Love and Lust

By SexStories21

348K 3.5K 127

Part 2 link: https://my.w.tt/eU6WmCRgd2 PAALALA: Ang istoryang ito ay napakaraming kalaswaan! Kung hindi ka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Author's Message

Chapter 9

32.6K 618 47
By SexStories21

5am palang ay nagising ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay saka ko naalalang hindi ako sa bahay ko natulog. Agad akong napabalikwas ng bangon at nang lingunin ang katabi kong natutulog ay, duon ko napansing parehas kaming hubad. Para akong may hang over na hindi makapaniwala sa nakikita ko. Parehas kaming hubad... Saka ko inalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ako nagsisisi at ginusto ko to. Ayokong paggising ko ay makita pa ako ni Danny dito sa loob ng kwarto niya nang ganito ang itsura namin. Hindi ko alam, basta! Nahihiya ako... kasi baka mamaya, nakikita niya lang sa akin si Angeli kaya niya nangyari yun.

Nagbihis na ako at dali daling lumabas ng kwarto nito, pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si lola at lolo sa loob ng kusina na nagluluto.

Tatakas sana ako nang makita ako ng mga ito saka ako tinawag.

"Oh Eunice, iha! Dito kana pala natulog kagabi. Huwag kana munang umalis at dito kana mag almusal, nagluluto kami ng lolo mo." Napahinto ako sa dahan dahang paglalakad na parang pusa saka sila nilingon at ngumiting pilit.

"Ah-eh... u-uuwi lang ho ako saglit lo, la... M-may naghahanap daw po sakin sa shop eh..." pag iiwas ko. Nahihiya talaga ako. Ayoko na munang magpakita kay Danny ngayon.

"O-siya sige. Babalik ka ha." si lolo.

Lumapit ako sa kanila saka hinalikan sa mga pisngi nila, saka na nagpaalam.

-----------------

"Urggggg!!!! Eunice, Eunice! Anong nangyayari sayo?! Bakit parang wala lang sayo ang mga nangyari? Alam mong may Jowa na yung tao, pero nakipag-sex ka parin!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatatalak nalang ako dito sa loob ng kwarto ko.

Pag-uwi ko kasi ag agad na akong dumiretso dito sa kwarto ko, hindi ko na napansin si Yaya na sumalubong sa akin kanina.

"Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya?" Urrgghhh!!! para na akong mababaliw dito! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Papano nalang kapag nalaman ito ni Angeli? Nina Lolo at Lola? Ano nalang ang sasabihin ng mga iyon sa akin? Isa lang naman akong hamak na kaibigan ni Danny.

Hindi ako nagsisisi sa nangyari, pero iniisip ko lang kung ano ang magiging kahihinatnan nito.

Ano naman kaya ang maiisip ni Danny paggising niya. Alam kaya niya ang ginawa niya kagabi? Namin... Magsisisi kaya siya?

Ayoko nang mag isip ng mag-isip kaya  minabuti ko nalang magtungo sa cr at nang makaligo.

------------
Tatambay na muna siguro ako sa shop. Matapos kong mag ayos sa sarili ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.

"Ma'am... kumain kana ba? Nagluto ako ng almusal mo ma'am, kumain kna muna." aya ni Yaya.

"Dalhin mo nalang sa shop Yaya. Papunta ako doon ngayon, doon nalang tayo mag almusal lahat." utos ko naman, saka na ako naglakad pababa ng hagdan.

"Good morning ma'am! Ang aga mo ata ngayon ma'am..." bati ni Cathy.

"Good morning... aysus! Wala kana namang hairnet. Ang aga aga ah." sita ko dito saka ito kinurot ng mahina sa tagiliran, pangkiliti lang.

"Ay, sorry ma'am, katatapos ko lang kasi maglinis eh." palusot pa nito.

"Naku, mga palusot mo... Eh bakit yung dalawang kasama mo naka comple uniform naman." sabi ko at itinuro ang dalawang kasama nito na abala sa paggawa ng Milk Tea sa counter. "Ikaw talaga, isuot mo na yun Cathy, wag kana mag-palusot jan." sabi ko pa saka na nagtungo sa office.

Pagpasok ko nang office ay agad kong tinawag si Cathy dahil sa nadatnan ko sa loob ng office.

"Cathy... halika nga saglit." tawag ko rito, nagmadali naman itong pumunta.

"Bakit ma'am?" tanong nito.

"Anong bakit ma'am? Oh eh akala ko bang katatapos mo lang maglinis, eh bakit nandito pa itong mga walis at map?" pagbibiro ko na nakapameywang pa. "Katatapos maglinis o naglilinis palang?" pabiro kong tanong?

