Beauty and the Demon

By supladdict

3M 123K 28.5K

(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every g... More

Simula
Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Huling Kabanata
Epilogue

Kabanata 46

53.7K 2.8K 869
By supladdict

New beginning

Hindi na ako nakapagpaalam kay Siana at Simon. Matapos mabasa ang sulat sa akin ni Makheus ay halos ilang oras akong tulala at lumuha sa lugar na 'yon. But after that, I stood and planted on my heart and mind to be strong. Babalik si Makheus. At kailangan ko ng ayusin ang lahat.

Hindi ko alam kung paano naging posible ngunit tila hinanda na ng kung sino, dahil inisip ko lamang ang silid ni Gabril ay napunta na ako roon mula sa kabilang mundo. At nadatnan ko ang aking anak na nakaupo sa sulok ng kwarto at mahinang humihikbi. Agad na kumirot ang puso ko at tinakbo ang aming distansya. Niyakap ko siya nang mahigpit at alam kong nagulat siya.

"Momma? Are you real?" namamaos ang kaniyang boses. Inilayo ko nang bahagya ang sarili at nakita ang mukha niyang punong-puno ng luha. His cheeks are now red as well as his nose.

"Yes. Si Momma 'to. Bakit umiiyak ang mahal ko?" nabasag na rin ang boses ko nang maramdaman ang labis na pangungulila sa kaniya.

"Momma!" he cried harder and hug me tighter. Sumubsob siya sa dibdib. Tumingala ako at hinaplos ang kaniyang ulo pati ang likod. "Thank you because you're here now. Napanaginipan ko po, someone is chasing after me. Kukunin nila ako, Momma. Saan ka po ba nanggaling?" he cried.

"I'm sorry, baby. Hindi na ako mawawala. At walang kukuha sayo dahil hindi papayag si Momma. Hinding-hindi papayag si Momma na magkalayo pa tayo muli," bulong ko.

Natigilan ako nang may malakas na katok akong narinig. Kasunod no'n ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Fleur. Nanlaki ang mata niya nang makita ako at tila naluluha ngunit agad na napailing.

"Ate! Mabuti nandito ka na! Kailangan na natin tumakas. Kailangan nating ilayo si Gabril dito!" Aniya at ini-lock ang pinto.

Tumayo ako habang karga si Gabril at lito siyang tinitigan.

"Anong nangyayari? Nasaan sila Nanay?" I asked her. Napailing-iling siya.

"Kanina ay may pumunta rito na apat na bampira. Kinausap nila ang hari at reyna. At sigurado ako ate, habang nag-uusap sila ay sinulyapan ako ng reyna habang nakatago ako. Nakita ko ang kaba sa mukha niya at tila may gustong sabihin sa akin ngunit may humarang para makapunta sa akin ang mensahe. Pero sigurado ako na may panganib, ate!"

"Nasaan na ang nanay at tatay ko?" tanong ko.

"Isinama sila!"

Nakaramdam ako nang labis na kaba sa sinabi ni Fleur. Kung gano'n ay may hindi magandang mangyayari nga. Sino ang apat na bampirang iyon at nagawa nilang pasamahin ang hari at reyna?

"Is there a problem, Momma? Yaya?" singit ni Gabril. Umiling ako sa kaniya at hinagkan siya sa noo. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya.

"Ate, ano ang gagawin natin?"

"Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Pero kung nasa panganib si Nanay at Tatay ay kailangan ko silang matulungan. But at the same time, I need you and Gabril to be safe. Aalis tayo rito at hahanap ng lugar na ligta-"

Naputol ang sasabihin ko nang lumitaw sa harap namin ang apat na bampira. I stared at them and sense too much arrogance from them. Dalawang lalake at dalawang babae. Pare-parehong mga elegante ang kanilang mga postura at ang mga mukha ay walang emosyon. Sabay-sabay silang yumuko saglit at muling tumuwid ng tayo. Agad na dumiretso ang titig nila sa aking anak kaya napaatras ako.

"Sino kayo? At anong karapatan niyo na pumasok na lamang sa isa sa mga silid dito sa palasyo?"

