Chapter Fifteen

61 4 2
                                    

Gamot? Sakit?

~•~

Dalawang araw na ngayon ang nakalilipas nung ipinaalam namin ni Dean sa mga magulang ko ang tungkol sa relasyon namin. Ang saya-saya ko nung araw na yun. Wala ngang mapaglagyan ang saya ko eh, kahit siguro ilagay sa ilang libong dam ang kasiyahang nadarama ko eh palagay ko hindi ito magkakasya doon. Grabe. Ang saya, saya, saya, saya ko, kahit paulit-ulit na. Halos lumundag na nga ako sa moon eh. Pakiramdam ko nga naakyat ko ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Hay. Ganito pala yung pakiramdam na tanggap ng mga magulang mo ang lalaking mahal na mahal mo no? Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam. At lalong ang sarap magmahal. Sana nga eh hindi na matapos itong tuwa, kilig, pagmamahal at kung ano-ano pang sayang nararamdaman ko ngayon. Hay. Sana forever na ito. Sana.

"We're here!" sabi ni Mama bigla doon sa unahan sa tabi ng driver's seat kung kaya nagising ako sa mga pafore-forever ko.

"Nak, lika na." sabi naman ni Papa na bababa na ng kotse.

"Opo. Susunod po ako." sagot ko kay Papa.

Kinakabahan ako, sa totoo lang. Paano ba kasi, birthday ng Mommy ni Dean, at nag-aalala ako sa magiging reaksyon niya pag nalaman niyang kami na ng anak niya. Eh aaminin na rin kasi ni Dean sa kanya ang tungkol sa amin. Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung ayaw pala niya saakin? Paano kung ibang babae pala yung gusto niya para sa anak niya? Ewan ba. Bat ba ako napaparanoid? Eh matagal na kaya akong kilala ni Tita tsaka magkaibigan naman ang mga magulang namin. Hay. Bahala na nga. Eto na. Eto na talaga.

Bumaba ako ng kotse na dala-dala na ang gift ko para kay Tita. Paulit-ulit na ako sa pagbuntong hininga para kalmahin ang sarili ko pero kinakabahan parin talaga ako. Bat ba ako nagkakaganito?

"Si Ayen po?" boses niya pa lang parang musika na sa pandinig ko. Dinig ko yan habang papalapit na ako sa kanila, sa may terrace nitong bahay nina Dean. Syempre, walang ibang nagtatanong nyan kundi ang nag-iisang mahal ko.

Kinilig na naman ako. Simpleng paghahanap niya lang saakin halos mangisay na ako sa kilig.

"Susunod na yun." sagot ni Papa sa kanya.

"Andito na ako." sabi ko sa masiglang boses.

Bumaling silang tatlo saakin. Tapos... tapos si Dean... kung kita nyo lang ang titig niya saakin ngayon, para bang matutunaw na ako under the bright moon. Bigla ko tuloy naalala ang sabi nila, kapag daw tinitigan ka ng lalaking mahal mo ng napakawagas, ibig sabihin tumitigil daw sa pag-ikot ang mundo nila, bumabagal o nags-slow motion ka daw sa paningin nila, at walang dudang sobrang nagagandahan daw sila sayo. Sabi-sabi lang naman to. Malay ba nating napapangitan na pala to saakin. Hindi naman kasi talaga ako kagandahan eh, morena, medyo payat, at katamtaman lang ang taas ko.

Hindi ako yung tipong artistahin at yung tipong pangleading lady. Hindi ko nga alam kung anong nakita o nagustuhan niya saakin, eh ang dami namang magaganda at cute na babae dyan na sigurado akong babagay sa itsura niya.

Sa katunayan, nakatirintas lang ang buhok ko ngayon, walang make-up, atsaka itong bestidang kulay puti na suot ko ngayon ay simpleng-simple lang talaga. Kaya paano naman siya magagandahan saakin ngayon?

Biglang lumapit sa amin ang Nanay yaya ni Dean na nagsabing papuntahin na kami sa garden nila kasi naghihintay na raw si Tita doon. Nagsisunod naman sina Papa't Mama. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Dean dito. Hindi nga natinag ang mokong na ito eh, biruin nyong hanggang ngayon nakatitig parin saakin. Baka naman malusaw na ako nito.

"Ikaw, kanina pa yang titig mo ha? May iniisip kang malaswa saakin no?" tanong ko bigla, biro nga lang kasi alam ko namang hindi ganoong lalaki si Dean eh. Bale nang-aasar lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now