"Hahaha... naglilinis palang ma'am. hahaha." natawa naman ito sa sarili.

Naupo na ako sa harap ng monitor sa cctv, saka inilabas ang laptop ko sa aking bag. Aasikasuhin ko na muna yung schedule nila, saka magrerelease ng sahod nila. Ngayon na kasi ang sahuran nila.

Nagtagal ako sa shop hanggang 5pm saka na umuwi sa bahay. Pag upo ko sa sofa sa may sala ay in-open ko ang cellphone ko. Wala akong natanggap na kahit na anong mensahe galing sa inaasahan kong tao. Oo si Danny iyon. Matapos nang nangyari sa amin kagabi ay ini-expect ko na hahanapin niya ako o pupuntahan man lang. Pero wala. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Nagsisisi na kaya ito?

Nagbihis na muna ako at nag-shower saka humiga sa malambot kong kama. Nakatulala lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala kung papano nagsimula bago ang nangyari kagabi... Hindi ko alam pero parang feeling ko ay hinahanap hanap ko na ito. Nakukuha ko na ang antok nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello? Sino po sila?" tanong ko agad, bagamat numero lang ito at hindi pamilyar sa akin.

"Eunice... Baby..." nawala ang antok ko sa boses na narinig ko, lalo na sa pagbanggit nito sa pangalan ko, hindi dahil na-excite ako, kundi dahil nagdilim bigla ang paningin ko. Si Melvin iyon! Ang dati kong nobyo.

Ayokong makipag-usap sa taong ito, kailanman! At wala akong pakialam kung ano man ang nais nitong sabihin! Binabaan ko ito agad ng telepono saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Mamaya maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe, galing parin sa kanya.

"Eunice... Hayaan mo naman akong mag-paliwanag, please... mahal na mahal kita, alam mo yan." laman ng mensahe.

Matigas na ang puso ko para sa lalaking to, kaya sa halip na replyan ito ay binura ko nalang ang mensahe saka ito bnlock.

Wala pang limang minuto ay nagriring na naman ang cellphone ko. Ibang numero na naman. Hindi parin pamilyar sa akin ang numero. Kahit ilang numero pa ang gamitin nito, wala akong pakialam! Pinatayan ko ito. Wala pang limang segundo ay tumatawag na naman, itong numero ulit. Napa-irap ako saka pinatayan kaagad. Ganun din, agad na namang tumatawag ito. Sa gigil ko, napaupo ako mula sa pagkakahiga at sinagot ko na ito saka nagsimula nang magalit.

"Ano ba?! Tigil tigilan mo nga ako! Kahit ilang numero pa ang gamitin mo, wala kanang mapapala sakin! At yang sinasabi mong mahal mo ako, so what? Hindi na kita mahal kaya tigilan mo na ako, pwede ba?!" pigil hiningang galit ko rito.

"T-teka, teka... easy lang. Ako lang to oh... kaibigan mo." nahiya ako sa sarili ko nang marinig ang boses ni Danny. "Sino ba kaaway mo? Yung gago mong ex boyfriend? Ginugulo kaba niya?" pag aalala nito.

Ang kaninang galit na galit na naramdaman ko ay napalitan bigla ng excitement at saya. Napangiti ako saka sumagot. "Ah-ikaw pala. Hahaha, p-pasensya na Danny, nasigawan tuloy kita." wow, parang nag iba ata boses ko, hahaha, naging pabebe voice.

"Ang kapal naman ng pagmumuka ng lalaking yun. Sabihin mo lang kung ginugulo ka niya at makakatikim sakin yung kupal na yon!" Hala, siya naman ngayon ang galit.

"W-wag na, hayaan mo na yun. Bnlock ko na yun." pabebe voice kong sabi. "Bakit ka nga pala napatawag,  At ibang numero pa ang ginamit mo?" tanong ko rito.

"Ah-eh, kakamustahin lang naman sana kita... buong araw kasi tayong hindi man lang nakapag usap ngayon." malungkot na sabi nito.

Dahil dun ay nalungkot din ako, dahil hindi naman kasi talaga kami sanay nang hindi nagkikita kahit isang segundo lang sa isang araw.

"P-pasensya kana Danny ha... masiyado kasi akong busy kanina sa shop. Sahuran kasi nila kanina." paliwanag ko. Pero ang totoo ay iniiwasan ko talaga ito.. pero sa tingin ko, ngayon palang ay hindi ko na kaya.

