The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 42

9.2K 395 132
By CovertSolace

Dedicated to josie_rizal

Brave's pov

"Teh, anong oras na oh baka malate tayo sa flight natin nyan." Bungad ni Color ng sagutin ko ang tawag nya.

"Daddy! Excited nako sumakay sa plane!" Rinig ko namang sabi ni Caster na marahil ay karga ng kanyang ninang.

Napatawa nalang ako sa excitement ng dalawa.

Nasa airport na sila ngayon habang ako ay sumaglit muna dito sa opisina upang siguraduhing wala ng importanteng dokumento ang maiiwan ko.

"Oo na, tapos na ako dito tutungo na kami jan kaya stay put lang kayo, okay?" Nakangiti kong sabi.

"Sure teh! Tsaka wala kaming ibang gagawin dito dahil parehas kaming bagong salta sa loob ng airport na toh teh baka mawala pa kami at maiwan pa mga beauty namin noh! Kaya ilaw bilis na jan!" Pagiinarte ni Color.

"Sige na, ingatan mo si Caster ah. Bye." Natatawa kong paalam dito saka binaba na ang tawag.

Di naman ako nag-aalala dahil kasama nila ang isa sa mga bodyguards ko.

Lumabas na ako ng opisina at nagpaalam na sa sekretarya ko.

Nang makalabas ako ng elevator ay naghihintay naman ang isa pang bodyguard na sya umabot sa dala kong attache case.

Papalakad na ako ng lobby ng building ko ng mapansin kong may nagwawalang babae sa may entrance nito.

Pinagkakaguluhan na ito ng mga tao at pilit na pinapaalis ng security.

Akmang lalapit ako ng pigilan ako ng bodyguard ko.

"Boss, baka poh mapano kayo. Hayaan nyo nalang na ang security ang umayos nyan." May concern nyang sabi.

Ngumiti lang ako dito.

"Kumpanya ko ito, dapat alam ko ang mga nangyayari sa loob ng kumpanya gaano man ito kaliit oh kalaking problema ang meron dapat ay aware ako. At saka kasama naman kita." Nakangiti kong hayag na syang nagpapula naman sa pisngi nito.

Tila iba ata pagkakaintindi nya sa sinabi ko. Kahit naman sobrang gwapo nito hindi ako basta basta nagkakagusto kahit kanino.

Agad kong binalik ang tingin sa kumpulan ng tao na nakapalibot sa nagwawalang babae.

Nang makita ako ng mga ito ay nagbigay naman sila agad ng daan dahilan para makita ko kung sino ang nagwawala.

"Bitawan nyo ako! Mga magnanakaw! Ibalik nyo ang pera at kumpanya ko!" Sigaw nito na pilit nagpupumiglas sa mga nakahawak na security.

Tumikhim ako dahilan para mabaling qng tingin nito sa akin.

"I-ikaw?" Tila nabigla nyang sabi.

"Yes, ako nga. Ako ang may-ari ng building na ito. At anong pinagsisigaw mong ninakaw namin?" Taas kilay kong tanong dito.

Kumawala naman ito sa hawak ng mga security.

"Sinasabi ko na nga ba. Ang mga maruruming baklang kagaya mo walang ibang alam kundi ang gumawa rin ng marumi! Ibalik mo ang lahat ng ninakaw mo sa akin! Sa amin ng pamilya ko! Magnanakaw na bakla!" Insultong sigaw nito.

Dinig kong napasinghap ang mga emplayadong nakikiusisa sa amin ngayon.

Nagpintig naman ang pandinig ko sa mga sinasabi nito. Kaya isang malakas na sampal ang binigay ko dito sabay hawak sa kanyang baba ng sobrang diin.

"Ha-hayop ka pakawalan mo ako!" Mahinang saad nya tila nagrerecover pa sa sampal na tinamo nya.

"Ipokreta kang babae ka!" Puno ng gigil kong panimula at mas lalo pang diniinan ang hawak ko sa baba nya na kinangiwi nya.

"Ni isang kusing wala akong ninakaw sa iyo. Lahat ng kinuha ko ay kabayaran sa lahat ng inutang ng sugarol mong ama sa kumpanya ko!" Pagtutuloy ko habang hawak padin sya sa baba.

