waiting for you tonight."

Hesitation ran in her eyes. "Hindi ba nakakahiya sa kaibigan mo, ate? How did you even know him?"

"He's a friend way back in college and don't worry about him. Mabait iyon. Your Kuya Christian knows him, too."

She unzipped her bag pack and looked at me. "Do you think this will work?"

Naupo ako sa tabi niya. Hinarap niya ako, may pagaalinlangan sa mga mata ngunit bakas doon ang kagustuhang makaalis rito.

"If you think this would work, then it will. Let's just wait for the right time. The guards are roaming around. Mahihirapan tayo."

Iyon nga ang ginawa namin ni Adrianna. We waited for several hours until the moon showed up. Nasa bahay na ang mga magulang namin at ang mga tauhan ay halos nagkukumpulan na lang sa isang tabi.

"Where are you going, Francheska?" si Mommy na nasa living room at nagbabasa ng magazine. Her eyes looks so strict as they gazed at me.

Tinuro ko ang labas. "I just need to get some signal, Mommy. Hindi k-kasi kami makapag usap ng maayos ni Christian."

Ilang sandali pa siyang nakatitig sa akin bago tumango. "Faster. It's already evening. Bawal sa'yo ang mahamugan."

Kumurap-kurap ako sa pahayag na iyon ni Mommy. What? Is she concerned now? There's no people around. Hindi niya kailangan magkunwaring may pakielam siya sa akin.

"Yes, My." Was all I can say.

Lumabas ako ng main door. Ilang body guards ang nakita ko at bumati sa akin. Tipid akong tumango sa kanila. I slowly walked towards the back of the house, staring down at my phone just to show them that I'm busy with this thing.

Papaliko na ako nang iangat ko ang ulo ko at makita ang ilang puting kumot na magkakadugtong at nakalaylay sa mismong lupa. Dumungaw si Adrianna, isang tango ang ginawa ko bago nilingon ang paligid. A sigh of relief escaped my lungs when I found no one around.

My eyes anchored on the steal ladder meters away from me. Isa iyong kagamitan ng hardinero namin. Kanina, dinala ko iyon palapit sa pader na siyang gagamitin ni Rian sa ag akyat at pagtakas.

Nang masigurong ayos na ang lahat ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Mommy isn't around anymore. Marahil ay nasa kitchen iyon at tumutulong na sa pagaayos ng hapunan.

Ilang sandali pa at pumasok na ako sa kwarto ni Adrianna.

"You can go down now, bunso. Please take care of yourself. Call me as soon as you reach the airport, alright?"

Her eyes shimmered in tears. Inilang hakbang niya ang distansya namin at niyakap ako ng mahigpit.

"I will miss you, ate. Thank you for everything."

Hindi na napigilan pa, isang butil ng luha ang umalpas sa mata ko. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang likod.

"Don't talk like you're not coming back anymore. We'll see each other soon, Rian. Kapag nasa Batanes kita, pupuntahan ka namin agad doon ng Kuya mo."

Sunod-sunod ang naging pagtango niya. Her chest rose and fell before releasing a heavy sigh. Kumalas siya at pinakatitigan ako sa mga mata. She wiped the tears off my face and smiled.

"Go back to your room, ate. Bababa na ako. Hindi ka puwede madamay rito."

Tumango ako at hinalikan siya sa noo. "Mag ingat ka roon."

"Ikaw rin. Ingat kayo ng pamangkin ko." she said, voice craking in tears.

That's the last conversation I had with Adrianna before I heard some loud shouts outside my room. My heart thundered knowing that it has something to do with my sister.

"Francheska! Open the door!"

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa aking kama nang maulinigan ang malalakas na katok na iyon at ang boses ni Mommy. Heart beating so fast, I ambled towards the door and twisted the cold metal doorknob.

"M-Mommy?"

Nanglilisik na mga mata niya ang bumungad sa akin. "Where is your sister going?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean, Mommy? Nasa kwarto lang si Ria-"

"Huwag kang sinungaling! Nakita siya ng mga bodyguards natin na tumatakbo palayo ng bahay bitbit ang isang bag! Now tell me, where the hell is your sister going?!"

