Beautiful Days (Completed)

By YorTzekai

245K 7K 479

BOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala... More

Beautiful days (boyxboy)
Kabanata 1
kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 13
Kabanata 14- collab with SO INTO YOU of Ytianity!
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
WAKAS!

Kabanata 17

7.3K 246 9
By YorTzekai

Pagdating sa Cebu ay agad kaming kumuha ng taxi. Para sa akin,walang panahong dapat masayang,mga magulang ko ang pinag uusapan kaya kung kaya ko lang lumipad ay lumipad na ako.

"ChongHua hospital,noy." sabi ko sa taxi driver ng makasakay kami. Napalingon sa akin si Kiarr.

"Im sorry,sumama pa ako. Pakiramdam ko ay pabigat ako." aniya. Nginitian ko sya at sinagot.

"Ano ka ba? Diba gusto mong pumunta talaga dito? Hindi ka pabigat." ani ko.

"Salamat ah? Huwag kang mag alala,hindi kita iiwanan." ani Kiarr at ngumiti. Somehow,may ibang meaning sa akin ang sinabi nya.

Pagbaba sa taxi sa tapat ng ospital ay nakita ko agad ang pinsan kong si Kryann na may kausap na binata.

Bakit dito sila sa labas nag uusap?

Tinanguan ko si Kiarr at lumapit na kami sa dalawa.

"Nasan sina Mama at Papa?" ani ko kaya napatigil sa pag uusap ang dalawa.

"Oy! Gaw? Naabot na pala ka!" (uy! Insan,dumating kana pala.) ani Kryann,tiningnan nito si Kiarr at tiningnan ko naman ang kausap nyang binata. "Kinsa ni?." (Sino to?)

"Aw! Kiarr,meet my cousin,Kryann and..." hindi ko kasi alam yung pangalan nung isa.

"Coshie po!" anito at ngumiti. Hmmn,emo? Punk? Rocker? Gwapo sya ah? Napaka gothic ng porma.

"Ah,Ako naman si Kloyy?At ito si Kiarr." at bumaling ako sa pinsan kong biglang nanahimik. "Nasan sila?"

"Unsa na? Uyab nimo?" (ano yan? Boyfriend mo?) ani Kryann kaya hinampas ko sya sa braso.

"Dili oy! Kaw ba,napaka hugaw ng imong utok!" (Hindi! Ikaw ba,napaka dumi ng utak mo.)

"Nahawa lang. Okay,tara na sa loob."

Tiningnan ko si Kiarr,at mukhang hindi naman nya naintindihan ang pinag usapan namin.

Pagdating sa private room ay may dalawang hospital bed. Parehong tulog sina Mama at Papa. Sinabi ko kay Kiarr na ilagay muna sa gilid ang bag nya,saka ako lumapit sa mga magulang ko.

"Anong nangyari?" ang paglingon ko kay Kryann. Lumapit sya at tumabi sa akin,samantalang si Kiarr at Coshie ay naupo sa sofa.

"Dinalaw nila ang isa sa mga planta nyo. Nagkaroon ng aksidenteng pagsabog. Mabuti na lamang at may humila sa kanila palabas,nagkaroon ng 3rd degree burn ang mga hita nila." ang sagot ni Kryann.

Napatakip ako sa bibig. Salamat na lang sa Diyos at nakaligtas sila. Kung hindi,hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ang mga tauhan?" pagkuway tanong ko ulit.

"Wala namang namatay,lahat mga minor injuries lang at naayos na naman ng abogado,pati ang mga damage." sagot ni Kryann. "One week na sila dito,after two o three days pwede na silang maka uwi."

"Ganon ba. Salamat sa Diyos." ani ko. "Ikaw? Baka naaabala ka na?"

"Okay lang. Mahal ko kayo eh. Nag resign na ako,at nagprivate tutor na lang dyan kay Coshie,and at the same time binabantayan sya. Hindi ako makatanggi sa parents nyan eh." at lumingon kami sa sofa kung saan tahimik na nag uusap si Kiarr at Coshie.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Kryann at Coshie. Tumabi ako kay Kiarr sa sofa.

"Salamat sa Diyos at okay naman pala ang parents mo." ani Kiarr at humikab.