Hinarap ko ito at hinayaang titigan ako sa aking mga mata.

"At lahat ng kinuha ko sa iyo, lahat ng iyon ay kabayaran sa lahat ng panloloko na ginawa nyo ni Ryuuji sa akin." Pilit kong hinaharap ito sa akin dahil tila nilalayo nya ang sariling tingin sa akin.

"Bakit hindi ka makatingin ngayon? Huh? Bakit hindi mo ipagsigawan kung paano nyo ako ginago? At kung paano mo ginagago ngayon ang ama ng anak mo?" Hindi ko ito tinantanan at pilit na pinapaharap sa akin.

"Kung tutuusin, kulang pa ang lahat ng yaman na meron ka bilang kabayaran sa pagsira nyo sa buhay ko." Tiim bagang ko pading saad dito saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ngayon, mararamdaman mo na kung ano ang pakiramdam ng mawalan. Ang itawid ang isang araw na tanging tubig lang ang iniinom at walang kain-kain. Matitikman mo kung ano ang tunay na pakiramdam ng mga binasura ng taong nakapalibot sa kanya." Saad ko saka pinakawalan at tinulak ito dahilan para matumba ito.

"Sanayin mo na ang sarili mong kumain ng basura. Dahil sisiguraduhin kong walang maibabalik ni isang kusing sa perang kinuha ko. Dahil lahat ng kinuha ko, kinuha ko ng legal at hindi ko dinaan sa pangaahas gaya ng pinaparatang mo." Galit kong saad parin dito.

"Sa susunod na magwawala kapa ulit dito sa kumpanya ko, sisiguraduhin kong ipapakulong kita at hinding hindi kana makakalabas pa." Pagtatapos ko sabay baling sa mga security na nakatayo sa lilod nya.

"Ilabas nyo na ang basurang yan, pag nagpumiglas ipahuli nyo sa pulis." Utos ko sa mga ito sa dinukot ang shades mula sa bulsa ng aking winter coat at sinuot ito sa harap nya.

Kita ko ang panggagalaiti nito ngunit nginitian ko lang ito saka tumalikod at tingungo ang exit.

"Hayop ka! Hayop ka!" Rinig kong sigaw nito na nagpangiti pang lalo sa akin at tuluyan nang tinahak ang aking sasakyan.

...

Nang makalapag na kami sa Japan ay dumeretso muna ako sa kumpanya. May sampung building ang tinayo dito ngunit nasa mismong tokyo ang main branch ng kumpanya.

Kasama ang hinandang interpreter ni tito Arkin para sa akin.

Napakalaki ng building na ito ngayon at nagtinginan ang lahat matapos akong pumasok.

Nang makita ako ng director na namamahala sa mga branch dito sa Japan ay ngumiti ito at nakipagkamay sa akin.

"Welcome to Tokyo branch mr. Castero. I am very pleased to meet the new and only heir to the R-C empire." Bungad nito sabay abot ng kanyang kamay.

"Thank you, Director Kanturo. I am very much excited to be here." May galak ko ding sagot dito habang nakikipagkamay.

"Would you like me to give you a tour to the entire building?" Pag-aalok nito.

"No thank you, but I want you to set a meeting for the entire ceo of R-C Japan branch. Let them know that I am here and I will introduce myself to each of them as the chief director of R-C Empire. Please set the meeting tomorrow. As of now, I would like to visit the office of director Iori." Mahabang paliwang ko dito na tumango lang at yumuko habaang tinuturo sa akin ang opisina na aking sinadya ngayon. Ngumiti ako at yumuko din dito at saka tinungo na ng opisina.

Nang mabungaran ako ng sekretaryang nakaupo ay agad itong tumayo at yumuko ngunit naggesture dito na umupo nalang na syang ginawa rin nya.

Kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang matandang nakaupo sa kanyang desk at abalang tinitignan ang bawat dokumentong nasa table nya.

Kinakabahan man ay ako na ang unang nagsalita.

"Good afternoon senior director Miyaki Iori." Panimula ko na syang kinatingin nito sa akin.

