Paano Aaminin?

By ElisiaJade

18.9K 555 150

We always look for better options and choices without realising the best is just around. More

Disclaimer
Titibo - Tibo
Kada Lunes
Immersion Part 1
Immersion Part 2
Paano ba Magmahal?
Everything will be alright
Tatlumpung Segundo
Little Changes
Bye for now Shar
Then till now
Changes
Back to square one
Life as we know it
Not So Fated Encounters
Christmas Party Part 1
Christmas Party Part 2
Parents Approve
Better Late than Never
Libra
Ngiti Mo
January 1st
Meant to Be

Tahimik

616 29 0
By ElisiaJade

"Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay
Ng kapalit at ng sukli kahit sobra ang ibigay

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig pa sa'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa'yo"

Ramdam na ramdam ko tong kantang to. Anlakas lang naman kase ng bunutan. Sa dinami rami ng pwedeng mapunta sa kin eto pa. Damang dama ko tuloy. Anlakas maka emo ng spotlight at stage. Tapos madilim pa sa side ng audience.

Pagbitaw ko ng huling linya nagtama kami ng mata ni Dons. Hanggang sa pumanglaw yung spotlight hindi ko mabitawan yung titig niya. Nako Sharlene wag ganyan. Wag tayo masokista.

Pagbaba ko ng back stage hindi ko alam kung anong klaseng kurot sa puso yung nararamdaman ko.

Nagvibrate yung phone ko. Alam ko naman na kung sino dahil sa set na pattern.

Donny:

Congrats. Idol talaga

Di na ko nagreply. Lumabas ako sa left wing door at mala ninjang tumabi kay Donny. Dinutdot ko yung tagiliran niya. Napakislot naman siya kaya lang nagulat ako noong may nasiko siya. Pagsilip ko si Kisses.

Dapat yata masanay na kong maging third wheel kaso ayokong magpanggap. Di ko kaya.

" Nako Sharlene ang galing mo pala talagang kumanta kaya pala namimilit tong si Dons na panuorin ka. Support daw"

"Ah salamat" tipid akong ngumit. Di na ko kumibo after. Pasimple kong tinignan si Donny.

Pano ba yan Shar? Mukang game over na talaga. Napangisi nalang ako. Kunyare hindi masakit.

After 10 minutes hindi ako nagtagal kaya nagpaalam na ko.

"Guys sumaglit lang ako. Kaylangan ko ng sumibat kase may rehearsal kami ng play"

"Anong play?" Tanong ni kisses

"Magda" tipid kong ng may halong ngiti. "Aalis ka na agad?" tanong ni Donny

"Nuod kayo mamaya. Kita kits nalang Dons" Umalis na ko.

oOo

May mga play kaming ilalabas base sa mga kantang ginawa ni Gloc 9. Isa sa mga play na yon ay yung Magda. Ako si Magda. From inosenteng probinsyana to pokpok na walang choice. Nalunod sa kahirapan, sa inner battles at sa dikta ng lipunan. Si Nash naman, same year level ang gaganap na Ernesto. ang heartfelt meeting nila e sa beer house. Tragic ang ending nito kaya nag iinternalise kami ni Nash.

Medyo nakakaiyak saka nakakadala yung storya. May onting skinship dahil nga heavy yung theme pero tiwala naman ako sa co actors ko. Technical dress rehearsal tapos mamaya salang na. Although may mga understudy, wala kong choice dahil first show ako.

"Relax lang. Kaya natin to Shar" tumango naman ako sa sinabi ni Nash sabay saludo.

After ng TDR nagsipaghanda na kami. Kain, make up, onting warm up tapos pray.

Pagdating ng alas tres salang na. Sumilip sa ako pagita ng telon. Marami ring manonood. Napalunok ako. Napansin yata ni Nash kaya hinawakan niya ko sa balikat.

"Kaya natin to" pagpapalakas niya ng loob ko.

"Laban!" Masaya kong tugon.

Pagka umpisang pagka umpisa ng theatre chimes narinig ko na agad yung hiyawan ng mga estudyante.

Pagkatapos noon nanahimik lahat. Maayos at maganda naming naitawid.
Pinilit kong umisa sa karakter ni Magda hanggang sa umabot kami sa dulo.

Sa parte kung saan pinatay ko si Nash.

