Because We're Having a Baby (...

By Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... More

Because We're Having a Baby
Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman
Travis Marlakch Markovska
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
First Impression Lasts
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
So its You? II
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❤
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❤
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
***Yuletide Romance***
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❤ Stupid Cupid! ❤
❤ Stupid Cupid II ❤
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

Trick or Treat Part I

21.8K 317 15
By Koolkaticles

* THIS IS A SPOOKY HALLOWEEN SPECIAL CHAPTER *

(This is just a special Halloween party .. It doesn't seem to affect the flow of the story, but if you want to thrill, laugh and be scared? Try to read this! Bwahahahaha! 


Wanna read the full version of this story?

click the external link or go to this site (Dreame.com) and search for the Because We're Having a Baby story. Enjoy!

---------------------------------------------------------

TRAVIS's POV ~

"Mom, where's dad?" - I asked as I went down the stairs to the kitchen.

"In the garage .. Why?" - She's not looking at me 'cause she's making pancakes. I can smell it.

"Thanks. Love yah." - I hurried to the garage to see dad. She was right there. I'll see my M1. As much as you need a change of oil ..

"I really need you to change oil .. I'll take care of it .." - Si said looking at my car.

I have a very bad head and I can't seem to use Madison ah.

"Ahm. Thank you so much but .." - I was a little embarrassed. He might ask where he is.

"You're going too far? It's not going to go any further .. Just use another vehicle .." - Whew! What's up?

"Thanks dad .." - I went to my room again to get dressed.

Actually mami sent me to orphanage in Tagaytay. It was a Founding Anniversary and Mami couldn't go because she had a formal dinner with other business people and foundations. I just happened to visit and send presents to the children and nuns who care for them.

I brought all Trina's wrapped gifts and our other maids for everyone in the orphanage. Her sister also couldn't go because they had to go to Laguna for their next Foundation project.

Looks like I'm really the only one who has no connection to our business ah. It's okay for me to go, and at least my ways are different.

I called the two fools but they had a go. Bricks has a Blind date and Dylan also has a formal dinner with his mommy's nieces and nephews. Good luck!

Is that a tiger? Nyah! Don't do that. It might just be a riot in the shelter when it kicks the kid.

So am I really just? Hays.

Kaagad na akong umalis dahil ayokong gabihin masyado mamaya paguwi. Pagkatapos ng program nila kasi ay kakausapin ko pa ang mga officers na madre dun na ipapa-renovate ang ampunan at simbahan bilang regalo sa kanila, kailangan kong malaman at makuha ang gusto nilang ideya tungkol dito.

Nagmamaneho na ako at kalalabas ko lang ng hi-way. Eto na yung hi-way naman na papunta sa Tagaytay. Hindi ako familiar dito pero may google map at Waze na application sa phone naman kaya sana wag akong maligaw.

Nang madaan ako dito sa medyo masukal at parang walang dumadaan na kalsada, napansin kong may bus stop. Huminto muna ako para magbanyo. Medyo kanina pa ko nagpipigil eh.

"Kuya, pengeng pagkain."-Pagkalabas ko ng comfort room may batang lalaking bumungad na sa akin. Hindi naman siya madumi pero bakit palaboy toh dito? Di ba dapat nasa ampunan toh?

"Gu-gusto mong sumama sa akin sa ampunan? Mapapakain ka dun araw-araw. Hindi mo na kailangang manlimos.."-Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang ulo niya.

Pero nagtatatakbo siya palayo sa akin. Nabigla naman ako sa reaksyon ng bata. Akala ko ba gusto niya ng pagkain? Tss.

Binalewala ko nalang yun at magtatanong ako sa gas station kung tama ba ang ruta ko patungong ampunan.

"Excuse me.."-Pagkalabit ko pa sa babaeng nakatalikod.

"Nyes??"-Ay nyemas! Pagkaharap niya, sireyna pala! Ang kapal ng make up at ang laki ng ngipin.. Nag-beautiful eyes pa sa akin. Hala? Kung hindi ko lang kailangang magtanong eh. Katakot toh!

