The Boss and his Twins

By MariaElenaIyiger

3.5M 98.1K 13.2K

"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaven... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty (Epilogue)

Chapter Thirty-Three

48.2K 1.4K 228
By MariaElenaIyiger

Ones Desires

"Oh My" Saglit na para bang tumigil ang mundo ni Chase sa kanyang nasaksihan. He was about to take a step forward but Hana suddenly cling into his arm.

"Isn't that your Nanny? Nag-pupunta pala siya sa ganitong lugar." Parang walang narinig si Chase at nakatuon lamang ang titig niya kay Lyan na napaupo sa sahig. He then held Hana's hands to remove it but he saw Ian walking towards Hana.

A part of him felt relieved upon seeing him. Ngunit may namumuong inis at pagka-dismaya sa kanya nang makita niya ito. Ian was always good in making Lyan feel better. He's aware of it. By the way he looks at him-indeed, this man likes her.

"So, where do you want to go this weekend? I'm free bakit hindi tayo mag-out of town at isama natin ang mga bata" Inilipat ni Chase ang kanyang tingin kay Hana nang tuluyang makalayo ang dalawa mula sa dancefloor. Nanumbalik naman ang tugtog at ang ingay ng mga tao.

"That's a good idea" He smiled. Hinawakan naman ni Hana ang mga pisngi ni Chase kaya sapilitan siyang napaharap sa dalaga. Hindi niya napag-handaan ang halik na idinampi ni Hana sa kanyang labi.

"You're all that I see..I'm so happy to have you." Nakangiting saad naman ni Hana.

Namataan naman ni Chase si Kalix na kasalukuyang pumipili ng mga drinks sa long table.

"Sayang, I would love to try the cranberry cocktail. " Mukhang naramdaman ni Kalix ang presensya ni Chase.

"Sadly, natapon" Napa-iling iling naman ito.

"I can request one for you"

"I can buy it. No thanks" Masama ang tingin ni Chase sa kamay ni Kalix nang tinapik niya ang balikat nito na para bang matalik silang mag-kaibigan.

Pinagpag naman ni Chase ang kanyang balikat nang inalis ni Kalix ang kanyang kamay sa kanya. "cheers" alok pa ni Kalix sa kanya ngunit hindi naman pinaunlakan ni Chase ito.

"You stay away from my family, Kalix. This is my first and last warning"

Nagpakawala naman ng malakas na halakhak si Kalix sa sinabi ni Chase "I haven't touched them yet. Napaka paranoid mo naman, Kaibigan."

"Or were you staring at me a while ago? When I was talking to your beautiful Nanny?"

Chase clenched his fist when Kalix smiled widely this time. Para niyang sinasadya ang pagiging patay malisya niya.

"She's just your Nanny. She has a personal life too. Kung gusto niya akong kausapin, wala ka na doon Chase. Akala ko ba matalino ka? Then you should know your place."

"She is working for me and she is my possession. "

Napatawa naman ulit si Kalix "I like her. Sayang, dapat nauna ako."

Mabuti na lamang at nakarinig si Chase ng tugtog ng banda at nag-hiyawan ang mga tao, somehow this stopped him from punching Kalix.

"If that woman is your possession, Bakit ibang lalake ang kasama niya kanina? Why didn't you save her from being embarrassed from all of these people?"

**

"Hindi ko alam ang gusto mong flavor pero kumuha ako ng strawberry at chocolate na ice cream" Napatingala si Lyan kay Ian na may hawak-hawak na supot at mukhang galing ito sa convenient store.

Umupo naman ito sa kanyag tabi at hinalungkat ang bitbit nitong plastic. Nag-labas naman siya ng wipes at walang pasabing pupunasan na sana niya ang pisngi ni Lyan.

"A-Ako na.." akmang kukuhanin ni Lyan ang wipes na hawak ni Ian pero inilayo niya ito.

