The Boss and his Twins

MariaElenaIyiger tarafından

3.5M 98.1K 13.2K

"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaven... Daha Fazla

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty (Epilogue)

Chapter Twenty-Six

52.3K 1.6K 192
MariaElenaIyiger tarafından

Follow You

Nadatnan ni Lyan si Chase sa labas ng mansion. Mukhang walang pasok ito ngayon dahil hindi siya naka office attire. Naka shorts lamang ito at naka T-shirt ng may collar. Napakasimple pero napakalinis tignan. Isa sa mga nagustohan ni Lyan kay Chase ay ang pagiging malinis nito. Napakaayos ng buhok nito lagi.  Sa gilid sa hati ng buhok, at pinatigas gamit ng wax.

"Are you ready?" Napalingon naman si Lyan sa kanyang likoran at hinanap kung sino ang kausap ni Chase.

"Ako po?" turo naman nito sa kanyang sarili.

"No, I meant that plant at your back"

"Ano po?"

"Yes Ikaw. Kung wala ka nang hinihintay pa na iba, Lumakad na tayo" sabi naman ni Chase habang hinahalungkat ang kanyang cellphone.

"Bakit meron bang tayo?"

"Ano?"

Napailing-iling naman kaagad si Lyan sa kanyang sinabi. Hindi na niya namalayan nakatulala na siyang pinagmamasdan si Chase.

"Sabi ko po. Aalis na po muna ako"

"Kaya nga. Tara na, ihahatid kita diba?" Ibinulsa naman ni Chase ang kanyang cellphone at binuksan ang pintoan sa harapan.

"Hindi na po, Sir. Mas mablis po kapag commute"

"Tinatanggihan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang mag-taas si Chase ng kilay niya. He looks scary this time. Nataranta naman siyang pumasok kaagad sa sasakyan. Mas pipiliin na lamang niyang mag-pahatid kaysa naman magkaroon pa ng posibilidad na masesanta pa siya nito. Afterall, He's the Boss.

Tinanggap ni Lyan ang suhestyon ni Chase na umuwi ng ilang araw muna sa San Silvestre. Mukhang kailangan niya din ng kahit ilang araw lang na pahinga. Those days the she were on the hospital consumed her energy. Nararapat lang na mag-pahinga muna siya. She was so thankful for his thoughtfulness. Mabuti nalang hindi mabagsik si Chase na employer. He thinks the concerns of his employees. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan ito. Napansin din niyang maayos ang pakikitungo niya sa mga tao na nasa paligid niya. Kung para saan pa't nagtagal ang kanyang mga kasama sa bahay at ang kanyang secretary na si Kim.

"Gilberts is buying a portion of San Silvestre hindi ba?"

"Opo. Pero nag proprotesta ang mga mag-sasaka ng San Silvestre. Dahil kapag papatayuan na ng buildings ang sinasaka nila, wala na po silang hanap-buhay" Napatango-tango naman si Lyan kay Chase.

"I think, Gilberts stands firm on that decision."

"Hays, Sir.. Kung makikita niyo lamang po ang lugar namin. Napag-iwanan na po ng San Vidad ang San Silvestre."

Halos tatlong oras lang din ang itinagal ng byahe. Hindi pa rin makapaniwala si Lyan na si Chase mismo ang nag-dridrive para sa kanya. And this is the only time that she realized, bakit hindi siya nag-sama ng drivers? Hindi pa niya ito nakitang nag-drive papunta sa opisina, kaya naman bigla itong nakaramdam ng hiya.

Napabagal ang takbo ng sasakyan nang makapasok sila sa bungad ng San Silvestre. Nakita ni Chase ang maraming tao sa gilid ng daanan. Tama nga ang sinabi ni Lyan, na maraming nagproprotesta.

"Dito na rin ba sila natutulog? Bakit ang daming tao?" Hindi napigilan ni Chase ang mapatingin sa mga tao na nasa gilid ng daanan. Ito na rin siguro ang sanhi ng pagbagal ng usad ng mga sasakyan papasok at papalabas ng San Silvestre.

