Unlucky I'm In Love With My T...

By shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. More

Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Two

320 10 0
By shyhaida

Basted

---

"Yen!"

Napalingon ako nang may biglang sumigaw ng pangalan ko.

Pagtingin ko, Jusko, si John Legend pala. Si John Legend — ang admirer kong lagi akong pinapadalhan ng mga baduy na love letters. John Legend ang tawag ko sa kanya dahil yun kasi ang pangalan na lagi niyang inilalagay sa dulo ng love letters niya. Ewan ko ba kung anong trip niya at John Legend ang inilalagay niyang pangalan sa love letter na ipinadadala niya sa akin. Hermes ang totoo niyang pangalan. Ang layo sa John Legend. Classmate ko siya nung grade school pa lang doon sa probinsya, ngayon schoolmate ko na lang siya dito sa lungsod na nilipatan namin. Ewan ko ba, stalker ko yata siya. Kahit saan ako magpunta, andoon siya. Nakakainis nga eh. Ngapala, tumae siya sa loob ng classroom noong grade one pa lang kami. Hanggang ngayon nga, pag nakikita ko siya, naiisip ko agad ang pupu sa pwet niya.

Tumakbo siya papunta sa akin. Pakiramdam ko nayugyog yung mundo dahil sa pagtakbo niya. Dambuhala kasi yung katawan niya. Di biro lang. Yung totoo, tabachoi siya. Hindi naman sa nanlalait ako pero walang gustong makipagkaibigan sa kanya sa sobrang takaw niya at sa lakas niyang lumamon. Jusko! Pag naging boyfriend ko siya, baka pati ako kainin niya. Joke lang!

"Yen..."

Heto na naman siya, tinatawag na naman ako sa pangalang yun. Sinabi ko na sa kanyang close friends ko lang ang pwedeng tumawag sa akin sa pangalang yun. Hindi naman kami close eh. Feeling close lang talaga siya.

Ang totoo nyan, matagal na siyang nagpaparamdam sa akin, kahit nung nasa first year high pa lang kami. Para siyang multo na nagpaparamdam... ng kanyang pagkakagusto sa akin, at syempre ako, natatakot. Ewan ko. Sinabi niya minsan, ako daw ang first love niya. Natuwa ako kasi may naiinlab pala sa akin pero hindi ko na matatanggap yung inaalok niyang pag-ibig kasi may nauna na dito sa puso ko. Wala ng espasyo para sa kanya. Kumbaga, no space for new borders na. Baka magka-cardiac arrest pa nga ako pag pinapasok ko siya dito sa puso ko sa sobrang laki niya. Hahaha. Ang sama ko talaga.

"May isasagot ka na ba sa lo---"

"Dideretsohin na kita, John Legend ah," bumuntong-hininga ako, pakiramdam ko makokonsensya ako sa sasabihin ko pero ayoko kasi ng sagabal sa buhay kaya ididispatcha ko na 'to. Isa pa pala, may Dean na ako kaya di ko na kailangan ng mga manliligaw. "Wala kang pag-asa sa akin. Wala akong planong sagutin ka at ang mga love letters mo, at mas lalong wala sa plano ko ang maging boyfriend ka. Sinasabi ko lang 'to sayo para hindi ka na umasa. Hope you'd understand." Akma na sana akong tatalikod sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit? Meron na ba dyan sa puso mo?" Halos maiiyak niyang tanong.

Nakonsesya ako. Ang sakit ng sinabi ko kanina sa kanya, pero yun naman talaga ang dapat kong gawin.

"I'm sorry talaga. Sorry." Pinipilit kong alisin yung kamay niya sa braso ko.

Ayoko namang gawin sa kanya 'to, ayoko siyang masaktan kaso naiinis na ako eh. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa mukha niya na may Dean na ako. May Dean na ako! Kaso hindi pwede. Secret ko lang yun.

"Sabihin mo sa akin kung may iba ng laman 'yang puso mo?"

