Secret lovers

נכתב על ידי Markshin

1.4M 22.5K 2.1K

Zia Hernandez knows how to handle her perfect life. She's an A-list. A good daughter, A very good student, A... עוד

Secret lover
Chapter 1: Partner in crime
Chapter 2: Sweet morning
Chapter 3: The beginning
Chapter 4: A few inches away from you
Chapter 5: Let's get study
Kindly read!!!!!
Chapter 6: Let's dance
Chapter 7: CLOSE
Chapter 8: You are not good for me
Chapter 9: Let's forget each other
Chapter 10: I HATE HIM
Chapter 11: So close
Chapter 12: Alam nya ba
Chapter 13: Zia VS Trixie
Chapter 14: She knows
Chapter 15: Big news
Chapter 16: Breaking the rules
Chapter 17: Tao sila hindi bagay.
Chapter 18: Separate ways
Chapter 19: I don't care about her
Chapter 20: We can't be
Chapter 21: The engagement
Chapter 22: Everything's gonna be alright
Chapter 23: Official Lovers (Ikalawang yugto)
Chapter 24: Living together
Chapter 25: Dalawa tayo
Chapter 26: Two weeks relationship
Chapter 27: Tampuhan
Chapter 29: Wag mo akong iwan
Chapter 30 : Pagod na.
Chapter 31: Updated.
Chapter 31: Isip at puso
Chapter 32: Si Imelda
Chpater 33: Alipin at master
Chapter 34: The compromise
Chapter 35: Daddy
Chapter 36: Thank you
Chapter 37: Seloso
Chapter 38: My Yuan
Chapter 39: Separated Lovers (Ikatlong Yugto)
Chapter 40: Moving on
Chapter 41: I love you so
Chapter 42: Zia
Chapter 43: It's just a dream
Chapter 44: Mahabang panaginip
Chapter 45: Para kaming hangin sa isa't isa
Chapter 46: Because he loves me so much
Chapter 47: My weakness
Chapter 48 : Marry your daughter
Chapter 50: Last goodbye
Epilogue

Chapter 28: Masaya kana?

19.1K 470 49
נכתב על ידי Markshin

Yuan

Nakatingin ako sa nag lalakad na si Zia, Nakaramdam ako ng inis ng mag paalam sya kay Rico at hindi sa’kin. Alam kong naiinis sya sa’kin dahil hindi ko sya pinapansin, naiinis kasi ako dahil hindi nya sinasabi sa akin kung anong mga ginagawa nya. Ako ang fiancé nya tapos sa ibang lalaki sya nag papaalam. Ano yun gaguha? Nakakawala ng mood.

“Alam mo ang tanga mo.” Pukaw ni Mico. Tumingin ako sa kanya

“Bakit naman?” Sagot ko. Ano na naman ang ginawa ko, lagi nalang ako ang may mali kapag nag aaway kami ni Zia. Minsan feeling ko mas kampi sila kay Zia kaysa sa’kin.

“Kasi hinahayaan mo ang fiancé mo na mag lakad ng mag isa.”

“Alam mo kasi, maganda ang fiancé mo, matalino pa, sexy pa-“

“Sige Rico ituloy mo pa at dudugo na yang bibig mo.” Banta ko. Hindi matanggap ng tenga ko ang mga sinasabi nya. Gusto ko na ako lang ang nakakapansin ng mga sinasabi nya. Ako lang.

“Seloso ka pala?” Wika nya saka tumawa. Lalo pa akong naiinis sa tuwing naaalala ko na sya ang dahilan kung bakit kami nag away ni Zia. Inakbayan ako ni Mico at tinapik sa likod.

“Yuan, tigilan mo na kasi yang pagiging isip bata mo at humingi kana ng sorry.”

“Oo nga, hindi mo ba naisip na nag effort pa yan na sumama dito imbes na atupagin ang mga school works nya, sige ka, kapag yan, nakahanap ng mas gwapo sa’yo dito, iyak tawa ka.” Dagdag ni Rico. Naikuyom ko ang mga palad, habang iniisip ko na may ibang lalaking kayakap si Zia.

“Arghhh! Subukan lang nilang agawin ang AKIN, hindi na sila sisikatan ng araw!” Sigaw ko saka mabilis na nag lakad para sundan ang babaeng nag papasakit ng ulo ko.

“Sabi sa’yo konting push lang yan eh.” Dinig kong wika ni Mico.

“Patay na patay eh.” Dagdag ni Rico.

Hindi ko na pinansin ang sinabi nila, kinuha ko ang puting t-shirt at dire-diretso akong lumakad para makalapit agad kay Zia. Saglit akong huminto ng malapit na ako sa kanya. Mabagal syang nag lalakad na parang nag iisip. Ano kayang iniisip nya? Ako kaya? Pinag aralan ko ang itsura at galaw nya. Naka-dress sya na hanggang hita na pinarisan nya ng headband ribbon. Ang sarap nya sa mata kaya hindi na ako mag tataka kung pati mga lalaki dito sa beach ay nakatingin din sa kanya, because she’s so pretty to ignore.

