The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 30

7.3K 406 110
By CovertSolace

Brave's pov

"What made you think that taking over this company is as easy as a stroll in the park? Do you even have the idea what situation you are putting yourself into?" Saad ng isa sa mga kaboard meeting ko ngayon na may halong pagbabanta.

Napaikot nalang ako ng aking mata sa mga tinuran nito. Umuugong narin ang bulong bulongan sa loob ng kwartong ito.

"Everyone stop!" May irita kong hayag.

"Wether you all like it or not, I am the real Auster Brave. The court have already given the order for me to take over what is duly mine." Pagpapaliwanag ko sa mga ito.

"Don't be so afraid of my coming back. Before I even step inside this vicinity, kilala ko na kayong lahat. I have studied the system of this company and all the others including each and everyone who is a vital member of it. Kilalang kilala ko kayong lahat from your shares and little mischiefs." Saad ko habang isa isang pinagmamasdan ang mga nakapalibot sa mesang kaharap ko ngayon.

"I know, who and who is helping the company and fucking it from behind. Wala kayong maitatago sa akin." Halos lahat sila ay hindi makatingin sa akin ng derecho maliban sa iilan na alam kong loyal sa kumpanya.

"We are not questioning your authority, we are just concern about you being inexperience." Sagot naman ng isa na tila naging maamo na ang pananalita. Napangisi nalang ako dito.

"Inexperience?" Taas kilay kong tanong dito. "Why don't you do some background checking my dear. O, baka gusto mong isampal ko sa pagmumukha mo ang diploma ko pati narin ang awards ko and masters degree from MIT. Nang sa ganon matauhan ka kung sino sa ating dalawa ang inexperience." Walang habas kong pangiinsulto dito. He is just, but a minority in this council pero naiintindihan ko naman ang mga punto nila.

"Ok, I don't really have much to say, but to let you know that all the company under Castero empire will be lead solely by me! And me alone! No more chitchats and all! If you have doubts or just simply don't want me to be your CEO then feel free to pull out your shares I really won't mind. Just to make it clear, I will be the ruler of this empire!" Saad ko matapos isampal ang dalawang kamay sa table. Halos natahimik silang lahat at wala ni isang nakakibo.

"Meeting adjourned!" Nakangiti kong saad sabay talikod at iniwan silang nakanganga.

....

Napasapo nalang ako sa aking noo. Paulit ulit akong nagtataray sa halos lahat ng kumpanya ni papa. 50 different companies dito lang sa pilipinas at iba pa sa ibang bansa. Ni hindi pako nangangalahati sa pag iintroduce sa sarili. And everytime na gagawin ko yun, people seem to doubt me, they seem to underestimate my capabilities.

I really need someone to help me on this. Someone I could trust. If only Tita Bless is here, may pamilya pa sana akong makakatulong sa akin without me worrying about them going against my back.

Napasandal ako sa upuan ko at pinaikot ito paharap sa glass window. Pinagmamasdan ko lang ang ulap na tila napakapayapa.

"Family." Mahina kong bigkas. "Wala na kasi akong maituturing na pamilya pa maliban nalang kay..." Halos di ko matapos bigkasin ang mga salita dahil unti unti nang nagpupuros ang galit sa aking dibdib. Napakuyom ako ng aking mga kamao.

"He will never be a family to me, dahil katulad lang din sya ng iba. Akala ko hulog ng langit at tugon sa hiling ko at ni tita ngunit kabaliktaran. Sya pa sa lahat ang nanakit sa akin ng sobra." Mahina kong bulong habang tiim bagang pinipigilan ang galit na kumawala. Idinampi ko ang aking palad sa aking pisngi at nagulat nalang ako na hindi ito basa. Walang luha, sa higit anim na taon, ngayon lang ako nagbalik tanaw na wala nang luhang pumatak sa mga mata ko.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa akin at hindi ko na napigilan ang pagtawa na naging halakhak. Halakhak na tila may demonyong nakawala sa kaibuturan ko.

Ito ang kailangan ko, ang mawaksi ang kahinaan ko upang sa pagbalik ko sa buhay nila ay hinding hindi na nila ako maaapektohan.

"Sisimulan ko na ang paniningil." Saad ko. Sabay pindot sa telephone at dinial ang number ng sekretarya ko.

"Ariela, I want you to book the Moon Cafe resto for this entire afternoon. Tell them na may gaganaping business meeting dun and I want all of their employees present, specially Colorado Espinosa." Nakangiti kong saad kahit di naman kita ng sekretarya ko ito.

Matapos makumpirma ang aking request ay napahinga ako ng malalim.

Babalikan ko na naman ang lugar kung saan una akong hinamak. Pinahiya sa maraming tao at pilit na kinawawa. Tanging si Color lang ang naging kasangga ko doon. Lahat sila mapangmata sa mga katulad namin ni Color. Lahat sila walang ginawa nung inaapi kaming dalawa.

Ngayong babalik ako, ipapamukha ko sa kanila kung ano na ang narating ng baklang hinamak nila.

At si Color, aalisin ko sya dun. Hindi pwede habang buhay nilang hahamakin ang kaibigan ko. Kung may isa man akong taong pwede pagkatiwalaan ay sya yun.

Isang katok ang nagpabalik sakin mula sa pagiisip.

"Sir, nakaset na poh ang inyong request. From 1pm to 4pm ng hapon poh ay exclusive na nakasara ang resto for the meeting." Nakangiting saad ni Ariela. Napangiti ako sa tinuran nito.

Tumango ito at umalis na ng opisina ko.

Ito na ang tunay na simula.

......

"Saan ho tayo pupunta sir?" Nakangiting tanong ng aking driver. May edad na ito ngunit masayahing tao parin at gustong gusto nyang maglikod sa kumpanya kaya naman wala na akong magawa kahit pa gusto kong kumuha sana ng mas capble na driver.

"Sa airport poh manong." Saad ko dito sabay gawad ng tipid na ngiti. Tumango nalang ito at nagsimula nang magmaneho.

Nasa private plane ko ako ngayon matapos maihatid ng driver ko sa airport. Suot suot ko ang isang knee height na white coat at jeans at plain pink shirt lang sa loob. Hindi ko man talaga inexpect na ganito kagara ang yaman na meron ako, pero hinanda ko naman ang sarili ko para dito. Araw-araw kong pinagaralan ang lahat ng ito kahit pa nasa america ako noon. At inasam ko na balang araw magagawa ko ring angkinin ang lahat. Kaya naman ngayon ay masay ako na unti-unti ko nang nakamit ang mga ito, ngunit hindi pa lahat. Wala pa sakin ang last will at testament ni papa at sisiguraduhin kong mapapasakamay ko din iyon.

Ilang minuto lang din ay lumapag na ang eroplano. At sa aking pagbaba ay may naghihintay nang sasakyan na may dalawang naka suit and tie na bantay.

Iginiya ako nito sa sasakyan at sabay na kihuna ang aking maliit na bag.

"Saan ho tayo boss?" Tanong nung isa na nasa driver's seat.

"Umuwi muna tayo ng mansion. Gusto ko makita ang properties ni dad dito sa syudad." Utos ko dito.

Nagsimula nang magmaneho ang driver at katabi naman nito ang isa na sa hinuha ko ay bodyguard.

Napatingin nalang ako sa mga dinaraanang mga kalye at bahay. Nakakamiss ang dati kong buhay, mahirap pero simple. Gusto ko sanang bumalik sa simpleng pamumuhay ngunit hindi ko na maaaring baliin ang katotohanang ako na ang may-ari ng mga naglalakihang kumpanya dito sa pinas at sa abroad. Hindi na ako si Auster na walang ni isang kusing sa lumang wallet nya. Ako na ngayon si Brave na trilliones ang net worth at isa sa pinagaagawang investors ing ibat-ibang kumpanya.

Napabuntong hininga nalang ako ng tila pumasok kami sa isang private property.

Napakalawak ng lupain na binabagtas namin. Umabot pa ng halos kinse minutos ang pagpapatakbo mula sa pinasukan hanggang sa matanaw na namin ang isang napakalaking mansion. Base narin sa mga napagaralan ko ay binili ni papa ang ekta-ektaryang lupa na ito noong 1990's at sa gitna nito ay pinatayo ang isang mansion.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mansion at napakalaki nito para lang sa aming tatlo ni mama. However, tingin ko naman ay kinuha ito ni papa as a part of investment.