Kita kong lumaki ang mata nito ng makita ako.

"May god. You really do look like Julius." Saad nitong tila gula. Napangiti nalang ako ng alangnin dahil hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan .

Tumayo ito at lumapit sa akin. Aktong yuyuko na sana ako dito ng yakapin ako nito na kinabigla ko.

"At last, at last! I have been telling Arkin to look for you as soon as possible." Saad ng matanda habang yakap ako.

"I did not know that it would take this long for you to come here." Saad nya saka kumalas sa yakap.

"I'm glad to see you Senior Iori. Its a long story on why it took so much time for me to be found. But what matters most is that I am here now." Nakangiti kong sagot dito.

Matapos ang kamustahan at pakikipagkilala ng lubusan ay inexplain na sa akin ng matanda kung bakit nya ako pilit na pinapahanap sa pinas.

Dahil pala ito sa kumpetensyang nangyayari between ceos' and directors. Lahat sila ay pinipilit pababain si senior Iori sa kinauuouan nitong posisyon.

"Your father and I, made this company here in Japan, with thoughts of preparing the future of our own families. But, the entire idea of this company was made by your father. He is a business genius indeed, he just needs proper support which my purpose came in. He built the idea and I lend him all the support he needed. I thought my role would end after I received his payment for all the money I have lend him, but after marrying to Hope, he left Japan and went back home. He left the management of the entire company in my care. When the news broke out of his and his wife's passing, only then was I informed that the entire wealth of the company here is placed under his name. And from there directors are fighting over to whom will the company abide, however, I fought for my right up until now to wait for the right time for the heir to come and take all that belongs to his father." Mahabang pageexplika nito sa akin. Di ko alam kung paano ako magrereak sa sinabi nya.

"Now that you are here, I think it is about time for me to retire." Saad nya na kinagulat ko. I'm not expecting a retirement coming from him.

"No, no. You got it wrong Mr. Iori. I'm not here to take over the position. I'm here for a company visit." Tarnta kong saad dito na kinakunot ng noo nya.

"You need to take over the company to stop others from stealing away what is righfully yours." Saad nya.

"I'm here to do something. And besides what about your family? Aren't their future part of this company? Please, I need you to continue looking after the company here in Japan. I'm not staying here for good. I need to go back to the Philippines." Pagmamakaawa ko dito.

Hindi ko kakayaning patakbuhin lahat ng kumpanyang ito, baka lumubog lang ito pag hinawakan ko lahat ng mag-isa.

Nakita kong ngumiti ito.

"What a good child you are, thinking unselfishly. Others, might take my words as an opportunity to have a hold over this power that we both have in the business world." Saad nya. Para ko lang syang lolo kung ituring ako nito.

"Do not worry child. My youngest son, Kaito is working as my assistant and he would gladly and whole heartedly work under your power. I cannot do this works anymore and so I definitely need someone to take the responsibility from me." Paliwag nya na tila naman nagpalambot sa puso ko. Kita ko naman talaga ang katandaan sa mga kulubot sa mukha nito, pero kahit ganoon ay ramdam kong masaya sya sa naging buhay nya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"I hope I can meet him during my stay here in Japan." Mahina kong saad sa kanya. Ngiti lang ang sagot nito sa akin.

....

Matapos ang usapan namin ng matanda ay nagpahatid na ako sa bahay na binili rin ni papa dito sa Japan. Wag na kayo magtaka kung bakit kabisado ko lahat ng ito. Dahil nga nag-aaral palang ako sa amerika ay inalam ko na lahat ng minor at major assets ni papa at ni mama. Kaya alam ko kung san pa ang mga ari-arian ng mga magulang ko. And I will one day visit all of them.

Hindi ganoon kalaki ang bahay di gaya sa mansion sa pilipinas ngunit tama lang din naman ang laki nito. Dalawang palapag na concrete house lang din ito.

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang dlawang nakacostume na mga binabae.

Si Caster na nakatinkerbell at si Color na naka Elsa.

"May ghaad Color! Pinagsusuot mo?" Natatawa kong saway dito. Para kasi syang tomboy na Elsa na nakawig pang puti.