"Ibigay mo sa amin ang bata na nasa bisig mo, Prinsesa," saad ng isa. And I want to laugh sarcastically. How ironic that they have the guts to call me princess while demanding me without thinking about the meaning of my title.

"Sila 'yon, ate.." bulong ni Fleur.

"Bakit? At nasaan ang nanay at tatay ko?"

"Kausap po nila ngayon ang council at kailangan dalhin ang batang iyan doon kaya ibigay mo na sa amin bago pa magkagulo," may angas na saad ng lalake.

Tumaas ang kilay ko.

"Sino nga ba kayo?"

"Kami ang mga kanang-kamay ng council-"

"Mga kanang-kamay? Pero kung umasta kayo sa harap ko ay mga wala kayong galang. Alam niyo ba na maaari kayong parusahan sa kalapastanganan niyo sa harap ko!"

"Ngunit prinsesa, alam mo rin ba na maaari kang parusahan ng kamatayan dahil sa anak mo na may lahing demonyo?"

Bahagyang nanlaki ang mata. Nakita ko naman ang bahagya nilang pagngisi.

"Kaya ibigay mo na siya sa amin upang hindi ka madamay-"

"Hindi demonyo ang anak ko! At papatunayan ko sa inyo 'yon!"

"Hindi demonyo? Ngunit ang ama niya ay demonyo, hindi ba? Paanong hindi siya magiging isang masamang nilala-"

"Hindi masama ang anak ko! Sino ang masama, itong anak ko na mahimbing na natutulog o kayo na umaalingasaw ang amoy dahil sa mga dugo ng napatay ninyo?"

Natahimik sila at lumala ang inis sa mukha. Maingat ko na ipinasa si Gabril kay Fleur na ngayon ay seryoso ang mukha at tila handa sa kahit anong atake.

"Ngayon ay hindi pa. Ngunit sa kaniyang paglaki? Sigurado ay mauuhaw siya sa pagpatay at pagkuha ng mga kaluluwa. Kaya habang bata pa lang ay patayi-"

I hissed and attacked him. Pinulupot ko ang kamay sa kaniyang leeg at tinapon siya sa may pinto. Agad itong nawasak at tumalsik pa siya palabas. Akmang susugurin ng tatlo si Fleur kaya binuka ko ang palad at nagpalabas ng kulay asul na apoy. Sinamaan ko sila ng tingin at ngumisi lamang sila.

"Akala mo ba ay matatakot kami sa gani-"

I produced the white flame. The tip of the fire has golden dusts. Nanlaki ang mga mata nila. Akmang susugurin ako ng isa na nakabawi na mula sa paghagis ko, ngunit taranta itong tumigil. Iniharang ko ang sarili sa harap ni Fleur.

"Isang hakbang pa palapit sa anak ko.." I warned them. Hindi pa rin sila nakabawi at nanlalaki ang mata habang nakatitig sa puting apoy. "Have you ever read about this before? The mythical flame? Well, it's not myth anymore."

"Tumigil kayo sa pagtitig!" bulong ng isa at agad silang umiwas ng tingin.

"Hindi ko inakala.."

Sinara ko ang palad. Sinulyapan ko si Fleur na ngayon ay tulala na rin. Huminga ako nang malalim.

"Kami mismo ang pupunta roon," tinitigan ko ang mahimbing na pagtulog ng anak ko. "At sisiguraduhin kong wala kayong mababakas na kahit kaunting kasamaan sa kaniya," dagdag ko.

Hinawakan ko si Fleur bago ako pumikit. Ramdam ko ang bahagyang panghihina. Nakalimutan ko ang nabasa ko sa natatagong libro, na ang paggamit ng white flame ay maaaring ikamatay lalo na kung ang gagamit noon ay walang tamang pag-ensayo. Kaya itinigil ko agad 'yon lalo na at limitado lang ang maaaring pag gamit noon. Humalo kami sa hangin patungo sa lugar ng council. At tila inaasahan na kami dahil diretso na kami sa opisina nang dumating.

