Chapter Three

126 8 2
                                    

Selos


~•~

Dean's POV

"Siguro mahal na mahal mo sya kuya no, to the point na wala ka ng ibang ginawa kundi idraw sya."

Hindi ko sinagot yung tanong kapatid ko sa ama na nagbakasyon ngayon sa amin, galing syang Iloilo. Kasalukuyan ko na namang iginuguhit si Ayen ngayon. Yung ubod ng kulit na babaeng yun. Halos araw araw ganito na yung ginagawa ko, iginuguhit yung maganda nyang mukha. Kahit hindi ko naman sabihin sa inyo, alam kong alam nyo ang dahilan kung bat ko ginagawa to. Mahal ko si Ayen, higit pa sa kaibigan. Sana nga ay ganun din yung nararamdaman nya para sa akin pero alam ko hanggang sa magtolbespren lang kami. Alam ko iisipin nyong torpe ako, pero dahil sa ayaw kong masira yung pinakaiingatan kong pagkakaibigan namin ay napagdesisyunan kong sa akin na lang muna itong sekreto ko. 

Mahal na mahal ko ang pasaway na yun. Unang kita ko pa lang sa kanya ay parang tinamaan na yata ng ligaw na pana ang puso ko. Mahal ko na sya bago pa man kami naging magkaibigan. ewan ko ba kung bakit. Ang saya ko nung araw na sa wakas ay nakapag usap at nakapagkwentuhan ako sa kanya habang bumubuhos yung malakas na ulan. Laking pasalamat ko nga at bumuhos yung ulan at nagkalakas loob akong makipag-usap sa kanya.

"You know what, kuya, ang swerte nya kasi mahal mo sya."

"Maswerte ka kasi naging kuya mo ko."

"Eh kuya, does she love you?"

Hindi ako nakakibo. Mahal nya nga ba ako? Posible. Mahal nya ako bilang tolbespren nya. Yun lang.

"Basta kuya ah, kung kelangan mo ng tulong para magtapat sa kanya ay nandito lang ako. At your service, kuya."

"Bata ka pa, wala ka pang alam sa mga ganito."

"Hindi na ako bata noh? May boyfriend na nga ako eh."

Napaangat ang ulo ko galing sa pagkakayuko tapos tinignan ko sya ng masama.

"Joke! Alam ko no na ibibitin mo ako sa puno once nagboyfriend ako."

"Buti alam mo."

"Sungit naman! Pero kuya, gentle reminder lang, dumamoves ka na, baka ka maunahan, baka masungkit ng iba yun. Ikaw rin..."


Ayen's POV

"Jess, anong magandang regalo?" si Jess ay ang pinakamalapit kong girl friend, classmate kasi kami palagi.

"Para kanino?"

"Para sana kay Dean. Malapit na kasing birthday niya."

"Ikaw lang, si Ayen lang, payts ng regalo yun para sa kanya. You alone is more than enough."

"Ang corny mo te. Yung seryoso, ano?"

"Yung magandang iregalo ay yung mga bagay na simple man galing naman sa puso."

Galing sa puso....hhmm....alam ko na!

"Thank you, thank you, thank you, Jess!" pinagpupugpog ko sya ng halik sa pisngi. "Hulog ka ng langit!"

By the way pala, nasa mall kami. Nagpasama kasi ako kay Jess na mamimili ng regalo para kay Dean ngayon.

Habang busy ako kakahanap sa bagay na naisip kong iregalo kay Dean ay aksidente namang naligaw yung paningin ko sa Ladies Department sa may di kalayuan.

"Si Dean!" gulat na naeexcite na nagtataka kong nasambit.

"Oo nga ah. Si Dean nga."

"Tara, lapitan natin." tsaka ko hinawakan yung kamay ni Jess.

Hahakbang na sana ako papunta sa kanya pero napatigil ako nang makita ko to.

Biglang sumulpot yung isang babae na maputi, medyo matangkad, maganda yung mukha, all in all, artistahin. Parang magkasama sila ni Dean. Nag-uusap pa nga sila tapos parang ang saya nila. Magkasama nga talaga sila.

Napaurong ako nang makita to at bigla na lang natulala. Sana namamalik mata lang ako. Sana.

"B-bat may kasamang babae si Dean? Kilala mo yung babae?"

Napailing lang ako. Ewan ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang ang sakit sa dibdib. Si Dean talaga itong nakikita ko. Tsaka parang sobrang close nila nung babaeng yun. I felt uneasy. Hindi ko alam anong gagawin ko.

Lalo pang tumindi yung hindi maipaliwanag na feeling nung makita kong inakbayan ni Dean yung babae. Wow! Ansakit. Sobra. Nililigawan nya ba yung babaeng yun? Bat hindi ko alam?!

"Yen, buti pa, tayo na."

Dinala ako ni Jess palayo sa eksenang yun. Bwiset! Buset talaga! Kahit di ko sabihin nagseselos ako! Nagseselos ako kahit na wala naman akong karapatang magselos. Pero masisisi ko ba tong puso ko, itong tangang puso ko? Ang sakit talaga. Tsaka bat hindi ko alam yung tungkol sa babaeng yun? Akala ko pa naman bespren ko sya. Ang sabi walang lihiman. Tapos ngayon wala akong kaalam alam na may nililigawan na pala siya. Sino yung babaeng yun?

I'm really jealous! Gusto kong pumatay ng tupa ngayon. Aaminin ko, nainsecure ako nung makita ko ang babaeng yun. Bagay nga sila eh. :-| Maganda at gwapo. MAGANDA kaya may possibility na pwedeng nililigawan sya ni Dean. Aaaagh! Buset! Nakakaasar talaga! Ngayon ko lang naramdamam kung paano magselos. Buset! Bat may nililigawan siya?!

"Okey ka lang, Yen?"

Wala ng mas ookey pa sa pakiramdam ko ngayon. Ansakit!

Umuwi ako ng bahay na badtrip na badtrip. Excited pa naman ako sa birthday nya tapos ganito lang pala. Bwisit talaga tong araw na to. Kung pwede ko lang sanang isumpa itong araw ko ngayon eh. Kung kailan masayang masaya ka ay saka pa mambabadtrip. Bwiset! Nakakaasar!

Pagpasok ko sa kwarto ko, sumalampak ako agad sa higaan ko. Sobrang inaasar ako ng panahon ngayon. Dun pa nila naisipang magdate kung san ako nandun. Nakakainis talaga.

"Humanda ka sa akin bukas, Dean! Humanda ka talaga!" tsaka ko ibinato yung unan sa dingding at hindi ko sinasadyang matamaan yung regalo ni Dean sa akin na sketch ko na gawa nya mismo at nakasabit dun sa binato kong dingding. Nahulog atsaka nabasag. Napalundag ako agad mula sa kama at mabilis pa sa alas kwatrong pinuntahan yung nabasag na frame.

"Ano ba tong ginawa ko?!" bulalas ko tsaka tinignan yun ng sobrang panlulumo.

Napapalo ako sa noo ko. Ano ba tong nagawa ko. 

Sa lahat-lahat ng gamit ko dito sa bahay, isa ito sa pinakaiingat ingatan ko. Kahit isang milyon, hinding hindi ko to ipagpapalit. Bat ang malas malas ko ngayong araw? Dahil to sayo Dean eh. Dahil to sayo! O baka naman dahil sa puso ko.
















Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now