"Pero kahit naging ganito ako, bayaran at kaladkaring babae na naging bihasa na sa amoy ng laway ng iba't ibang lalaki"

Humalik ako sa pisngi ni Nash

"Isa lang ang kaya ko sayong ipagmalaki" pagtutuloy ko ng linya

Napatigil ako ng konti. Ang sunod ko kaseng dapat gawin e halikan sa labi si Nash. Dikit lang kaso di ko pa magawa. Sa totoo lang kung wala akong iniisip mabilis lang to kaso panay flash ng muka ni Donato sa isip ko.

Huminga ko ng malalim kunyare kasama sa napagusapan. Tinakpan ko yung labi ni Nash gamit yung hinlalaki ng daliri ko saka ko umanggulo ng kunyaring halik. Sa pagtakip ko sa mata ni Nash gamit ang palad ko, itinuloy ko ang linya.

"Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi. Ang una at ang huli. Tuwang tuwa ako dahil hinanap moko at nandito ka. Pero Ernesto sa sobrang dumi ko, hindi nako nararapat
sayo. Totoo, yung pangako mo na pagdating ng panahon ihaharap moko sa altar at magpa-pakasal tayo.

Pinangarap ko yon, pinanghawakan. Kaya lang namanhid nako, di ko na
nakikita ang sarili ko sayo.

At ngayon hindi ka na magbabalik, regalo ng langit ang ika'y makilala. Tawagin man niya akong madamot, manhid naman nako sa panghuhusga. Ito ang sagot ko sa sumpaan nating
dalawa. Salamat sa alaala. Nagmamahal, Magda." Ayun poetry style yung atake ng bawat linya.

Iba iba yung reaksyon ng mga manonood. Yung iba tulala, yung iba naiiyak, yung iba pumapalakpak lang.

Nang magdilim sa entablado. Narinig namin yung masigabong palakpakan. After non curtain call.

Nagpasalamat ang cast sa mga nanood. Pagkatapos noon nag uwian din naman ang lahat. Pagdating ko sa green room. Sinalubong ako ng mga bulaklak galing sa iba't- ibang tao. Ni hindi ko na nga nabati lahat.

Alas kwatro y medya na rin noong natapos. Pauwi na ko pero di ako nakatakas sa tingin ni Donato. Kagaya ng dati nakita ko siya sa pintuan. Para siyang kapreng nakatayo at nakapamulsa. Humugot ako ng malalim na hininga saka ko siya sinalubong ng may ngiti.

"Don Donny"

"Congrats"

"Thank you"

Pagkatapos ng 1 word game namin tahimik kaming naglakad papuntang parking lot.

"Sabay ba tayong uuwi?" Tanong ko.

"Oo naman"

"Kala ko ihahatid mo si Kisses. Magkasama kayo buong araw"

Hinintay ko kung may isasagot siya. Wala naman. Ibinigay niya lang sakin yung helmet. Gaya ng dati nagmotor kami pauwi yun nga lang walang imikan. Nakahawak lang din ako sa buntot ng motor. Sabi ko susubukan kong umarte ng normal kaso lintik kaseng hormones to.

Pagdating sa tapat ng bahay namin akala ko maghihiwalay kami ng wala talagang interaction. Magsasalita sana ko kaso nauna siya.

"Shar baka nga tama ka. Baka dapat dumistansya muna tayo sa isa't- isa"

Ano nga bang isasagot ko?

Dahil ako si Sharlene San Pedro at ayoko ng corny tumango lang ako saka pumasok. Galing diba? Sige Shar panindigan mo yan.

Sabi nga nila tulak ng bibik kabig ng dibdib although technically hindi ako nagsalita at tumango lang ako, mabilis din akong nagsisi.

Mabilis akong tumakbo para silipin siya sa bintana. Kaso mo, ayon, sarado. Hayaan mo siya Shar. Pabayaan mo muna.

Napatingin ako sa picture naming dalawa na nakaprint sa mug.

"Para tayong tanga."

Leche yung mga onion ninjas. Naiiyak ako. Bwisit ka Donato. Pinaiiyak mo ko.
First time kong mainlove ganito pa.

Para naman palang parusa yung ganito.

May sariling utak yung kamay ko na dinial yung number ni Mokong. I am sure sa kahit saang lupalop ng mundo may mga babaeng bestfriend na kagaya ko. Yun tipong lito sa nararamdaman nila para sa kaibigan pero sure tayo na hindi natin sila kayang pakawalan.

Isang ring
Dalawang ring
Tatlong ring

Bruh parang tatlong kopong kopong na ang lumipas.

At dahil ako si Sharlene...

Sinugod ko siya sa bahay nila. Dire- diretso ko. Ngumiti lang naman yung lola niya.

"Leklek dito ka ba maghahapunan?"
Natigilan ako sa malambing na tono ng lola niya. May tatlong matatabang pusa pa sa tabi si lola Isay.

"Ay hindi na po la. Si Donny po?"

"Asa taas nagbi bidyo games yata"

"La, akyatin ko lang po ha. Nagtatampo sakin yun e"

Tumango lang naman yung lola niya at nagpatuloy sa paghimas sa mga malababoy sa taba na pusa nila habang nanonood ng drama.

Pag akyat ko, gigil na gigil kong kinatok yung pinto niya.

"Donny!"

Walang sagot. Isa pa.

"Don Donny!"

Wala pa rin.

"Hoy Donato Antonio Pangilinan. Buksan mo to kunde ikakalat ko yung mga picture mong naka hubo noong 6 years old ka!"

Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan niya yung pinto. Sinunggaban ko ng pisil yung pisngi niya.

"Aray aray Shar!"

Wala kong pakundangan na pumasok.

"Anong iniisip mo? Akala mo papayagan kitang maging quits sa ginawa ko noong nakaraan? Anong problema mo? Akala ko ba ako lang ang may gusto sayo? Bakit kung umasta ka para kang may iniiwasang feelings? Sabi natin hindi tayo magiging awkward sa isa't -isa? Anyare? May ginawa ba kong mali para magdecide kang hindi tayo magpansinan? Ok naman a, sinusuportahan ko nga kayo ni Kisses"

Sunod sunod kong litanya. Pwede nga yata kong mag rap.

Hindi siya sumagot. Tinititigan niya lang ako.

"Hinde. Hindi ako papayag na hindi tayo magpansinan. Itaga mo sa bato yan Donato. Kahit san ka magpunta susundan kita" irita ko siyang pinanlilisikan ng mata.

Pinitik niya naman ako sa noo.

"Masakit ha!" Reklamo ko. Umupo naman si Donny.

"Shar hindi ko kase alam kung kakayanin kitang makita masaktan"

"Diba sinabi ko ng hindi mo dapat problemahin yon? Sabi natin after five years."

"Hindi ko kase kayang baliwalain yung mga nakikita ko miski yung mga reaksyon mo. Hindi ko naman mabantayan lahat ng sasabihin ko"

"So ganon na lang? Hahayaan mong magdrift tayo dahil lang may crush ka sa ibang babae? Hindi naman kita hinaharangan. Go! Do whatever makes you happy. Hindi ka responsable sa nararamdaman ko"

Nakita ko kung paano siya lumunok.

" Shar, I want to pursue Kisses pero kung alam ko na nasasaktan kita, di ko magawa. I know I promised. Sabi ko di ko priority yung ganitong issues ngayon kaso biglaan"

"Like I said go. You can do whatever you want. Kung yung feelings ko lang ang iniisip mo...fine! I will unlike you. Parang facebook lang. I can set my mind. I can shift my attention pero please, don't go far away from me. Tanggap ko naman e and in the near future kahit hindi ako pwedeng maging best man, magtutuxedo ko para sa'yo. Sana wag mo kong itulak ng ganito lang. Sabi natin we will be friends forever."

That moment he pulled me into a hug.
"Shar I'm really sorry I cant love you like the way you love me pero nagpapasalamat akong sa'ting dalawa mas stable ka mag isip ang you know how to be firm with decisions"

Oo ba. Basta ikaw. Sinabi ko lahat ng pwede kong sabihin para hindi na siya mabother. Kase ako kaya ko, kaya kong sabihin na ok lang lahat. Donny's expression are way too visible.

Sayang akala ko pa naman madilim reaksyon niya dahil nagseselos siya sa mga napanood niya. Hindi pala.

Kagaya nga ng sinabi ko, tahimik na lang.

"Wag kang mag alala Dons, mawawala din to. Ngayon pa nga lang madami na kong crush." Ngingisi ngisi akong tumingin sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik. Yang ngiti niyang yan ang isa sa mga dahilan bakit ako deds sa kanya. Kaso wala talaga.

Kaya eto ko. Pagbalik sa sariling kwarto nag iemo.

Ok lang Shar. Ngayon lang to. Phase lang to. Mawawala din yung sakit.
____

Author's Note:

The lines for the play Magda are excerpts from a play I wrote before. Boset kelan ba magkakaron ulit ng Shardon moment?



Continue Reading

You'll Also Like

441K 6.2K 24
Dice and Madisson
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
10.4M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."