Doon ay nakita ko sila Nanay at Tatay na nasa harap ng council. Agad na napunta ang titig ng mga pamilyar na mukha sa akin.

"Mga lapastangan at walang galang ang ipinadala niyo sa palasyo," saad ko.

Tumayo ang limang council at bahagyang yumuko. Agad na lumapit sa akin si Nanay at Tatay saka ako niyakap. Huminga ako nang malalim at niyakap sila pabalik.

"Mag-usap tayo mamaya," tila nakikiusap na saad ni Nanay. Bakas ang pagkasabik sa kaniyang mga mata pati na rin si Tatay. Wala pa ring nagbago sa kanila. They are still the most beautiful creatures.

"Ipagpatawad mo prinsesa kung ano man ang nagawa nila. Sasabihan namin sila at tuturuan ng tamang leksyon ukol dito," saad ng babae.

Hindi na talaga ako nag-aksaya na kabisaduhin ang kanilang pangalan kahit nakita ko na sila noon.

Napunta ang titig nila sa aking anak. Pinagmasdan ko ang ekspresyon nila. Nanatili naman iyon na malamig at seryoso.

"Binibini, doon muna kayo sa hardin. Huwag kayong mag-alala, mahal na prinsesa. Ligtas sila at hindi pakikialaman," saad ng isa sa council. Tumango ako at sinulyapan si Fleur. I smiled at her and nodded. Sinamahan sila ng isa sa mga kawal ng council palabas ng silid.

Ngayon ay nasa gitna ako ni Nanay at Tatay. Nasa harap namin ay nakaupo rin ang mga council. Seryoso ang kanilang mga mukha at gano'n din kami.

"Ano ang dahilan ng lahat ng 'to?" tanong ko.

Ang nasa gitna ay bumuntong-hininga at napailing-iling.

"Nalaman namin na ikaw ay nagkaroon ng relasyon sa isang nilalang na ipinagbabawal. At nagkaroon pa ng bunga ang inyong pagsasama."

"First, the father of Prince Gabril came from a race that is taboo. It's against our rule to have any connection from those creatures. Nilabag mo 'yon prinsesa. Pangalawa, nagkaroon pa kayo ng anak. At pangatlo ay ang katotohanan na sekreto lamang ng inyong pamilya at ng council. Na ang reyna at ikaw, prinsesa, ay mula sa dugo ng dyosa. And we all know that a blood of a demon and goddess combined means chaos. And in the book of prophecy, it will cause the end of our race."

Natulala ako. Ngayon lamang lahat pumasok sa utak ko ang mas malalim pang problema.

"Ano ang parusa ko?" wala sa sariling tanong ko.

"Parusa? No, my daughter will not face that. She's innocent!" Nanay disagreed.

And I realized the real meaning of the council. Kaya nga pala may council upang manatili pa rin ang kaayusan at pagkapantay-pantay. Nasa hari at reyna ang kontrol sa lahat ngunit may nagbabalanse pa rin. Sila ang council. Binabantayan at ginagabayan kami.

"Maaari ding madamay ang hari at reyna dahil pinilit nilang itago ang prinsipe kahit alam nila ang katotohanan sa dugong nananalaytay rito," dagdag pa nito.

"Hindi," mahinahon kong saad. "Ako ang haharap sa lahat ng parusa. Wala silang kasalanan. Ako ang pinagmulan nito, ako ang gumawa."

"Angel, you're not alone on thi-" pinigil ko si Tatay at nginitian siya. Pati rin si Nanay. I want to reassure them.

"This is all my choice. Council, I will face my punishment. Ako ang nagdesisyon nito. At alam ko, sa lagay ng nagawa ko ay kamatayan ang nararapat na parusa. Naiintindihan ko at ginagalang ko ang kung ano man ang nasa libro ng ating batas."

"Hindi ako makapapayag!" narinig ko ang hikbi at mga protesta ni Nanay. "Maniwala kayo, sinubukan namin ni Austin pigilin 'to. Sinubukan namin ngunit nakatakda ang lahat!" humagulhol siya.