Umayos ako ng reaksyon. "Ahm.. Ano.. Et-eto po ba yung daan patungong Safe Haven Orphanage?"-Pagturo ko pa sa kalsada.

Bigla siyang kumapit sa mga braso ko at mukhang nagpapa-cute. Pota! Sasapakin ko toh!

"Ahm.. Nyes moghi.. Tyama yang nyinaniyaan mo.."- Ano daw? Hinahaplosfjmłbfe zhaplos pa ang braso ko. Oh panginoon, patawarin niyo po ako sa anong mang magagawa ko sa kapwa ko.

Nagpipigil lang ako dahil kailangan ko ng tulong nito eh.

"Ah.. Sis-sige. Salamat."-Inaalis ko na ang pagkakakapit niya pero parang linta..

"Mamaya kya nya pyumyunta dyon.. Dyito kya nya myuna.."-Tuwang-tuwa pa ito sa paghaplos sa braso at dibdib ko. Pota! Di ko na kaya! Nagtitindig ang mga balahibo ko!

Aakma na akong suntukin siya pero.

"Pader?"-Narinig kong pagtawag mula sa likuran namin. Napatingin naman ako pero etong bakla ayaw man lang kumalas.. "Hoy pader! Ikaw nga!"-Parang sa lahat ng pagkakataong makita niya ako, ito ang pinakapagpapasalamat ko sa kanya.

"Huy tigre! Tulong.."-Para na kasi akong gagahasain ng bakulaw na itong ayaw akong bitawan!

Amoy bakla na ko nito.

"Pfft..Ba-bakit ka nandito?"-Bungad niya pagkalapit sa akin.

"Pupunta akong orphanage.. Eh ikaw?"-Oo nga noh? Ano namang ginagawa nito dito?

"Pupunta din ng orphanage. Founding anniversary nila eh. Teka, anong orphanage ba yang pupuntahan mo?"-Nakapewang pa niyang tanong.

"Safe Haven.."-Pero kasi talaga ayaw pang umalis ng halimaw na toh. Niyayakap na ko at hinahalikan ang braso ko. Yuck!

"Talaga? Eh dun din ako eh! May shares kami dun sa pagpapatayo ng ampunan na yun. Walang representative sa amin, kaya ako nalang muna."-Nakangiting sabi niya. Ang gandang pagmasdan ng mga ngiti niya pero parang wala ako sa mood lalo't may nakakapit sa aking bakulaw.

"Ahm.. Do you mind helping me?"-Pagnguso ko pa sa baklang ninanamnam ako. Parang di kami napapansin ng lintang bakla, busy siya sa pagkain, este pagpulupot sa akin eh. Baka kung ano pa mahawakan nito.

"Ah. Ohw?! Girlfriend mo? Ikaw ah? Ganyan pala mga type mo? I wonder na kaya pala hindi ka pa nagkaka-girlfriend, dahil ang hanap mo pala ay boyfriend! Hahahaha"-Paguuntugin ko ang dalawang ito eh.

"Alisin mo na toh sa akin, lilibre kita."-Irita na ako at parang nagmamakaawang tulungan niya.

"O sige. Madali akong kausap.."-Binitawan niya ang hawak niyang plastic na mukhang bumili pa siya ng pagkain. Nagunat at nagpatunog muna siya ng mga daliri at braso. Pati na rin ng leeg. "Hi miss.."-Pagkulbit pa niya sa bakla.

"Nyes?"-Nakabungisngis pa rin itong bakla..

"Boyfriend ko yan. Baka gusto mong makatikim?"-Inambahan naman niya ang bakla na akala mo ang laki ng katawan niya. Napaatras ang bakla pero lalong kumapit sa akin ang dalawang braso niya at nagtago sa likuran ko.

"Ay! Fafa oh! Ngaway ako niyang gurlpreyn mo.."-Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakakapit ng mga braso niya sa beywang ko.

"Aba't talagang madikit ka ah.."-Hinahabol siya hindi tigre pero umiikot lang sila sa akin. Napa-face palm nalang ako. Tsk!

Sa paghahabulan nila, imbes na yung baklang tikbalang ang tatamaan ng suntok ni tigre, tinamaan ako sa mukha.. Pumutok pa yata ang labi ko sa lakas. Tsk!

"Nako pader.. Ay..nako baby, sorry.. Masakit ba?"-Paghawak niya pa sa mukha ko.

Shit! Bakit ganito? Parang gusto ko ulit magpasapak sa lahat ng taong makikita ko tapos ipapahaplos ko sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Imbes na sa mukha ko ako hawakan at himasin ko dahil nasuntok, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maialis ang pagkakatingin ko sa maamo niyang mukha, akala mo totoo ang concern niya. Pero sana nga.. Haaayt! Ano bang pinagsasasabi ko?! Damn it!

"Halya! Shinafak mo shi fafa!"-Sige lang bakla, gatungan mo pa. Para mas guilty ang tigreng toh sa ginawa sa akin. Para di na niya alisin ang mga kamay niya sa mukha ko..

"At ikaw ng susunod!"-At sinapak na nga ni tigre ang bakla. Bull's eye eh! Knockout agad ang bakla, napabitaw na sa akin at natumba.

"Hah! Akala mo ah! Praktis lang yung tumama kay pader.."-Pagyayabang niya at nagpapagpag pa siya kunwari ng mga kamay. "Tara na pader.."- Hindi nampot na niya yung plastik na may mga pagkain niyang hawak kanina at naglakad na siya palayo sa akin.

Bakit parang may panginginig akong nararamdaman? Nasapak ako, hindi na kuryente! Ano bang nangyayari sa akin?

Dali-dali na kaming nagtungo sa mga kotse namin para sumakay na.

Pero nung pinaandar ko na ang kotse ko, bumaba siya ng kotse niya na parang may hinahanap. Hinintuan ko siya at bunusinahan. Parang nagulat pa siya sa pagbusina ko. Ibinaba ko ang window ko para tawagin siya.

"Come on!"-I shouted.

Nahinto siya sa parang paghahanap sa paligid. "Eto na!"-Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar ko naman na ang kotse ko..

Nag-drive na kami hanggang sa makarating na kami ng ampunan.

Mukhang old style pa tong ampunan pero malaki. Kita mo kaagad ang simbahan nila at playground ng mga bata. Pagkahinto ng mga sasakyan namin sa tabi ng simbahan, nagsipaglapitan na ang mga bata sa kotse namin kaya hindi kami makababa.

Nakita kong bumaba na si tigre at mukhang tuwang-tuwa siya sa pagsalubong sa mga bata. May kinarga pa siyang mga nasa 3-4years old na batang lalaki. Tapos pinagkakaguluhan siya na akala mo nanay siya ng lahat ng yun.

Bumaba na rin ako ng kotse at ganun din yung ibang bata sa akin. Nakakatuwa ngang makita ang matatamis nilang ngiti nung makita ka kanila. Hindi ko na rin napigilang mapangiti. Kinarga ko rin ang maliit na batang babae tapos niyakap ako. Parang nakakapanlambot pala kapag may bata kang kasama. Ang sarap sa pakiramdam.

"Mga bata pumasok na kayo sa loob.. Hindi sila magaampon, mga bisita lang sila.."-Rinig naming sabi ng madreng papalapit sa amin.. Yung ibang bata nanakbo papasok ulit sa simbahan, pero yung ibang nakakapit pa rin sa amin pati na rin ang karga namin.

Nagkatinginan kami ni tigre, ngumiti siya sa akin at kinindatan ako? Potcha! Natuod ako ah! Parang napako ang mga paa ko. Tsk!

"Kuya..kuya.. Pengeng pagkain.."-Natigilan ako sa pagkatulala ko ng may humahatak sa may laylayan ng damit ko.

Pagkayuko ko, siya ito! Yung batang nasa bus stop na nanghihingi sa akin ng pagkain kanina! Nakasandong puti at short na blue. Mga nasa sampung taon toh at may kapayatan. Sabi na eh, hindi ito palaboy, hindi naman siya maduming tingnan eh.

Medyo nagulat ako at dito rin pala siya. Pero papaanong napunta kaagad siya dito eh nasa 30 minutes din ang byahe sa kalsada palang papunta din mula sa bus stop. Imposibleng nilakad lang niya dahil malayo. Baka may bike? Pero malayo pa rin eh. Tapos naunahan niya pa kami ni tigre dito?

Napatingin ako kay tigre na kausap na ang madre sa hindi kalayuan. Naririnig ko ang sigaw ng mga bata.

Nilingon ko ulit ang batang nanghihingi sa akin ng pagkain, pero pagyuko ko, wala na siya!

Hinanap-hanap ko pa siya sa paligid pero wala na eh.. Namumukhaan ko siya kaya alam kong wala na siya dito..

"Pader!"-Sigaw ni tigre at inaaya na niya akong pumasok na kami. Pati yung madre hinahaya ang mga kamay na sumunod na ako.

Sinundan ko naman na sila pero di pa rin maalis sa isip ko yung batang lalaki.. Saan kaya nagpunta yun?

---------------------------------------------------------------

CLEO's POV~

Nag-start na ang program ng ampunanan. Nandito kami ngayon ni pader sa may garden nila malapit sa mga naka-set na pagkain. Kapag wala na talagang nakatingin, lalapang na ko!

Hindi ko inaasahang pareho ang pupuntahan namin ngayon, dapat kasama ko pa si mamu dito pero may business meeting daw siya, si papu at si kuya Clifford, nakaduty. Si kuya Clarence, busy din sa ospital daw sa school, volunteer kasi siya doon. At si Cloude? Ayun. May experiment daw sila ng mga kaklase niya. Kaya wala akong choice! And besides, hindi pa naman ako nakakapunta dito kaya pumayag na rin ako.

Mukhang si pader rin ay walang choice kundi magpunta dito. Pero talagang natuwa ako nung nakita ko siyang nasa may gas station kanina.

Paano ba naman, kanina kasi..

Nagmamaneho na ako na ngayon sa hi-way na tinuro sa akin ng pinagtanungan kong matandang lalaki. Mukhang tama naman kasi daw kapag may makita akong bus stop, diretso pa daw ako nun.

Medyo masukal ang kalsada at walang mga nadaan na sasakyan.

Habang pa-easy lang akong nagmamaneho, may nakita akong batang lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada, nakatalikod siya at naglalakad papunta rin sa pupuntahan kong direksyon.

Tinabi ko ang kotse ko para malapitan ko ang bata. Baka naliligaw ito. Siya lang kasi mag-isa eh. Ang init pa naman. Tsk!

Hininto ko ang kotse ko, medyo malayo siya sa harapan ko. Bumaba muna ako para malapitan ang bata.

"Bata! Teka lang!"-Pagsigaw ko. Medyo tumakbo na ko para maabutan siya. Huminto naman siya at lumingon sa akin. Tiningnan niya lang ako at nakatitig siya sa akin.

Nginitian ko siya pagkalapit ko sa kanya, medyo yumuko ako na itinukod ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko para bumaba ako sa kanya. Mga nasa ten years old pababa palang siguro siya, medyo payat at hindi naman madungis kaya hindi ito palaboy. Naliligaw siguro.

"Hello. Nawawala ka ba?"-Nakangiti kong tanong.

Nag-nod lang siya at nginitian ko siya ulit. "Ganun ba? Gusto mo, hatid na kita sa inyo? Saan ka ba nakatira ha?"

Tumuro lang siya sa direksyon ng daan na tinatahayak namin pareho.

"Doon din ang punta ko. Tara? Hatid muna kita, baka hinahanap ka na ng nanay mo.."-Hinimas ko pa ang ulo niya pero bakit ganun? Ang lamig ng bunbunan niya? Eh naglalakad siya sa arawan eh? Yaan na nga.

Sumama siya sa akin sa kotse ko. Sinakay ko siya at sinuotan ng seatbelt.

"Tara na?"-Nakangiti ko pa ring sabi. Nag-nod lang ulit siya at nakatingin sa akin.

Pinaandar ko ang kotse ko at alam kong hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatingin niya sa akin. Sinusulyap-sulyap ko siya at nginingitian. Naka-poker face lang siya, parang si Cloude lang din maka-react.

Sincere siyang nakatingin sa akin, medyo gwapo ang batang ito ah. Ang cute-cute niya. Kung iba nakakita dito baka kinidnap na toh.

"Ate.. Pengeng pagkain.."-Whew! Akala ko di siya nagsasalita eh.

"Gutom ka na? Sige, ibibili nalang kitang pagkain ah? Gutom na rin ako eh."-Tapos tiningnan ko siya. Nag-nod lang ulit siya sa akin at naupo na ng maayos na nakatingin na sa kalsada.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang bus stop. Sa wakas! Makakabili na ko ng pagkain. Ang bilis ko talagang gutumin. Tsk!

Hininto ko ang sasakyan ko sa tabi ng itim pang kotse. May iba pa palang sasakyang nadaan dito. Buti naman! Akala ko kasi liblib na toh. Buti at maaga pa dahil kagayang-kagaya itong lugar na toh sa mga horror movies na napapanood kong nasa-stranded ang mga bida tapos mamamatay din pala. Nyah!

"Dito ka lang pogi ah? Bibili lang si ate ng makakain."-Sabay baba ko na ng kotse ko. Naiwan ko ang bata sa loob.

Dumiretso ako ng grocery at bumili ng makakain.

At kapag sìnuswerte ka nga naman, nandito rin si pader! Parang natuwa naman ako at nandito pala siya. Sa kanya siguro ang itim na sasakyang nakaparada din sa tabi ng kotse ko.

Nilapitan ko siya na nililingkisan ng baklang bantay ng gas station. Haha. Muntanga itsura niya. Nagpipigil ng galit. Hahaha.

Nanghingi siya ng tulong sa akin at dahil sa mabait ako ngayon, tinulungan ko siya. Yun nga lang, nadamay siya sa paraan ko. Hoy! Parang hindi rin ako nahirapang pagpanggap na boyfriend ko siya ah! Eh teka? Bakit yun nga ba una kong naisip na paraan? Tss..

Paalis na kami dahil pareho lang pala kami ng ampunan na pupuntahan. Nakakatuwa naman at hindi pala ako nag-iisang napadpad dito.

Pagkabalik ko sa kotse ko,

"Hala! Asan siya?"-Wala na yung bata! Nasaan na yun?

Bumaba ako ng kotse ko at hinanap ko ang bata sa paligid. Sayang naman tong nabili kong mga pagkain, ang dami pa naman. Bahala siya, kakainin ko itong lahat.

Baka nainip na sa akin at naatat ng makauwi. Malapit na siguro siya dito.. Sana naman nakauwi na siya.

Naalala ko tuloy yung batang sinabay ko kanina. Ang cute pa naman niya.

"Huy, anong iniisip mo ha?"-Bulong sa akin ni pader. Magkatabi kami na nakatayo at pinapanuod ang paglalaro ng mga bata ng parlor games.

"Gutom ako, wag kang magulo.."-Hindi ko siya tinitingnan.

"Sabi na eh.. Bakit di ka pa kumain? Nahihiya kang makita nilang malakas kang kumain?"-Natatawang sabi niya. Bwisit talaga toh. Paano niya nalaman?

"Ano naman? Ikaw nga dyang kunwari pa hindi malakas kumain.. Tss.."-Inirapan ko siya.

"Eh lalaki ako, normal lang yun. Eh ikaw?"-Sige pagtripan mo pa ko. Kakagatin na kita. Nakakagutom ang amoy ng mga pagkain. Hindi pa ko makakain dahil hindi pa naman nagkakainan! Ang tagal naman!

"Tigilan mo ako pad--"-Palingon na ko sa kanya pero napakalapit niya pala sa akin! Jusmeh!

Napatingin ako sa gilid ko, ang lapit ng mukha niya sa harapan ko. Ang bango ng hininga niya! Amoy na amoy ko! Nag-init kaagad ang pakiramdam ko!

Mabuti hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa mga bata. Para siyang may ibubulong sa akin pero hindi pa niya masabi.

Shemay! Bakit ganito? Para akong nahi-hypnotize sa amoy palang ng hininga niya?! Wag na lang siyang lilingon, kundi hahalikan ko talaga ito!

Huh? What am I saying???

"Ehem."-Oh sino ka man, istorbo ka!

Napatayo na siya ng diretso at lumayo sa akin. Napatingin naman kami sa istorbong yun. Si mother pala. Niyah!

"Ahm. Mr. Markovska, Ms. Ackerman? Let's eat?"-Oh my! Busog na po ako!

"Ah. Salamat po.."-Sabi ni pader.

Pero ako, tulaley pa rin talaga ako!

Nagkuhaan na ng mga pagkain ang mga bata, at kami na nila pader at mga madre ang kukuha.

Syempre nauna na ko, gutom na kasi talaga ako eh.. Mata ko lang ang busog sa view kanina.

May mga bata pang nahuhuli pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Yung batang sinabay ko kanina! Nandito siya? Kumukuha din siya ng pagkain sa mga nakahilerang pagkain.

Paano ito napunta dito? Lalapitan ko na sana siya pero umalis na siya sa pila. Susundan ko na sana siya pero hinawakan ako ni pader.

"Oh? Akala ko gutom ka na? Wala ka pang nakukuhang pagkain ah?"-Nagtatakang tanong niya.

"Saglit lang, babalik ako.."-Tuluyan akong umalis ng pila at sinundan ang bata.

Ang daming bata dito! Naduduling na ko! Kung saan-saan ako sumikot na mga lamesa ng mga bata pero hindi ko na siya nakita! May kapareha niyang nakasandong puti at short na blue pero ibang bata eh. Nagkamali pa ko ng tawagin ko.

Nasaan na yung batang yun?

"Hoy tigre!"-Narinig kong sigaw sa hindi kalayuan. Nilingon ko siya na hindi nagbabago ang simangot ng mukha ko. "Problema mo? Akala ko gutom ka na?"

"Kasi may batang--"-Wag na nga lang, hindi naman ito maniniwala eh.. "Wala. May cute na bata lang akong nakita, sinundan ko.."-Umalis na ko at bumalik sa pila ng pagkain.

Pagkakain namin kasama ng mga bata, pinamigay namin ang mga regalong nabalot namin kagabi pa. May mga dala din pala si pader kaya tuwang-tuwa ang mga bata dahil doble ang mga regalo nila.

"Oh wag kayong mag-agawan ah! Lahat kayo meron!"-Sigaw ko pa habang nag-aabot ng mga regalo.

"Ate. Ate. Pengeng pagkain.."-May humihila sa may laylayan ng 3/4 sleeves ko. Hindi ko naman maharap pa yung bata at kumukuha pa ko ng regalo. "Teka lang ha? Etong--"-Yung bata ulit! "Oh? Nandito ka pala! Eto oh! Para sayo.."-Inabot ko ang regalo sa kanya pero umiling siya na ayaw niya ng binibigay ko.

"Penge pong pagkain.."-Poker face pa rin siya. Bumitiw siya sa sleeves ko.

"Teka kukuha kita ng makakakain."-Ibinalik ko ang regalo para masamahan siyang kumuha ng pagkain. Akala ko kumain na siya? Hindi nga ako namamalikmata kaninang nakita ko siyang kumukuha ng pagkain.

Pagkaharap ko ulit sa kanya,

"Hala? Nasaan na naman yun? Pambihira!"-Napakamainipin naman ng bata yun. Palagi nalang nawawala tapos magpapakita ulit! Tsk!