Matanda man o bata ay kasama rin sa pag-proprotesta.

Napatigil ang tingin ni Chase sa isang matandang lalakeng may hawak na karatula. Mukhang nasa 70 na ang edad ng matandang ito. Karamihan sa kanila ay mag-sasaka.

"N-Nay!" Nagulat si Chase nang biglang mapasigaw si Lyan. Itinigil naman kaagad nito ang sasakyan. Walang pasabing lumabas ng sasakyan si Lyan at tumakbo sa direksyon kung saan siya nakakita ng ilang pulis.

"Ilang beses na naming kayong sinasabihan! Hindi na pwede ito. Sumama kayo sa prisinto!"

Namataan ni Lyan ang mga kapit-bahay nilang hawak-hawak ng mga pulis. Sa kanyang pagkakakilala sa kanyang Ina ay hindi siya tatahimik sa mga ganitong sitwasyon.

"Anak!" Nanlaki ang mga mata ng kanyang Ina nang makita niya ito.

"Anong nangyari? Bakit kayo hinuhuli ng mga pulis."

"Dinemolish nila ang mga tindahan sa harapan ng palengke, nag proprotesta ang mga kasama ko." Naluluhang saad ng kanyang Ina. Napatingin si Lyan sa pa ng kanyang Ina. Mukhang nawala nito ang isa niyang tsinelas.

"Sa amin ang San Silvestre! Hindi namin ibebenta ito!" Nabulabog ang lahat sa sigaw ng isang mamang hawak hawak ng pulis at sapilitan itong isinakay sa kanilang sasakyan

"Si Bokno! Diyos ko po!" Napaluhod na lamang sa sahig ang isang matandang babae na halos puti na lahat ang kanyang buhok.

"Anak iyon ni Nanay Lagring.. Mga walang awa" galit na saad ng kanyang Ina.

"Magpaliwanag kayong lahat sa prisinto!" Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nang lumapit ang ibang mga pulis sa kanila.

"Sumama na po kayo sa amin!" Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang hinawakan ng isang pulis ang kamay ng kanyang Ina.

"Huwag! Wala pong kasalanan ang Nanay ko!"

Napatigil ang pulis nang may isang kamay ang pumigil sa kanyang kamay na ngayon ay nakahawak sa Ina ni Lyan.

"I think this is still a part of San Silvestre. They are free to protest." Nang mag-angat ng titig si Lyan ay hindi niya inaasahang makikita niya si Chase doon.

"Sumusunod lang po kami sa utos ng-"

"Hoy, Ricardo. Tara na" Napalingon naman ang pulis na iyon sa kapwa niyang pulis na naroon din.

Bigla namang nagsi-alisan ang mga pulis at nilubayan ang mga taong nag-proprotesta.

"Umalis na kayo! Huwag kayong babalik dito!" bakas sa mga boses ng mga mamayang ito ang galit nang itaboy nila paalis ang mga pulis na ito.

"Dalhin mo na sa Kotse ang Nanay mo. Ihahatid ko na kayo pauwi" Napansin ni Lyan ang paglamig ng boses ni Chase.

"Sino siya, Anak?" biglang tanong naman ng kanyang Ina.

"Siya po 'yong Boss ko, Tara po, Nay."

Natigil naman si Chase sa paglalakad nang makita nila ang mga taong sumisilip sa kanyang kotse.

**

"Nako, Sir. Pasensya na po kayo sa gulong nadatnan ninyo. Pero salamat po sa paghahatid sa amin ng Nanay ko." Napayuko naman si Lyan nang makita niyang bumaba ng kotse si Chase.

Napansin naman niya na ang atensyon ni Chase ay nasa bahay nila at sa buong paligid. Dahil ang San Silvestre ay bukid at napalibutan ng bundok. Walang buildings, karamihan ay taniman. Ang bahay nila Lyan ay sa Bukid mismo. Nakaramdaman naman siya ng hiya nang makita ni Chase ang kanilang bahay na yari pa sa kahoy. Tipikal na uri ng barong-barong bahay ang kanilang tahanan. May gulong sa itaas ng yero upang hindi mailipad tuwing tatamaan ng bagyo.

