The Boss and his Twins

By MariaElenaIyiger

3.5M 98.1K 13.2K

"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaven... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty (Epilogue)

Chapter Sixteen

55K 1.7K 53
By MariaElenaIyiger

Fairy Twins

Today Jana and Jin are Fairies. Si Lyan ang pumili ng kanilang Costume at siya rin ang nag-ayos sa kanilang dalawa. Hindi naman ma-itatago pa ng dalawa ang kanilang excitement para sa halloween party.

Pabonggahan ang mga costumes ng mga bata. Marami sa kanila ang pumili ng Princess at Dracula Attire. Some used Shrek and Fiona too.

May hawak na pumpkin shape basket ang kambal na nag-lalaman ng treats na ginawa nila.

"Sige na let's start handing your treats to your friends."

Napakalawak ng ngiti ng kambal na tumango tango kay Lyan.

Dumistansya lamang ng kaunti si Lyan sa mga bata habang sinusundan silang maglibot sa buong lugar. May mga Entertainers na hinire ang School. Kagaya ng mga clowns. Kaya makakita ka ng mga magic shows or exhibitions sa tabi tabi.

Napansin ni Lyan na hindi pa nababawasan ng mga bata ang kanilang cookies. Nang mag tangka silang mag-bigay ay hindi tinatanggap ng ilang bata. Wala rin silang natanggap mula sa mga nag-bibigay.

Napatigil ang dalawa nang makita nila ang isang malaking bola na kung saan maari kang pumasok sa loob habang naglalakad sa pool of plastic balls. Ito nga ang isa sa mga nilalaro ng mga bata sa mga Kid's Cafe.

Tumakbo si Jin at Jana palapit doon. Agad naman na nahati da gitna ang grupo ng mga batang nanood nang maglakad sila doon.

"Nako, Tara na Taki, masisingitan na naman yata tayo. Bumalik na lang tayo mamaya" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Lyan ang reklamo ng isang babae habang palapit siya.

Sinalubong ng isang staff ang kambal at pinapasok sila doon sa queing area ng mga papasok sa loob ng bola.

Mahaba haba na rin kase ang pila at agaw pansin talaga ito sa mga bata.

Nagtagumpay naman sila Jin at Jana na makapasok sa loob. Kinuhanan ni Lyan ang kambal ng litrato habang nag-lalaro sila. Napakalakas ng tili ni Jana sa tuwing umiikot ang bola.

"Excuse me, hindi ba 5mins lang ang play time diyan? Naka 10 mins mahigit na silang dalawa. Ang haba pa ng pila oh." Napatingin si Lyan sa isang babaeng hawak hawak ang kamay ng anak habang nag-rereklamo ito sa isang staff.

"Oo nga, kanina pa kami naka pila pinasingit mo pa 'yang dalawang 'yan" Bakas sa boses naman ng babae sa likoran niya ang inis.

Hindi lingid sa kaalaman ni Lyan na nag-kakaroon ng special treatment ang kambal mula sa administrasyon ng paaralan. One of the reasons why this school survived it's debt is because of Chase. Kaya naman binibigyan nila ng matinding importansya ang kanyang mga anak.

"Kuya, okay na po. Pakilabas na lamang po sila" Lumapit naman si Lyan sa isang staff.

Nang mabuksan ang malaking bola ay agad niyang binuhat ang dalawang bata pababa ng stage. Mabilis na inilayo ni Lyan ang kambal sa pila dahil alam niyang pinagtitinginan ng masama ang dalawang bata.

The Party is almost over ngunit hindi pa naibibigay ni Jin at Jana ang kanilang mga cookies . Napansin ni Lyan na sunod-sunod ang pagbuntong hinga ng dalawang bata habang nakaupo lamang sila sa isa sa mga bench.

"Sayang itong mga Treats. Some kids doesn't want it." Malungkot ang mukha ni Jana nang mag-angat ito ng titig kay Lyan at ipinakita ang basket niyang puno pa ng Cookies.

"We will just throw it away.." dismayadong saad  naman Jin.

Kung titignan mo naman kase ang ibang bata parang ang party na ito ay para sa kanila. This is the problem with society nowadays, Hindi mo mapipigilan na mayroon paring maiiwanan.

These two felt that they are different from the other kids.

"Sinong may sabing sayang iyan?" Nagtungo naman si Lyan sa harapan ng dalawa at iniangat ang kanilang mukha.

"May alam akong lugar kung saan pwede natin ibigay ang mga iyan "

**

"Dito nalang, Othan"

Dinala ni Lyan ang kambal sa boundary ng Guanzons at Gilberts. Kung saan maraming bata ang umaangkas sa mga Jeep na pam-pasahero at natutulog lamang sa mga daan.

Dito mo makikita ang mga batang nag-hahalungkat ng basura ng mga Fast-Food Chains dahil dito nila nakukuha ang pagkaing tinatawag nilang 'pag-pag'.