"Pwede ba tayong mag-usap ngayon?" alok nito.

Nilingon ko ang oras sa ibabaw ng side desk ng kama ko at 8:05 palang. Maaga pa naman... kaso nakapantulog na ako eh. Wala na akong suot na bra. Tanging suot ko lang ngayon ay mahabang t-shirt at nakapanty lang ako, as usual.

Pero, baka isipin nito na iniiwasan ko siya, na totoo naman... pero ngayon hindi na, at gustong gusto ko na itong makita, na-miss ko na ang mukha niyang chinitong gwapo.

"Sige, lalabas lang ako." Ibinaba ko agad ang telepono saka nagbihis na.

Paglabas ko ng gate ay nabungaran ko kaagat siya. Andito na pala siya sa harap ng gate ng bahay ko.

"A-andyan kana pala... " para naman atang nagkakailangan na kami. Pareho kaming hindi makatingin sa mga mata.

"L-lakad lakad na muna tayo..." aya nito, saka iniabot ang kamay nito para hawakan ang kamay ko. Naiilang man ay inabot ko narin ang kamay ko. Naka-holding hands kami ngayon, at para bang may nararamdaman akong kuryente mula sa paghahawakan namin ng kamay. Urgh! Iba na talaga to, hindi naman dating ganito eh, confirmed! Mahal ko na talaga tong lalaking to.

Nang mapagod kami sa paglalakad ay naupo muna kami sa isang tabi. At doon lamang kami nagbitaw ng mga kamay.

"Ah, L-Lee... Yung nangyari pala kag--" napahinto ito sa sasabihin nang bigla akong sumagot.

"W-wag mong isipin yun Danny. Naiintindihan kita. At alam ko naman nangungulila ka lang kay Angeli." Nakatingin lang ako sa malayo.

"Hindi ganun yun Lee..." Nakatingin na ito sa akin.

"Sabi ko naman sayo, wala yun. Okay lang ako, at wag mo akong isipin." nakatingin parin ako sa malayo.

"Lee... mahal kita... mahal na kita." nabigla ako sa sinabi nito kaya napalingon ako sa kanya, at tumingin sa mga mata nito. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga narinig ko o nagbibiro lang ba ito. "Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ito, pero sigurado akong mahal na kita Lee..." pagpapatuloy nito.

"Danny... 'wag kang magsalita ng ganyan... 'Wag mo akong mahalin dahil lang sa may nangyari sa atin..nalilito ka lang Danny, hindi ako ang mahal mo." sabi ko rito. Ngayon ay magkaharap na kami, face to face.

Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko. "Lee... maniwala ka sakin, mahal kita! Lee, mahal mo rin ba ako?" tanong nito.

Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "P-paano na si Angeli?" bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Lee, tumingin ka sa mga mata ko... wala na kami ni Angeli, at ikaw na ang mahal ko, paniwalaan mo ako Lee... Hindi nalang isang kaibigan ang pagtingin ko sayo..." naluha ako sa tumingin sa mga mata nito.  Bakit ba feeling ko, nagsasabi ito ng totoo?

Niyakap ko siya bilang sagot na mahal ko din siya.

"Mahal mo na rin ba ako?" tanong uli nito habang magkayakap kami.

"Oo Danny... mahal na mahal..." para naman akong naginhawaan nang masabi ko ang mga katagang iyon. Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko ang biglang pag-higpit ng yakap nito.

"I love you Lee!" hirit pa nito na parang umiiyak na rin.

-------------------

Thank you for reading!!!

Kung nagustuhan mo ang kwento ni Eunice Lee, wag kang mahihiyang mag-vote at i-follow ako. Thank you and God bless.

May part 2 na po tayo saistoryang ito. At ito po ang link ng Love and Lust Part II
https://my.w.tt/eU6WmCRgd2

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 114 15
WARNING: MATURED CONTENT "Mahal ko si Atlantis.... pero mas mahal ko si Atlantis."
2.1M 6K 7
Affair 1&2 WARNING R-18 HARRY×STACEY STORY MikexDhana PHOTO CREDIT TO THE RIGHTFUL OWNER☺
187K 1.6K 22
Hello Guys ~ Do not read if your not 18 years old above , This is A Really nasty so its SPG of course. (Dont Read Kung Hindi Ito Maganda sa iyong ti...
32.5K 211 25
ang story na ito ay patungkol na kung saan ang matalik na magkaibigan ay ang kalaguyo ng kanyang mahal ipapaglaban pa kaya nya ang pagmamahal nya ohh...