"Nagkaroon ako ng tsansa na pumili, 'Nay. Ang tanging hindi ko lang ginusto ay ang mapunta sa lugar na 'yon. Tanda mo pa po ba no'ng nag-aaway tayo noon? May bigla na lang bumukas na portal. Iyon lang ang hindi ko ginusto. Ngunit ang mga natira ay pinili ko. Hindi ko inisip ang magiging mga kapalit. Sa kabila ng kaalaman na demonyo si Makheus ay nagpatuloy pa rin ako. At ngayon wala akong pinagsisisihan. Dahil si Gabril ang naging bunga noon," pag-aalo ko sa kaniya. Hinarap ko ang council na titig na titig lamang sa akin. "Kaya haharapin ko po. May tangi lamang akong pakiusap. Huwag niyong idamay si Gabril, ang anak ko. Dahil sigurado ako na mabuti siya at walang bahid ng kasamaan. Hindi dahil sa nanay niya ako, ngunit ramdam ko 'yon. Alam ko 'yon. At kaya ko 'yon patunayan," matapang kong saad.

"Anak, hindi. Hindi pwede.." Nanay cried. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinagkan sa noo.

"Wala na bang ibang paraan?" Tanong ni Tatay. Pinagmasdan ko ang kaniyang ekspresyon. Tila pinipilit na lamang niya magpakatatag. "Tatanggapin niyo bang kapalit ang pagluhod ko sa harap niyo para sa buhay ng anak ko? O pagsuko ko ng trono at titulo namin ni Lauren?"

"Tatay!?" I shouted. Tuluyan akong naluha. And from that moment, alam ko na. That I'm well loved by my parents. Mula noon hanggang ngayon.

Kikilos na sana si Tatay ngunit yumuko ang tila pinuno ng council.

"Your majesty, please don't do that. Walang magandang magagawa ang pagsuko niyo ng inyong posisyon dahil wala ng makapapantay pa sa pamumuno niyo sa kaharian at mamamayan. Bigyan niyo po kami ng ilang sandali upang mag-usap tungkol dito," saad niya. Huminga nang malalim si Tatay at tumango. Agad na nawala sa harap namin ang council.

Niyakap kami ni Tatay nang mahigpit. And it's the most comfortable warmth in the middle of storm.

"Sinubukan namin baguhin, anak. Sinubukan namin.." patuloy ang pag-iyak ni nanay.

"Salamat, nanay. Alam kong ikabubuti ko lamang ang nais ninyo. Ngunit hindi ko rin 'to pinagsisisihan. Dahil kay Gabril. Siya ang kapalit ng lahat ng sakit at paghihirap ko, 'nay."

"Patawarin mo kami sa lahat. Patawarin mo kami sa mga pagkukulang namin sayo. Alam kong noong panahon na kailangan mo kami ay abala kami sa ibang bagay. Noong kailangan mo ng nanay at tatay ay kasambahay ang nandiyan. Ang dami-dami naming pagkukulang, lalo na ako. At alam kong hindi ko na 'yon mababalik pero susubukan kung bumawi sa ibang paraan. And I'm so proud of you. You're a very strong and a loving mother. Despite of the unaided wounds on your heart that we caused," Nanay said.

"We're very sorry, angel." Tatay seconded.

Tumango-tango ako at napangiti.

"Gabril saved me. At matagal ko na kayong pinatawad. Hindi ako nagalit sa inyo, kailanman. Tanging pagtatampo lang at naintindihan ko naman 'yon. And it's all worth it because of my son."

"He's so precious, cute and handsome, anak," sabi ni Nanay.

"Yes, nanay. He is. And please protect him at all cost incase that death will be my punishment."

"Wag kang magsalita ng ganiyan!" Nanay hissed.

"Hindi ako makapapayag," seryosong saad ni Tatay. "If they don't agree on the peaceful way, I'll be left with no choice and use violence."

"Austin nga!" saway ni Nanay.

"What? I can burn them down. Hindi mo ako sasamahan?" Tatay asked.

"Sasamahan," Nanay pouted.

"Tay, Nay, hindi na po kailangan. Totoo ang mga sinabi nila. And it's against on the rules. Kaya tatanggapin ko 'yon nang buo."