"Oo nga eh. Pero pagod ka na. May malapit na hotel dito,samahan kitang mag check in." ani ko at tumayo.

"No,huwag na. Dito na lang ako sa sofa. Diba sabi ko sayo,hindi kita iiwanan." aniya,sa sinabi nya ay parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag,but it felt warm hearing those words.

"Nicolo?" sabay kaming napatingin ni Kiarr sa nagsalita. Si Mama pala,gising na! At si Papa na nagising lang din. Agad akong lumapit at magkasunod silang niyakap.

"Pasaylo-a ko,Ma,Pa. Hindi ko na po kayo iiwanan. Hindi ko na uunahin ang sarili ko." ang sabi ko at hindi mapigilang maiyak pagkatapos ko silang yakapin.

"Okay lang anak. Napatunayan mo namang,matatag ka,matapang at independent." ani Mama at ngumiti.

"Were proud of you,at sana totohanin mo ng hindi ka aalis na ulit." dagdag ni Papa,sabay nilang nilingon si Kiarr. Kaya tinawag ko ito at pinalapit.

"Ma,Pa. Si Kiarr po. Kaibigan ko. Kiarr sila ang parents ko."

"Magandang araw po." magalang na bati ni Kiarr.

"Nasan sina Winji at Keejay? Pati si Clive? Diba sila mga kasama mo?" ani Mama matapos ngitian si Kiarr.

Kahit hindi pa nila nakikita si Clive,kilala naman nila. At hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ang lahat lahat. Kung dapat pa ba nila itong malaman.

"Mukhang pagod na si Kiarr. Sa bahay mo na sya patuluyin. Ikaw din magpahinga ka na. Mukhang pagbaba pa lamang ng barko ay dito na kayo dumiretso." ani Papa at nginitian si Mama.

"Pero walang magbabantay--"

"Huwag kayong mag alala,may mga nurses naman na nag ra-rounds. Bukas na lamang kayo bumalik." ang pagputol ni Mama sa sasabihin ko.

Wala na kaming nagawa kundi sundin ang gusto ng parents ko. Nag taxi ulit kami ni Kiarr,at halatang namamangha sya sa Cebu.

"Ang linis dito!" aniya habang nakatingin sa labas. "Anong building yang maliwanag na puro Christmas light?."

"That's the famous Crown Regency Hotel. Pinakamataas na building dito sa Metro Cebu." ang sagot ko naman. Nakapag plano na ako na ipasyal sya bukas pagkagaling namin sa ospital,para naman hindi sayang ang pagsama nya dito.

Sobrang pasalamat ko talaga sa Diyos na hindi sobra ang nangyare kina Mama at Papa. Kaya bukas ay pupunta din ako sa Sto.Ninyo Church o sa Metropolitan Cathedral Church.

Pagdating sa bahay ay agad kong iginiya si Kiarr sa guestroom. Parang nanibago pa nga ako sa bahay,ilang taon din akong hindi nakabalik dito. Excited din tuloy akong puntahan ang dati kong kwarto.

"Kiarr,magpahinga ka na. Bukas madami tayong gagawin." ani ko ng madala sya sa guestroom.

"Maraming salamat talaga,Kloyy ah? No wonder talagang nainlove sayo si kuya Adonis." anito ng maupo sa kama.

"Nambola ka pa!" ani ko at ngumiti. May plano din akong isa pa,pero saka na yon dahil madali lang naman.

"Oo nga! Pero teka,may beer ba kayo dito? Kahit dalawa lang." anito at ngumisi kaya natawa ako.

"Sabi ko na nga ba. Hintayin mo ako ikukuha kita."

Tatlong beer in can ang binigay ko kay Kiarr,sakto na siguro yon para makatulog sya,tutal gaya ko ay pagod din sya sa byahe.

"Maraming salamat,Kloyy!"

"Wala yon. Pag may kailangan ka,katukin mo lang ako,nasa dulo ng hallway ang kwarto ko." ani ko at lumabas na. Hinila ko na ang maleta at pumasok sa kwarto ko.

Napasinghap ako,walang pinagbago. Napaka nostalgic. Pati ang mga posisyon ng mga gamit ay hindi nagbago,parang hindi ako umalis,parang hindi ko iniwan ang kwartong ito.