Hindi ko alam kung kakayanin ko panindigan ang pagsisinungaling ko sa kabila ng galit na ipinapakita ni Mommy sa akin. Pero hindi dapat ako magpatinag. I have to pretend and act that I know nothing. They can't know where my sister is heading to. They can't.

"Wala akong alam, Mommy. Nasa kwarto ako at abala sa pakikipagusap kay Christian. The last time I had a conversation with my sister was hours ago." I lied, standing straight to appear taller and confident.

Hindi siya nagsalita kaagad. Someone from the past told me that my eyes can't lie because they're too expressive. Sa mga oras na ito, sana naman ay hindi iyon totoo.

"Siguraduhin mo lang, Francheska." Pagkasabi noon ay nilampasan niya na ako at kuyom ang mga kamaong bumaba ng hagdan.

Nang mawala siya sa paningin ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nagtipa ng mensahe para sa kapatid.

Ako:

Rian! Where are you? Dad is so furious right now. Nalaman niyang umalis ka ng bahay dahil may tauhan na nakakita sayo at isinumbong ka. They keep on asking me about you but I told them that I don't know anything about what you did. Gosh, please tell me you're safe. Sabihin mo sa akin kung saan ka magtitigil. I'll update you as much as I can. I love you, sis! Take care of yourself.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa ginawa niyang pagtakas. I know that she's already old and can handle serious situations but I can't still help but to feel worried.

Pagkatapos i-send ang text na iyon kay Adrianna ay hinanap ko naman ang numero ni Calix at tinawagan ito. Three rings and he already picked the phone up.

"Cheska..." his bedroom voice played in my ears.

"My sister is probably on the way there, Calix."

"I have a question."

Kumunot ang noo ko sa pagiging seryoso ng boses niya.

"What is it?"

"Is your sister still single?"

My face contorted at his question. "Yes. Why?"

"Then she's very welcome here..."

"Calix!" impit na tawag ko.

His baritone laughter echoed in the line. "Just kidding. I'm already waiting, Ches. Don't worry about your sister. She's safe with me."

Huminga ako ng malalim. "I know. Thank you, Calix. I owe you this one."

Hindi na ako nagtaka pa nang ang galit ni Daddy ang nabungaran ko pagkarating sa dining room. He's really fumming mad while gripping his glass so bad.

"Matigas talaga ang ulo ng batang iyan! Noon pa man ay lagi niya na akong sinusuway!"

Tahimik komg hinila ang upuan, iniiwasan ang maglikha ng kahit anong ingay. I sat down and tried to avoid their eyes. Maging ang paghinga ko ay maingat ko rin pinapakawalan.

"Adrianna will surely come back. Hindi iyon makakatagal sa kung ano mang plano niya."

"Francheska, don't you really know anything about your sister's crazy plan?" si Daddy.

Umiling ako at buong tapang siyang tinitigan. "Wala, Dad. I don't even have any idea why she did that."

Mommy's piercing gaze met mine. Nagiwas ako ng mga mata at mas piniling huwag nang salubungin ang mga mata niya.

"For sure, it has something to do with the pragmatic marriage. Wala akong ibang naiisip na dahilan kung hindi iyon lang." sambit ni Mommy.

"That's the main problem, Vanessa! Beatrice and her youngest will be here in a few days. Uuwi pa iyon galing ibang bansa! Ano na lang ang sasabihin natin kapag nalaman nilang wala si Adrianna?" sigaw ni Daddy na ikinatungo ko.

"Let them go here, Lucas. Saka na natin pagusapan ang tungkol doon kapag narito na sila. I'm sure they will understand. Sigurado rin akong babalik ang anak mo hindi magtatagal."

Iyan na lang talaga ang mahalaga sa kanila. Ni hindi man lang sila nagaalala kay Adrianna at sa magiging kalagayan nito. Mas importante pa sa kanila ang iisipin ng kung sino mang pamilya na inirereto nila sa kapatid ko.

Days have passed like a whirlwind. The last message I had from Adrianna was the day after she escaped from our house. Ang sabi niya ay hindi siya natuloy sa Batanes. I know that she's telling the truth because Calix informed me the same.