Pelikula ba 'tong nangyayari ngayon? Ang OA, ah. Ang OA! Tsaka, hello? Is the Earth round? Is the Sun hot? Kung pilosopohin ko na kaya 'to. Magmula pa kaya nung ipinanganak ako eh may laman na itong puso ko — viens, muscles, arteries and blood!

"Ang braso ko, pwedeng bitiwan mo na?" Malamig na sabi ko.

Nahalata niya siguro na hindi na ako natutuwa kaya binitiwan niya ang braso ko.

"Bigyan mo naman ako ng kahit konting pag-asa lang, Yen. Please? Kung sino man yang lalaking gusto mo, pinapangako ko, papantayan ko kung ano man yung nagustuhan mo sa kanya."

Talaga lang ah? Paano kung yung kagandahan ng katawan niya ang nagustuhan ko, mapapantayan ba niya 'yun?

"Alam mo, Hermes, the more na namimilit ka, the more na aayawan ka. Kaya please, tigilan mo na ako. Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Marami dyan sa paligid, try mong maghanap. I'm sorry." This time hindi na niya ako napigilan pa, lumayo na ako ng tuluyan sa kanya.

Ang harsh ko siguro. Pero yun naman talaga ang dapat kong gawin. Alangan namang paasahin ko pa yung tao eh talagang wala naman siyang pag-asa. Mas mabuti na yung diretsohin na siya kesa masaktan siya sa kakaasa. Ayokong patagalin pa 'tong panliligaw niya dahil baka lumalim lang lalo ang kanyang nararamdaman para sa akin. Baka lalo pa siyang umasa. Ayokong maging katulad niya ako na laging umaasang mamahalin ni Dean ng higit pa sa kaibigan kaya tuloy laging nasasaktan.

Para makalimutan ko yung brutal na pagdispatcha ko kay Hermes at para hindi na ako patuloy na bagabagin ng konsensya ko eh kinuha ko na lang yung phone at earphone ko para mag-soundtrip habang naglalakad sa daan pauwi ng bahay. Wala akong kasama pauwi ngayon. Wala ang kaisa isang Tolbespren ko ngayon, may painting lesson pa kasi siya at sabi niya matatagalan daw siya. Yung mga malalapit kong girl friends naman na nakakasabay ko minsan sa pag-uwi eh naglakwatsa kung saan-saan para libutin itong buong city. Hindi ko nga makita yung reasons kung bakit humaling na humaling yung mga 'yon sa lakwatsa. Hindi ko kasi trip yung mga gano'ng bagay. Feeling ko aksaya lang ng oras, pera at energy ang paglalakwatsa. Wala sa vocabulary ko ang salitang 'yon.

So much for that, mas mabuti pang sipain ko na lang 'tong mga batong madadaanan ko. Maganda kasi itong gawin pag nag-iisa at nagsa-soundtrip. At least hindi ako masyadong nababagot.

Sorry talaga mga bato ha? Wala kayong kasalanan sa akin at hindi ako galit sa inyo, sadyang wala lang talaga akong ibang trip. Solo ngayon eh.

Patuloy ko pa ring sinisipa yung mga inosenteng bato na nadamay lang dahil sa mga trip kong ewan. Habang sipa ako nang sipa sa mga batong kaawa-awa ay may biglang tumawag sa akin mula sa likuran. Kilala ko na kung sino boses niya pa lang. Nagsisimula na namang lumundag ng mabilis ang puso ko.

"Yen, tol, ba't nag-iisa ka lang?" Nag-aalala yata niyang tanong nang makalapit sa akin.

Biglang napuno ng kasiyahan ang puso ko nang masilayan siya. Parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo kaya bigla siyang nag-slowmo sa paningin ko. Para ngang nawala rin yung mga tao sa paligid na kasalukuyang naglalakad din. Parang biglang may umulang stars at mga hugis puso sa paligid. Tanging pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Huy! Okey ka lang?"