"Do you see those kids there" Lumuhod si Lyan at hinawakan ang balikat ng dalawang kambal.

"You can give these to them."

"Hindi ba sila Bad Kids? Dad said they are thieves." Liningon naman siya ni Jana.

"Not all of them are bad. Some are bad but not all of them. Just like you they are just kids. Ang kaibahan nga lang ay may bahay kayo at may masaganang pagkain kayo. Sila ay walang bahay at wala nang magulang. They don't 3 times a day But Jin-jan is eating 3 times a day right?"

Jin and Jana nodded to Lyan as they look at those kids who are searching for food on the Trash bags.

"Kaya don't waste your food. Kase may mga batang kagaya niyo na hindi kumakain. " Pinisil pa ni Lyan ang pisngi ni Jana nang makita niyang biglang tumulo ang luha ni Jana.

Napaka cute ni Jana na umiyak. Mukhang lumambot ang puso ng bata habang pinagmamasdan sila.

"And since we have so much food in here, we should share some right? Because sharing is also caring. "

"I will give this to that kid and that kid and also that kid" walang hanggang turo ni Jin sa mga bata na nakikita niya sa kalye.

Sinamahan ni Lyan ang kambal na mag-bigay ng kanilang treats sa mga batang kalye. Tuwang tuwa si Jana nang lumapit ang mga bata sa kanila.

Lyan is relieved somehow that she was able to save the twin's halloween. Agaw pansin sa mga bata ang kambal dahil naka costume sila ng fairies. Parang sa gitna ng malamig na gabi ay may dumating na dalawang fairy upang mag-bigay ng kaunting biyaya sa kanila.

"Lyan, they are eating it!" Jin smiled, finally.

ChildCare222: It is good to show the kids the reality of life a bit. Na ang buhay ay hindi pareparehas. Ang bawat batang kagaya nila ay maaring hindi biniyayaan ng magandang buhay. That would help them value more the things they have. Let them learn the act of 'sharing'. Dahil mas masaya ang masaganang buhay kapag tayo ay nakakpagbahagi sa ating kapwa. Life is a lot lighter and happier if we live being grateful and caring to other people.

"Wow ang sarap naman nitong tsukoleyt! ang tamis" walang tigil na papuri naman ng isang bata kay Jin

"I made that with milk chocolate and mallows!" masiglang saad naman ni Jin

"basta tsukoleyt!" Nagtawanan silang lahat nang hindi niya maintindihan ang sinabi ni Jin.

"Oh heto, bili kayo ng inumin ninyo mamaya ha. Matamis 'yan" Inabotan naman ni Lyan ng kaunting pera ang mga bata.

"Yehey!" Tumalon talon silang lahat.

**

"Nag-pa appointment po si Mrs. Villafuerte bukas. Tatanggapin niyo po ba?"

Napatigil si Chase sa kanyang pagswipe ng mga nirereview niyang reports sa kanyang Tab nang mag-salita si Kim.

"Nabalitaan ko ang pag-bagsak ng Meredith. It was devastating. " He gasped. "My investors told me to decline it. Meredith is no good."

"Okay, Sir. sasabihin ko na lamang po sa kanya. "

"Though, I really want Tyron. Balita ko ibang klase kapag buo silang Lima." Napalingon si naman si Kim kay Chase sa back seat.

"I heard Rowin and his friend were able to take down  the former President's ruthless team. But it wasn't publicized. Ipinalabas lamang sa publiko na namatay sa plane crash ang presidente. "

"And the real reason why I am always ahead of the Guanzons now is, I have Gabrielle and Rowin on my side. " Nagbuntong hininga ito at inilapag ang kanyang tablet. Maybe that's enough work for today.

"I just need another one person, kahit isang tao lamang na kukumbinsi sa aking bigyan ko ng pagkakataon ang Meredith"

Napatingin si Chase sa bintana nang makita niya ang mga buildings na puno na ng christmas lights. Oo nga pala at nalalapit na nga ang aras ng pasko.

"How is the christmas decoration at our house going, Kim?"

"Darating na po sa makalawa ang christmas decorations, Sir. Sila na rin po ang mag-iinstall"

"Good. I'll be opening some of my houses for public viewing. Mag-set ka ng schedule-"

Biglang napatigil si Chase nang may makita siyang mga batang nagkukumpulan sa gilis ng kalye.

"Kim, stop the car."

Bumaba ng kotse si Chase at nag-lakad palapit kung saan niya nakita ang mga batang nagkukumpulan.

He was right when he saw that  two familliar kids.

Unti unti siyang lumapit sa kambal nang maubos na ang mga batang nakapalibot sa kanila.

Napatingin lamang siya sa bihis ng mga anak niya. Hindi siya makapaniwalang nakapag-suot sila ng ganitong costume.

