Chapter Ten

93 9 1
                                    

Kutong May Ebola


~•~

"Yen! Ayen! Hintay! Saglit lang!"

Napalingon ako ng marinig ito. Paglingon ko nakita kong tumatakbo papunta sakin yung lesheng nanira sa birthday ni Dean. Kumulo tuloy yung dugo ko. Pakiramdam ko may nagbabagang uling sa paanan ko. Wag syang makalapit sa akin dahil susuntukin ko talaga sya.

"Yen! Teka lang!"

Hindi ko sya pinakinggan at ipinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko. Sa oras na makalapit to sakin lilipad talaga ulit tong kamao ko sa mukha nya.

"Ayen..." sabay tapik sa balikat ko.

Naabutan nga ako ng matakaw na ito. Tinapik pa yung balikat ko! Ay leshe lang!!

Padabog kong tinanggal yung kamay nya sa balikat ko atsaka.. atsaka ko pinalipad yung kamao ko sa mukha nya.. SANA.. pero Jusko Lord! Inakupo! Lumipad yung kamao ko sa mukha ng.. ng babaeng katabi nya! Jusko!!

Yung babae pala yung tumapik sa balikat ko, si matakaw nga lang yung nagsalita. Ano ba itong nagawa ko?!

Natumba yung babae at naupo na lang sa lupa. 

Hinihimas himas nya na nga lang yung mukha nyang nasuntok ko.

Waaaah! Ang engot ko talaga. Nakagawa pa ako ng kasalanan. Ano ba kasing ginagawa nya sa likod ko at bakit tinapik nya pa ang balikat ko at bakit sumasama sama pa sya dito sa matakaw na ito?

"Bebs? Okey ka lang?" alalang alalang tanong ni matakaw sa babae sabay upo at hinimas din yung mukha nung babae.

Bebs? Bebs ba kamo? Tawagan yun ng mga magjowa diba? So.. so ibig sabihin...

"Okey lang ako, bebs.. Medyo masakit nga lang ng konti."

Kung gano kataba si matakaw ay ganon naman kapayat si babae. Ang sweet nila aa. Nakakainggit tuloy.

"Sorry.. Sorry talaga. Akala ko kasi ikaw sya eh. Sorry.." pagsosorry ko sabay upo din.

"Naku, okey lang yun." sabay inalalayan sya ni matakaw sa pagtayo at ako tumayo na rin.

"Akala ko talaga ikaw sya eh. Pasensya na talaga. Ganito lang talaga ako kung magalit, nanununtok. At sad to say, sayo tumama sa halip na sa kanya. Humarang-harang ka kasi. Ang swerte nya tuloy."

Ngumiti sya. Ang ganda nya palang ngumiti. Para bang umaaliwalas yung panahon. Parang ngiti lang ni Dean. Maswerte tong matakaw na to.

"Gusto ko kasing tulungan si bebs eh. Hindi kasi yan nakatulog kagabi dahil sa nagawa nya kahapon. Naawa ako kaya yun sinubukan kong makatulong. Mahal ko kasi sya kaya ayaw ko syang nakikitang malungkot."

"Pero dahil naman sa kagustuhan mong makatulong, ikaw pa itong napagbuntunan ng kamao ko."

"Okey lang yun. Bastat para kay bebs handa akong saluin lahat ng kamao."

"Ganun?" sabi kong parang hindi makapaniwala.

May mga babae pa palang ganito? Tanga-tangahan ang peg. Akala ko ako na lang eh.

"Oo. Ganun pag nagmamahal ka. Kahit siguro ipo-ipo haharangin mo bastat para sa taong mahal mo. Ayaw mo syang nasasaktan at ang gusto mo ay lagi syang nakangiti, laging masaya. Yun bang kulang na lang siguro tumawag ka ng clown makita lang syang ngumiti palagi."

"Ows?" pagkukunwari ko kahit na sobrang relate ako.

"Nagsasabi ako ng totoo. Pag malungkot kasi sya, dobleng lungkot din yung mararamdaman ko. Ganun. Ganun pag nagmamahal. Eh ikaw, nagmahal ka na ba?"

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now