Tumingin sya sa dagat at pinanuod ang mga nag susurfirng doon. Pinapanuod nya rin kaya kami kanina habang nag susurf kami? Para akong nakakita ng isang napakaganda tanawanin habang tinitingnan ko sya na nasisinagan ng palubog na araw. Masyado na akong na huhumaling sa kanya.

“Hi miss, are you alone?” Tanong ng isang lalaki kaya agad ang salubong ang mga kilay ko. Ang lakas ng loob ng gago na lapitan ang pag mamay-ari ko. Tang-ina. Lalapit na sana ako ng mag salita si Zia.

“No, I have a fiancé.”

“But where is he?” Mapilit na tanong ng lalaki. Nakita kong natigilan si Zia at mukhang nag iisip kung anong issasagot.

“He’s in our-“

“Baby, sorry na, I’ll make it up you, I promise.” Singit ko saka sya niyakap at hinalikan sa noo. Nakita ko ang pag kagulat sa mukha nya at ang pag kadismaya naman ng lalaking nasa harap nya. Tang-inang ‘to ang lakas ng loob na lumapit sa fiancé ko, basagin ko pag mumukha nito eh. Tumingin sa akin si Zia na parang sinasabi na anong ginagawa ko doon? Kaya ngumiti lang ako at lalo ko pa syang hinapit sa bewang para ipakita sa hayop na lalaking nasa harap namin na akin lang sya. Akin lang.

“Ahhh sige. Nice meeting you nalang, kapag naisipan mong hiwalayan ang lalaking yan, tawagan mo lang ako.” Preskong wika ng lalaki saka inabot ang isang calling card kay Zia pero agad kong kinuha at pinunit.

“Hindi nya kailangan na tawagan ka dahil hindi mangyayari na mag hihiwalay kami at kung gusto mo pang mabuhay, umalis kana sa harap ko bago pa kita mapatay.” Sagot ko sa lalaki saka nya tinaas ang dalawang kamay at umalis. Gusto ko syang bugbugin pero mahigpit na nakahawan si Zia sa bewang ko na parang sinasabi na wag akong gagawa ng gulo.

“Yuan, Control your temper.” Paalala nya pa kaya huminga ako ng malalim para alisin ang galit ko. Kung hindi ko lang sya kasama, kanina ko pa binugbog ang lalaking yun. Napatingin ako sa kanya ng bitawan nya ako at nag lakad ulit palayo. Naalala nya siguro na mag kagalit pa kami. Kasalan ko naman kasi.

“Zia, sorry na…” Lambing ko saka sumunod sa kanya. Para akong asong ulol na nakabuntot sa kanya.

“Bakit ka nag sosorry? Saka himala kinakausap mo’ko?” Sarcastic nyang sagot saka ako inirapan.  Hindi ko na pigil ang mapangiti dahil sa tuwing ginagawa nya yun, lalo lang ako na nababaliw sa kanya.

“Zia naman, sorry na nga, kasalanan ko na kaya bati na tayo.” Pag mamakaawa ko sa hinawakan ang braso nya pero nag pumiglas sya at lumayo sa’kin

“Wag mo nga akong hawakan!” Sigaw nya. Galit na naman sya pero hindi ko pa rin magawang tumigil. Gustong gusto ko kapag hinahabol ko sya.

“Anong gusto mong gawin ko para mawala na ang galit mo?” Tanong ko habang nag hahabulan kami. Hindi sya nakatingin sa’kin at patuloy lang nag lakad ng mabilis. Palayo na kami ng palayo sa mga tao.

“Zia! Kausapin mo naman ako!” Pero kahit anong gawin kong pag papapansin ay hindi nya ako kinausap kaya sa inis ko ay inilang hakbang ko sya at hinapit sa bewang para bigyan ng halik sa labi. Nag laban ang mga dila namin habang binubuhos ko ang lahat ng pag kasabik ko sa halik na yun.

“Yuan bitawan mo’ko!” Sigaw nya saka ako tinulak. Muli syang nag lakad balik pinanggalingan namin kanina at muli ko rin syang sinundan. Naguguluhan na ako sa kanya dahil alam kong gusto nya ang halik ko pero ayaw nya paring makipag bati sa akin. Sa inis ay sinipa ko ang buhangin at ginulo ang buhok ko. Nakakabaliw talaga sya.

“Baby, please forgive…” Natigilan ako ng huminto sya at humarap sa akin. Seryoso pa rin ang mukha nya kaya hindi ko alam kung pinapatawad na nya ako. Sana naman tapos na ang dramang ‘to.

“Gusto mong patawarin kita diba?” Umpisa nya.

“Oo.” Sagot ko saka tumango-tango pa. Kinabahan ako ng makita ko ang ngiti sa mga labi nya.

“Lumuhod ka.” Balewala nyng utos. Ano daw? Parang hindi ko narinig ang sinabi nya.

“Ano nga ulit yun?” Tanong ko ulit habang nakangiti ng tabingi. Malay ko ba kung nag bibiro lang sya at sinusubukan nya lang ako. She crosses her arms before she answered.

“Sabi ko, lumuhod ka.”