"Anong ginagawa niyo dito sa kalye? Ang lamig lamig -"

"Ay! Nadimunyu ka!" Napasigaw ng pag-kalakas lakas si Lyan nang marinig niya ang boses na iyon.

"Sir, Chase ikaw pala iyan" Ngumiti ito nang ma-ikalma niya ang kanyang sarili.

"What the.." Bulong ni Chase nang nahawakan niya ang pakpak na suot ni Jin.

"Ibinibigay lang po namin ang mga Cookies sa mga batang kalye. Hindi po kase nila na-ibigay sa school" pagpapaliwanag naman ni Lyan.

"Are you okay?" He asked.

"Opo," Lyan just smiled.

Ngunit nakita naman ni Chase ang pag nginig ng mga paa ni Lyan at ang pasimpleng yakap niya sa kanyang sarili.

Good thing the kids are wearong their Jackets. Ngunit ang kanilang Nanny yata ang nakalimot magdala ng sakanya.

"Sir, I brought your coat. Malamig na po. Baka mag-kasakit pa po kayo at ng mga bata" Napatingin naman si Chase kay Kim na tumakbo palapit sa kanya.

"Here."

Napalingon si Lyan kay Chase nang iniabot biya ang coat na ibinigay ni Kim sa kanya.

"Nako, Sir. Kayo na po ang mag-suot niyan" Napailing iling lang naman ito.

"Kung lalamigin ka at mag-kakasakit ka, Lalo akong mahihirapan dahil walang mag-aalaga sa kanila"

Chase words silenced Lyan and she ended up taking his coat. Syempre nang mai-suot niya ito ay hindi niya pwedeng hindi ito amoyin.

Napakabango. Amoy palang ay gwapong gwapo kana.

"I do not hate these kids. But some of them are abusive. Kung maari sana ay hindi na mauulit ito. "

"Wala naman pong masama na nakikipag-usap sila sa ibang bata. " ani naman ni Lyan.

"You see, my kids could trust anyone. Hindi nila masasabi na masama o hindi ang isang tao kaagad. I just want them safe. "

"Naiintindihan ko ang punto ninyo, Sir. Pero dahil na rin sa buhay na kinagisnan nila ay parang limitado ang mga taong pumapasok sa buhay nila." Sinubukan ni Lyan na titigan si Chase. But his focus is on Jin and Jana who is stilk talking to some kids. Naka gwardiya naman si Kim at Othan sa kambal.

"My kids are Buenavista. Normal lang na lalayuan sila ng iba. Iisipin ng ibang tao na kaya lang naman sila mayaman dahil Buenavista sila. People keep their distance because in reality, insecure ang iba sa kanila. "

"Pero bata rin ang kambal. Mayaman o hindi, Bata pa sila. They deserve to see the world out there.."

Ibinaling ni Chase ang kanyang atensyon kay Lyan na kasalukuyang nakangiti habang pinagmamasdan ang mga bata.

"Ang pag-aalaga ng Bata ay para ding Negosyo. Kapag inalagaan mo silang mabuti, babalik lahat sayo ang mga magandang ipinakita mo sa kanila. Maske anong paraan man. " Saglit siyang napatigil.

Chase couldn't look away when their eyes finally met.

"Kaya hayaan mong makita nila ang mundo. Hayaan mong makipagsapalaran din sila kagaya ng ibang tao. "

"What if they fall?" He said while still looking at her eyes that are filled with warmness and compassion.

"Doon ka papasok. Ang mga magulang ay gabay. Tuwing babagsak ang anak, sila muna ang sasalo at babangon sa kanila hanggang sa kaya na nila. "

"I see." He looked away. Mahina itong napatawa.

"Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa pagiging magulang" He smirked.

"Ilang beses na akong bumagsak, Wala ni isa sa mga magulang ko ang sumalo sa akin."

Unti unting napawi ang ngiti ni Lyan sa sinabi ni Chase.

"Everytime I fall my Dad just said 'Get Up or everything is over for you...' " Napansin ni Lyan na namula ang mga mata ni Chase kahit malikot ito at kung saan saan siya tumitingin. Hindi niya mawari kung dahil ito sa lamig o sa kanyang sinasabi.

"So I get up everytime I fall.. Kahit ubos na ako. Kase hindi pwedeng mawala sa akin lahat ng ito. Dito na umikot ang mundo ko. Kung mawawala ito wala na din ako.."

**

Continue Reading

You'll Also Like

858K 18.9K 49
[ Stanford Series #2 ] [FIN] She was hired as a helper in a mansion owned by the famous casanova, Senechov Stanford. Their first meeting wasn't a goo...
41.8K 909 48
When everything is falling apart... Can you still hold on? Can you love with all your heart? And can you be the right person even every single thing...
21.3K 1.9K 43
Sa isang simpleng gabi ay biglang nagbago ang lahat. I can't even think clearly how it happened. I lost my sanity because of that sinful night. All I...
246K 14.6K 39
Napakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar...