The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 29

7.5K 423 121
By CovertSolace

Dedicated to Renovatiyo I love you mahal!

Brave's pov

Nakatanaw lang ako sa malawak na lupaing nasasakupan ko ngayon. Ang sarap ng hangin at ang tahimik ng kapaligiran.

"Sa wakas, nagbalik na ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng ito." Saad ng boses sa aking likuran.

Napangiti akong humarap dito. Mejo may edad na ito ngunit makisig padin ang tindig at napakapormal ng pananamit nya.

"And this all won't be possible, if Dad didn't have a trusted lawyer. Who remained loyal even after his death." Buong puso kong papuri dito.

Nakita kong napangiti ito ng sinsero.

"Magbarkada na talaga kami ni Julius kahit pa noong di pa kami nakakaluwag sa buhay. Utang ko ang aking tinatamasa ngayon sa kanya. Ang tangi ko na lamang magagawa ay siguraduhing mapupunta lahat ng yaman nya sa iyo na pinakamamahal nya." Tila may lungkot sa boses nito. Naiintindihan ko naman dahil naikwento nya kung gaano sila kalapit ni papa na akala mo ay totoong magkapatid na ang turingan.

"Maraming salamat Tito Arkin. Salamat dahil hindi mo napabayaan ang lahat ng ipinundar ni papa. Hindi ko man alam kung bakit hindi ito naipaalam sa akin ni tita Bless, pero naniniwala akong pinoprotektahan lang nya ako sa mga bagay bagay na maaaring makasira sa akin." Saad ko dito.

"Nalulungkot parin ako Brave, naturingan akong lawyer ng tatay mo pero wala naman sa akin ang kanya mismong last will at testament. Kaya wala akong nagawa nung pumunta dito ang mga nagpapanggap na ikaw at ginamit ang oportunidad upang angkinin ang kung ano man ang dapat na para sa iyo. Pero wag kang mag-alala dahil ang financial remittance lang ng business sa Japan ang nakukuha nila. Iilang piraso lang yun kumpara sa kung ano ang buong halaga ng stocks. Lahat ng pera ng kumpanya ng tatay mo ay nakalagay sa isang time deposit at tanging ang will lang nya ang makakapagaccess dito. Marahil iniingatan talaga ni Julius ang lahat ng ari-arian nya at ng Mama mo para balang araw ang lahat ng ito ay mapunta sayo at sa iyo lang." Mahabang pagpapaliwanag nito sa mga nangyayari ngayon.

Ilang taon narin mula nung mapunta ako sa bayan na ito kung saan nakatayo ang bahay namin dati pati narin ang buong hacienda. Nabigla pa ako nung nagpakilala akong anak ni tatay ay halos wala ni isa ang naniniwala dahil nga may isang tao na ang kasalukuyang nagpapanggap na ako.

Kukumprontahin ko sana ang impostor na naghahari sa kumpanyang itinayo ng aking sariling ama nang magkita kami ni Tito Arkin. Hindi ko ito nakilala nung una dahil tila malabo na ang ala-ala ko sa kanya, ngunit agad naman nya akong nakilala dahil narin sa kamukhang kamukha ko si mama kahit saang anggulo tignan.

At walang paliwanag pang naganap ay agad ako nitong pinapasok sa dati naming bahay at ayun nga inexplain nya sakin ang lahat lahat.

Mula nung mamatay si papa at mama ay andami nang nagkainterest sa naiwan nilang yaman. Ngunit dahil nga andito pa ako ay walang nakakagalaw sa lahat ng yaman.

Ngunit isang araw ay nagbalik daw si Catharina at pilit inaangkin ang lahat. Mabuti na lamang at wala itong pruweba na inihabilin sa kanya ang lahat ng pera, ngunit ganoon din ang kay tita Bless, kaya wala kaming nakukuhang pera sa lahat ng yaman nila papa at mama. Kaya kailangan din namin ng matinding pruweba na si tita bless ay legal na guardian ko. Ngunit bago pa man namin magawa ito at tila nag-iba ang desisyon ng korte at binasura lahat ng apela ni tita para maging legal guardian ko.

Hindi namin maintindihan kung bakit ganun nalang bigla ang nangyari sa korte. At bago pa man makagawa ng hakbang si tito Arkin ay naglaho na kami ni tita Bless sa lugar. Kaya naiwang walang namamahala sa buong yaman nila papa.

