Chapter Nine

91 10 0
                                    

Diary

~•~

"Asan na ba yun?" naiinis na hindi mapakali kong sabi.

Kanina ko pa hinahanap yung diary ko pero di ko talaga makita. Di ko naman matandaan kung san ko nilagay. Hinalughog ko na sa lahat ng mga drawers at divider ko, hinanap ko na rin sya pati sa kasuluksulukang parte ng kwarto ko pero wala talagang diary ang nagpapakita.

"Diary ko, magpahanap ka naman..."

Sinilip ko sya sa ilalim ng kama ko, sa ilalim ng maliit na table sa tabi ng higaan ko at kung saan saan na pero ayaw niya talagang magpahanap.

"Please naman oh, magpahanap ka na. Meron akong gustong sabihin sayo. Sobrang sama ng nangyari sa araw ko ngayon. Please... lumabas ka na."

Patuloy pa din ako sa paghahanap at sa tingin ko, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko sya nahahanap. Kelangan ko lang talaga ng kaibigan ngayon na pwede kong sabihan ng problema ko. Di ko naman kasi matawagan si Jessa dahil alam kong may duty pa sya kasi nagtatrabaho sya ng part time pandagdag sa allowance nya. 

Yung iba ko namang mga kaibigan, I'm sure, indi makakarelate sakin yung mga yun tsaka ayokong sabihin sa kanilang mahal ko si Dean ng higit pa sa kaibigan. Alam kong mababaduyan lang yung mga yun sa idea ng magbestfriend na may lihim na pagtingin yung isa. Ayaw nila ng ganung mga love story. Baduy, corny, tanga at mga engot daw yung may ganung love story. Kaya ako, tanggap ko ng baduy, corny, tanga at engot ako para sa kanila. Sabagay diba, parang totoo naman. Pero san na ba talaga yung diary-slash-journal kong yun. Pinagpawisan na talaga ako kakahanap.

Isiniksik ko ulit yung ulo ko doon sa ilalim ng table na nagbabakasakali paring makita yung diary ko, pero pag nakabuntot nga naman talaga si Kamalasan sayo, nabagok yung ulo ko sa may drawer nung table pag-upo ko.

Pati ba naman sa mga oras na ito, minamalas pa din ako? Sobra na.

Hinimas himas ko na lang yung part ng ulo kong nasaktan. San na ba kasi nagsusuot yung diary kong yun. Kung kelan kailangan na kailangan mo sya ay tsaka pa mang iiwan. Tsk. 

Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me....

Napatigil na lang ako nang marinig kong tumunog yung phone ko. Dali dali kong tinungo ito, pero naku naman! Sasagutin ko ba to? Si Dean kasi yung tumatawag. Nahihiya pa din kasi ako. Bawat birthday nya na nandun ako, laging kamalasan ang hatid ko. Ewan ba kung bakit ultimate fan ko si Kamalasan. Ewan rin ba kung anong nakita nya sakin at inistalk nya ako. Nakakairita na talaga sya.

...an angel calling me,
Reaching for my heart

I know, that I'll be ok now
This time it's real

I lay my love on you
It's all I wanna do
Everytime I breathe I feel brand new

Ang tagal kong nakatunganga, nakatitig lang sa phone kong nasa kama ko. 

Sasagutin ko ba to o ano? Baka pag sinagot ko to, sumbatan nya pa ako ng kung anuano. Ayoko munang makarinig ng masasakit na salita ngayon lalo na't pag galing sa tumatawag na mokong na to.

...and walk right through
As I lay my love on you

I was lost in a lonely place
Could hardly believe it (yeah)
Holding on to yesterdays....

"Ayen, wag mong sagutin ang tawag nya. Susumbatan ka lang nyan. Sisisihin ka lang nyan at sasabihin sayong wala ka ng ibang ginawa kundi sirain ang kaarawan nya. Galit na sasabihin sayong wala ka ng ginawang tama. Puro kamalasan ang regalo mo sa kanya..." naririnig ko itong nagsasalita sa loob ng ulo ko.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now