Ayun. Nagising ako. Tulala pala akong nakatitig sa kanya. Shet naman. Para lang akong tanga.

"O-oo!" Kinakabahang sabi ko, pilit ko nga lang na itinatago.

"Ba't ikaw lang mag-isa?"

"N-natural walang kasama! Sa'n ka ba nakakita ng nag-iisa tapos merong kasama?" Pamimilosopo ko para hindi niya mahalata ang nangyayari sa puso ko.

"Pilosopo ka talagaaa!" Sabi nyang gigil na gigil sabay kinurot ang ilong ko.

"Aray naman!" Sabi kong nasaktan ng kaunti. Ang lakas kasi ng pagpisil niya sa ilong ko eh.

"Sorry, tol." Paghingi niya ng tawad sabay akong nginitian na abot hanggang mata.

"Okey lang." Ngumiti rin ako. "Pero teka, ba't nandito ka?"

"Natural wala ako doon." Saka siya tumawa.

Gumaganti, ha!

"Pilosopo ka rin talagaaa!" Sabi ko namang gigil na gigil tsaka sinundot gamit yung kalingkingan ko yung butas ng ilong niya.

Nagulat siya sa ginawa ko. Pagkatapos ay bigla niya akong sinamaan ng tingin.

Tumakbo ako agad palayo sa kanya without minding na nasa kalsada kami ngayon.

"Patay ka sakin pag nahabol kita!" Sigaw niya habang hinahabol ako.

"Ang baho ng ilong mo! Linisin mo rin paminsan minsan!" Sigaw ko rin habang tumatakbo palayo sa kanya.

"Patay ka talaga sa akin pag naabutan kita!"

Matagal na akong patay na patay sayo Dean, di mo lang alam. Wahaha!

Para kaming mga bata na di pinalabas ng magulang sa loob ng bahay ng tatlong taon at uhaw na uhaw sa habulan. Ang saya ng ganito kahit na hindi na naaagwatan yung paghinga ko. Hinahabol ako ni Dean kaya feeling ko tuloy nagkakandarapa siya sa akin. Feeling ko ang haba ng hair ko.

Ganito na lagi kami ni Dean. Parang mga ewan. Parang bata. Sa dami ba naman ng lugar na pwede naming pagtakbuhan eh dito pa sa kalsada namin napili. Pero ang saya. Super.

"Habulin mo 'ko!" Masayang-masayang sabi ko.

"Humanda ka pag nahuli kita! Ilelechon..."

Ilelechon ako? Grabe! Mataba ba 'ko?

"Ilelechon natin yung si John Legend!" Saka siya humagalpak ng tawa.

Napahalakhak naman ako. Ang gandang ideya! Hahaha! Joke lang. Ang sama ko talaga kahit kelan.

Lalo ko pang tinulinan ang pagtakbo ko kasi malapit na akong maabutan ni Dean!

Tawa pa rin naman ako nang tawa. Para lang talaga akong timang.

At ayun, naabutan niya nga ako. Hay. Ang bilis talagang magtatatakbo nitong mga lalaki.

"Patay ka sakin!" Nananakot yung boses niya.

Pagkatapos ay bigla ko na lang naramdaman yung kamay niya sa tiyan ko at yung katawan niya sa likod ko. Jusko! Changsing 'to!

Dahil gusto kong makakalas sa kanya at ayokong baka may mahawakan pa siyang di dapat kasi conservative ako eh humarap ako sa kanya. Pinipilit ko talagang makawala sa kanya. Kaso, habang nagpupumilit nga akong makawala — still, with a grin in my face — eh biglang aksidenteng... ewan kung aksidente... dumampi yung labi niya sa... sa pisngi ko. Hindi ko alam kung sinadya niya yun o hindi. Pero sa tingin ko naman hindi. Magtolbespren lang kami.

Syempre nung mangyari yun, natigilan kaming dalawa. May something na weird sa dibdib ko, napasukan ata ng daga.