Pagkatapos magpamigay ng mga regalo, pinapasok na ang mga bata sa ampunan. Dumiretso naman na kami ng ilang mga madre sa opisina at si pader.

Pero para pa rin akong balisa. Nilalamig ako pero may pawis ako, malamig nga lang din.. Hindi ko mapaliwanag pero ang bigat ng pakiramdam ko.

"Ayos ka lang ba?"-Biglang bungad ni pader sa likuran ko.

"Ah. Huh? Oo.."-Hindi nalang ako nagpahalata.

"Kanina ka pa parang wala sa sarili ah? Wag mo sabihing gutom ka na naman?"- Ungas talaga toh. Pero parang tama nga siya.

Inirapan ko lang siya at pumasok na ko sa opisina ng pinaka-head na madre dito. Si mother Teresita.

"Maupo kayo, hijo, hija.."-Nakangiting bungad naman niya sa amin pagpasok namin ni pader. Nakaupo siya sa desk niya, nakapaligid namang upo ang ibang mga matatandang madre at may mga bata-bata pa.

Nakita kong naghihikgikan ang mga bata-batang madre, tapos parang may tinitingnan sila sa gawi ko. Pagtingin ko kung saan sila nakatingin, si pader lang naman ang nasa tabi kong nakaupo.. Nakayuko siya at parang tinatakpan ang mukha niya ng kamay niya, pero pasimple lang siya. Mukha siyang naiirita pero namumula. Haha. Ang cute niya, parang bata.

Lumingon ulit ako sa mga mahaharot na sisters pero nasaway na sila ng katabi nilang nakakatanda.. Bleh! Buti nga! Haha. Pero si pader, hindi pa rin makaharap..

"Maraming salamat sa pagdalo niyo sa anibersaryo ng aming munting ampunan.. Lubos na nagpapasalamat ang Safe Haven Orphanage sa mga pamilya niyo.."-Nakangiting sabi ni mader Teresita.

"Walang anuman po. Kinagagalak din po naming matulungan ang ampunan.."-Nakangiti ko ring sabi. Siniko ko si pader na katabi kong nakaupo sa sofa para siya naman ang magsalita..

"Ah. Ahm.. Opo. Lungod din po naming tinatanggap ang pasasalamat niyo.."-Tapos narinig kong naghagikgikan na naman yung mga apat na sisters. Wala namang akong paki pero bakit parang naiinis ako at si pader ang kinikiligan nila?

"Ah.ehem.."-Panutsada ko para naman matigil ang kaharutan nila. Jusmeh! Mga sisters pa man din??

Tapos si pader, parang gusto ng umalis pero hindi pwede pa eh. Hindi pa kami tapos sa mga agenda namin.

"Balak po sana sa mayo o hunyo ganapin ang medical mission po ng pamilya ko dito po sa ampunan. May mga libreng gamot din po at ibang mga kagamitan na maaari naming ipamahagi. Tapos magsasagawa ng seminar ang kapatid at daddy ko pong mga doktor tungkol sa mga iba pa pong medical treatment."-Pagpapaliwanag ko.

"Nako talaga? Maramìng salamat naman hija kung ganun pala ang balak ng mga Ackerman.. Madalas na dalawin kami ni Mrs. Ackerman dito, bakit nga pala wala siya?"-Tanong ng isang matandang madre.

"Ahm, may lakad po si mamu, hindi niya po maaaring hindi daluhan yun kaya ako po ang pinapunta niya."

"Ganoon ba? Sa iyo nalang namin hija ipapaabot ang aming mumunting regalo sa kanya ha?"-Natutuwa naman ding sabi nung isa pang madre.

"Wala pong problema.."-Sabay ngiti ko pa sa kanila.

Pagkatapos ko ay si pader naman ang nag-speech. May dala pa pala siyang sketch pad. Balak pala ng pamilya nila na i-renovate at dagdagan ng facilities ang ampunan na toh.