"Mula ngayon ay dito na ako titira." Bulong ko sa aking sarili.

.....

Papasok ako ngayon sa resto na inupahan ko for our meeting matapos akong magpahinga ng kaunti sa mansion. Bumalik sakin ang amoy at ambiance ng lugar na to. Lahat ng masasaya at malulupit na alala ay tila ba umaagos sa aking isip sa bawat hakbang na tinatahak ko.

Nang makapasok ay kita kong napanganga ang dalawang taong pamilyar na pamilyar sa akin. Napangisi nalang ako sa mga pagmumukha nila.

Binaba ko ang aking shades at lumapit sa kanila.

"Nice meeting you Coraline. Wala ka halos pinagbago ah. Maybe a little wrinkles and some age marks. Ano ba naman ang aasahan natin hindi ba? Di ka naman kasi bumabata." Nakangiti kong saad dito na kinalisik lang ng mga mata nya.

"And you too, Jet. Anim na taon lang ang nakalipas, but you seem to look 10 years older. Stressful ba pagmanage ng resto? I mean, well I know it is but, my managers seem to love their jobs kasi they don't look that stress whenever I make some surprise visits. Kayong dalawa oh, look at both of you. Mukhang pinagkaitan ng restday." Pangiinsulto ko dito na kinatungo lang ng lalake. Sinuod ko nang muli ang aking shades at dumeretso na sa isang table na good for 2.

Lumapit sakin ang isang empleyado nila at inabot ang menu. Binaba ko ng konte ang aking shades at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Kita kong napayuko ito.

"Asthra, tawagin mo si Color. Sya ang gusto kong makita hindiang mga pagmumukha nyo." Utos ko dito. Kilala ko ito isa rin ito sa mga chismosang galamay ni Cora. Yumuko ito at mabilis na umalis.

......

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga menu nang lumapit ang babaeng isa sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito.

Tinukod nito ang kamay sa mesang nasa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito bakla? Anong gusto mong gawin ngayon? Ang ipamukhang napakataas mo na?" Walang pakundangan nyang saad sakin.

Binaba kong muli ng kaunti ang aking shades at tinignan ito, sabay balik ng tingin sa menu na binabasa ko.

"Kahit ano pa ang gawin mo, kahit takpan mo pa ng magagarang damit ang katawan mo, hinding hindi mo maikakaila na isa kang maruming bakla!" Pangmamaliit nito na hindi ko na talaga kayang palampasin pa.

Isang malutong na sampal ang binalik ko dito na nagpatumba dito. Kita ko pang iniling iling nito ang ulo na tila nagrerecober pa sa pagkahilo. Sabay lapit ng lalaking kasama nito.

"Napakapathetic mo, kayong dalawa actually. Mga uod sa lipunan. Ikaw Cora, bago ka magsalita ng ganyan sakin tignan tignan mo muna yang sarili mo. Ikaw na nagpapakap#ta kay Jet para lang makuha ang posisyon mo. Di kana nahiya." Duro ko dito na syang labas ng iba pang mga trabahante.

"Your postion was supposed to be mine or kung hindi man ay kay Color, pero dahil sa isa kang P#ta! Ay naagaw mo samin ang narararapat sa amin. Mga basura kayo!" Di ko maiwasang mawalan ng poise sa sobrang inis na kumakawala sa akin. Itong inis na ilang taon ko ring kinimkim.

Akma ako nitong sasampalin pabalik nang makatayo ito pero hindi ako nagpasindak dito.

"Sige subukan mo! Baka gusto mong pulutin sa kangkungan? Nakakalimutan mo na ata ang posisyon mo sa kinalalagyan ko. Ipis!" Pangiinsulto ko dito. Unti unti kong pinakalma ang aking sarili dahil kita ko ang inis sa pagmumukha nito at tila nagbabadya nang pag-iyak na syang kinangisi ko nalang.

"I'm here for someone, hindi ako nagpunta dito para makita ang mga basurang gaya nyo. Kaya please lang ha umalis alis kayo sa paningin ko." Mahinahon kong saad sabay saboy ng tubig na ininom ko pagmumukha ng dalawa.