Nagkatinginan lang kaming dalawa and suddenly the world stops turning. Huminto yung lahat. Nagtitigan lang kami, ewan kung ilang minuto.

Naging kapansin-pansin yung pamumula ni Dean. Ba't namumula ang isang 'to? Does he feel the same way, too? May daga rin ba sa dibdib niya at huminto rin ba ang pag ikot ng mundo para sa kanya? Imposible ata.

Dahil sa ang awkward na masyado, pinakawalan niya ako at ako naman lumayo ng kaunti sa kanya. Kahit mahal ko siya, ayoko pa ring malagay sa ganoong nakakakaba at makapigil-hiningang sitwasyon. Ang awkward. Magtolbespren kami.

Buti na lang walang masyadong tao ang nagdadaan dito dahil kung hindi malamang inisip na nilang malandi at maharot ako habang nasa bingit ng nakamamatay na tagpong yon.

"Uh... s-sorry. Di ko sinasadya, tol." Nauutal na sabi Dean habang pulang-pula pa rin.

"O-okey lang." Sabi kong iniiwas ang tingin sa kanya.

Anong okey, Ayen? Okey lang na nahalikan at nachansingan ka? Pero okey na rin. At least naramdaman ko yung halik ni Dean kahit sa pisngi lang. Kinikilig ako. Ang lambot ng lips niya. At ang landi ko lang talaga.

Natahimik ulit kaming dalawa. Buti na lang at may isang nagsalita sa amin dahil kung wala, ay naku, hanggang bukas tatayo kami dito ng walang kaimik-imik.

"Streetfoods tayo?" Masiglang sabi niya atsaka isinuot yung cap niya sa ulo ko.

Grabe. Parang walang nangyari. Kung sa bagay, pag-iisipan ko pa ba ng malisya yun eh sa hindi nga sinasadya, diba?

"S-sige."

Gaya ng nakagawian, takbo sa streetfoods. Kapag magkasama kami ni Dean sa pag-uwi ay hindi namin nakakaligtaang daanan ang tindahan ng streetfoods na malapit sa Park. Yan ang trip naming magtolbespren kahit na minsan pinapagalitan kami ng mga mas nakakatanda sa amin. Marumi daw ang streetfoods, pero wala naman kaming pakialam. Ang sarap eh.

Dahil sa hindi ako komportable sa posisyon ng cap ni Dean sa ulo ko ay iniharap ko yung front part ng cap sa noo ko, yung tamang pagsusuot ng cap. Baligtad kasi yung pagsuot ni Dean ng cap sa ulo ko.

Dahil sa ginawa ko, nagsalubong ng kaunti ang kilay niya.

"Mas maganda ka kapag ganito." Bigla niyang binaligtad ulit yung cap, yung likod na parte ng cap ang nasa noo ko na.

M-maganda daw ako? First time kong marinig yun mula kay Dean. Bumalik sa pagwawala ang puso ko. Ang lakas ng impact. Parang meteor na bumagsak sa mundo. Nakaka-vibrate ng buong katawan.

"Tol," sabi niya sabay akbay sa akin.

Napatingala ako sa kanya.

"B-bakit?"

At ang hindi ko alam, habang nakatingala pala ako ay dahan-dahan na nyang sinundot ang butas ng ilong ko.

"Dean!" Bulalas ko nang maramdaman ko yung daliri niya sa ilong ko atsaka ko tinanggal ito. Buang talaga 'tong lalaking 'to.

Tawa pa rin nang tawa si Dean. Natawa na rin ako. Ang ganda kasi sa paningin ko nung tawa niya. Nakakaadik pagmasdan.

Ang saya talaga pag may tolbespren kang katulad ni Dean. Ang cool. Kaya pakaiingatan ko 'to. Napaka-precious nitong pagkakaibigan namin para sa akin.


END OF CHAPTER TWO

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
98.7K 4.8K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
66.6K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...