Buti nalang si Caster mejo feminine yung features kaya bumgay naman ang costume nya.

"Imbyerna ka teh ah, ako si Elsa ngayon!" Pagtataray nya sakin na kinatawa ko lang.

"Daddy diba sabi mo pupunta tayo ng disneyland diba daddy?" Excited namang tanong nito sa akin.

Natawa nalang ako at umoo dito. Ang cute kasi nyang tumatalon talon pa.

Hapon pa naman kaya agad kaming pumunta ng Disneyland. Nasa entrance palang kami pero napakaraming tao na.

Pumila kami sa mga bilihan ng ticket at binilhan ko sila ng sari-sariling unlimited rides.

"Daddy paano poh ikaw?" Concern na tanong ng anak kong nakatingala sakin.

Umupo ako upang magkaabot kami. Ginulo ko ng konte curly na buhok nito.

"Okay lang si daddy, ang gusto ko mag enjoy ka. Enjoyin mo lahat ng binibigay ni daddy syo okay. Mahal ka ni daddy." Saad ko dito ng nakangiti.

Nabigla ako ng halikan ako nito sa pisngi at yakapin ng mahigpit.

"Salamat poh daddy." Napayakap naman ako dito at kinarga ito. Kita kong nakangiti din si Color sa amin.

Sobrang dami na ng tao ng makapasok kami sa loob. Kaya naman sinabihan ko si Color na laging dumikit sa kanyang guard at laging magpasama kahit san sya pumunta para kahit malayo kami ay mapupuntahan padin namin ang isat-isa. May direct line kasi ang dalwang guard na kasama namin ngayon.

Masaya kong pinapanuod at pinipikturan si Caster sa bawat rides na angkop sa edad nya.

Natutuwa akong nakikita syang nakangiti. Natutuwa ako pag tumatawa sya. Nakakagaan ng loob.

Gusto kong maenjoy nya ang lahat habang kaya ko pang ibigay sa kanya ang mga ito. Hanggat andito pa ako ay ipaparanas ko sa kanila ni Color ang maging masaya.

Speaking of Color, hindi ko na alam kung san sya nagpunta. Hinayaan ko nalang dahil ang mahalaga ay kasama nya ang bodyguard para di sya mawala mag isa.

Inutusan ko namang bumili ng ice cream yung bodyguard na kasama ko na kanina pa nakatitig sa akin. Mejo naoawkward nako sa titig nya eh.

Nang makaalis ito ay sya namang lapit sakin ni Caster na kakababa lang sa sinasakyan nyang carousel.

"Oh, pagod na ba ang anak ko?" Tanong ko dito saka ito binuhay.

Umiling lang ito ng mabilis at kinatawa ko nalang.

"Daddy oh si mickey!" Turo nya sa nagpaparade na mga characters ng disney.

Binaba ko ito dahil nagpupumiglas ito para makita ang parade ng mga cast. Nang maibaba ko sya ay agad syang tumakbo at nakisiksik sa mga nakaabang na tao.

Pilit ko itong ihabol at tinawag ang pangalan upang wag malingat sa paningin ko.

Ngunit sadyang napakaliksi nyang bata at sa isang iglap nawala na sya sa mga kumakapal nang hilera ng mga taong nagaabang.

Kinabahan ako ng di ko na sya maaninag kaya pinilit kong isiksik ang sarili sa dinaanan nya habng tawag ang pangalan nya. Ngunit sa kasamang palad naman at nagsimula na ang pagtugtog ng mga nagpaparade kaya tila naging bulong nalang ang sigaw ko. Wala nang pumapansin sa akin dahil busy ang lahat sa pinapanuod nilang parade.

"Caster!" Sigaw ko at di ko na namalayang umiiyak na ako kakahanap sa kanya. Mejo mahaba pa ang parade at lalong dumarami ang mga taong nanonood.

Naabot ko na ang dulo ng linya ng mga tao sigaw-sigaw ang pangalan ng anak ko.

Sa wakas ay natapos rin ang parade at unti-unting nawala ang kumpulan ng mga tao ngunit wala paring bakas ni Caster.

Patuloy parin ang agos ng aking luha sa kaba.

