My Knight in Dirty Combat Sho...

بواسطة RGFilipina

160K 5.6K 409

The Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balew... المزيد

My Knight In Dirty Combat Shoes
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Huling Kabanata
Wakas
GOOD NEWS!

Kabanata 33

3.2K 116 19
بواسطة RGFilipina

Ang bilis ng oras ngunit ramdam ko ang bagal ng pag-usad ng sitwasyon sa lugar namin. Hindi ko maramdaman ang pagbabago dahil nakakulong ako rito sa bahay nila Jose, walang TV o kaya'y radyo na pwedeng maghatid ng balita sa 'min.

Nagsilbing evacuation center din ang bahay na ito. Ang ilang mga kapit-bahay na nawalan ng tirahan ay nagawa pang iligtas ni Nanay Juana at patirahin dito. Nakakulong ako sa bahay at ligtas ngunit daig ko pa ang nalagay sa panganib dahil pagkatapos kong magising dalawang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin umuuwi si Jose.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ms. Carina?" boses ni Emilia na kapapasok lang ng kwarto.

Tipid akong ngumiti bago tumango. Simula nang magkagulo ay hindi na ako makatulog ng maayos, nawalan na rin ako ng gana kumain, at hindi na nakampante ang puso ko sa matinding pag-aalala at kaba. Sigurado akong rinding-rindi na ang Diyos sa mga panalangin ko.

"Uminom ka po muna ng gamot." aniya sabay abot sa akin ng kulay puting medicine tablet. Kinuha ko sa kamay niya ang gamot at ininom ito. "Sana'y gumaling na kayo, Ms. Carina. Kailangan niyo pong kumain ng mas marami para lumakas kayo."

"May balita ka na ba sa nangyayari sa labas?" pagbalewala ko sa sinabi niya.

Tumango siya. "Opo. May nahuli raw pong rebeldeng pilipino ang grupo ng hukbong sandatahan," Nabuhayan ang pagkatao ko sa narinig. Mas lalo akong nasabik sa susunod pa niyang sasabihin. "Umamin daw po ito na tatlo ang lider ng rebeldeng grupo sa pagpapabagsak sa gobyerno ng Pilipinas. Ang isa raw ay patay na. Ang dalawa'y buhay pa.."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Nasabi ba niya kung sino si Dakila at kung kasama ba ito sa tatlong lider na tinutukoy niya?"

"Hindi ko po alam dahil kahit siya'y hindi rin kilala kung ano ang totoong pagkatao ng mga lider na 'to. Nakikipag-ugnayan lang daw kasi sa kanila ang kanilang lider gamit ang mga mensaherong pinapadala nito."

Ano? Bakit gano'n sila makipag-ugnayan sa mga tauhan nila? Bakit hindi sila nagpapakilala at nagpapakita?

"Ate Dyosa!" Napatingin ako sa batang lalaking nagbukas ng pinto ng kwarto. Tumakbo siya palapit sa akin at mabilis na tumalon sa ibabaw ng kama upang yakapin ako ng mahigpit. "Namiss po kita, ate!"

Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap. Dalawang araw na akong nananatili rito sa bahay nila Jose ngunit ngayon lang kami nagkita ni Kiko. Mukhang magaling na siya.

Humiwalay siya sa yakap. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang tignan ang itsura niya. Ilang araw lang ang lumipas pero kitang-kita ko ang mabilis na paglaki at pagbago ng mukha't pangangatawan niya.

"Maayos na ba ang pagkiramdam mo, Kiko?" tanong ko.

"Opo, ate. Kayo po? Umiinom po ba kayo ng gamot niyo?"

Natawa ako sa tono ng pananalita niya. Kung tanungin niya ako'y parang siya ang mas matanda sa 'ming dalawa.

"Oo nakainom na ako ng gamot." wika ko habang marahang ginugulo ang kanyang buhok.

Ilang saglit pa'y muling bumukas ang pinto. Pumasok si Sofia kasama si Nanay Juana.

"O ito, magpalit ka muna ng damit." sambit ni Nanay Juana.

Kinuha ko ang bistidang hawak niya at tipid na ngumiti. "Salamat po."

"Ate Dyosa, tara sa tabing ilog!" aya ni Kiko.

"Kiko, hindi pwede. Delikado lumabas." agad na pagpigil ni Sofia.

Mabilis naglaho ang saya sa mukha ni Kiko at napalitan ng lungkot. Maging ako'y nalungkot din dahil hindi niya dapat nararanasan ang makulong sa loob ng bahay.

"Huwag kang mag-alala, apo. Bukas ng umaga'y pupunta tayo sa tabing ilog." bawi ni Nanay Juana.

Nagkakulay ang mukha ni Kiko dahil sa narinig. "Talaga po?"

Nakangiting tumango si Nanay Juana bilang sagot.

"Ms. Carina, maiwan ko na muna po kayo. Tutulong lang ako sa pagluto para sa hapunan natin mamaya." tinig ni Emilia.

"Sige. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap."

"Samahan na kita," habol ni Nanay Juana. "Isasama ko na si Kiko, Piyang."

Tumango lang si Sofia bilang sagot.

Nang tuluyan silang makalabas ng kwarto'y mabilis na bumalot ang katahimikan sa 'ming dalawang ni Sofia. Hindi naman ito ang unang beses na naiwan kami sa iisang kwarto pero bakit pakiramdam ko parang ang bigat ng paligid.

Upang makahinga ng maluwag ay naglakad ako patungo sa bintana. Malaya kong sinilip ang kalagayan sa labas. Sobrang sikip sa dibdib makita na nagmistulang haunted ang buong paligid. Walang mga tao na dati'y namamasyal tuwing hapon upang makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko namuhay ako sa sinaunang panahon kung kailan ginanap ang World War II.

"Ano'ng pakiramdam makita ang nakakalungkot na eksenang 'yan gayong alam mo na isa kang anak ng makapangyarihang tao?" tanong ni Sofia.

"Kahit anak pa ako ng presidente ng Pilipinas, hindi tayo nagkakalayo ng nararamdaman." tugon ko, nananatili pa ring malayo ang tingin sa labas.

"Masaya ako na kasama ka namin sa labang ito, Ms. Carina. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nahulog sa'yo si Jose."

Sa pagkakataong 'yon ay nilingon ko na siya. Naabutan kong hawak niya ang picture frame sa ibabaw ng study table ni Jose. Nakatitig siya ro'n habang malawak na nakangiti. "Masasabi kong malaki na ang pinagbago ni Jose simula no'ng—"

"—simula no'ng iwan mo siya?" dugtong ko.

Napunta sa akin ang mata niya. Naging seryoso ang kanyang mukha ngunit ramdam kong may halo itong lungkot. Para bang muli na namang sumagi sa isip niya ang isang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan.

"Hanggang ngayon gano'n pa rin ang iniisip niya?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Madilim at malungkot ang mundo ni Jose dahil iniwan mo siya noon."

"Iniwan? Kahit kailan hindi ko siya iniwan."

Hindi ko alam pero gusto kong matawa. Kitang-kita ko kung gaano kalaki ang epekto kay Jose ang nakaraan nilang dalawa tapos sasabihin niya sa'kin na hindi niya ito iniwan?

"Alam kong wala nang saysay pa kung pag-uusapan natin 'to ngunit hindi mo naman kailangan pang magtago sa 'kin. Alam kong may nakaraan kayo ni Jose." wika ko.

Ibinaba niya ang tingin sa mukha ni Jose na nasa picture frame. Marahan niya itong hinaplos na para bang inaalala niya ang isang bahagi ng nakaraan nilang dalawa. Alam kong hindi na dapat ako nakakaramdam ng selos pero.... hindi ko talaga maiwasan.

"Bata pa si Jose nang maging magkaibigan kami. Ako ang nagsilbing ate at kaibigan na lagi niyang takbuhan. Kasama niya ako sa lahat ng kanyang kalokohan at kalungkutan. Kahit kailan hindi ako nawala sa tabi niya.." kwento niya. Nanatili akong tahimik upang abangan ang susunod niyang sasabihin. "At habang lumalalim ang pagkakaibigan namin, unti-unti kong nakikita ang pagbabago sa kanya. Sa pagkakataong 'yon, ramdam kong mas malalim ang nararamdaman niya kaysa sa'kin."

Umalingawngaw ang mga katagang 'yon sa sistema ko. Hindi ko akalain na kahit hindi ako kumportableng marinig ang lahat nang ito'y pilit pa ring ginugusto ng tenga ko sundan ang kwento.

"Masayahin at maginoo si Jose. Kahit kaila'y hindi maiaalis ang pagiging palangiti ng kanyang labi at pagiging magiliw makisama. Ngunit kahit marami akong rason para mahulog sa kanya, pinili pa rin ng puso ko ang pagkakaibigan na mayroon kami."

"Bakit?" tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa'kin at pilit na ngumiti. "Dahil alam kong hindi kami magtatagal sa gano'ng relasyon. Bata pa si Jose noon at sigurado akong hindi niya alam ang tunay na kahulugan ng nararamdaman niya."

Hindi ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko'y parang pinunit ang dibdib ko. Wala siyang alam kung paano nawala ang sigla ni Jose simula nang mawala siya. Saksi ako sa Jose na nagbago dahil 'yon ang una kong nakilala.

"Bakit ba natin 'to pinag-uusapan?" aniya bago tumawa ng mahina. "Sigurado akong nabubulunan na si Jose ngayon dahil pinag-uusapan natin siya."

"Kahit kaunti ba talaga'y hindi ka nagkagusto sa kanya?" pananatili ko sa usapin namin.

Ngumiti siya na tila ba'y inasahan na niya ang tanong na 'yon. Marahan niyang binalik ang picture frame sa study table at naglakad palapit sa akin. "Nabalitaan ko na inalam mo ang istorya ng buhay ko no'ng hinahanap mo ako. Hindi pa ba sapat ang mga impormasyong nalaman mo para masagot ang katanungan mo?"

Bigla kong naalala ang mga kwento ni Aling Salve patungkol kay Sofia at sa taong minamahal nito na si Joaquin Alejos, ang nakatatandang kapatid ni Jose. Ang ibig sabihin ba nito'y tapat ang pagmamahal ni Sofia kay Joaquin at talagang kaibigan lang ang turing niya kay Jose?

"May ipapakita ako sa 'yo," aniya pa bago nagtungo papunta sa ilalim ng kama upang kunin ang isang bagay na hindi ko mawari.

Nang ilabas niya ito'y tumambad sa akin ang isang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos. Nababalutan ito ng alikabok na marahan niyang hinawi. Pinatong niya ito sa kama kaya naglakad ako palapit sa kanya. Pinagmasdan kong maigi ang kabuoan ng kahon kung saan nakita ko ang animo'y sulat-kamay ng isang bata.

"Hindi alam ni Jose na alam kong tinago niya ang kahong ito." natatawang sambit ni Sofia.

"Ano ba ang laman ng kahong 'yan?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Binuksan lang niya sa harap ko ang kahon kung saan naglalaman 'yon ng mga gamit na pambata. "Kanino ang mga 'yan?"

"Sa akin at kay Jose." sagot niya.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa laman ng kahon hanggang sa matamaan ng paningin ko ang litrato ng isang batang lalaki at batang babae. Alam kong si Jose ang batang lalaki na nasa litrato at malakas ang kutob kong si Sofia naman ang kasama niya.

"Bakit mo pinapakita sa akin ang mga 'to?" tanong ko.

