A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Fifteen

19K 594 221
By littlemissselle

Naiinis ako dahil sa lahat ng klase sa PE, dito pa siya sa klase namin napunta. Classmate ko rin siya sa ilang major subjects, irreg kasi siya.

Mukhang napalakas ang hampas ko sa shuttlecock at 'di ko naman sinasadyang tumama 'yon sa mukha ng kalaban ko.

"Aray naman 'te, hindi ako si Deign utang na loob," reklamo niya pagkalapit ko sa kaniya.

Lagi naman kasi nilang napapansin ang pag-aaway namin ni Deign eh. Yeah, finally nalaman ko rin ang buo niyang pangalan, Deign Albert Sison.

"Sorry na." Matapos ang ilang minuto na patawaran eh nagpatuloy na kami sa activity. Random kasi ang pagpili ni Sir ng magiging partner eh pasalamat na lang ako at hindi niya kami napag-trip-an na ipag-pair ni Deign.

Natigilan kami nang marinig namin ang pagsigaw ng isa naming kaklase na babae, napalingon ako kaya hindi ko napansin ang tira ng ka-partner ko at tinamaan ako sa ulo, buti na lang hindi malakas baka ma-tanga ako eh. Nakita ko ang isa naming kaklase na na-sprain ata, ka-partner siya ni Deign, agad naman siyang nilapitan nito at inalalayan. Kita ko pa ang pag-aalala niya, tss.

Binuhat niya ito para dalhin sa clinic. Dumaan sila sa harap ko at pinaringgan siya.

"Chumachancing ka lang eh." I crossed my arms.

He gave me a look. "Concern lang ako."

I brushed it off at pinulot na lang ang shuttlecock at nakipaglaro na ulit. Nagmamadali naman siyang dalhin ang babaeng 'yon sa clinic. Tss, concern your ass.

"Heh! Ayaw na kita kalaro, brutal ka!" At iniwan ako ng ka-partner ko. Bruhang 'yon!

Habang nakasimangot akong umupo sa bleachers eh siyempre nag-chismisan kami ng mga kaibigan ko.

Siniko ako ni Zoe. "Parang hindi naman si Deign 'yung chumancing, siya pa nga ata na-chancing-an."

My eyebrows furrowed. "Huh?"

"Tanya and I took a picture of them." She handed me her phone. Wala naman akong nakikitang kakaiba bukod sa buhat-buhat niya ang kaklase namin. "You see?"

I shook my head. "I see nothing wrong except that he wants people to see him as the knight in shining armor type of guy."

Inabutan kami ni Tanya ng tubig at umupo sa kanan ko. "Ang gentleman ni Deign, 'no?" And we didn't mind her.

Zinoom niya ang litrato. "Ayan oh, ang hawak naman ni Ate sa braso niya oh, bet na bet!"

I laughed. "Mas natatawa ako sa'yo Zoe eh."

Tumayo siya sa tapat namin. "So ayan ang operation natin, magka-lovelife si Tanya!" She grinned.

We both screamed, "What?"

"Isang bingi, isang kunwari hindi makapaniwala pero gusto rin naman." She snapped her fingers like what a professor does when students don't answer the question. "Siyempre tayo luma-lovelife dapat si Tanya rin. So ano, type mo si Deign 'di ba? Gentleman siya 'di ba? Gwapo siya 'di ba?"

Tanya rolled her eyes. "Yeah sinabi kong gentleman at gwapo siya pero that doesn't mean gusto ko siya."

Zoe brushed her off. "I am not asking for your explanation." Tanya shot her a what-the-fuck look. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip nitong babaeng 'to ngayon pero basta ang alam ko hindi ako natutuwa sa idea niya. Hindi maganda ang idea na 'yon.

"Not a good one, Zoe." She gave me a pleading look to take back what I just have said. "I don't think bagay sila. Parang walang sparks eh."

Sinara niya bottled water na ininuman niya. "Siyempre siya dapat ang makaramdam ng sparks, duh."

"Hanap mo 'ko ng iba, 'wag si Deign." Tanya answered with a sly smile.

Inuga ni Zoe ang braso niya. "Bakit? Siya ba ang may mali o ikaw? I'm sure ikaw." Nababaliw na si Zoe, ano ba naman 'yan.

"It's just that gentleman at sweet sa kahit na kanino si Deign, ayoko ng gano'n. Kung may gugustuhin man ako, 'yung sa akin lang siya sweet, kasi ayokong maraming ma-fall sa kaniya." She explained.