Pinagmasdan ko ang mga magulang ko. Napangiti ako at niyakap sila pareho nang mahigpit. Ganito pala talaga maging magulang. Handa kang gawin ang lahat para sa anak mo. 'Yung tipong handa kang isakripisyo ang lahat para lamang sa kapakanan nila. Kahit anong yaman sa mundo ay handa mong isuko. Titulo, ari-arian, at minsan dignidad. Gano'n ang uri ng pagmamahal na walang kondisyon. At iyon ang pagmamahal na inaasam ng lahat.

Council decided to test my son. Inilapit nila ito sa pinakamakapangyarihan na witch sa mundong ito. And they find out that indeed, he's a son of a demon, ngunit nanaig ang dugo ko. Ni kaunting kasamaan na maaaring lumaki sa pagdaan ng panahon ay wala silang nakita. Normal na makararamdam siya ng galit, selos, inis o ano pa man na negatibong emosyon. Ngunit hindi naman aabot sa punto na makokontrol siya ng kasamaan at papatay siya. So the council let him go. And all I could think is I will die peacefully.

Ngunit nang dumating ang araw ng pagpapasya para sa akin ay hindi kamatayan ang naging kapalit ng sinasabi nilang pagtatraydor ko sa aming kaharian. Paalisin na lamang ako sa Bloodstone Palace. Nagkusa na rin ako na bumaba sa pagiging prinsesa na hindi naman dapat, sabi ng council. Ngunit iyon na lamang ang naiisip kong pinakamabigat na kapalit sa nagawa kong kasalanan. I can still remember how the knights and housemaids kneeled and cried. Lalo na si Nanay at Tatay. Ngunit buo na ang pasya ko.

Alam kong mahirap tanggapin iyon para sa kanila ngunit maluwag iyon sa aking kalooban. Pagiging prinsesa lang naman ang inalis ko sa sarili. Mananatili akong anak ni Queen Lauren at King Austin. At pakiramdam ko ay hindi na ako karapat-dapat doon. Lahat ng pangyayaring iyon ay mananatiling sekreto sa mga mamamayan. Kahit ang mga kasambahay at kawal ay hindi alam ang tungkol sa ama ni Gabril. Hindi nila maaaring malaman. Panibagong sekreto na naman ito sa pagitan ng council at ng pamilya namin. Dahil hindi lahat ay maiintindihan ito.

And that is already 6 years ago. Ngayon ay namumuhay kami nang tahimik ni Gabril sa mundo ng mga tao. Ngunit ngayon, tunay na mga tao na ang nakapalibot sa amin. Hindi katulad noon.

Gabril is already 11 years old. Mas matangkad na sa akin at hindi ko na makarga. Tahimik, masungit at maldito pa rin sa iba. At alam kong minsan ay malungkot pa rin dahil sa biglaang pag-alis ni Fleur noon nang walang pasabi. I can remember when he's just 5. Kaaalis pa lang namin sa palasyo noon at maghahanap ng lugar. Bigla na lang yumakap sa akin nang mahigpit si Fleur pati kay Gabril at nagsabi ng paalam. And she vanished right in our front. Hinintay pa namin siya ngunit hindi na nagbalik pa.

Gustuhin ko man magtampo ngunit inintindi ko na lamang. That's what she deserve after all her unconditional kindness and love for us. Understanding. Ngunit si Gabril ay hindi iyon maiintindihan. And maybe, until now, he's waiting for her.

"Kumusta ang pag-aaral, 'nak?" I smiled at him. Agad siyang sumimangot. Pinanood ko ang paglalagay niya ng kanin sa plato ko.

"Wag mo na akong puntahan do'n, Momma." Suplado niyang saad.

"Bakit naman?"

"Malapit ko ng masuntok ang kaklase ko!"

"Gabril!" Pinanlakihan ko siya ng mata. He pouted and handed me the bowl of tinola.

"Yung classmate ko kasi, Momma. Kinukulit ako lagi. Crush ka raw niya!" inis na saad niya. Humagalpak ako ng tawa at inabot ang pisngi niya para kurutin. Hindi naman siya umiwas at hinayaan siyang panggigilan ko.