“Zia naman-“

“Oh saka mag form ka ng heart gamit yung arms mo.” Dagdag nya pa. Gusto kong tumalon sa dagat at mag pakalunod nalang kaysa gawin ang sinasabi nya pero alam ko na kapag hindi ko naman ginawa, hindi nya ako kakausapin. Gusto ko na syang halikan at yakapin pero hindi ko yun magagawa kapag hindi ako sumunod utos nya

Gusto kong mapamura ng mapag tanto ko na marami palang tao sa paligid. Mukhang sinadya nya na dito gawin ang inuutos. Tumingin ako sa kanya na matamang nakatitig sa akin. Alam kong hinihintay nya kung gagawin ko nga ang gusto nya.

“Kapag hindi mo ginawa, babalikan ko nalang yung lalaking lumapit sa’kin kanina. Diba sabi nya kapag naisipan kong hiwalayan ka tagawan ko lang sya.”

“Don’t you dare do that!” Banta ko sa kanya. Napatingin ang mga tao sa lakas ng boses ko. Gusto kong mag sisi dahil nasa amin na ang atensyon nila. Alam na alam talaga nya kung paano ako gagalitin. Tang-inang buhay

“Edi lumuhod kana kasi kapag hindi kapa lumuhod mag hiwalay na tayo.” Matapang nyang sagot. Gustong magalit sa kanya pero hindi ko magawa, hindi ko rin kayang saktan sya dahil masyadong syang mahalaga sa’kin para gawin ko yun.

Huminga ako ng malalim saka pikit matang lumuhod sa harap nya. Narinig ko ang bulungan sa paligid namin kaya alam kong napukaw na namin ang atensyon ng lahat. Bahagya akong nag mulat ng mata para tingnan ang mga tao sa paligid at hindi nga ako nag kamali, dahil nakapalibot na sila sa amin ni Zia. Oh god please take me! Lubog na lubog na ang pag kalalaki ko sa ginagawa ko ngayon pero aanhin ko naman yun kung si Zia naman ang mawawala sa’kin.

“Grabe ang sweet naman nung lalaki at ang gwapo pa.”

“Ang swerte naman ni girl, sana ako nalang.”

“Pare, bakit mo ginawa yan, ibinaba mo ang pandera nating mga lalaki!” Sigaw ni Rico. Tumingin ako ng masama sa kanya dahil tawa rin sya ng tawa ganun din si Mico na nag pipigil sa pag ngiti. Sila ang nag sabi sa akin na sundan ko si Zia kaya eto ang napala ko. Kasalanan talaga nito eh.

“Okay na ba?” Tanong ko kay Zia.

“Ano nga yung sinasabi mo kanina?”

“Baby, sorry na, please forgive me?” Sambit ko saka nag form ng heart gamit ang mga braso. Nag hiyawan ang mga tao. Nakita ko naman ang pag ngiti nya kaya napangiti na rin ako dahil sa wakas masaya na sya.

“Come here.” Utos nya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Bati na tayo?” Tanong ko saka hinapit ang bewang nya. Umirap pa sya sa akin pero may ngiti na sa mga labi.

“Hmmm. Oo.” Sagot nya saka tumango-tango. Hindi ko na napigil ang sarili ko at hinalikan ko na sya sa labi. Ito lang naman yung hinihintay ko eh, yung mahalikan ko sya ng hindi labag sa loob nya. Ibang klaseng saya kasi ang nararamdam ko kapag kusa syang tumutugon sa mga halik ko, sobrang satisfaction yung nararamdam ko dahil alam kong gusto nya rin ang ginagawa namin.

Ayokong iparamdam sa kanya na dapat gawin nya ang isang bagay dahil napipilitan lang sya, ayokong maging kagaya ni Luigi na hindi nakikita kung anong mga kailangan ni Zia, gusto kong ibigay lahat sa kanya hanggang maging masaya sya, dahil yun naman talaga ang goal ko. Gusto kong maging masaya sya sa piling ko, kaya kahit mag mukha akong tanga okay lang, basta para sa kanya.

“Masaya kana?” Lambing ko habang yakap sya. Sumiksik sya sa dibdib ko, ngayon nya lang din siguro na realize na kanina pa kami pinapanuod ng mga tao.

“Yup, masaya na.” Sagot nya na parang bata. I kissed her head.

“Let’s go to our room, masyado ng nag pipiyest ang mga tao sa’ting dalawa.” Wika ko saka sya iginiya paputang hotel kung saan kami naka check-in. Ngayon, ako naman ang kailangang nyang paligayahin.

--------------

Natutuwa ako kapag binabass ako ang mga comment nyo at kapag binabalikan ko kasi lalo akong naiinspired na pagandahin pa ang mga update ko. thank you guys XDD

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could. 

המשך קריאה

You'll Also Like

1M 26.7K 46
It all started with deceit and it will end with deceit. What if all you believed in was a lie? And the person you trusted the most is the person wh...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.4M 23.4K 62
Señorita Series 1: AMANDA R18 SPG🔞🔞 EXCLUSIVE UNDER DREAME/YUGTO ONLY AVAILABLE ON DREAME/YUGTO APP‼️‼️ PAY TO READ ‼️‼️ Dreame Username: maikitama...