Dahil sa status ng ari-arian nila papa ay muntikan nang magdesisyon ang korte na iforward na lamang sa pamamahala ng gobyerno ang lahat ng yaman. At dito unti-unti daw nagsulputan sa harap ng korte ang mga nagpapanggap na ako. Ngunit sa tuwing may nagaapela ay laging nababara at napapatunayan ni tito Arkin na peke lahat ng dokumento.

Kaya imbes na magfocus sa paghahanap sa amin ay nahati ang atensyon ni tito sa pagpoprotekta sa mga naiwang yaman nila papa.

Ilang taon ding walang nagtagumpay sa mga mapagpanggap. Maliban lamang nitong nakalipas nga na mga taon ay bigla na lamang may nagpakilalang ako na may dala pang dna result na may positive match kay tatay.

Naging basehan yun ng korte upang kilalanin syang ako sa mahabang taon.

Hanggang nga sa makabalik ako dito. As I have known about this, hindi ko halos mapigilan ang pagkuyom ng aking mga kamay. Paniguradong may mga tao talagang gusto akong pabagsakin. Mga taong gahaman sa pera na kahit dignidad ay tatalikuran nila mabigyan lang ng sattisfaction ang pagiging ganid nila.

Humingi ako kay Tito ng suporta upang makapagaral at tapusin ang aking business course na nasimulan ko na. Nangako akong kukunin ko ang lahat ng nararapat para sa akin.

At matapos nga ang anim na taong ginugol ko para tapusin ang pag aaral at palihim na pinagaaralan lahat ng takbo ng bawat kumpanyang para sa akin, ay eto na ako at handa nang angkinin ang aking kayamanan.

Ang baklang ito na hinahamak ng karamihan ay syang bubuwag ng unti-unti sa mga may kinalaman sa pagwasak ng buhay ko.

Handa na ako, hindi na ako ang dating baklang mangmang. At sisiguraduhin kong pag balik ko ay luluhod silang isa isa sa aking harapan at sisimulan ko sa pagtatalsik ng impostor na nagpapakasasa sa perang dapat ay ako at si tita Bless ang nakikinabang.

....

Andito kami ngayon ni tito Arkin sa isang pribado ngnunit kilalang laboratoryo upang ipasuri ang aking dna sa dna ng mga labi ni papa at mama. Kalapastangan man ang ipahilukay muli ang mga labi ng aking magulang, ngunit karapatan ko ang pinaglalaban ko dito. At tanging sa paraan lang na ito ko magagawang patunayan ang aking pagiging tunay na riverheart at castero. Patawarin sana ako nila mama at papa.

Kita kong positive match ang nakalagay sa test result ng dalawang test na ginawad. Kung gusto kong patunayan ang katauhan ko, hindi sapat ang isa lang, kelangan dalawang positibong result ang maipapakita ko mula sa aking dalawang magulang.

"Hindi naman na siguro kukwestyonin ng korte itong mga results. Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay ang patunayang peke ang dokumentong hawak ng nagpapanggap na ikaw." Nakangiti nitong saad habang pinagmamasdan ang mga resulta.

"Hihingi ako ng copy nito at yun ang ipapakita natin sa korte. Hahawakan mo ang orihinal na mga copya upang kahit bali baliltarin nila tayo ay wala silang makukwestyon dito." Sabay harap nito sakin. Isang tango lang ang sinagot ko dito sabay suot ng aking sun glasses at sinimulan nang humakbang paalis.

Nasa harap na kami ngayon ng kumpanya ni papa at kasama ng mga pulis at ang warrant pati narin ang court order ay sinuong namin ang building.

Pinagtitinginan man ay hindi ko na inintindi pa. Iginiya kami ni Tito Arkin sa elevator at pumunta sa floor kung saan nakalagay ang opisina ng ceo.

Agad kong binuksan ang opisina at tumambad nga sa harap namin ang isang lalake na nakaupo sa swivel chair habang naka patong ang dalawang paang nakakrus sa desk nito at tila masayang nagkikipag usap sa telepono nya.

Napabalikwas naman ito nang makita ang pagpasok namin pati narin ang mga pulis.