"Just stay still." Utos naman nito sa kanya at biglang nag-dilim ang kanyang paningin kaya naman walang ibang nagawa si Lyan kundi sumunod.

Pinunasan ni Ian ang mga kamay niya at ang buhok niya. He was wiping his hair like she is a baby. Hindi niya napgilan ang hindi ngumiti. "Tamis mo. Parang lalanggamin ka mamaya" He chuckled.

"Bakit ka nga pala nandito?" when Lyan asked him, he paused.

"Minsan Bouncer ako sa Bar. Kaya ayon, nandito ako"

"Ang dami mo namang trabaho. All around ka talaga ano" Kahit alam ni Lyan na pawang kasinungalingan lamang iyon ay sinubukan niyang sakyan ang pakulo ni Ian. Besides, he was like a knight who saved her tonight.

"Syempre. I'm Bob the builder and I should fix things.." he faked a smile. Nagtungo naman ito sa harapan ni Lyan at lumuhod. It was too late for Lyan to dodge him when he grabbed her feet.

"Ako na-"

"Huwag ka nang gumalaw. Hayaan mo na lang na gawin ko 'to" Napansin ni Lyan na nag-iba ang tono ng boses ni Ian kaya naman sinilip niya ang mukha nito. "Kung mas maaga sana ako hindi ito nangyari."

Tinanggal ni Ian ang kanyang heels ang pinunasan ang nakakalyong paa nito. Napansin niya din na may gas gas ang tuhod ni Lyan. But he is prepared. Bumili siya ng ointment at band aid. Nang nalagyan niya ng ointment ang gas gas ni Lyan ay inihipan niya ito.

"Pinuntahan kita sa mansion pero ang sabi ni Kim, sumama ka daw kay Hana. Kaya na-alarma ako" Nang tumayo si Ian ay kaagad na nag-iwas si Lyan ng tingin. Kung hindi lamang siya nagpaka matapang kanina ay wala sana siya sa sitwasyong ito. Ngunit sa kagustohan niyang tapatan si Hana ay mukhang nakalagpas yata siya sa kanyang kakayahan. Maybe she won't be able to be on the same spot just like her.

"She's always up to no good. I might know her more than you do.."Bumalik naman sa tabi ni Lyan si Ian upang maka-upo siya ulit.

He continued wiping her neck and she almost lost focus while staring at him. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya ang kamay ni Ian sa kanyang dibdib.

Kaagad siyang napa-takip sa kanyang dibdib at napatayo naman si Ian. "S-Sorry. Sorry. Wala akong excuse doon. " Nakaramdam naman ng init sa pisngi si Ian sa kanyang nagawa. Maybe he was too focused on wiping her.

"Okay lang ako na.." kalmadong saad naman ni Lyan.

"Akin na itong strawberry" kinuha naman ni Lyan ang isang tub ng ice cream na binili ni Ian upang ibahin ang usapan.

"I'll have the chocolates then." Nagulat naman si Lyan nang biglang binuksan ni Ian ang isang tub ng ice cream at sunod sunod siyang kumain nito.

"Hindi ka ba nalalamigan niyan?"

"Hindi! Nag-babaga bibig ko may nakain yata akong maanghang" ang sabi naman nito habang nginunguya pa ang matigas na ice cream.

"Pero.." Napatingin naman si Lyan ulit kay Ian habang kumakain din siya ng ice cream "Gusto mo ba talagang pumunta sa lugar na 'yon?"

Ian's words might be vague at first but Lyan got an idea as to what does it really mean. Tinusok naman niya ang kutsara sa ice cream at inilapag niya ito sa kanyang tabi.

"Nasa bungad palang ako, tinataboy na ako eh" she shrugged her shoulders. "Mukhang hindi ako babagay doon."

"Kahit hindi ka babagay kung mayroon mag-papasok mismo sa'yo" ani naman ni Ian.

"Ano ba itong pinaguusapan natin." She tried to change her mood. Tumawa na lamang siya at nag-patuloy sa pag-kain ng ice cream.

She tried hard to hide her tears from Ian. Mabuti na lang at nakalugay ang kanyang buhok at nakakatulong ito upang itago ang mga luhang tumulo.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kamiserable ang kanyang nararamdaman. Is it because she is embarrassed in front of many people or she is absorbing the fact that she will never be able to enter Chase's world. Bakit pa niya papasokin ito kung wala naman siyang lulugaran? Bakit at paano humantong sa puntong nanliliit siya sa kanyang sarili dahil hindi siya nababagay sa isang tao?

Is it possible that this was her reason of trying to surpass Hana? Dahil mayroon nang namuong nararamdaman sa kanyang puso para kay Chase?

"Ihahatid na kita" alok naman ni Ian sa kanya.

"Hindi na, Kaya ko na ito. May Bus pa pabalik ng Gilberts. "

"My bike is faster." Ngumisi naman ito.

"I'll take her home." Mistulang napako si Lyan sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang boses na hindi niya gugustohing marinig sa ngayon.

She stood there just blinking her eyes and she could not face him. Napatingin ng matagal si Ian sa kanya.

"Sorry, Nauna ako." Bigla namang pumaharap si Ian kay Chase, leaving Lyan behind him.

"We live in the same house. " ayaw naman patinag ni Chase.

Napatingin si Ian sa kamay niyang hinawakan ni Lyan. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Lyan kaya dito nag-alala si Ian. He could easily recognize when she is not okay. Parang nadurog ang kanyang puso nang tumango tango na lamang si Lyan sa kanya-hindi dahil pinipili ni Lyan na si Chase ang mag-hatid sa kanya kundi dahil alam niyang labag sa kalooban ito ni Lyan.

"I'll see you again.." mahinang bigkas naman ni Ian bago niya nilubayan si Lyan.

Nang tumalikod si Ian sa kanya ay naramdaman niya ang pag-hakbang ni Chase papalapit sa kanya. Walang pasabing inalis ni Chase ang coat ni Ian na nakapatong sa kanya kaya napilitang lumingon si Lyan sa kanya.

"You forgot something" ani naman ni Chase at napatigil si Ian. Inihagas ni Chase ang coat kay Ian.

Pilit na pinapakalma ni Lyan ang kanyang sarili nang lumipat ulit sa kanya ang mag titig ni Chase. Dapat ay inunahan na niyang umuwi ito. He's the last person he wanted to see tonight.

"I understand it's your day off. But you should have told me you're coming here." Chase's voice is calm this time.

"Gusto ko na pong umuwi." Npayuko lamang si Lyan.

Napakuyom ang palad ni Chase nang marinig niyang garalgal ang boses na pinakawalan ni Lyan.

Nagulat naman si Lyan nang biglang hinila ni Chase ang kanyang kamay at napatianod siya nang mag-lakad ito. "Sir, bitawan-Sir!"

She wasn't expecting Chase to drag her in his car. Sapilitan siyang napasakay sa kanyang kotse. Nang umikot si Chase at pumasok sa driver's seat ay hindi na itinuloy ni Lyan na tawagin ito. He looks dangerously mad tonight. Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa kanya o sa ibang bagay. But she could believe more that it might have something to do with her.

Nang mapahinto ang sasakyan dahil sa Traffic Light ay bigla na lang nag-hubad si Chase ng kanyang coat.

"Wear it" Nakakapaso ang lamig ng boses ni Chase. Matagal na nakatitig lamang si Lyan sa coat ni Chase.

"I'm not comfortable with your dress. Wear it." Nataranta naman si Lyan nang makita niyang nag-dilim ang mga paningin nito. Kakaiba ang awra ni Chase ngayong gabi. If his anger is fire, then it may have already burned her.

Napansin ni Lyan ang dinadaanan ng kanilang sasakyan. Bigla na lang kaseng nag U-turn si Chase nang malapit na sila sa boundary mismo ng Gilberts at Garrisons.