"Papasokin mo muna siya Lyan, Pasok po kayo Sir. May inihanda po akong meryenda" Nakasimangot naman na bumaling si Lyan sa kanyang Ina.

"Sige Po" Hindi naman niya inaasahang susunod si Chase sa kanyang Ina.

"Oh My God!" Umalingaw ngaw ang sigaw ni Chase nang biglang may mga manok na nagsitakbuhan sa kanyang harapan

"Pambihira naman, Aries ikulong mo nga muna ang mga manok natin! May Bisita tayo" sumigaw naman ang Nanay ni Lyan. Namataan naman ni Chase ang isang batang nagkakamot pa ng kanyang tyan na lumabas.

"Maupo po muna kayo dito, Sir"

"Ito nga po pala ang Nanay ko. Si Nanay Estella" Abot tenga naman ang ngiti ng kanyang Nanay kay Chase.

Saglit na napatitig si Chase sa ngiti ng Ina ni Lyan.  Mukhang namana nga ni Lyan sa kanyang Ina ang kanyang ngiti. Kung kanina lamang ay nagkakagulo sila. Ngayon ay parang walang nangyari kanina.

"Nay, Nakapag-saing na po ako ng kanin" Lumabas naman si Fara mula sa kusina.. Napansin ni Chase ang pisngi nitong nangingitim.

"Sige, huwag mo munang buhusan ng tubig iyong kahoy na pinaglutuhan mo. Magluluto ako ng Bangus"

"Seryoso ka ba Nay?"

"Oo. Diba paborito mo iyon. Dito na rin po kayo mananghalian, Sir. Ipagluluto ko po kayo ng napakasarap na bangus"

Hindi na napigilan ni Lyan ang kanyang Nanay nang nag-madali itong nagtungo sa labasan.

"Nay!" Hinabol naman ni Lyan ang kanyang Ina bago ito makalayo. "Bakit? Saglit lang. Uutang ako ng bangus kay Mang Allan. "

Hindi napigilan ni Lyan ang mga luhang namuo sa kanyang mata nang makita niya ang paa ng kanyang Nanay. Inalis naman niya ang suot na tsinelas at kinuha ang basahang nakasampay. Walang pasabing pinunasan niya ang paa ng kanyang Ina.

"Ano ba naman, Nay. Gaano ba kayo kabusy at hindi niyo man lang mapunasan ang mga paa niyo." Sinubukan naman nitong pigilan ang kanyang pag-iyak.

"Hays, ikaw talaga huwag mo ngang pupunasan ang paa ko. Marumi  iyan. Marurumihan ang kamay mo. Doon ka sa loob at kausapin mo ang bisita mo" Pinalo naman ni Estella ang kamay ni Lyan

"Eh bakit pa po kayo mangungutang. Ito, bayaran niyo po ang kukunin ninyo." Inilagay naman ni Lyan ang pera sa kamay ng kanyang Ina.

"Sige na, Nagugutom na ako" Tinalikuran ni Lyan si Estella at nagpatuloy sa loob ng kanilang bahay.

Napatigil siya sa pagpunas ng kanyang luha nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Chase. She feels so embarrass at this moment. But this is her life and this is the reality, Hindi naman dapat niya itago ito.

"Bakit hindi naipapalabas sa balita ang nangyayaring protesta dito?" bigla namang nagsalita si Chase habang papalapit si Lyan sa kanya dala ang isang pinggan ng banana que at juice.