"A-anong kaguluhan ito? B-bakit kayo nasa opisina ko? Sinong nagbigay ng permiso sa inyong basta basta nalang pumasok dito?" May diin man sa mga salita nito pero di niya maikakaila ang kabang pilit nyang tinatago.

"Hindi ko kailangan ng permiso sa sarili kong kumpanya." Seryoso kong saad at nakipagtagisan ng tingin dito.

"Anong piangsasabi mo? Sino ka ba?" Nagtatakang tanong nito.

"Ako lang naman ang totoong Auster Brave Castero." Kita king nanlaki ang mga mata nito sa aking sinabi na syang nagpangisi sakin.

"Pakihuli na poh itong impostor na ito." Saad ko sa mga pulis sa aking likod.

"S-sandali, sandali lang." Pagpipigil nito at tila pa hindi na alam kung anong gagawin dahil walang wala na syang lusot pa.

Agad itong tumungo sa akin. Akala ko kung anong gagawin nya ngunit bigla nalang itong lumuhod sa aking harap na umiiyak.

"M-maawa ka, wag mo akong ipakulong. Masyado pang bata ang mga anak ko. Pakiusap, ibabalik ko lahat ng pera mo pakiusap maawa ka nagdadalang tao ngayon ang missis ko. Please." Umiiyak nyang pagmamakaawa.

Ngumiti nalang akong humarap dito.

"Sana inisip mo yan bago mo ginawa ang lahat ng ito. Pasensyahan nalang tayo, ubos na ang awa ko sa katawan. Wala akong pake kung ano at sino pa ang maiiwan mo basta sisiguraduhin kong mabubulok ka sa presinto." Nakangiting tagumpay kong saad dito.

"Please maawa ka, makikipagtulungan ako kung sino man ang nakipagdeal sakin nito pangako kaya ko syang idescribe sa inyo tutulungan kita wag mo lang ako ipakulong. Ang mga anak ko masisira ang buhay nila pag nalaman nilang nakakulong ang tatay nila." Patuloy na hawak nito sa aking damit habang humahagulhol.

Agad ko iwinawasiwas ang kamay nya at tinulak itong palayo sa akin.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Hahanapin ko lahat ng mga kasabwat mo at sisiguraduhin kong isa isa kayong magbabayad at magmamakaawa sa harap ko." Puno ng poot kong sambit dito.

Patuloy lang ang pag-iyak nito at paghingi ng tawad na may pagmamakaawa habang pinoposasan at inilalabas na ng mga pulis.

Napahinga ako ng malalim, gusto kong maawa at gustong gusto kong ikonsidera ang mga anak nya at asawa nya. Pero sa hindi ko malamang dahilan, imbes na maguilty ay parang mas napanatag pa ang loob ko.

Nakangiti akong humarap sa glass wall ng opisina at sa di maipaliwanag na dahilan at ngumiti ako.

"Ganito pala ang pakiramdam ng may kapangyarihan." Nakangiti kong saad habang nakamasid padin sa labas. Lumapit naman si Tito Arkin sa aking tabi at pinagmamasdan din ang ulap sa labas.

"Oo, kaya napakarami ang nag-aasam na magkaroon nito." Seryoso nyang sagot sakin.

"Ang sarap sa pakiramdam. Parang nagugustuhan ko na ang ganitong pakiramdam. Pero kulang pa ito. Kulang pa dahil hindi ko pa nakukuha lahat ng gusto kong kamuha." Nakangiti ko paring saad. Ibang iba talaga ang pakiramdam ko. Parang sa unang pagkakaataon nagkaroon ako ng kontrol sa mga sitwasyon, nagkaroon ng boses at nagkaroon ng halaga.

Niyakap ko ang aking sarili at pinikit ang mga mata.

"Makakamit mo ang lahat, Brave. Magtiwala ka lang, at lagi akong nandito para tulungan ka." Saad nito sabay tapik sa aking balikat.

Nilingon ko lang ito at nginitian. Nagpapasalamat lang talaga ako sa lahat ng tulong na ginawa nito hindi lang sa akin, kundi pati narin kila mama at papa.

"Maraming salamat sa lahat lahat tito." Buong puso kong pasasalamat dito. Bumuntong hininga lang ito at ngumiti.