"Hayaan mo na, it's just a crush."

"Makulit, Momma. Naiinis na ako. Lagi niyang sinasabi na ang ganda-ganda mo raw. Perfect raw mukha mo. Naiinis ako kapag may lalake na may gusto sayo. Naistress ako, Momma!"

I just laughed and listened on his rants.

Pinili namin na sa probinsiya tumira. Kahit naman probinsiya ay may kuryente pa rin at suplay ng malinis na tubig. Natuto rin ako magtanim ng mga gulay, prutas at magagandang halaman. Minahal ko ang pagtatanim at iyon ang nagiging bonding namin ni Gabril tuwing linggo. Pati siya ay gustong-gusto iyon dahil minsan ay kagigising pa lang, inaasikaso na niya ito.

Ang trabaho ko naman ay barista sa isang kabubukas na coffee shop. Nag-aral ako at kumuha ng certificate noon. Kaya naman exposed din ako sa maraming tao at nasanay naman ako muli.

Just one pour and I'm gonna take my break. I made a simple heart latte art. I smiled when I felt satisfied with my work.

"Azriella pwede ba ikaw na lang maghatid niyan," napipilitang ngumiti ang katrabaho ko at sinulyapan ang dumarami na customer.

"Sige, break ko na rin naman. Saan ba?" sagot ko.

"Doon, 'yung naka-leather jacket." Inginuso niya ang nasa sulok. Agad akong tumango at pumunta sa pwesto ng customer.

"Here's your coffee sir!" Maingat ko 'yon na inilapag sa harap niya. "Enjoy!"

"Celestia?"

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang customer.

"Sir Lazaro?"

"Wow!" pinagmasdan niya ako at tumayo. Ang laki ng ngiti niya at tila gulat na gulat. He's more mature now. Sa tingin ko ay nasa 35 na siya ngayon.

"You didn't age a bit, huh? Tingin ko ay bumata ka pa? How did you do that?" natatawa niyang saad saka ako niyakap. I chuckled and tapped his back.

Since it's already my break, I spend it with my friend. Sa labas kami pumwesto dahil masarap sa pakiramdam ang sariwang hangin. Free meal kasi ang staff tapos nilibre ako ng drink ni Sir Lazaro. Siya naman ay umorder ng cake.

"Kumusta? Bigla ka na lang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin," tila nagtatampo niyang saad.

Pinagmasdan ko ang iilan ng guhit sa kaniyang mukha. Malungkot akong napangiti. Mahirap kung maging malapit sa isang tao ang katulad ko. Mapapanood mo ang kanilang pagtanda, hanggang sa kamatayan. At ikaw, walang magagawa kung hindi tanggapin iyon at panatilihin ang alaala sa puso at isipan.

"Pasensya na, nagkaproblema kasi noon. Pero ngayon, ayos na ako. At heto nga, nagtatrabaho rito sa coffee shop. Ikaw, napadpad ka rito? Ang layo ng pinagmulan mo."

"Nagkaroon ng meeting with business partners and I want to chill. Alam mo kung bumalik ka sa hotel, tatanggapin ka ulit doon. Maganda record mo and if you don't want, I already have my own restaurant and restobar. I can hire you there and make you as a manager. You know, you're an asset Celestia," aniya.

"Good to hear that, congrats Sir Laz. But about that, mas gusto ko na muna dito. Tahimik at malayo sa polusyon," I chuckled. He sighed.

"Drop the sir. Come on, Celestia."

"Lazaro. Happy?" I smiled. Tumitig siya sa akin. Biglang pumungay ang kaniyang mata at tila nalungkot.

"Why suddenly sad?" naiilang kong tanong at saglit na umiwas ng tingin.

"Life has been stressing. Pinilit ako ipakasal sa anak ng malaking tao sa business industry, 4 years ago."

"Oh, congrats?" nalilito kong saad.

Umiling-iling siya.

"Ikaw lang at ang anak mo? Or you have..." saad niya.