"Hindi ko talaga alam kung saan nagpunta si Rian. Nagaalala ako, Christian." ungot ko habang nagmamaneho siya patungo sa bahay namin.

Tumawag si Mommy kaninang umaga para lang sabihin na ngayon darating ang pamilya ng lalaking ipapakasal kay Adrianna. I am not actually interested. Hindi ko sila gusto makilala dahil unang-una ay labag rin sa akin ang desisyon nilang ito.

"Don't worry too much about your sister, Cheska. Maabilidad si Adrianna. She can handle herself. Isa pa ay nagtetext pa rin naman siya sa'yo. Your communication is in private so stop worrying about her." saad ni Christian.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at isinandal ang ulo ko sa gilid ng bintana.

"Sana nga..."

Nakarating kami sa mansyon hindi kalaunan. Christian opened the car door for me. Wearing a dark blue denim maternity dress, we both entered the house while hands intertwined together.

Abala ang mga tao sa bahay pagkapasok namin. Pababa na si Mommy ng hagdan nang masilayan niya kami.

"Narito na pala kayo..." bati niya, may kaunting ngiti sa mukha. Lumapit kami ni Christian sa kanya at humalik sa pisngi. "Maupo muna kayo. Parating na rin ang mga bisita."

"Yes, Mommy." sagot ko.

Inalalayan ako ni Christian patungo sa living room. Naupo siya sa tabi ko at bahagyang inilapit ang bibig sa aking tainga.

"Your mother seems not in the mood." he said.

"Dahil pa rin kay Rian."

Hindi nagtagal at bumaba na si Daddy ng hagdan kasabay ni Mommy. Sabay-sabay kaming napatingin sa main door nang pumasok roon ang isang kasambahay.

"Sir, Ma'am, narito na po ang mga bisita."

Nagkatinginan kami ni Christian at sabay na tumayo. He placed his hand on my waist and looked at the main door. Lumapit sa pintuan sila Mommy at Daddy. Kami ni Christian ay nanatili sa kinatatayuan namin.

Unang pumasok roon ang isang ginang na sa tingin ko ay halos ka-edaran ni Mommy. Sunod ang isang matanda.

"Hi, Beatrice and Paul! It's good to see you again." maligalig na sabi ni Daddy at kinamayan ang mga bagong dating.

"Hello, Lucas and Vanessa! Long time no see." bati ng ginang at bumeso kay Mommy. "Susunod ang anak ko. May inayos lang sa kotse."

Tumango si Mommy. "I see. Is your eldest with you, too?"

"Naku, wala. Abala masiyado iyon at hindi mahilig sa mga ganito. Ang bunso lang ang kasama namin." sagot ng ginang at lumingon sa gawi ko.

I shot her a soft smile. "Good afternoon, Ma'am."

"Good afternoon. You must be Francheska, the eldest?"

"Yes, po. And this is my husband-"

Kusang nahinto ang paglabas ng mga salita mula sa aking bibig nang matanaw ko ang pagpasok ng pamilyar na bulto sa pintuan.

Hindi ako nakagalaw, ni hindi ko nagawang ikurap man lang ang mga mata ko. I daren't breathe, I'm frozen to the spot. I can feel my heart pounding in my chest.

"...C-Christian Ricaforte." I said, almost like a whisper, eyes still on the familiar man my heart cannot seem to forget no matter what I do.

I felt Christian's hold tighten on my waist. Pakiramdam ko, sa mga oras na ito ay nararamdaman na rin niya ang tensyon na namamayani sa akin.

"Nice to meet you, Christian and Francheska. I want you to meet my youngest..." Mrs. Beatrice said cheerfully but my eyes remained on his son as he stood beside her.

He removed his wayfarer and looked at my direction. As soon as our eyes locked with each other, blood left my face and went straight to the drainage. My insides turned tight and fireworks bursted in my heart.

"This is Daniel Gideon Monasterio, your sister's soon to be husband." Mrs. Beatrice announced that took all my sanity away.

Continue Reading

You'll Also Like

417K 15.5K 53
That rainy afternoon when Angelique shared her umbrella with him, Gabriel already knew that she's the one. But with her priority to become one of the...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
90.4K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...