"Sino ba naman ang San Silvestre upang pagtuonan ng pansin. Pagtatakpan lamang ng mga negosyante ang mga reklamo ng mga mag-sasaka. Hindi naman sila importante sa kanila." Sumagot naman ito habang pinagsasalin ng juice si Chase.
"I still think your people deserved to be heard" Tumikhim naman ito. "Besides, dito nanggangaling ang bigas at ang ibang produkto ng San Vidad "

"Kahit sabihin niyo pa po iyan sa kanila, Wala po silang pakialam. Dahil kung mahirap ka, wala kang boses" Napatikom ang bibig ni Chase sa sinabi ni Lyan. He's got no words to rebut. Because its the bottomline.

"Ikaw nga iyon! Iyong tumalo kay Kalix Guanzon!" Nagulat naman silang dalawa nang biglang mag-salita si Fara na kanina pa tinititigan si Chase.

"Grabe! Ang galing niyo po! Saan niyo po binenta iyong kwintas?"

"Fara, hindi dapat nagtatanong ng mga masyadong personal na bagay" sinita naman ni Lyan ito.

"Well, I decided to keep it. I should give it to the most precious person in my life. That's how you value expensive things. " sumagot naman si Chase habang nilalantakan ang bananaque.

"Congratulations nga po pala, Sir.  Nakalimutan ko po kayong batiin."

"Thank you. It's not an achievement, though it's a stepping stone"

Hindi mapakali ang mga mata ni Chase habang tinitignan ang mga mag-anak na kanina pa galaw ng galaw upang mag-handa ng pagkain. He tried to offer some help but they insisted on doing it on their own. Kaya naman parang naiilang siyang nakaupo lamang habang pinagmamasdan ang mag-iina.

"Kain na po Sir" Mabuti na lamang at nakaupo na silang lahat. Napansin niyang siya lamang ang may kutsara at tinidor. Nagkamay sila Lyan at ang kanyang mga kapatid pati na rin ang kanilang Ina.

Chase just stared at them as they eat.

"Oh? A-ayaw mo ba ng ulam iho? Nako allergic kaba sa bangus?" 

"Nako hindi po" maagap naman nitong saad.

Nagulat naman si Chase nang biglang kumuha ng isda si Estella at inalis ang tinik nito pagkatapos ay inilagay niya ito sa kanyang pinggan.

"Matinik lang kase ang bangus pero napaksarap niyang ihawin pagkatapos ay lalagyan mo sibuyas at kamatis sa loob. Tikman niyo po, Sir"

"Ahh" Napahawak si Chase sa kanyang leeg nang makaramdam siya ng tumutusok sa kanyang lalamunan.

"What happened?" his Mom asked.

"Mom, I think I swallowed a fish bone" Mangiyak-iyak na saad naman nito.

"Really? Why? Ilang taon ka na ba para hindi makita ang tinik, Chase?"

"Mommy, masakit po.."

"Wait.. I have a phone call" Nataranta namang tumayo ang kanyang Mommy nang tumunog ang kanyang phone. Mukhang hindi nakapagpigil ang kanyang Daddy at sinundan kaagad niya ito.

"Oh? Hala. Nako po. Sorry, Sir. Si Nanay naman kase kinamay pa" Nainis na saad naman ni Lyan nang akmang kukuhanin niya ang isda sa kanyang palto ngunit hinawakan ni Chase ang kanyang kamay.

"Kakainin ko po ito. Salamat po" He smiled. But his heart is aching as he tried to eat the food. Parang nasagi ang kanyang puso sa ginawa ng Ina ni Lyan. His Mom has never done this before. It was the first time someone boned a fish for him.

"Ang sarap po" Napasinghap naman ito. Hindi na niya namalayan na hindi na siya gumamit ng kutsara at tanging ang kamay niya lamang ang ginamit niyang kumain. Hindi nakailag kay Lyan ang mga mata ni Chase na namumula.

Sinenyasan naman niya ang kanyang Ina upang bigyan pa ulit si Chase.

"Nakakatuwa ka naman Iho. SIge kumain ka pa. Madami akong nilutong bangus para sa'yo" tuwang tuwang saad naman ni Estella kay Chase. Hindi naman inaasahan ni Chase na hahawakan siya ni Estella sa kanyang buhok. She was patting him and that gave in everything the he is holding.