"Diyos ko, san ko hahanapin ang anak ko." Mahina kong saad. Di ko alam kung san nako napunta at hirap ako magtanong dahi halos lahat ng andito ay hapon. Hindi ko narin alam kung san ako babalik para sana magpatulong ng paghahanap sa bodyguard ko at least sya marunong sya ng nihonggo.

Patuloy akong naglakad at nagtatanong tanong baka sakali may makaintindi sa akin.

Napahaplos nalang ako sa aking noo sa pag-aalala nang mabaling ang tingin ko sa isang bench kung san may nakaupong bata na kumakain ng ice cream katbi ng isang gwapong binata. Nang mmukaan kong si Caster nga ito ay halos hindi ako magkamayaw na tumakbo habang sigaw ang pangalan nya.

Nang mapalingon ito sa akin ay agad itong tumayo at sinalubong ako ng yakap. Kinarga ko ito at inalo dahil umiiyak na ito na humihingi ng sorry.

Kung pasensya lang ang usapan ay napakataas ng pasensya ko sa mga bata. Lalo pa at anak ko.

Nng mhimasmasan ito ay nagexplain ito sa akin at tinuro ang binatang ngayon ay nakatayo na at nakangiti. Sya daw ang tumulong sa kanya dahil iyak lang daw ang nagawa nya nung di na nya ako maninag.

Hinarap ko naman ang lalake at takte lang para akong nahihypnotize sa kanyang ngiti. Napakagwapo niya. Para syang anime na nagkatawang tao.

Ilang segundo din akong natulala ng tawagin ni Caster ang pangalan ko.

"I-i'm sorry. Ahm, thank you for keeping my son safe. I awe you a lot." Pagpapasalamat ko dito.

"Not a problem. She was crying in the middle of the crowd, I felt sad looking at her so I approached her and asked if she was lost. She just nodded at me so I decided to buy her ice cream and help her find you and her mom in the customer service booth." Paliwanag nito. Nabigla ako sa pagiging fluent nito mag salita ng igles kahit pa isa syang hapon.

"Thank you so much for helping my child. But, he is a he not she. And i'm his adoptive dad." Pagpapaliwanag ko dito na tila nagpabigla sa kanya.

"I see, well you both looked really cute." Nakangiti nyang saad na lalong nagpasingkit sa mga mata nya.

"Please, I want to return the favor. Let me treat you on a meal." Saad ko sa kanya.

"No, you don't have to. I am glad to help others, I am not asking for anything in return. Just please take good care of your child." Graceful na pagtanggi nito.

"No, I insist. Please." Gusto ko talagang ibalik sa kanya ang kabutihang ginawa nya. Gusto kong maramdaman nyang appreciated ang ginawa nya, so when he will be again faced with the same situation, he will remember that he was once appreciated and so hindi sya magdadalawang isip ulit na tumulong. Kita kong nag-isip pa ito at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Well if you insist, then I guess there's no harm in having new foreign friends." Sagot naman nya na kina ngiti ko din.

Syet naman ang gwapo ng isang toh! Sigaw ng malandi kong utak.

"By the way, may I know your name?" Syempre kikilalanin muna pangalan bago makipagkaibigan.

































"I'm Kaito, but you can call me kait." Sagot nyang nakngiti habang nakikipagkamay.

Itutuloy....

_____________

A/N

Hola! Kamusta kayo? Wala ako update ng ilang araw dahil sa mga holidays! Charot! Basta akin nalang na mga rason yun.

Shout-out kina:

michael_bio19- belated happy birthday teh!

janual001- thanks sa support

Few chapters to go guys!



I love you josh ❤️❤️❤️ 🥰🥰

Continue Reading

You'll Also Like

62.4K 3.4K 50
Mavis Lim was a explorer boy in his life. May mga curiousity siyang nabubuo kaoag nakakakita ng bagay pero hindi naman ibig sabihin nito ay papatulan...
85.1K 4.6K 36
Xyrelle and Xyreinne are twins, pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Xyreinne dahilan upang mangpanggap si Xyrelle bilang si X...
287K 11.4K 38
|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-isa. Kahit na anong estado nating dalawa...