"At ikaw gold digger, wag na wag mo akong maiinsulto ulit kung ayaw mong kalbuhin kita sa labas ng resto na ito." Pagbabantay ko dito na sya namang paghila ng kasama nya sa kanya. Nagpupumiglas man ay wala na syang nagawa pa.

Gusto kong tumawa dahil sa unang pagkakataon at parang isang tinik ang natanggal sa kaibuturan ko. Ngunit ngiting tagumpay lang ang kaya kong igawad sa aking sarili ngayon.

...

Ilang minuto pa at nagsimula nang ilapag ang aking mga orders. Ngunit wala paring Color na nagpapakita. Nasan naman kaya ang baklang yun?

Nang akma ko nang tatawagin ang isa sa mga bagong waiter ay sya nalang nagmamadaling labas ni Color mula sa personels room.

At nang mag-abot ang aming tingin ay isang sinserong ngiti lang ang aking ginawad dito. Napatakip ito ng kanyang bibig at lumuluhang lumapit sakin.

"Auster! May ghad! Anong nangyari sayo? San ka nagpunta. Bakla ka nagalala ako sayo ng sobra!" Bungad nito matapos akong yakapin ng mahigpit.

"Mahabang kwento! And you are late! Not the typical you." Paintriga kong saad dito.

"Umupo kana at mag-usap tayo." Utos ko dito na sya naman nyang sinunod.

"Ang gara gara mo na Auster. May paenglish english ka na rin. Friend ano ba talaga ang nangyari? Parang after kang hinamak-hamak ng intrimitidang si cora the explorer, bigla nalang naglaho ang beauty mo." Pagtatanong nito habang kumakain kami.

"Malalaman mo rin ang lahat. Pero sa ngayon ay may gusto akong gawin mo." Sagot ko dito sabay abot ng folder na hawak ko sa kanya.

"Pirmahan mo to. At ipasa mo na sa walang kwentang mong manager." Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataong sumabat dahil ayaw ko rin namang magtagal kami sa lugar na ito.

Kinuha nito ang papel na inabot ko at binasa.

"Resignation letter?" May pagtataka sa mga mata nya.

"Ikaw nalang ang tanging taong tinuturing kong pamilya at kailangan ko ng isang taong mapagkakatiwalaan ko. Isang taong matalino sa maraming bagay. Aalisin kita sa walang kwentang trabaho na meron ka dito. Hindi ka nila deserve pati ang efforts at paghihirap mo na kahit kailan ay di nila naaappreciate. Come with me color help me achieve my objectives." Saad ko sabay hawak sa kamay nya. Sya nalang ang huling taong mapagkakatiwalaan ko. Sya nalang ang tanging pamilyang meron ako.

Ngumiti ito ng napakalaki.

"Salatamat naman at tinuturing mo parin akong pamilya kahit sa tagal ng panahong hindi tayo nagkita." Maluha luha nyang sambit. Sabay maarteng pahit sa kanyang mga luha na di naman tumutulo.

"Go go na ito! " Maingay nyang saad matapos magdrama.

"Sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mga baklang superwoman!" Napangiti nalang ako sa tinuran nya. Unti unti nang nawawala ang awa sa sistema ko at ayokong pati ang pagiging tao ko ay mawawala narin. Kailangan ko si Color upang ipaalala sa akin na kahit saang pedestal ako umapak ay tao parin ako at kailangan ko ng mga karamay sa buhay ko.

Masaya kaming kumakain ni Color nang mapadako ang aking tingin sa tv na kasalukuyang iniinterview ang taong kilalang kilala ko. Napangisi nalang ako ng ipokus ang camera sa kanyang gwapong mukha.































"Ikaw ang isusunod ko." Bulong ng utak ko.

Itutuloy...

__________

A/N:

Hola! Ang maldita ni Auster noh? Sarap sampalin ng magkabilaan 😂😂

Shout out kay JovetXDBelonio. Salamat sa suporta teh! 😊

I love you josh! Super! ♥️♥️ 😂

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
443K 13.5K 56
HIGHEST RANK: #1 in bxb out of 3.46K stories (01/02/2020) #2 in boyxboy out of 6.94K stories (01/02/2020) Mr. Master || Gonzalo Series #1 Simula nan...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
MΓ­o By Yiling Laozu

General Fiction

89.4K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mΓ­o, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]