Well, she got a point there. Kung ako siya, gano'n din ang iisipin ko. Baka rin kasi 'pag sweet sa iba ang magiging boyfriend ko, marami lang akong pagselosan at maging kaagaw. Ayoko rin 'yung nagmu-mukha siyang pa-fall o paasa. Okay na 'yung ikaw lang ang umaasa sa kaniya dahil alam mong, ikaw, may assurance ka sa kaniya.

When we, my twin and I, got home, I ate dinner as fast as I could to finish my friggin' assignments. Ugh. Ayaw ko mapuyat masiyado, kawawa ang beauty ko.

Kaharap ko ang laptop ko ngayon while typing my paper when my phone rang. Bakit kung kailan busy ka tsaka may manggugulo? Nang tignan ko ang screen, unregistered number naman.

"Hi, who's this?" I asked politely.

"Your sweetest nightmare."

I rolled my eyes upon recognizing his voice. "What do you want Deign?"

"Ah gusto ko ng Pinakbet ngayon 'yung may alamang ah."

"Busy ako. Kung wala kang magawa sa buhay, 'wag ako ang idamay mo. Atsaka kanino mo nakuha number ko?"

I heard him chuckle. Bakit ba natutuwa siyang naiinis ako sa kaniya? "Madali lang naman alamin number mo. Nga pala, nagawa mo na 'yung sa Management?"

"Hindi pa." I lied.

"Eh 'yung sa Philo?"

"Hindi pa." I lied.

"Weh, eh 'yung sa ParCor?"

"Hindi pa." Again, I lied.

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa at nairita ako. "Wala naman talaga tayong homework do'n eh." Ano bang nakain nitong taong 'to? O baka naman nalipasan ng gutom?

Bababaan ko na sana siya pero nagsalita siya ulit. "Sige, naistorbo na ata kita. Bye Gianina." He ended the call. Hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa pangalan ko. Tinatawag lang naman akong Gianina 'pag galit na si Kuya o ang magulang ko atsaka 'pag prof. Madalas Gia na lang ang tawag sa akin.

I saved his number at ang nilagay kong pangalan niya ay 'A-hole' kaya ayan, siya pa tuloy ang unang-una sa contacts ko, bwiset.

Malapit na ako matapos sa lahat ng homework nang tumunog nanaman ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan ang screen at pagalit na sinagot ito.

"Ano ba naman Deign, marami tayong homework, gumawa ka ng iyo at 'wag ako ang istorbohin mo!"

But I was stunned to hear a different voice. "Busy ka ba, sorry."

"Ah Gavin, no! Ano kasi... may kaklase ako, ang kulit eh tanong nang tanong parang 'di estudyante."

"Baka naiistorbo kita?"

"'Di ah, kailan ka ba naging istorbo sa'kin?" I beamed.

Kaya ayan, nag-kwentuhan kami buong gabi. He told me about the storyline of the teleserye, spoiler masiyado ang isang 'to eh.

"May kissing scene ba kayo?" I asked. Hindi naman ako nahihiyang itanong sa kaniya 'yan, I am too comfortable with him.

"Hmm, so far wala pa naman akong nababasang gano'n sa script. Bakit... ayaw mo bang gawin ko 'yon?"

I pouted. So pa'no kung meron pala? Pa'no kung sa ending pala ng palabas 'yon? Kaya ko na ba siya panuoring may hinahalikang ibang babae? Alam ko namang trabaho lang eh pero kasi iniisip ko pa nga lang nalulungkot na ako eh. So kung maging kami na, mas maraming gano'ng eksena pa ang titiisin ko? Pa'no kung umabot sa point na may love scene? Shit, kaya ko ba panuorin 'yon?

"Ano ka ba, I understand the field you're into. Maiintindihan ko naman na ginagawa mo 'yon for work eh and I-..."

"Will you get hurt? Will you be jealous?"

Nag-isip muna ako bago sumagot. Ang turo sa akin ni Mama dapat laging iniisip ko muna ang mga bagay-bagay. Kung magseselos at magagalit ako sa kaniya dahil sa trabaho niyang 'yon hindi ba parang ang babaw ko naman. Atsaka, mahal ko siya eh at alam kong mahal niya rin ang trabaho niya at maski 'yon kasama sa minamahal ko sa kaniya. Hinangaan ko siya sa field na 'to and I will continue being a fan.

"Maybe a little but..."

"Just a little?" There's a bit of tease on his tone. Oh come on, he's playing with me huh?

"No. I've changed my mind. I won't get hurt, I won't get jealous. I won't get mad." Sinave ko na ang ginawa kong homework na unti-unti ko ring natapos.

"Now, I'm bothered. Basted na ba ako Gia? 'Wag naman gano'n."

I chuckled. Ang cute-cute talaga niya! "I won't feel any of those because I trust you." Ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa siya sumasagot. "Uh, Gavin?"