Humiga na ako sa kama,sakto tumunog ang phone ko,kaya agad ko itong kinuha sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Winji pala. Anong kailangan ng malditang to? Pagod na ako eh.

"Tulog na ako." agad kong bungad ng sagutin ko ang tawag.

"Pwes,magigising ka dahil sa sasabihin ko." seryosong sabi naman ni Winji kaya napabangon ako.

"Ano na naman yan,Ji?"

"Nasan ka munang baklita ka?"

"Nandito ako sa Cebu,nadisgrasya ang mga magulang ko."

"At sinong kasama mo?"

"NBI? Ikaw ba yan? Nahawa ka na kay kuya Uriel ah?"

"Huwag mong dinadamay ang pagod! Hihi!"

"Tangna! Mabungi ka sana! Ano nga sasabihin mo?" ang landi nito ni Winji. Buti hindi nalalapnos balat ng junjun ni kuya Uriel,nakaka buang! Napaka bigaon haha!

"Edi mas masasarapan si Dhie! Anyway. Sumugod dito si Clive,asking us kung alam daw namin kung nasaan ka,mula daw ng huli kayong magkasama hindi ka na daw nya nakita,wala ka din daw sa apartment. My gawd! Nandyan ka lang pala sa Cebu?" dirediretsong sabi ni Winji. Napakagat ako ng labi,kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyari,he's my bestfriend.

"Ang totoo nyan,Ji. Matagal na akong wala sa apartment. Lumipat ako sa bahay ni Adonis kasama ang kapatid nya,naghati kami sa mga ari-arian,kahit ang tropa hindi alam ang bahay ni Adonis,at kakadating ko lang dito sa Cebu."

"Oh,I see. Nag away ba kayo ni Poging Clive? Walang pagbabago relasyon nyo ah? Parang pagong."

"Ano ka ba? Wala naman syang karapatang hanapin pa ako. Magkaibigan lang kami,alam mo yan. Wala akong planong guluhin sila ni Yannah." ani ko,hindi ko na sasabihin na inaway ako ni Yannah,baka awayin yon ni Winji,madamay pa sya.

"Hindi ganyan ang pagkaka alam ko. Mahal nyo isa't isa. Hindi nga lang pwede dahil commited na si Clive sa pangit na yon." ani Winji,tas narinig ko syang umungol. "At alam mo ba? Sumugod din dito ang pangit na yon? Sinabihan ako na pagsabihan daw kita,dahil hindi daw natin magugustuhan ang gagawin nya,as if natatakot ako. Kaya sabi ko,sige lang,tingnan natin sino iiyak sa inyong dalawa."

Napatayo ako at nanlaki ang mga mata ko. Nako,lalong magagalit si Yannah nito,isipin nya talagang inaahas ko si Clive! Baliw talaga tong si Winji.

"Hala? Talagang sinabi mo yon--"

"Aahhh! Pota Dhie,ano yang..Aaahh shit!" ang sabi ni Winji.

Ano yon? Bakit lahat na lang nakakausap ko sa telepono ganyan?

"Hoy! Winji! Mamaya na yan--"

"Tawagan na lang ulit kita next time. Ugh! Takte ang saraaapppp--"

Naputol na ang tawag. Muli na akong humiga at natulala sa kisame. Paano ko ba mapapatigil si Clive? Sa ginagawa nya,baka lalong lumala at lahat.

At aaminin ko,sa ginagawa nya,nagkakaroon ako ng pag asa na baka talagang gusto din nya ako. Ayaw kong magpaka ipokrito,pero bigyan lang nya ako ng karapatang ipaglaban sya ay ilalaban ko talaga sya.

Even if it means breaking Yannah's heart.

- MUSTA? OH AYAN NA INTROVERT HAHAHA! Siguro mga 10 chapters pa ay tapos na ito :) comments and votes kung nagustuhan nyo! :3

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
3.8K 215 23
Reese Montemayor a simple yet cute hardworking gay na mahilig mapag-isa, simula nang mamatay ang kanyang mga magulang ay mag-isa niyang hinarap ang p...
533K 22.2K 30
*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswe...
171K 9K 46
Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are similar to that series. Manuscript: He's no...