Nanatili si Lyan sa sasakyan kahit na bumaba si Chase. Napansin niyang sunod sunod ang pag-buntong hininga nito mula kanina pa. "Bumaba ka na." Napapitlag naman si Lyan nang biglang binuksan ni Chase ang sasakyan.

She wasn't expecting to see a Giant Donut and other desserts in front of her. Mayroong malaking arko at may naka-sulat doon na 'Sweet City'

"Bakit po tayo nandito?" ang tanong naman ni Lyan.

"Malamang mag-papagas ako." Pabalang na sagot naman ni Chase kaya napasimangot kaagad si Lyan. Sumunod naman si Lyan kay Chase habang naglalakad ito.

Considering the surroundings that she is seeing, this might be a paradise of desserts. Maraming stalls ang nakita niya na nag-bebenta ng samu't saring matamis na pagkain. She couldn't help but to smile upon seeing that stall for skewered donuts. Napakadaming klase at napaka arte ng disenyo.

"Magkano miss?" Nakita naman niya si Chase na lumapit sa tindera. Nakita niyang may hawak na maliit na basket si Chase.

"Here." Iniabot lang naman ni Chase ang skewered donuts kay Lyan at ang maliit na basket na hawak niya. Binilisan ni Lyan ang pag-lakad niya nang napatiuna na naman si Chase sa pag-lalakad.

"Para saan po itong basket?" ang tanong naman ni Lyan nang masabayan na niya sa pag lalakad si Chase.

"Diyan mo ilalagay ang mga sweets na mabibili mo." Nakompirma naman ni Lyan ang sinabi ni Chase sa mga nakikita niyang taong dumadaan na may hawak na basket at puno ng desserts.

"Kaso kumain na ako kanina ng ice cream-"

"Pumili ka ng iba bukod sa ice cream" napakasungit naman ng pag-kakasabi ni Chase. Sa bawat Stall ng cookies, candies at cakes may binili si Chase at inilagay niya iyon sa basket ni Lyan. Chase is acting different tonight. Hindi naman magawang kontrahin ni Lyan ito, because at the end of the day, Chase is still her boss.

Pinaupo saglit ni Chase si Lyan sa isa sa mga bench na hugis candy. Ilang minuto lamang ay sumunod sa kanya si Chase na may hawak na dalawang mango shake.

Hindi naman umimik si Chase ay uminom lang ito ng kanyang shake na dinala. Hinalungkat pa nito ang basket na hawak ni Lyan kanina at nag-hanap ng maari niyang kainin.

"Sir, Hindi po ba kailangan na nating umuwi?"

"10pm pa lang mamaya na" Napatikom naman ang bibig ni Lyan sa sagot ni Chase.

"Bakit ka nasa Bar kanina? May ka-blind date ka ba?" Napalunok naman si Lyan nang biglang nag-tanong si Chase na para bang siya ay nag-iinterrogate.

"Naimbitahan lamang po ako ng isang kaibigan" Pag-sisinungaling naman nito. If she admits that it was his fiancé's plan all along, Chase will not believe it. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na sa mga panahong ito ay bulag pa siya sa kanyang nararamdaman kay Hana.

Besides, Hana makes him smile. How could she take that away from him?

"Mayaman yata ang kaibigan mong iyan dahil mamahalin lahat ng ipinasuot niya sa'yo"

"Isasauli ko po ito. " Napahawak naman siya sa kanyang damit. Napansin niya ang kakaibang lamig ng panahon ngayon. Mabuti na lamang at suot niya ang kanyang paboritong coat-or maybe her favorite person's coat.

"Sayang naman, bagay mo pa man din" Narinig naman ni Lyan ang pagtunog ng straw ni Chase dahil naubos na niya ang kanyang iniinom. "But that waitress ruined your dress tonight." And at last, Chase stared at Lyan.

"How do you like the place?"