"Kami lang ng anak ko. I'm now happy and contented with my life."

He sighed. Napakagat siya sa labi at tumitig muli sa akin. Ngumisi siya.

"Kung hindi ka lang umalis nang walang pasabi, tayo na siguro ang mag-asawa ngayon."

I chuckled awkwardly. Umiling-iling ako.

"Naku, hindi tulad ko ang nababagay sayo. Pinilit ka nga para sa mayaman 'di ba? And it's not like you liked me."

"I would fight for you. And I liked you," seryoso niyang saad. Natahimik ako kapagkuwan ay tumikhim.

"That's all in past now-"

"Nakapanghihinayang," aniya at malungkot ang mata na tumitig sa akin. I smiled at him.

"Focus on your present, Lazaro. May asawa ka na. Most of girls are easy to fall in love. Sigurado ako, mahal ka ng asawa mo ngayon."

"If most of girls are easy to fall, why didn't you fell for me?"

I smiled. "Because I love someone else, Laz."

Natahimik siya at tumitig sa akin.

"Sino-"

"Azriella."

Napatayo ako nang huminto ang boss ko na mukhang kadarating lang. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Laz.

"Sir, good afternoon."

Tumingin siya sa relo niya at napatingin din ako. And I find out that my break is already done.

"Laz, tapos na break ko. Salamat sa libre ha!" saad ko.

Seryoso siyang tumitig sa akin at tahimik na tumango. Hindi nagtagal at nagpaalam na rin siya at umalis. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse niya.

"Sino 'yon?"

"Kaibigan ko, Sir."

"Oras ng trabaho," aniya.

"Break ko naman, Sir eh. Tapos ito na nga, babalik na ulit."

Inismiran niya ako at padabog na binuksan pinto at pumasok. Napanguso ako. Ewan ko ba bakit ang sungit-sungit ng boss ko sa akin. Mabilis naman akong tinanggap sa trabaho kahit halos nakatitig lang sa akin noong interview.

"Tsk, lagot ka girl!" bulong ni Iris nang makapasok ako.

"Bakit naman?" bulong ko pabalik.

"Selos si Sir Josef," aniya.

"Psh."

Bumalik na ako sa trabaho at nagfocus sa paggawa ng drinks.

"Hi Azriella," natigil ako ginagawa at nag-angat ng tingin. Sa may cashier ay ang teacher last year ni Gabril.

"Sir," I acknowledged him and smiled. He smiled again. I turned my back awkwardly after nodding.

Bago ito umalis ay nag-abot ng maliit na bouquet ng sunflower. Kinilig naman ang mga kasama ko. I just sighed.

"Ikaw na talaga maraming manliligaw, ang ganda-ganda kasi. Pero bakit wala ka kasing pinipili?" tanong ng isa.

"Oo nga. 'Yung iba mo pang suitor, big time. Ano ba hinahanap mo kasi?"

Napangiti na lang ako at napailing-iling. Malabo na may piliin ako sa kanila. Kasi may hinihintay ako.

I suddenly remember the bad news that I received 4 years ago. From Siana who find way just to visit me. Only to say that he's already gone. Forever.

"Nasira na ang palasyo, Azriella. Kusa itong nasira at hindi ko alam kung bakit. Naghanap ako ng sagot. At ang nahanap ko mula sa libro pati na rin sa nilalang na kilala ko na maraming alam, ang tanging dahilan ng pagkasira ng isang matayog at matibay na imprastraktura ay ang tuluyan na pagkamatay ng may-ari nito."

"Hindi, Siana. Babalik si Makheus. Alam kong babalik siya, hindi 'yon totoo. Dahil iyon sa kalumaan."

"Matayog pa ang palasyo at matibay kaya imposible na 'yon ang dahila-"

"Buhay pa siya. 'Yon ang totoo. Babalikan niya kami ng anak ko," mariin kong saad.