"Para na kitang tunay na anak, hindi ko man alam ang mga nangyari sayo ngunit alam kong hindi basta bastang hirap ang dinanas mo dahil kita ko ang tatag sa mga mata mo. Hangga't kailangan mo ng tulong ay andito lang ako Brave. Mpagkakatiwalaan mo ako." Mahabang paliwanag nito sa akin.

Niyakap ko ito ng mahigpit. At yumakap naman ito pabalik.

"Sige na at asikasuhin mo na ang dapat mong asikasuhin dito. Mukhang kailangan mong magpatawag ng meeting sa mga directors ng kumpanya. Kakailanganin mong ipaalam sa kanila kung ano at kung sino ka sa kumpanyang ito." Saad nito sabay kalas sa aking yakap.

"Sa ngayon pupuntahan ko ang presinto upang ayusin ang tuluyang pagpapakulong sa impostor na yon." Dagdag nya pa. Tumango nalang ako at tuluyan na itong lumabas ng opisina.

...

Inikot ko ang aking paningin sa buong silid. Pinasadaham ko ng aking mga daliri sa mga desk at mga drawers at dividers.

Nasa ganun akong pagmamasid ng mapunta ang aking tingin sa picture na nakalagay sa taas ng divider. Nilapitan ko ito at pinagmasdan ng maigi.

Ito yung picture namin ni mama at papa. Nakaupo silang dalawa sa aking tabi habang nakangiti akong hawak-hawak ang isang lobo.

Napangiti nalang ako habang hinihimas ang larawan. Ang mga ngiti sa mga mukha namin at napakasinsero. Totoong saya ang mababanaag sa mga ngiti naking tatlo.

Hindi ko namalayang unti-unti nang tumulo ang aking mga luha. Kung sana nabubuhay lang sila, paniguradong hindi magiging ganito ang takbo ng buhay ko.

"Kung nabubuhay lang sana kayo, siguro masaya ako ngayon; siguro walang poot sa aking isip at puso ngayon. Kung nandirito lang kayo mama at papa, hinding hindi nyo ako hahayaang maging malungkot at tapak tapakan lang ng kung sino- sino." Lumuluha kong banggit habang patuloy na hinihimas ang mga mukha nila sa larawan.

"Kung nandito lang siguro kayo, baka buhay pa si tita Bless." Pagpapatuloy ko nang hindi ko na mapigilan ang paghikbi.

"Kaya sisiguraduhin ko, kung sino man ang may pakana sa pagkamatay nyo ay babalikan ko at sisingilin ko ng triple. Pagbabayarin ko lahat sila at wala akong ititira." Tiim bagang kong sambit habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata.

Isang katok naman ang nagpabalik sakin sa wisyo sabay pasok ng isang babae. Marahil siya ang magiging sekretarya ko.

"A-ahm, pasensya na poh kayo sir. Ako nga poh pala si Ariela at ako poh yung sekretarya nung ahhm." Tila nag-aalangan naman itong magsalita.

Inilapag ko sa kanyang pinaglalagyan ang larawan saka humarap sa babae.

"It's ok. I am the real owner of this company. Pagpasensyahan nyo na ang biglaang pangyayari kanina." Seryoso kong saad dito. Kita ko ang pagiging tense ng katawan nya.

"Sige poh sir. Ahm may gusto poh ba kayong ipag utos ngayon?" May kahinhinang tanong nito sa akin. Ngumising demonyo ako dito.

"Yes, I wan't you to announce an executive meeting pati narin sa buong plantations at lahat ng nasasakupan ng kumpanya." Nakingisi kong utos dito. Tumango naman ito.

"Ano poh ang ipapaalam kong rason para sa meeting?" Tanong nito.






































"Tell them, that the real heir is back!"

Itutuloy...

__________

A/N:

As promised, monday update.

Bahala na kayo.

Shout out kay josie_rizal dahil una kang nagcomment nung last last chapt 😊 ito lang magagawa ko teh hehe salamat.

Kay mysteryjhecs sorry talaga ahh ngayon ko lang naalala yung request mo. Salamat sa pagbabasa 😊

Sa mga laging nagcocomment sa kwento salamat po ng marami. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

133K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
498K 18.7K 57
Zachary Gabriel Lee is a new office worker at J.A. company which is actually owned by John Alfons Cruz. Gabriel at first, thought, that he is free f...
1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...