Pinanood ko lang silang nagusap, habang nakatayo sa pader malapit kay mother Teresita, pinapalibutan naman siya ng mga madre at mga sisters na parang kinukurot sa singit sa kilig. Kaimbyerna ah?

Pati yung matatandang madre, kinikilig-kilig na rin! Ano yan? Ngayon lang nakakita ng lalaki? Pambihirang mga toh! Mga alagad pa naman ng diyos?

Nagdo-drawing pala itong si pader, infairness, ang galing niya, sisiw lang sa kanya i-sketch ang buong orphanage at sinasabi naman sa kanya ng mga madre ang gustong mga baguhin o idagdag. Eh hindi siya ng gumuguhit!

Since nga lahat ng atensyon nila kay pader, tumayo ako at naglibot sa silid na ito.

Karamihan ng nandito ay kung hindi rebulto, ay mga banal na litrato at mga litrato ng mga bata at mga madreng naririto suguro.

Since 1972 pa pala ito. May katagalan na rin pala kaya tama lang sigurong i-renovate na kaysa intaying masira ng tuluyan.

Napakarami ng mga litrato na akala mo ay class picture. Taon-taon yung mga nakalagay eh. Nakahilera mula 1972 hanggang ngayong taon.

Ang daming mga batang nakukupkop pala talaga nitong ampunan.. At mukhang lahat maayos ang pagpapalakad.

Napansin kong may mga nagtatakbuhan bata sa labas ng opisina, malinaw mo rin kasing makikita ang maliit na parte dahil malabong transparent ang nasa gilid ng pinto.

Pero ang pumukaw sa pansin ko ay ang batang nakatayo mismo sa tapat ng pìntuan! Hindi ko makita ang mukha niya pero ang suot niya, kagayang-kagaya dun sa batang kanina ko pa hinahanap.

Kaagad kong tinungo ang pintuan para makita ang bata, pero ng buksan ko ang pinto, wala na naman ito!

"Ms. Cleo? May problema po ba?"-Nakatingin na pala silang lahat sa akin na tila nagtataka.

Nasa bungad pa rin ako ng pinto at nakabukas. "Ah.. Wa-wala po.. Magpapahangin lang po sana ako.."-Ngumiti ako ng matipid. Napatingin ako kay pader at tuluyan na akong lumabas.

Naglalakad na ko sa mahabang hallway papuntang garden, may mga batang babaeng naglalaro ng tea party yata. Nilapitan ko sila para makisali.

"Pwede ba akong sumali?"-Nakangiti kong bati. Pagkatingin nila sa akin, nagkatingan ang apat na bata.

"Bawal po ang lalaki ate."-Sabi nung isa. Abah! Bastos ng batang toh ah? Lalaki daw ako? Inate niya pa ko?

Kalma Cleo, bata yan!

"But I'm a girl again. Look at how long my hair is .." - Even when I was a teenager, I had to smile. As a child, I grew up with Cloude, so I raised him.

"Yes. But you can only join in? He won't." - said the boy behind me. What?

"What are you doing? Keep running." - I heard him whisper to the boy next to him. What are these kids talking about? Akoba are they referring to? Am I the only one here besides the four of them?

-------------------------------------------------- -------------------------------------------------- ----------------------------

(A / N): Don't forget to vote and comment! :)


Follow me:

FACEBOOK / TWITTER / INSTAGRAM / SNAPCHAT

@Koolkaticles

Love lots!

~ KK

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 76 1
Paano kung nanghalik ka ng Patay, not an ordinary dead but a 'Handsome yummy dead' handa ka ba sa consequence ng paghalik mo Then what if, maging Pat...
1.1M 20.1K 39
Ano ang iyong magagawa kung ang taong kinamumuhian mo at ang taong siyang dahilan kung bakit nasaktan ang puso mo ay ang iyong mapapangasawa pagdatin...
3.6M 41.4K 77
Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accident...
109K 2.4K 91
Si Raquel na minsan nang namuhay ng marangya ay nalugmok sa hirap matapos sa di inaasahang pagkamatay ng kaniyang mga magulang sa isang sunog. Dahil...