"Dahil alam kong matagal na itong gumugulo sa isip mo," sambit niya. "Sino ba ako sa buhay ni Jose? Paano kami nagkakilala? Paano nagsimula ang lahat? Kailan ako pumasok sa buhay niya? Ano'ng nangyari sa aming dalawa?" dagdag pa niya na para bang nabasa niya ang laman ng isip ko.

Dinampot niya ang litrato at ibinigay ito sa akin. "Magkaklase kami ni Joaquin simula elementary hanggang highschool. Naging magkaibigan kami hanggang sa mahulog ako sa kanya. Dahil doon ay ginawa ko ang lahat upang magustuhan niya rin ako. Noong pinakilala niya ako bilang kaibigan kina Nanay Juana at sa kanyang mga kapatid, sinubukan kong maging malapit sa kanila. Hindi naman ako nabigo dahil naging malapit kaming magkaibigan ni Jose. Siya ang unang kapamilya ni Joaquin na naging kaibigan ko."

Nakikinig lang ako sa kanya habang nakatitig sa litratong hawak ko. "Naging mas malapit kaming magkaibigan ni Jose hanggang sa umamin siya sa akin tungkol sa tunay niyang nararamdaman. Hindi ako nakapagsalita ngunit inasahan ko na 'yon. Nasaktan ko siya noong sinabi ko sa kanya na nobyo ko na ang kapatid niya."

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Napangiti ako dahil pakiramdam ko'y nakahinga ako ng maluwag. Mas lalo kong napatunayan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo kong ginusto na maging parte ng buhay niya at manatili sa tabi niya.

"Salamat, Sofia." wika ko.

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "May tiwala ako na hinding-hindi mo sasaktan si Jose."

Lumipas ang ilang oras hanggang sa lumubog na ang araw. Buong araw ko na naman hindi nakita si Jose.

"Kain na tayo!" sigaw ni Nanay Juana mula sa kusina.

Nagtungo kaming lahat papunta sa hapag-kainan. Hindi ko na nagawang umupo dahil nawalan ako ng pwesto. Sobrang dami ng tao kaya ang iba'y kanya-kanya na lang ng kuha ng pagkain at hanap ng pwesto sa paligid ng bahay.

"Miss, oh," tinig ng isang lalaki na agad hinanap ng aking paningin. May hawak siyang isang plato ng kanin at ulam. "Huwag kang mag-alala, walang lason 'yan." biro pa niya.

Tinanggap ko ang pagkain at bahagyang ngumiti. "Salamat."

Ngumiti lang siya bago kinain ang kanyang pagkain na tanging kamay lang ang gamit. Napatingin ako sa plato ko na may kutsara at tinidor na plastic.

"Hindi ka ba kumakain niyan? Nako! Hindi ka mabubuhay rito." komento niya nang mapansing hindi ko ginagalaw ang aking pagkain.

"Bakit wala kang kutsara't tinidor?" tanong ko.

Tumawa siya. "Kailangan ba may rason pa yun?"

Umiling na lang ako.

"Ah, teka! Sasamahan kitang kumain sa may hardin. May patungan doon na semento sa gilid ng mga halaman para hindi ka mahirapang kumain." wika pa niya. Hindi na ako tumanggi. Mas malaya akong makakakain kung maipwepwesto ko ng maayos ang plato ko sa patungan.

Pagdating namin sa hardin ay marami pa rin ang tao. Kanya-kanya silang diskarte kung paano kakain at pakakainin ang mga batang umiiyak at matatandang mahina na.

"Alam mo, ilang araw na kitang nakikita rito sa loob ng bahay ni Nanay Juana at pansin ko na anak mayaman ka. Ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'to?" tanong niya. Umayos ako ng upo sa damuhan at hindi siya pinansin. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. "Ah, alam ko na. Dahil sa nobyo mong sundalo, 'no?"

Sa puntong 'yon ay napatingin na ako sa kanya. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to?

"O, teka teka! Huwag kang mainis sa 'kin. Nakikipagkwentuhan lang ako. Hehe." depensa pa niya.

Tumikhim ako at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Kilala mo ba ako?"

Umiling siya. "Hindi. E ikaw, kilala mo ba ako?"

Tumaas ang kilay ko. "Hindi. Sino ka ba?"

Umayos siya ng upo at mabilis na pinunasan ang kamay niyang may pagkain. Inilahad niya ito sa 'kin ng may malawak na ngiti sa labi. "Ako si Ben. Taga San Rafael talaga ako pero hindi na ako nakauwi galing sa bakasyon ko rito sa San Jose dahil nabalitaan ko ang pagsabog ng isang iskwelahan doon."

Ngumiti lang ako at hindi nag-abalang abutin ang kamay niyang nasa ere. Nakaramdam yata siya ng ngalay kaya binaba na lang niya ito. "Sorry. Nakalimutan kong anak ka pala ng mayaman kaya ayaw mo sa maduming kamay."

"Paano ka naman nakasisiguro na anak ako ng mayaman kung hindi mo naman ako kilala?"

"Madali lang mabasa ang isang tao kung mayaman siya o hindi. Bakit, mali ba ako?"

Hindi na lang ako nagsalita. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa nauna siyang matapos kumain.

"Una ka na sa loob. Mabagal ako kumain." sambit ko nang mapansing hindi pa siya umaalis sa tabi ko.

"Hindi na. Hihintayin na kita." Hindi na ako nagsalita. Binilisan ko na lang ang pagkain ko hanggang sa matapos.

Akmang papasok na kami sa loob nang biglang may huminto na armored vehicle sa tapat ng bahay. Mabilis gumapang ang kaba sa dibdib ko lalo na nang nagmadaling bumaba ang mga sundalo.

"Umalis na kayong lahat dito habang may oras pa. Mas lalong malalagay sa panganib ang mga buhay niyo kung hindi pa kayo aalis!" may awtoridad na utos ng isang sundalo.

"Paano ang mga bahay at lupa namin?" tanong ng isang matandang babae.

"Oo nga! Paano ang mga hanap-buhay namin kung aalis kami?!" dagdag pa ng isang matandang lalaki.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ng sundalo na tila nagpipigil ng galit. "Buhay ninyo ang nakasalalay rito! Mas mahalaga pa ba ang mga iiwan niyo kaysa sa mga buhay niyo?"

Napatingin ako kay Ben nang marinig ang paglukot niya sa kartong plato na hawak niya. Mabilis kong nabasa ang galit sa kanyang mga mata dahil sa narinig. "Wala naman silang alam kung ano'ng pakiramdam maging mahirap. Ang dali-dali sabihin para sa kanila na pabayaan ang mga pinundar namin dahil hindi naman nila naranasan mamuhay gaya namin." rinig kong bulong niya.

"Sumunod na lang kayo sa utos!" wika pa ng isang sundalo.

Naging maingay ang paligid nang biglang hagisan ng isang lalaki ng malaking bato ang sundalo. "Umalis na kayo! Dito lang kami!"

Sa isang iglap lang, naging magulo ang lahat. Naramdaman ko na lang na wala na si Ben sa tabi ko at hila-hila na ako ngayon ni Sofia palayo sa gulo. Bago pa kami tuluyang makaiwas ay tila nabingi ako nang marinig ng malakas na putok ng baril. Paglingon ko'y nakita ko si Ben na pinipigilan ang pagdaloy ng kanyang dugo mula sa tagiliran. Naaninag ko agad si Calista na mabilis dinaluhan si Ben at inalalayang maglakad palabas ng gate.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Lost Stars بواسطة Eros

قصص المراهقين

11.7K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...
84.2K 1.9K 53
Dark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so comp...
29.8K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
4.6K 51 83
This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get tired of looking at what's happening up...