Now he realized where Lyan came from. This house isn't that fancy, but the people in it are one of a kind. He keeps asking to his self, Paano na ang isang taong ito, na humaharap sa mahihirap na pagsubok ng buhay ay nakakangiti pa rin? It was clearly that she looked so miserable a while ago. Paanong nakakangiti siya ngayon? Na para bang wala talagang problema sa buhay.

She was staring at his back for quiet sometime. He seemed to be amazed of the sky above. Dahil walang nakaharang na buildings ang lugar na ito, Chase seemed to enjoy stargazing more. Dahil bukod bundok at puno nakikita mo rin na mas malaking view ang ulap.  Sapat na rason upang ipagpaliban ni Lyan ang pag-papaalala niya kay Chase sa kanyang pag-uwi.

"I love the smell of the air in here. It's also peaceful, and very quiet" Napaayos naman ng tayo si Lyan dahil mukhang nahalata na ni Chase ang presensya niya.

"Nakakalungkot nga lang dahil mabibili na nila ito.." tugon naman ni Lyan.

"Let me stay here for a few more days..."

"Oo, Pwede naman- Ano Po!?" Napalakas naman ang boses ni Lyan na sanhi ng pagkagulat ni Chase.

"I want to experience a life in here." gumuhit ang isang malaking ngiti sa mukha niya.

"Sir, paano ang RosaKing? Isa pa ang mga bata"

"Nah, Hindi naman kita ihahatid dito kung busy ako. As for now maluwag ang schedule ko. Even Kim encouraged me to take a break. He finished some works for me. Nag-iisip nga lang ako kung saan ako mag-papalipas ng ilang araw. "

"Hindi biro ang buhay bukid, Sir. Hindi po bagay sa inyo" nagmatigas naman si Lyan.

"Hindi rin naman bagay sa'yo ang ganitong buhay. You deserve to be more than this. But you're happy. " Napatahimik naman bigla si Lyan. Napatingin naman ulit ito sa malayo. "I've been living a very luxurious life. I want to try something new.If you let me stay in here. I'll give you a bonus"

"Sinong Boss ang ganon?" Nakapamaywang na saad naman ni Lyan. "Ako, may angal ka?" nagsukatan naman sila ng titig ni Lyan. The way she sees it, he looks so serious.

"Just a few days...will do"

"Lyan! Halika saglit!" Napatakbo naman kaagad si Lyan sa kanilang bahay nang marinig niya ang boses ni Estella.

When Lyan left him, Chase made a phone call immediately to a friend.

"Rowin, It's me."

"Yes? Status Report ba?"

"Nope. I need some information about San Silvestre. Gusto kong malaman ang tungkol sa administrasyon dito." Sunod-sunod naman ang pagbuntong hininga nito.

"Akala ko ba ay bibilhin niyo na nag lupang iyan? Also, one of the investors is your future father-in-law."

"I have to think about it again. I haven't made my vote yet. Besides ikaw lang ang nakakaalam na kasama ako sa mga negosyanteng bibili ng San Silvestre. Hindi ko pa ito sinasabi sa iba. "

Biglang napadungaw ang mga mata ni Chase kay Lyan na nag-iigib sa balon. Kasalukuyan niyang kasama si Aries.

"Don't tell me nag-punta ka diyan?"

When Chase became quiet, Rowin then knew the answer "The reality of San Silvestre is hidden to the public, Chase. Mahihirapan tayong humalungkat ng impormasyon. But I'll be careful. "

"Thank you, Rowin. Hindi pwedeng may makaalam nito."

"o hindi pwedeng malaman niya?" Chase halted because of Rowin's words. Nanahimik siya ng ilang segundo nang marinig niya ang tawanan nila Lyan at ng kanyang mga kapatid.

"She will be disappointed in me. "

**

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2
1.1M 13.7K 25
Sabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Eve...
45.5K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...
562K 8.6K 25
She is the legal wife, yet she's the named Mistress..