Ngunit kahit anong tatag ng pinakita ko sa kaniya, noong ako na lamang mag-isa ay halos balde-baldeng luha ang inilabas ko. Dahil alam ko na matibay ang palasyong iyon. At kung iyon nga ang ibig sabihin, hindi ko na alam. Lalo na at anim na taon na ang nakalilipas. Ngunit sa huli, nanatili akong naniniwala at nagtitiwala sa sinabi niyang gagawin niya ang lahat para makabalik. Kakapit ako.

Babawi ka pa sa akin, Makheus. Sa amin ng anak mo. Hihingi ka pa ng tawad kahit matagal na kitang pinatawad. Gagamutin mo pa ang ilang natira na sugat sa puso ko. Sasagutin mo pa ang mga katanungan ko. Ikaw ang pinakadahilan kung bakit isinuko ko ang titulo ng pagiging prinsesa.

Upang hindi na maging mali ang ibigin ka.

Kaya nagmamakaawa ako, bumalik ka.

"Momma, you look so exhausted. Pinagod ka ba sa work?" puna ni Gabril nang dumating ako. I smiled and shook my head. Niyakap ko siya at humalik sa kaniyang noo.

"I already cook for our dinner, Momma. So you're free from too much house works. Naglinis na rin ako. All you'll do is eat, relax and bond with me, or perhaps do you want me to give you a massage 'til you fall asleep?" nag-aalala niyang saad.

I stared at him and smiled even more. Ang swerte ko na sa gitna ng mga lungkot ay may Matheus Gabril ako.

"Ang sweet talaga ng anak ko, payakap nga ulit!"

Sumimangot siya ngunit siya na rin mismo ang yumakap sa akin. I sighed. Ikaw na lang ang kulang, Makheus.

"Let's eat na!" aya ko. Siya naman ang nanguna at pinaupo na lang ako. Siya ang naghanda ng lahat, ang tanging gagawin ko na lang ay kumain.

After our dinner, we watched some movie and had some popcorn 'til midnight. Pinauna ko na siyang matulog sa kwarto niya pagkatapos. Antok na antok na siya. Ako naman ay nagligpit ng kaunting kalat namin. Hinayaan ko na magpuyat siya dahil wala naman klase bukas.

Mabilis ko lang na hinugasan ang iilan na ginamit namin bago tumungo sa kwarto niya. I sighed as I stared on his face. Hinaplos ko ang mukha niya

"Are you longing for your father silently, anak?We just need to wait, okay. He'll come back for us. Like what he promised to us, to you six years ago while you're sleeping like a baby. He loves you so much," I whispered. I kissed him two times before fixing his blanket. I covered him well before going out on his room.

Muli akong napabuntong-hininga. Tutungo na sana ako sa kwarto ngunit napagpasyahan na i-check ang mga pinto at bintana. Maayos naman ang mga 'to at naisara ko.

Natigilan ako nang humangin nang malakas. Imposible na humangin dahil sarado ang bintana, walang papasukan mula sa labas. Napatingin ako sa may kusina at pumunta roon. Naabutan ko na bukas ang maliit na bintana roon. Nakaramdam ako nang kaunting kaba.

Hindi naman ako natatakot kung may magtangka sa aming tao. Sila ang dapat na matakot sa akin. Kinakabahan ako sa kaisipan na may ibang nilalang na mangialam sa amin.

Tumuntong ako sa sink upang maabot at maisara iyon. I sighed when I get down. Maglalakad na sana ako paalis nang may mapansin sa mesa.

Saglit akong natulala. Sunod ay napangiti nang malaki habang nagsisimula na mamuo ang luha sa mata.

On the top of the table is a dark red rose.

Strong arms snaked around my waist and kissed my nape. Napaluha ako nang tuluyan.

"I'm back."

******

Enjoyyyyyyy! Mas palapit na tayo sa pagtatapos. At maraming salamat sa mga nagbasa ng story ko. Salamat. Salamat. I love you all!

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
AURORA By Deam

Teen Fiction

31.5K 1.3K 23
NOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison...
206K 11.5K 48
One accident greatly changed her reality. She thought she was going to die for sure, but strangely enough, she survived. But what awaited her was so...
21.3K 732 53
Primrose Foster is the future secret CEO of a famous entertainment company. However, she needs to fulfill her father's condition in order for her to...