"Hmm. Bagay po ito sa mga bata. "

"I go to place like this whenever I'm feeling sad. I always crave for chocolates when I'm depressed. Pero gusto kong iwasan ang matatamis. But I couldn't resist it."

Napanganga naman si Lyan nang bigla niyan naalala ang pangyayari ng gabing iyon. When Chase was drunk and he keeps begging her to buy him chocolates.

"Kaya pala noong nalasing kayo ay nag-hahanap po kayo ng chocolates" Sumilay naman bigla ang ngiti sa mukha ni Lyan. Suddenly, her face became brighter.

"Did you give me some?"

"Nag-pabili po ako kay Aries pero tulog na po kayo noon" Napailing-iling naman si Lyan.

"Really? I remember tasting something sweet.." Napakunot naman ang noo ni Chase kaya naman nadamay si Lyan na nag-isip. Because it was clear to her than she wasn't able to give the chocolates to him, ang kapatid nga niyang si Aries ang kumain din ng chocolates.

"Like I am sucking something.." Patuloy na nag-isip naman si Chase.

"Oh!" Hindi naman napigilan ni Lyan ang mapa-sigaw nang maalala niya ang isang ka-gimbal gimbal na pangyayari nang gabing iyon

'Hindi naman 'yong kiss iyon diba?'

"Why? why?" Nag-panic naman si Chase nang mapasigaw si Lyan.

"Wala po, Sir"

Bigla namang napasimangot si Chase kay Lyan at sinuri ang mukha ni nito. Naramdaman naman ni Lyan ang pag-tulo ng kanyang pawis mula sa kanyang noo.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Chase frowned. Napaliyad naman si Lyan nang biglang lumapit si Chase sa kanya.

"Wala naman po, Sir" ani naman ni Lyan habang nakatingin sa isang direksyon. The moment she would stare back at Chase, baka mangalumbaba lang siya sa kaba.

"You're definitely hiding something from me.."

Gustong-gusto na niyang sumigaw nang lumapit pa sa kanya si Chase at nagkalapit ang kanilang mga mukha.

"But I definitely remember something that I tasted so sweet that night.." Napapikit na lamang si Lyan nang makita niyang nilapit pa ni Chase ang kanyang mukha sa kanya.

She waited for a few seconds and he didn't feel anything. Nang iminulat naman ni Lyan ang kanyang mga mata ay nakita niya si Chase na kumagat sa skewered donuts na hawak niya. That was her left over so it means-an indirect kiss!

"Masarap pala 'yang donut. Sana 'yan nalang binili ko" ang sabi naman ni Chase habang hinahalungkat ang mga natitirang laman ng basket

'Dimunyu ka! Kamuntikan na akong na-ihi sa'yo'

"Tara na" Napatayo naman si Chase "It's going to be a new day tomorrow for you. I hope I saved your day somehow"

Bigla namang naalala ni Lyan ang nangyari kanina sa Bar. It was only this time that she got to realize why Chase came here.

"I brought you here thinking this place might cheer you up. Someone messed up with your day off. "

"Thank you, Sir. Pero hindi niyo naman po kailangang gawin ito. Sobra sobra na po ang kabaitan na natatanggap ko sa inyo." Napatayo naman si Lyan at hinarap si Chase. This time, medyo kalmado na silang dalawa.

But Chase remained silence. He just smiled for a few seconds. "I hope you can see how beautiful you are right now.."

**
Wala namang penalty kapag late ng isang araw ang update diba? Hehe. Sorry Miss Kaaaaaren kase 'di ko naihabol ang update before ka nag-out. Hahaha.

Para sa mga kababayan nating nakaranas ng bagyo yesterday, My prayers are with you. We will surely recover. Madadapa, pero babangon hehe. Salamat po ulit! Part 2 po ito ng previous chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.4K 36
Queenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalug...
29.6K 1.3K 40
Warning: SPG/R-18 (Slight lang) KOLEHIYALA 3 And she just found herself married to the black sheep of the Montecillo's, Kendrick.
45.5K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2