"You made me wanna go to your house and hug you."

Iba eh, iba talaga eh, kinikilig talaga ako eh! "You can't be serious."

"I am. Can you wait for a few minutes?" I nodded even though I am not visible to him.

Pero alam kong hindi niya magagawa 'yon baka nga mino-monitor nanaman siya ni Quinta eh, epal talaga kahit kailan ang inggiterang 'yon! Hmp. Feeling ko, mainit ang dugo niya sa'kin kasi ang ganda-ganda ko.

Bumaba ako para kumain ng kung anong makutkot dahil ginutom ako bigla. Ngayon ko naramdaman na konti lang ang nakain ko kanina sa kakamadali. Si Gavin kasi eh, pinapakilig ako, asar.

Umiinom ako ng gatas nang may biglang bumusina sa labas ng bahay. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko dahil sa gulat.

Hindi naman siguro seryoso si Gavin sa sinabi niya ano? Nagmamadali akong lumabas ng bahay, pagkabukas ko ng gate, nakita ko ang kotse niya at agad siyang bumaba para salubungin ako ng mahigpit na yakap.

Tinapik ko ang likod niya at inakap na rin siya pabalik. "Baliw ka, sineryoso mo palang pupunta ka."

"Thank you."

"For what?"

He tightened his hug. "For trusting me, I won't break your trust Gia. I promise."

Once again, this guy made me the happiest girl at this moment. May mga bagay kasi talaga na simple lang para sa kaniya pero sobra-sobrang napapasaya na niya ako. Ito nga lang pagpunta niya dito imbes na magpahinga na at pagod siya sa trabaho eh masaya na ako. 'Yung malaman pa kayang binibigyan niya ako ng assurance na wala siyang gagawin para masaktan ako, para hindi ako magselos o umiyak?

Gavin, you're such a one in a million. I don't regret idolizing you. I won't regret being your friend. I will never regret loving you.

Inspired na inspired tuloy ako mag-aral kasi siyempre nakakahiya naman kung 'yung babaeng nililigawan-slash-future-girlfriend ni Gavin na sobrang sikat ngayon eh anga-anga 'di ba? Ayoko rin namang maging kahiya-hiya. I want to be someone he could be proud of.

Nakikinig at nililista ko talaga ang mga importanteng dinidiscuss ng prof. Tahimik naman ang mga kaibigan ko at parehas kami ng katabi kong nakikinig ng mabuti sa prof, si Deign, 'di ko siya tinabihan, siya ang tumabi sa akin.

Our professor asked about the difference between definiendum and definiens which is already stuck in my head so I proudly gave her the answer. Afterwards, a bitchy witch, named Indi, looked back at me. I almost forgot that she's my classmate in this minor subject.

"Ang pasikat mo," she retorted.

"Iba 'yon sa nag-aral mabuti." I grinned. Minsan talaga may magandang nadudulot ang pag-aaral eh, natatalo ko kasi siya.

"Tss. That won't make you cool." Umayos na siya ng upo at humarap na ulit sa whiteboard.

Indi will never get tired of saying things to me and I will never get tired of talking back. Ewan ko ba diyan, masiyadong mainit ang dugo sa akin, ang ganda ko ba masiyado? Joke lang. (Jokes are half-meant)

Napansin ko na lang na tamad na pumipilas ng maliliit na piraso ng papel si Deign at binabato sa buhok ni Indi at hindi naman niya ito napapansin dahil sa gaan ng bagay na iyon.

Natawa ako at tinignan itong siraulong 'to. "Ang mean mo," bulong ko.

Hindi niya ako tinignan pero sumagot siya. "Mean din siya sa'yo eh."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at nag-focus na ulit sa klase. In-announce na ni Miss na magkakaroon kami ng group project, we should come up with a short film with the theme: Silence. Pagkasabi na pagkasabi ng prof na mag-form kami ng group with six members, lahat kami napatingin sa biglang pagtayo ni Deign.

"Ka-group ko si Gianina ma'am ah!" He announced while raising his right hand and beaming.

Nakakahiya ka Deign. Nakakahiya talaga.

***

HAPPY HALLOWEEN! :))

Continue Reading

You'll Also Like

1K 38 6
One of the child of the famous diagnostician doctors in the country. Alyx Tiel Gabriel Mendoza want to make a new career for himself. By starting it...
29.2K 63 2
Life was never been easy for Anaya Grenice Soriano, at a young age, her life turned upside down when her parents died, the happiness she's been feeli...
145K 1.6K 37
"Kung pananagutan molang ako dahil nabuntis moku wag munang ituloy, Dahil pareho lang tayong masasaktan, Ikukulong mo yung sarili mo sakin dahil nabu...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